“HOW do I look?”
“Kahit papaano, mukha kang tao,” sarkastikong sabi ni Abi kay Blue. Kung ini-expect nitong pupuruhin niya ito, nagkakamali ito.
Mula sa pagkakatitig nito sa salamin ay hinarap siya nito. Wariý hindi na ito nasisiyahang titigan lang siya buhat sa salamin.
“Ano pala ang tunay kong hitsura?” kunwaý nagtataka nitong tanong sa kanya.
Mariin ang sagot niya rito. “Demonyo.”
Sa halip na magalit ito sa kanyang sinabi ay ang lakas nang tawa nito. Siguro ay hindi nito sineryoso ang kanyang sinabi. O maaaring tanggap na rin naman nito sa sarili kung ano bang uri ng pagkatao mayroon ito.
“Han
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Hannah. Ewan niya kung tama nga ba ang ginawa niyang pagsama kay Nicole sa labas. Tapos hindi pa siya nagsabi kay GB at sinadya pa niyang iwan ang kanyang cellphone. Hiling lang niya, sana hindi siya nagkamaling magtiwala gayung alam naman niya na malaki ang galit nito sa kanya.Bakit nga ba ito nagagalit sa kanya?Una ay dahil sa napahamak ang pamilya nito dahil sa kanyang stalker. Kahit marami ang nagsasabi na nasali ito dahil sa nakita ni Blue na magagamit nito si Nicole para mapaghiwalay sila ni GB at dahil sa hindi ito nagtagumpay,“Bakit kailangan dito pa tayo magkita?” tanong niya kay Nicole nang iba na nito sa harapan niya ang in-order na Cappuccino.Matamis na ngiti muna ang ibinigay
KAHIT na panay ang hagod ni Alfred sa kanyang likod, hindi magawa ni Mimi na patigilin ang kanyang luha. Napanood kasi niya ang sex video ng kanyang Ate Abi kaya durog na durog ang kanyang puso. Kung nakakamatay lang ang mura, kanina pa sana tumimbuwang si Blue kung saan man ito naroroon ngayon dahil talagang hindi niya mapigilan ang sariling pagmumurahin ito.Sobra tuloy niyang pinagsisihan na minsan ay nagawa niya itong hangaan at mahalin. Mabuti na lang talaga at madali niyang napansin na may kung ano sa ugali nito na dapat niyang katakutan. Dahil doon ay nagawa niyang pigilin ang sariling palalimin pa ang nararamdaman niya rito.Hindi man ito ang lalaking kasiping ng kanyang Ate Nicole, alam niyang si Blue pa rin ang may kagagawan nu’n lalo na’t hindi lang isang video na may iba’t ibang lalaki ang pinakalap nito. Kaya, ngayon p
EWAN ni Abi kung bakit pag-alis ni Blue ay bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niyaý may malamig na hangin na yumakap sa kanya kahit nakasarado naman ang bintana. Pagkatapos noon ay nakarinig siya ng dalawang magkakasunod na katok na parang hirap na hirap. Napakunot noo tuloy siya.Si Blue ba ang nasa likod ng pintuan?Hindi, mariing sabi ng isang bahagi ng kanyang isip. Kung si Blue kasi ang nasa likod noon ay sigurado siyang hindi na nito kakailanganin pang kumatok. Tiyak niyang may susi naman itong sarili kaya mas kinabahan siya lalo na nu’ng muling umulit ang pagkatok. Maririin pa ang pagkatok nito na parang bumibingi sa kanya.Parang ayaw niyang lumapit sa pintuan dahil nangangamba siyang baka isa o ilang mga lalaki na naman ang nasa likod ng pintuan na iyon. Kaya lang, kahit na tumatang
“SHE’s dead!”Parang may bombang sumabog sa pandinig ni Gray nang ipaulit niya sa isang opisyal ang sinabi nito. Talaga kasing tumatanggi ang utak niyang tanggapin ang sinasabi nitong wala na si Hannah – ang kanyang asawa’t bestfriend. Kahit nawawala si Hannah, hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon. Ang inaasahan lang niya ay nilinlang at nakidnap ito.Hindi nga siya nagkamali sa una niyang hinala na si Nicole ang may kagagawan kung bakit nawawala ang kanyang misis. May nakapagsabi na magkasama ang mga itong pumasok sa isang coffeeshop at magkasama ring sumakay sa isang kotse. Napakunot lang ang noo niya dahil pareho namang hindi marunong magmaneho sina Nicole at Hannah. Wala ring parehong sasakyan.Nagrenta sila ng sasakyan? Naguguluhan pa ring tanong niya.
PARA kay Abi, talagang mahirap tanggapin na patay na ang kanyang Ate Nicole. Paano naman kasi niya magagawang tanggapin iyon kung pinuntahan pa siya nito sa kinaroroonan niya para samahan siyang makatakas. Bigla tuloy niyang naalala pa ang pangyayari nu'ng araw na iyon."Ma'm, gising na," wika ng boses na hindi naman niya kilala.Bigla tuloy siyang napapitlag. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isip ay baka isa na naman ang lalaking ito sa gagamit sa kanyang katawan. Kaya nang maalimpungatan siya ay bigla siyang humagulgol. Nagmakaawa pa siya rito na huwag na siyang saktan at gamitin."Naku po, hindi ko po gagawin sa inyo 'yan," wika nito sa mahinahong tinig. Kitang-kita rin niya ang awa sa mga mata nito. Marahil, may ideya na ito kung anong nangyari sa kanya.
NGAYON ang 'libing' ni Hannah pero hindi makuhang tumayo ni Gray. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya tanggap ang nangyari at tiyak niyang hindi niya kailanman matatanggap. Malakas talaga ang kutob niyang ang bangkay na iyon ay hindi ang kanyang asawa.Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Hannah kilalang-kilala niya ito. Kahit pa sabihing tustang-tusta ang bangkay na naroroon, sigurado pa rin siya sa kanyang nararamdaman. Iyon nga lang, may DNA na makapagpapatunay na si Hannah nga ang bangkay.Dahil sa hindi naman nasusunog ang ngipin ng biktima sa aksidente ay mabilis nilang nalaman kung sino sina Nicole at Hannah. Gayunpaman ay parang hirap pa rin siyang tanggapin na si Hannah nga ang isa.Gusto pa nga niyang makipagtalo sa mga imbestigador. Parehong hindi marunong magmaneho sina Hannah at Nicole kaya malaki ang posibilidad na may iba
MAG-ISA na lang si Gray sa kanyang bahay dahil nagpasya na ang Lolo Luciano niya na umuwi na sa Nueva Ecija. Sabi nito, kailangan din naman ng mamamahala sa hacienda. Totoo naman iyon kaya pumayag na siya. Nais din naman niya ang mapag-isa at hindi mangyayari iyon kung may mga taong makikialam sa kanyang pagdadalamhati.Kahit na isang buwan na ang nakakalipas, hindi pa rin niya magawang tanggapin ang nangyari. Sa tingin nga niya kahit lumipas pa ang maraming taon ay hindi niya magagawang tanggapin nangyari. Paano niya magagawa iyon kung hanggang sa kasalukuyan ay parang dinudurog ang kanyang puso.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan ng may kumatok. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino kaya ayaw sana niyang buksan iyon pero parang may sariling utak ang kanyang mga paa, kusang tumayo at naglakad patungo sa may pintuan.
"OHA," hindi napigilan ni Silver na ibulalas ang salitang iyon dahil na nakita niya si Gray na abot tenga ang ngiti. Malayung-malayo na ito sa miserableng Gray na nakikita niya ng mga nakalipas na araw."Problema mo?" Natatawa pa nitong tanong sa kanya.Talaga tuloy hindi niya napigilan ang mamangha sa kakaibang kinikilos nito. "Ang sigla mo na kasi. Nakapag-move on ka na?" Excited pa niyang tanong."Walang dahilan para mag-move on ako dahil alam ko, isang araw babalik din sa akin si Hannah.""Talagang naniniwala ka pang babalik siya?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Bigla ring naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi pa ba sapat ang DNA na nagsasabing wala na si Hannah?""Malakas ang pakiramdam ko."
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&