MAHAL ako ng mga kapatid ko! Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Abi sa kanyang sarili Kung hindi niya kasi ipapaalala ang mga salitang iyon, siguradong pati siya ay magdududa na.
Kung tutuusin kas'y hindi naman siya close sa kanyang mga kapatid. Ngayon lang. Nag-reach out na kasi siya sa mga ito. Ang dahilan, naisip niyang iyon ang dapat niyang gawin. Hindi niya kasi akalain na may masakit na pinagdaraanan ang Ate Nicole niya.
Ginahasa ito ni Blue!
Bigla nga siyang na-guilty nang mga oras na iyon dahil kahit na may masakit na pinagdaraanan ang nakatatandang kapatid, ginagawa pa rin nito ang responsibilidad nito bilang ate. At dahil nga feeling kuya siya, gusto niyanb protektahan ang kanyang mga kapatid sa tulad ni Blue. Kaya lang sa ngayon, siya dapat ang protektahan.
Napasiksik
MINSAN mang pinagselosan ni Hannah si Nicole, hindi sapat na dahilan iyon para di siya makaramdam ng matinding awa rito. Nanginginig ang buong katawan nito habang nakikipag-usap kay Blue. Hindi man niya narinig ang sinasabi ni Blue, alam niyang may kinalaman iyon sa kapatid nitong si Abi.Kung hindi niya nararamdaman ang yakap ni GB, malamang, napaiyak na rin siya. Kahit wala naman siyang kasalanan, hindi niya mapigilan ang ma-guilty. Alam niya kasingsiya ang dahilan kung bakit iyon nangyari sa kapatid ni Nicole. Pakiramdam tuloy niya'yhindi sapat ang tulong na nagawa niya sa pamilya ni Nicole.Oo nga alam niyang kahit papaano ay magagawa niya itong protektahan lalo pa't nagtalaga sila ng security para sa kanilang compound, pero may kapamilya pa ring napahamak si Nicole. Pakiramdam niya tuloy ay
ISANG linggo na ang nakalilipas pero hindi pa ulit tumatawag si Blue.Para kay Hannah, maigi na iyon, para walang sakit ng ulo. Tiyak niya kasing gulo lamang ang ihahatid nito ngunit, alam naman niyang hindi iyon makabubuti kay Nicole. Tiyak niyang sa bawat araw ay matinding kaba ang nananahan sa puso nito. Wala kasi itong ibang naiisip kundi ang kapakanan ng kapatid na si Abi.Hindi niya napigilang kagatin ang pang-ibaba niyang labi. Maging siya naman kasi ay kinakabahan na.Hindi pa niya nakikita at nakakaharap ang sinasabing Blue ni Nicole at Mimi pero alam niyang masama itong tao. Ito ay base pa lamang sa ginawa nito kay Nicole at sa ginagawa nito kay Abi ngayon. Kung talagang ang Blue na iyon ang may kinalaman sa nangyari sa kanya dati, sa pag-inom niya ng milktea na may beans at sa muntik na
ALAM ni Nicole na delikado na umalis pa silang mag-iina kaya lang ayaw naman niyang masira ang sayang nakita niya sa mukha nina Gelli at Kat-Kat nang sabihin ng mga ito na kasali ang mga ito sa dance contest. Sadya kasing mahihilig na sumayaw ang mga ito kaya naman kapag may pagkakataon ay sumasali ang mga ito sa mga contest.Kung sasabihin niya sa mga kapatid na may masamang nangyayari sa kanilang pamilya, siguradong makakaunawa naman ang mga ito. Gayunman, bilang nakatatandang kapatid, gusto rin niyang protektahan ang kaisipan ng mga nakababatang kapatid. Ayaw din naman niyang matakot ang mga ito.Ang palagi na lamang niyang sinasabi kina Gelli at Kat-Kat ay mag-iingat ang mga ito palagi at huwag makikipag-usap sa kahit kanino. Nang maalala niyang malapit nga rin pala ang mga ito kay Vlue ay sinabi niyang huwag na huwag sasama ang mga ito kay Blue
LAHAT ng mga mata sa loob ng sa loob ng auditorium na iyon ay nakatingin sa kanya. Pakiramdam tuloy ng labingtatlong taong gulang na si Gelli, marami ang nagmamahal sa kanya. Kahit nga sigurado siyang naroroon din ang kapamilya, kaibigan at tagahanga ng iba niyang groupmates.Wala namang masamang mangarap, hindi ba? Tanong pa niya sa sarili.Ang nais naman niya talaga ay iyong nasa kanya ang atensyon ng lahat. Nangyari naman iyon sa kanya nu’ng siya pa ang bunso sa pamilya kaya lang dumating si Kat-Kat kaya pati ang atensyon ng kanyang mga ate ay nalipat dito. May atensyon pa rin namang ibinibigay sa kanya kaso kapiranggot na lamang at nakakainis iyon sa kanyang palagay.Magaling siyang sumayaw, akala niya ay iyon ang magiging lamang niya sa bunsong kapatid pero nagkamali siya. Pagsasayaw din
UMUNGOT ng Jollibee si Kat-Kat pagkatapos ng picture taking, hindi tuloy napigilan ni Alfred ang mapangiti. . Tulad ni Gelli, nag-first place din ang grupo nito. Kaya naman, hindi lang ito ang tuwang-tuwa pati na rin ang mga ate nito. Hindi lang siya sigurado sa nararamdaman ng ina ng mga ito dahil nanatili lang blangko ang ekspresyon nito na para bang ibig itago ang tunay na damdamin.Kung sabagay, sina Nicole at Mimi naman ay pilit ding itinatago kina Gelli at Kat-Kat ang damdamin, ang kanilang sitwasyon. Katwiran ni Nicole, mas magugulo lang ang puso’t isipan ng mga nakababatang kapatid. Ngunit para sa kanya, mas maiging may ideya ang magkapatid na Gelli at Kat-Kat sa nangyayari para hindi ito magamit nu’ng Red/Blue na ayon kay Mimi ay kinuha ang damdamin ng mga bata.Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sa palagay n
“BAKIT tahimik na tahimik?” nagtatakang tanong ni Hannah kay GB. Matapos nilang magtalik nang magtalik ay nagpasya silang sumaglit sa kabilang bahay, naisip kasi niyang baka may kailangan si Lolo Luciano. Ayaw naman nila ni GB na maramdaman nitong nababalewala nila ito. Siyempre, inaalala din nila ito kaya lang parang mas matindi ang responsibilidad nila sa pamilya ni Nicole.Bigla na naman tuloy siyang kinabahan. Ang agad kasing pumasok sa isip. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isip ay baka may nangyaring masama sa lolo ni GB. Kaya, wala sa sariling napahawak siya sa dibdib. Sa tapat ng kanyang puso.“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni GB.Hindi siya agad kumibo. Ayaw din naman niyang labis na mag-alala sa kanya ang asawa. Kaya, lumunok muna siya ng ilang beses bago su
KASALANAN niya, mariing sabi ni Nicole sa sarili habang nakatitig sa kabaong, kung saan nandoon si Kat-Kat. Ilang ulit na niyang sinampal at sinabunutan ang sarili dahil gusto pa rin talaga niyang umasa na isang bangungot lamang ang nangyari pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin nagbabago ang lahat.Sa malaking garahe ng tinitirhan niyang compound ay nandoon ang labi ni Kat-Kat, nakahimlay itp sa lu;ay puting kabaong. Sa gilid nito ay may malalaking kandelabra saka mga bulaklak na hindi niya magawang ma-appreciate gaano man kagaganda ng mga ito. Paano ba naman kasi niya mararamdaman iyon kung sumisimbulo iyon sa pagkawala ng kanyang kapatid. Hindi rin nila nagawang kalimutang ilagay ang tatlong sisiw sa ibabaw ng kabaong ni Kat-Kat. Baka kasi sa pamamagitan noon ay makonsensiya ang nakasagasa sa kanyang kapatid.Dahil sa ayaw itong isama
“WALA kang kasalanan sa nangyari,” mariing sabi ni GB sa kanya. Mula sa likuran ay niyakap siya nito. Pakiwari niya’y gusto nitong pawiin sa pamamagitan ng mahigpit nitong yakap ang lahat ng negatibong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari. Wala naman kasi siya sa pinangyarihan ng aksidente. Sobra-sobra nga ang pag-aalala niya sa mag-anak kaya nga ibig na niyang naroroong mga ito sa compound. Talaga kasing masama siyang naramdaman ng mga sandaling iyon.“Wala nga ba?” tanong niya. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto rin naman niyang sabihin sa sarili na wala. Baka nga kapag nakumbinse niya ang sarili niyang wala siyang kasalanan ay umayos na ang kanyang pakiaramdam. Para kasing may matatalim na daliri na kumukurot sa kanyang puso hangg