“WALA kang kasalanan sa nangyari,” mariing sabi ni GB sa kanya. Mula sa likuran ay niyakap siya nito. Pakiwari niya’y gusto nitong pawiin sa pamamagitan ng mahigpit nitong yakap ang lahat ng negatibong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari. Wala naman kasi siya sa pinangyarihan ng aksidente. Sobra-sobra nga ang pag-aalala niya sa mag-anak kaya nga ibig na niyang naroroong mga ito sa compound. Talaga kasing masama siyang naramdaman ng mga sandaling iyon.
“Wala nga ba?” tanong niya. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto rin naman niyang sabihin sa sarili na wala. Baka nga kapag nakumbinse niya ang sarili niyang wala siyang kasalanan ay umayos na ang kanyang pakiaramdam. Para kasing may matatalim na daliri na kumukurot sa kanyang puso hangg
SAWA na rin naman si Blue kay Abi kaya naisip niyang huwag itong ipagdamot sa ilan niyang nagkakagusto rito.Napangisi siya nang bumukas ang pintuan at lumabas ang isa sa kanyang mga kaibigan. “Kamusta naman ang karanasan?” tanongniya rito.“The best, pare,”wika nito.“Mabuti naman at nasiyahan ka,” wika niyang tuwang-tuwa.“Äng lakas umungol, eh. Saka ang bango pa rin kahit pawisan na.””Natawa siya sa sinabi nito. “Ï know pero kailangan ko ng bonus mula saýo.”Ito naman ang natawa. “Binigyan na kita ng limang libo kanina, ah.”
‘BAKIT hanggang ngayon ay wala pang nagpupunta sa presinto para sumuko?” hindi makapaniwalang tanong ni Hannah. Hindi lang para kay GB kundi para rin sa kanyang Ninang Adelaida nang magpunta ito sa kanila para sila’’ý kamustahin.Well, kung siya naman talaga ang kukumustahin ay masasabi niyang mabuti. Mayroon kasi siyang asawa na gaya ni GB. Guwapo na, mabait pa at tiyak niyang mahal na mahal siya. At ganoon din ang nararamdaman niya rito.“Baka hindi totoo ang paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong,”nakakunot ang noong sabi ni GB. Ayaw na ayaw ng kanyang asawa na masyado siyang nag-iisip ngunit hindi naman niya magawang pigilan. Tiyak niya kasing epektibo na makapaghanap ng katarungan ang paglalagay ng sisiw sa kabaong.“Totoong epektibo iyon,&rdq
“KAT-Kat!”” hindi na napigilan ni Nicole ang kanyang damdamin habang ibinababa na sa hukay ang bunso niyang kapatid. Iyon kasi ang patunay na hindi na niya ito makikita’t makakasama pa.Bigla tuloy ay nakaramdam siya ng pagsisisi dahil kulang na kulang ang pagpapakita niya ng pagmamahal dito. Hindi niya ito gaanong napag-uukulan ng pansin dahil abala siya sa paghahanap ng pera. Tapos, nai-stress pa siya kay Blue at sa pagkawala ni Abi na alam niyang ang lalaking iyon ang may kagagawan.Iyon lang ba ang pinagkaabalahan niyang gawin? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Siyempre, hindi! Anala rin siya kay Gray. Kina Gray at Hannah. Sinubukan niyang sirain ang relasyon ng mga ito pero hindi siya nagtagumpay. At ngayon, nabigo rin siya bilang Ate kay Kat-Kat.Dahil sa sobrang hinagpis na kan
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. Nagi-guilty din kasi siya sa pagkakasinghal niya kay Gelli. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa. Saka, tama ang sinabi ni Mimi. Ibig lang ni Gelli na mapagaan ang kanyang loob. Nagawa naman nito kaya lang na-miss niya ng husto si Kat-Kat kaya nasinghalan niya si Gelli.Hay, alam niyang maling-mali ang kanyang ginawa pero hindi pa rin niya makuhang mag-sorry kay Gelli. Siguro ay talagang gusto niyang maipakita sa kanyang mga kapatid ang kanyang bad side. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, palagi na lang siyang lalabas na talunan. Gaya ng ipinaramdam ng kanyang pamilya. May sinisisi siyang ibang tao, pero, siya naman ang sinisisi nina Mimi, at ng kanyang ina. Ewan lang niya kung anong iniisip ni Gelli. Basta nang dumating ang kanyang ama, nagawa pa siya nitong sampalin. Siya kasi ang sinisisi nito sa nangyari.
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. “Gelli…?”Agad naman itong lumapit sa kanya pero hindi makatingin ng tuwid sa kanya. May palagay siyang kaya ganoon ay masama pa rin ang loob nito sa kanya. Kaya kahit na ibig niyang magpakatatag ay biglang lumambot ang kanyang puso. Hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit na mahigpit.“Patawarin mo si Ate sa nakawa ko nu’ng isang araw,” wika niya.“Naiintindihan ko naman po. Mas mahal kasi ninyo si Kat-Kat.”Buong panggilalas siyang napatingin dito. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Talaga kasing hindi niya akalain na maiisip nito ang mga salitang iyon.Lahat ng mga kapatid niya ay mahal
NATUTOP ni Mimi ang kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso.“Änong nangyayari saýo?” nagtatakang tanong ni Alfred.Ilang beses muna siyang kumurap-kurap bago niya sinagot ang kasintahan. “Bigla kasi akong kinabahan.”Hindi agad ito kumibo. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Marahil ay napapantastikuhan ito sa kanyang kinikilos.Bahagya lang siyang natigilan dahil hindi niya tiyak kung ano bang tumatakbo sa isip ni Alfred. Oo nga mahal siya nit, ramdam naman niya iyon. Kaya nga lang, hindi pa rin siya umaasa na sila na talaga ang magkakatuluyan.Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan kaya hindi nga natin alam kung ano ang maaaring mangyari bukas. Saka, sa da
“HOW do I look?”“Kahit papaano, mukha kang tao,” sarkastikong sabi ni Abi kay Blue. Kung ini-expect nitong pupuruhin niya ito, nagkakamali ito.Mula sa pagkakatitig nito sa salamin ay hinarap siya nito. Wariý hindi na ito nasisiyahang titigan lang siya buhat sa salamin.“Ano pala ang tunay kong hitsura?” kunwaý nagtataka nitong tanong sa kanya.Mariin ang sagot niya rito. “Demonyo.”Sa halip na magalit ito sa kanyang sinabi ay ang lakas nang tawa nito. Siguro ay hindi nito sineryoso ang kanyang sinabi. O maaaring tanggap na rin naman nito sa sarili kung ano bang uri ng pagkatao mayroon ito.“Han
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Hannah. Ewan niya kung tama nga ba ang ginawa niyang pagsama kay Nicole sa labas. Tapos hindi pa siya nagsabi kay GB at sinadya pa niyang iwan ang kanyang cellphone. Hiling lang niya, sana hindi siya nagkamaling magtiwala gayung alam naman niya na malaki ang galit nito sa kanya.Bakit nga ba ito nagagalit sa kanya?Una ay dahil sa napahamak ang pamilya nito dahil sa kanyang stalker. Kahit marami ang nagsasabi na nasali ito dahil sa nakita ni Blue na magagamit nito si Nicole para mapaghiwalay sila ni GB at dahil sa hindi ito nagtagumpay,“Bakit kailangan dito pa tayo magkita?” tanong niya kay Nicole nang iba na nito sa harapan niya ang in-order na Cappuccino.Matamis na ngiti muna ang ibinigay