Share

Chapter One Hundred Twenty-Two 

ALAM ni Nicole na delikado na umalis pa silang mag-iina kaya lang ayaw naman niyang masira ang sayang nakita niya sa mukha nina Gelli at Kat-Kat nang sabihin ng mga ito na kasali ang mga ito sa dance contest. Sadya kasing mahihilig na sumayaw ang mga ito kaya naman kapag may pagkakataon ay sumasali ang mga ito sa mga contest. 

Kung sasabihin niya sa mga kapatid na may masamang nangyayari sa kanilang pamilya, siguradong makakaunawa naman ang mga ito. Gayunman, bilang nakatatandang kapatid, gusto rin niyang protektahan ang kaisipan ng mga nakababatang kapatid. Ayaw din naman niyang matakot ang mga ito. 

Ang palagi na lamang niyang sinasabi kina Gelli at Kat-Kat ay mag-iingat ang mga ito palagi at huwag makikipag-usap sa kahit kanino. Nang maalala niyang malapit nga rin pala ang mga ito kay Vlue ay sinabi niyang huwag na huwag sasama ang mga ito kay Blue

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status