Home / Romance / Lover ko si Bespren / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Lover ko si Bespren: Chapter 111 - Chapter 120

174 Chapters

Chapter One Hundred Eleven 

NAPAHINTO sa paghakbang si Mimi nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Nang makita niya si Alfred, hindi niya mapagdesisyunan kung siya ba'y kakabahan o kikiligin. Gayunman, nakahinga siya nang maluwag dahil ito ang kanyang nakita. Talaga kasing grabeng takot ang itinanim ni Red sa kanyang dibdib. Kahit sa harapan niya ay nagpapakita ito ng kabutihan, alam niyang may itinatago itong kasamaan. Kumakawala nga iyon kapag hindi niya nasusunod ang gusto nito. Tapos nagawa pa niyang ma-imagine ang hirap na pinagdaanan ng Ate Nicole niya sa kamay nito. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya talaga napigilan ang labis na magsisi dahil nakilala pa niya ito. Ngunit, may palagay siyang sinadya talaga ni Red na magsalubong ang kanilang landas. Sa pamamagitan nu'n ay madali itong makakapasok sa kanyang buhay. “M-may kailangan ka?” Ngumiti muna ito sa kanya bago sumagot. “Mayroon.”&ldq
last updateLast Updated : 2021-12-11
Read more

Chapter One Hundred Twelve 

HINDI malaman ni Hannah kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman sa pagkakaharap nilang iyon ni Nicole. Ngunit hindi niya maiwasan ang magtaka nang makita siyang may mga kasama si Nicole. "Kapatid ko, si Mimi at ang boyfriend niya," wika ni Nicole na sa kanya nakatingin. Bahagya lang nitong sinulyapan si Gray pero nasisiguro niyang kung wala lang siya roon ay tititigan nito ng husto si GB. Kaya, nang umingos siya ay nakita pa niya ang pagngisi ng boyfriend ng kapatid ni Nicole na si Mimi. "Alfred," pakilala nito sa sarili. "Mas magandang mag-usap kapag nakaupo," wika ni GB. Magtatagal ba kayo? Gusto sana niyang itanong kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Hindi rin naman kasi dapat na lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. Alam niyang magiging bastos siya kapag ginawa niya iyon. "Pinatay ang girlfriend ng Ate Abi ko," diretsahang sabi ni Mimi habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Gray.&nbs
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more

Chapter One Hundred Thirteen

 "WHAT?" Hindi makapaniwalang sabi ni Silver. Pagkatapos ay umiling siya. "Baka naman kamukha lang ni Blue iyon. Matagal na tayong walang balita sa kanya. Sa kanilang mag-ina."Dose anyos na siya noon pero malinaw pa rin sa kanyang alaala ang pagtataboy na ginawa ng kanyang mga magulang sa mag-inang Adeling at Blue. Ewan nga lang niya kung alam ng lolo ni Gray ang tungkol dito. Kahit naman kasi nasa iisang bayan lamang sila ay may kanya-kanya rin silang buhay. Saka, sinikap talaga ng ina niya na huwag ipaalam sa lahat ang nangyari dahil magiging katawa-tawa ang kanilang pamilya. Nang una ay inakala niyang pinsan lang niya si Blue pero hindi pala, kapatid niya ito. Nagkataon lang talaga na malaki ang pagkakahawig ni Blue sa kanyang Lolo Luciano kaya inakala nilang anak ito ng kanyang Tito Marco na ilang taon ng pumanaw nu’ng oras na ‘yun.  “Nagkataon lang na magkapangalan at magkamukha sila, ganoon ba?” sarkas
last updateLast Updated : 2021-12-13
Read more

Chapter One Hundred Fourteen 

HINDI tiyak ni Nicole kung tama ba ang desisyon niya pero minabuti niyang sabihin kina Gray at Hannah ang sinabi ni Blue. Hindi na niya kaya pang traydorin ang mga ito. Isa pa'y hindi rin siya nakasisigurado kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang mga salita ni Blue. Siyempre hindi, mariing sabi ng kanyang utak. Ang masasamang tao ay hindi dapat pagkatiwalaan. Mas malaki pa ang posibilidad na mapahamak ang kanyang kapatid at maging siya. Isa pa'y wala siyang talino at kakayahan na malabanan ang kasamaan ni Blue. Hindi rin niya gugustuhing mapahamak si Hannah kung siya ay magiging pabigla-bigla. Utak kriminal na si Blue kaya't sigurado siyang kapag nakuha na nito si Hannah, hindi niya tiyak kung bubuhayin pa ba silang magkapatid. Kaya, maigi na talagang maghagilap ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan. At tiyak niyang ang mag-asawang Gray at Hannah ang makakatulong talaga sa kanya. 
last updateLast Updated : 2021-12-15
Read more

Chapter One Hundred Fifteen 

"HANNAH…." Hindi na nagawang ituloy ni GB ang sasabihin nito dahil minabuti niyang patahimikin ito. Alam ni Hannah na tututulan ni GB ang kanyang balak kaya naman inangkin na niya ang labi nito, buong alab. Mahal niya si GB. Kailangan niya si GB. Ngunit, kailangan din niya ng katahimikan. Hindi mangyayari iyon kung mayroong pang stalker na laging nakabuntot sa kanya. Hindi siya naniniwalang mahal siya ng Blue na iyon, mas gusto niyang paniwalaan na ibig lang nitong saktan siya. Kung anong dahilan, ibig niya iyong alamin. At hindi niya malalaman ang sagot kung hindi niya ito haharapin. Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni GB nang iwanan niya ang labi nito. Napangiti naman siya dahil muli na naman niyang napatunayan ang pagmamahal sa kanya ni GB. Napakainit ng pagtugon nito sa kanyang halik kaya hanggang sa kasalukuyan ay pinagsisihan niyang pinagdudahan niya ito."Suportahan mo na lang ako sa desisyo
last updateLast Updated : 2021-12-16
Read more

Chapter One Hundred Sixteen (SPG) 

KAHIT naman buo na ang kanyang desisyon, hindi pa rin maiwasan ni Hannah na makaramdam ng takot, alam niya kasing hindi rin basta-basta ang Blue na iyon. Gayunman, kailangan niya iyong ipagkaila kay GB. Tiyak kasi niyang magiging desidido lang itong awatin siya sa kanyang gagawin. Siyempre, hindi iyon dapat. “Huwag ka na mag-alala, okay? Kaya ko ang sarili ko,” mayabang niyang sabi saka ngumiti ng sobrang tamis. May pagkakataon talagang kailangan niyang itago kay GB ang tunay na nararamdaman.Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni GB bago sinabi ng buong pagkairita ang mga katagang, “Ang tigas talaga ng ulo mo.”“Bakit hindi na lang natin ituloy ang sinimulan ko?” mapanukso niyang tanong. Awtomatikong lumambot ang hitsura ni GB kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Sa tingin niya ay hindi pa nakaka-recover ang pinakamamahal na asawa sa kanyang suhestiyon kaya naman, hindi niya napigilan ang sariling g
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Chapter One Hundred Seventeen

 KAHIT na sobrang nag-aalala si Nicole kay Abi, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng inggit kay Hannah. Hindi kasi siya bulag at lalong hindi siya nagbubulag-bulagan kaya kita niya kung gaano kamahal ni Gray ang asawa. Kung magagawa nga niya itong sukatin ay baka lumampas pa sa langit. Dahil nga naniniwala siya noon sa fairytale ay umasam talaga siya na mayroon siyang Prince Charming. Kaya lang may pagkakataon na masasabi niyang isa na lang itong kalokohan dahil ang ama niya mismo ay hindi niya masasabing lalaki na dapat tingalain. Hanggang sa makilala niya si Gray. Unang tingin pa lang niya ay isa na itong prinsepe. Hindi lang dahil sa kaguwapuhan nito, pati na rin sa kilos at pananalita. Inasam niya na si Gray ay para sa kanya. Kaya lang hindi nangyari iyon. Sa umpisa pa lang
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

Chapter One Hundred Eighteen 

NAISIP niyang kahit pala gaano mo pinagnanasaan ang isang tao, darating din ang araw na makakaramdam ka ng pagkauyam sa kanya. Nagagawa niyang sumimangot habang pinagmamasdan niya si Abi. Ibig sabihin, pinagsawaan na niya ito. Humagalpak siya sa kaisipang iyon. Paano ba naman niya ito hindi pagsasawaan kung one to sawa ang pagtikim na ginagawa niya sa katawan nito sa loob ng limang araw. Kaya, kung pagmamasdan niya ito ngayon ay parang tuyot na tuyot na. "Mahal ka ba talaga ng kapatid mo?" Nagdududang tanong niya makaraan ang mahabang sandali. Sabi nga niya kay Nicole ay binigyan niya ito ng ilang araw para makapag-isip ng plano kung paano nito maisasama si Hannah at ngayon nga'y ikalawang araw na buhat ng sabihin niya iyon. "Pawalan mo na kasi ako," mahinang sabi ni Abi. Puno ng pakiusap ang boses. 
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

Chapter One Hundred Nineteen 

MAHAL ako ng mga kapatid ko! Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Abi sa kanyang sarili  Kung hindi niya kasi ipapaalala ang mga salitang iyon, siguradong pati siya ay magdududa na. Kung tutuusin  kas'y hindi naman siya close sa kanyang mga kapatid. Ngayon lang. Nag-reach out na kasi siya sa mga ito. Ang dahilan, naisip niyang iyon ang dapat niyang gawin. Hindi niya kasi akalain na may masakit na pinagdaraanan ang Ate Nicole niya. Ginahasa ito ni Blue!Bigla nga siyang na-guilty nang mga oras na iyon dahil kahit na may masakit na pinagdaraanan ang nakatatandang kapatid, ginagawa pa rin nito ang responsibilidad nito bilang ate. At dahil nga feeling kuya siya, gusto niyanb protektahan ang kanyang mga kapatid sa tulad ni Blue. Kaya lang sa ngayon, siya dapat ang protektahan. Napasiksik
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

Chapter One Hundred  Twenty 

MINSAN mang pinagselosan ni Hannah si Nicole, hindi sapat na dahilan iyon para di siya makaramdam ng matinding awa rito. Nanginginig ang buong katawan nito habang nakikipag-usap kay Blue. Hindi man niya narinig ang sinasabi ni Blue, alam niyang may kinalaman iyon sa kapatid nitong si Abi. Kung hindi niya nararamdaman ang yakap ni GB, malamang, napaiyak na rin siya. Kahit wala naman siyang kasalanan, hindi niya mapigilan ang ma-guilty. Alam niya kasingsiya ang dahilan kung bakit iyon nangyari sa kapatid ni Nicole. Pakiramdam tuloy niya'y hindi sapat ang tulong na nagawa niya sa pamilya ni Nicole.Oo nga alam niyang kahit papaano ay magagawa niya itong protektahan lalo pa't nagtalaga sila ng security para sa kanilang compound, pero may kapamilya pa ring napahamak si Nicole. Pakiramdam niya tuloy ay
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
18
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status