“KAT-Kat!”” hindi na napigilan ni Nicole ang kanyang damdamin habang ibinababa na sa hukay ang bunso niyang kapatid. Iyon kasi ang patunay na hindi na niya ito makikita’t makakasama pa.
Bigla tuloy ay nakaramdam siya ng pagsisisi dahil kulang na kulang ang pagpapakita niya ng pagmamahal dito. Hindi niya ito gaanong napag-uukulan ng pansin dahil abala siya sa paghahanap ng pera. Tapos, nai-stress pa siya kay Blue at sa pagkawala ni Abi na alam niyang ang lalaking iyon ang may kagagawan.
Iyon lang ba ang pinagkaabalahan niyang gawin? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Siyempre, hindi! Anala rin siya kay Gray. Kina Gray at Hannah. Sinubukan niyang sirain ang relasyon ng mga ito pero hindi siya nagtagumpay. At ngayon, nabigo rin siya bilang Ate kay Kat-Kat.
Dahil sa sobrang hinagpis na kan
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. Nagi-guilty din kasi siya sa pagkakasinghal niya kay Gelli. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa. Saka, tama ang sinabi ni Mimi. Ibig lang ni Gelli na mapagaan ang kanyang loob. Nagawa naman nito kaya lang na-miss niya ng husto si Kat-Kat kaya nasinghalan niya si Gelli.Hay, alam niyang maling-mali ang kanyang ginawa pero hindi pa rin niya makuhang mag-sorry kay Gelli. Siguro ay talagang gusto niyang maipakita sa kanyang mga kapatid ang kanyang bad side. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, palagi na lang siyang lalabas na talunan. Gaya ng ipinaramdam ng kanyang pamilya. May sinisisi siyang ibang tao, pero, siya naman ang sinisisi nina Mimi, at ng kanyang ina. Ewan lang niya kung anong iniisip ni Gelli. Basta nang dumating ang kanyang ama, nagawa pa siya nitong sampalin. Siya kasi ang sinisisi nito sa nangyari.
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. “Gelli…?”Agad naman itong lumapit sa kanya pero hindi makatingin ng tuwid sa kanya. May palagay siyang kaya ganoon ay masama pa rin ang loob nito sa kanya. Kaya kahit na ibig niyang magpakatatag ay biglang lumambot ang kanyang puso. Hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit na mahigpit.“Patawarin mo si Ate sa nakawa ko nu’ng isang araw,” wika niya.“Naiintindihan ko naman po. Mas mahal kasi ninyo si Kat-Kat.”Buong panggilalas siyang napatingin dito. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Talaga kasing hindi niya akalain na maiisip nito ang mga salitang iyon.Lahat ng mga kapatid niya ay mahal
NATUTOP ni Mimi ang kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso.“Änong nangyayari saýo?” nagtatakang tanong ni Alfred.Ilang beses muna siyang kumurap-kurap bago niya sinagot ang kasintahan. “Bigla kasi akong kinabahan.”Hindi agad ito kumibo. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Marahil ay napapantastikuhan ito sa kanyang kinikilos.Bahagya lang siyang natigilan dahil hindi niya tiyak kung ano bang tumatakbo sa isip ni Alfred. Oo nga mahal siya nit, ramdam naman niya iyon. Kaya nga lang, hindi pa rin siya umaasa na sila na talaga ang magkakatuluyan.Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan kaya hindi nga natin alam kung ano ang maaaring mangyari bukas. Saka, sa da
“HOW do I look?”“Kahit papaano, mukha kang tao,” sarkastikong sabi ni Abi kay Blue. Kung ini-expect nitong pupuruhin niya ito, nagkakamali ito.Mula sa pagkakatitig nito sa salamin ay hinarap siya nito. Wariý hindi na ito nasisiyahang titigan lang siya buhat sa salamin.“Ano pala ang tunay kong hitsura?” kunwaý nagtataka nitong tanong sa kanya.Mariin ang sagot niya rito. “Demonyo.”Sa halip na magalit ito sa kanyang sinabi ay ang lakas nang tawa nito. Siguro ay hindi nito sineryoso ang kanyang sinabi. O maaaring tanggap na rin naman nito sa sarili kung ano bang uri ng pagkatao mayroon ito.“Han
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Hannah. Ewan niya kung tama nga ba ang ginawa niyang pagsama kay Nicole sa labas. Tapos hindi pa siya nagsabi kay GB at sinadya pa niyang iwan ang kanyang cellphone. Hiling lang niya, sana hindi siya nagkamaling magtiwala gayung alam naman niya na malaki ang galit nito sa kanya.Bakit nga ba ito nagagalit sa kanya?Una ay dahil sa napahamak ang pamilya nito dahil sa kanyang stalker. Kahit marami ang nagsasabi na nasali ito dahil sa nakita ni Blue na magagamit nito si Nicole para mapaghiwalay sila ni GB at dahil sa hindi ito nagtagumpay,“Bakit kailangan dito pa tayo magkita?” tanong niya kay Nicole nang iba na nito sa harapan niya ang in-order na Cappuccino.Matamis na ngiti muna ang ibinigay
KAHIT na panay ang hagod ni Alfred sa kanyang likod, hindi magawa ni Mimi na patigilin ang kanyang luha. Napanood kasi niya ang sex video ng kanyang Ate Abi kaya durog na durog ang kanyang puso. Kung nakakamatay lang ang mura, kanina pa sana tumimbuwang si Blue kung saan man ito naroroon ngayon dahil talagang hindi niya mapigilan ang sariling pagmumurahin ito.Sobra tuloy niyang pinagsisihan na minsan ay nagawa niya itong hangaan at mahalin. Mabuti na lang talaga at madali niyang napansin na may kung ano sa ugali nito na dapat niyang katakutan. Dahil doon ay nagawa niyang pigilin ang sariling palalimin pa ang nararamdaman niya rito.Hindi man ito ang lalaking kasiping ng kanyang Ate Nicole, alam niyang si Blue pa rin ang may kagagawan nu’n lalo na’t hindi lang isang video na may iba’t ibang lalaki ang pinakalap nito. Kaya, ngayon p
EWAN ni Abi kung bakit pag-alis ni Blue ay bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niyaý may malamig na hangin na yumakap sa kanya kahit nakasarado naman ang bintana. Pagkatapos noon ay nakarinig siya ng dalawang magkakasunod na katok na parang hirap na hirap. Napakunot noo tuloy siya.Si Blue ba ang nasa likod ng pintuan?Hindi, mariing sabi ng isang bahagi ng kanyang isip. Kung si Blue kasi ang nasa likod noon ay sigurado siyang hindi na nito kakailanganin pang kumatok. Tiyak niyang may susi naman itong sarili kaya mas kinabahan siya lalo na nu’ng muling umulit ang pagkatok. Maririin pa ang pagkatok nito na parang bumibingi sa kanya.Parang ayaw niyang lumapit sa pintuan dahil nangangamba siyang baka isa o ilang mga lalaki na naman ang nasa likod ng pintuan na iyon. Kaya lang, kahit na tumatang
“SHE’s dead!”Parang may bombang sumabog sa pandinig ni Gray nang ipaulit niya sa isang opisyal ang sinabi nito. Talaga kasing tumatanggi ang utak niyang tanggapin ang sinasabi nitong wala na si Hannah – ang kanyang asawa’t bestfriend. Kahit nawawala si Hannah, hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon. Ang inaasahan lang niya ay nilinlang at nakidnap ito.Hindi nga siya nagkamali sa una niyang hinala na si Nicole ang may kagagawan kung bakit nawawala ang kanyang misis. May nakapagsabi na magkasama ang mga itong pumasok sa isang coffeeshop at magkasama ring sumakay sa isang kotse. Napakunot lang ang noo niya dahil pareho namang hindi marunong magmaneho sina Nicole at Hannah. Wala ring parehong sasakyan.Nagrenta sila ng sasakyan? Naguguluhan pa ring tanong niya.