UMUNGOT ng Jollibee si Kat-Kat pagkatapos ng picture taking, hindi tuloy napigilan ni Alfred ang mapangiti. . Tulad ni Gelli, nag-first place din ang grupo nito. Kaya naman, hindi lang ito ang tuwang-tuwa pati na rin ang mga ate nito. Hindi lang siya sigurado sa nararamdaman ng ina ng mga ito dahil nanatili lang blangko ang ekspresyon nito na para bang ibig itago ang tunay na damdamin.
Kung sabagay, sina Nicole at Mimi naman ay pilit ding itinatago kina Gelli at Kat-Kat ang damdamin, ang kanilang sitwasyon. Katwiran ni Nicole, mas magugulo lang ang puso’t isipan ng mga nakababatang kapatid. Ngunit para sa kanya, mas maiging may ideya ang magkapatid na Gelli at Kat-Kat sa nangyayari para hindi ito magamit nu’ng Red/Blue na ayon kay Mimi ay kinuha ang damdamin ng mga bata.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sa palagay n
“BAKIT tahimik na tahimik?” nagtatakang tanong ni Hannah kay GB. Matapos nilang magtalik nang magtalik ay nagpasya silang sumaglit sa kabilang bahay, naisip kasi niyang baka may kailangan si Lolo Luciano. Ayaw naman nila ni GB na maramdaman nitong nababalewala nila ito. Siyempre, inaalala din nila ito kaya lang parang mas matindi ang responsibilidad nila sa pamilya ni Nicole.Bigla na naman tuloy siyang kinabahan. Ang agad kasing pumasok sa isip. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isip ay baka may nangyaring masama sa lolo ni GB. Kaya, wala sa sariling napahawak siya sa dibdib. Sa tapat ng kanyang puso.“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni GB.Hindi siya agad kumibo. Ayaw din naman niyang labis na mag-alala sa kanya ang asawa. Kaya, lumunok muna siya ng ilang beses bago su
KASALANAN niya, mariing sabi ni Nicole sa sarili habang nakatitig sa kabaong, kung saan nandoon si Kat-Kat. Ilang ulit na niyang sinampal at sinabunutan ang sarili dahil gusto pa rin talaga niyang umasa na isang bangungot lamang ang nangyari pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin nagbabago ang lahat.Sa malaking garahe ng tinitirhan niyang compound ay nandoon ang labi ni Kat-Kat, nakahimlay itp sa lu;ay puting kabaong. Sa gilid nito ay may malalaking kandelabra saka mga bulaklak na hindi niya magawang ma-appreciate gaano man kagaganda ng mga ito. Paano ba naman kasi niya mararamdaman iyon kung sumisimbulo iyon sa pagkawala ng kanyang kapatid. Hindi rin nila nagawang kalimutang ilagay ang tatlong sisiw sa ibabaw ng kabaong ni Kat-Kat. Baka kasi sa pamamagitan noon ay makonsensiya ang nakasagasa sa kanyang kapatid.Dahil sa ayaw itong isama
“WALA kang kasalanan sa nangyari,” mariing sabi ni GB sa kanya. Mula sa likuran ay niyakap siya nito. Pakiwari niya’y gusto nitong pawiin sa pamamagitan ng mahigpit nitong yakap ang lahat ng negatibong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari. Wala naman kasi siya sa pinangyarihan ng aksidente. Sobra-sobra nga ang pag-aalala niya sa mag-anak kaya nga ibig na niyang naroroong mga ito sa compound. Talaga kasing masama siyang naramdaman ng mga sandaling iyon.“Wala nga ba?” tanong niya. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto rin naman niyang sabihin sa sarili na wala. Baka nga kapag nakumbinse niya ang sarili niyang wala siyang kasalanan ay umayos na ang kanyang pakiaramdam. Para kasing may matatalim na daliri na kumukurot sa kanyang puso hangg
SAWA na rin naman si Blue kay Abi kaya naisip niyang huwag itong ipagdamot sa ilan niyang nagkakagusto rito.Napangisi siya nang bumukas ang pintuan at lumabas ang isa sa kanyang mga kaibigan. “Kamusta naman ang karanasan?” tanongniya rito.“The best, pare,”wika nito.“Mabuti naman at nasiyahan ka,” wika niyang tuwang-tuwa.“Äng lakas umungol, eh. Saka ang bango pa rin kahit pawisan na.””Natawa siya sa sinabi nito. “Ï know pero kailangan ko ng bonus mula saýo.”Ito naman ang natawa. “Binigyan na kita ng limang libo kanina, ah.”
‘BAKIT hanggang ngayon ay wala pang nagpupunta sa presinto para sumuko?” hindi makapaniwalang tanong ni Hannah. Hindi lang para kay GB kundi para rin sa kanyang Ninang Adelaida nang magpunta ito sa kanila para sila’’ý kamustahin.Well, kung siya naman talaga ang kukumustahin ay masasabi niyang mabuti. Mayroon kasi siyang asawa na gaya ni GB. Guwapo na, mabait pa at tiyak niyang mahal na mahal siya. At ganoon din ang nararamdaman niya rito.“Baka hindi totoo ang paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong,”nakakunot ang noong sabi ni GB. Ayaw na ayaw ng kanyang asawa na masyado siyang nag-iisip ngunit hindi naman niya magawang pigilan. Tiyak niya kasing epektibo na makapaghanap ng katarungan ang paglalagay ng sisiw sa kabaong.“Totoong epektibo iyon,&rdq
“KAT-Kat!”” hindi na napigilan ni Nicole ang kanyang damdamin habang ibinababa na sa hukay ang bunso niyang kapatid. Iyon kasi ang patunay na hindi na niya ito makikita’t makakasama pa.Bigla tuloy ay nakaramdam siya ng pagsisisi dahil kulang na kulang ang pagpapakita niya ng pagmamahal dito. Hindi niya ito gaanong napag-uukulan ng pansin dahil abala siya sa paghahanap ng pera. Tapos, nai-stress pa siya kay Blue at sa pagkawala ni Abi na alam niyang ang lalaking iyon ang may kagagawan.Iyon lang ba ang pinagkaabalahan niyang gawin? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Siyempre, hindi! Anala rin siya kay Gray. Kina Gray at Hannah. Sinubukan niyang sirain ang relasyon ng mga ito pero hindi siya nagtagumpay. At ngayon, nabigo rin siya bilang Ate kay Kat-Kat.Dahil sa sobrang hinagpis na kan
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. Nagi-guilty din kasi siya sa pagkakasinghal niya kay Gelli. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa. Saka, tama ang sinabi ni Mimi. Ibig lang ni Gelli na mapagaan ang kanyang loob. Nagawa naman nito kaya lang na-miss niya ng husto si Kat-Kat kaya nasinghalan niya si Gelli.Hay, alam niyang maling-mali ang kanyang ginawa pero hindi pa rin niya makuhang mag-sorry kay Gelli. Siguro ay talagang gusto niyang maipakita sa kanyang mga kapatid ang kanyang bad side. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, palagi na lang siyang lalabas na talunan. Gaya ng ipinaramdam ng kanyang pamilya. May sinisisi siyang ibang tao, pero, siya naman ang sinisisi nina Mimi, at ng kanyang ina. Ewan lang niya kung anong iniisip ni Gelli. Basta nang dumating ang kanyang ama, nagawa pa siya nitong sampalin. Siya kasi ang sinisisi nito sa nangyari.
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. “Gelli…?”Agad naman itong lumapit sa kanya pero hindi makatingin ng tuwid sa kanya. May palagay siyang kaya ganoon ay masama pa rin ang loob nito sa kanya. Kaya kahit na ibig niyang magpakatatag ay biglang lumambot ang kanyang puso. Hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit na mahigpit.“Patawarin mo si Ate sa nakawa ko nu’ng isang araw,” wika niya.“Naiintindihan ko naman po. Mas mahal kasi ninyo si Kat-Kat.”Buong panggilalas siyang napatingin dito. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Talaga kasing hindi niya akalain na maiisip nito ang mga salitang iyon.Lahat ng mga kapatid niya ay mahal