Home / Romance / Lover ko si Bespren / Chapter One Hundred Thirteen

Share

Chapter One Hundred Thirteen

last update Huling Na-update: 2021-12-13 22:18:14

"WHAT?" Hindi makapaniwalang sabi ni Silver. Pagkatapos ay umiling siya. "Baka naman kamukha lang ni Blue iyon. Matagal na tayong walang balita sa kanya. Sa kanilang mag-ina."

Dose anyos na siya noon pero malinaw pa rin sa kanyang alaala ang pagtataboy na ginawa ng kanyang mga magulang sa mag-inang Adeling at Blue. Ewan nga lang niya kung alam ng lolo ni Gray ang tungkol dito. 

Kahit naman kasi nasa iisang bayan lamang sila ay may kanya-kanya rin silang buhay. Saka, sinikap talaga ng ina niya na huwag ipaalam sa lahat ang nangyari dahil magiging katawa-tawa ang kanilang pamilya. Nang una ay inakala niyang pinsan lang niya si Blue pero hindi pala, kapatid niya ito. Nagkataon lang talaga na malaki ang pagkakahawig ni Blue sa kanyang Lolo Luciano kaya inakala nilang anak ito ng kanyang Tito Marco na ilang taon ng pumanaw nu’ng oras na ‘yun.  

“Nagkataon lang na magkapangalan at magkamukha sila, ganoon ba?” sarkas

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
ewan ko sau blue
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Fourteen 

    HINDI tiyak ni Nicole kung tama ba ang desisyon niya pero minabuti niyang sabihin kina Gray at Hannah ang sinabi ni Blue. Hindi na niya kaya pang traydorin ang mga ito. Isa pa'y hindi rin siya nakasisigurado kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang mga salita ni Blue.Siyempre hindi, mariing sabi ng kanyang utak. Ang masasamang tao ay hindi dapat pagkatiwalaan. Mas malaki pa ang posibilidad na mapahamak ang kanyang kapatid at maging siya. Isa pa'y wala siyang talino at kakayahan na malabanan ang kasamaan ni Blue. Hindi rin niya gugustuhing mapahamak si Hannah kung siya ay magiging pabigla-bigla.Utak kriminal na si Blue kaya't sigurado siyang kapag nakuha na nito si Hannah, hindi niya tiyak kung bubuhayin pa ba silang magkapatid. Kaya, maigi na talagang maghagilap ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan. At tiyak niyang ang mag-asawang Gray at Hannah ang makakatulong talaga sa kanya. 

    Huling Na-update : 2021-12-15
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Fifteen 

    "HANNAH…." Hindi na nagawang ituloy ni GB ang sasabihin nito dahil minabuti niyang patahimikin ito.Alam ni Hannah na tututulan ni GB ang kanyang balak kaya naman inangkin na niya ang labi nito, buong alab.Mahal niya si GB.Kailangan niya si GB.Ngunit, kailangan din niya ng katahimikan. Hindi mangyayari iyon kung mayroong pang stalker na laging nakabuntot sa kanya. Hindi siya naniniwalang mahal siya ng Blue na iyon, mas gusto niyang paniwalaan na ibig lang nitong saktan siya. Kung anong dahilan, ibig niya iyong alamin. At hindi niya malalaman ang sagot kung hindi niya ito haharapin.Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni GB nang iwanan niya ang labi nito. Napangiti naman siya dahil muli na naman niyang napatunayan ang pagmamahal sa kanya ni GB. Napakainit ng pagtugon nito sa kanyang halik kaya hanggang sa kasalukuyan ay pinagsisihan niyang pinagdudahan niya ito."Suportahan mo na lang ako sa desisyo

    Huling Na-update : 2021-12-16
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixteen (SPG) 

    KAHIT naman buo na ang kanyang desisyon, hindi pa rin maiwasan ni Hannah na makaramdam ng takot, alam niya kasing hindi rin basta-basta ang Blue na iyon. Gayunman, kailangan niya iyong ipagkaila kay GB. Tiyak kasi niyang magiging desidido lang itong awatin siya sa kanyang gagawin. Siyempre, hindi iyon dapat.“Huwag ka na mag-alala, okay? Kaya ko ang sarili ko,” mayabang niyang sabi saka ngumiti ng sobrang tamis. May pagkakataon talagang kailangan niyang itago kay GB ang tunay na nararamdaman.Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni GB bago sinabi ng buong pagkairita ang mga katagang, “Ang tigas talaga ng ulo mo.”“Bakit hindi na lang natin ituloy ang sinimulan ko?” mapanukso niyang tanong.Awtomatikong lumambot ang hitsura ni GB kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Sa tingin niya ay hindi pa nakaka-recover ang pinakamamahal na asawa sa kanyang suhestiyon kaya naman, hindi niya napigilan ang sariling g

    Huling Na-update : 2021-12-17
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventeen

    KAHIT na sobrang nag-aalala si Nicole kay Abi, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng inggit kay Hannah. Hindi kasi siya bulag at lalong hindi siya nagbubulag-bulagan kaya kita niya kung gaano kamahal ni Gray ang asawa. Kung magagawa nga niya itong sukatin ay baka lumampas pa sa langit.Dahil nga naniniwala siya noon sa fairytale ay umasam talaga siya na mayroon siyang Prince Charming. Kaya lang may pagkakataon na masasabi niyang isa na lang itong kalokohan dahil ang ama niya mismo ay hindi niya masasabing lalaki na dapat tingalain. Hanggang sa makilala niya si Gray.Unang tingin pa lang niya ay isa na itong prinsepe. Hindi lang dahil sa kaguwapuhan nito, pati na rin sa kilos at pananalita. Inasam niya na si Gray ay para sa kanya. Kaya lang hindi nangyari iyon.Sa umpisa pa lang

    Huling Na-update : 2021-12-18
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Eighteen 

    NAISIP niyang kahit pala gaano mo pinagnanasaan ang isang tao, darating din ang araw na makakaramdam ka ng pagkauyam sa kanya. Nagagawa niyang sumimangot habang pinagmamasdan niya si Abi. Ibig sabihin, pinagsawaan na niya ito.Humagalpak siya sa kaisipang iyon. Paano ba naman niya ito hindi pagsasawaan kung one to sawa ang pagtikim na ginagawa niya sa katawan nito sa loob ng limang araw. Kaya, kung pagmamasdan niya ito ngayon ay parang tuyot na tuyot na."Mahal ka ba talaga ng kapatid mo?" Nagdududang tanong niya makaraan ang mahabang sandali. Sabi nga niya kay Nicole ay binigyan niya ito ng ilang araw para makapag-isip ng plano kung paano nito maisasama si Hannah at ngayon nga'y ikalawang araw na buhat ng sabihin niya iyon."Pawalan mo na kasi ako," mahinang sabi ni Abi. Puno ng pakiusap ang boses.

    Huling Na-update : 2021-12-18
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Nineteen 

    MAHAL ako ng mga kapatid ko! Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Abi sa kanyang sarili Kung hindi niya kasi ipapaalala ang mga salitang iyon, siguradong pati siya ay magdududa na.Kung tutuusin kas'y hindi naman siya close sa kanyang mga kapatid. Ngayon lang. Nag-reach out na kasi siya sa mga ito. Ang dahilan, naisip niyang iyon ang dapat niyang gawin. Hindi niya kasi akalain na may masakit na pinagdaraanan ang Ate Nicole niya.Ginahasa ito ni Blue!Bigla nga siyang na-guilty nang mga oras na iyon dahil kahit na may masakit na pinagdaraanan ang nakatatandang kapatid, ginagawa pa rin nito ang responsibilidad nito bilang ate. At dahil nga feeling kuya siya, gusto niyanb protektahan ang kanyang mga kapatid sa tulad ni Blue. Kaya lang sa ngayon, siya dapat ang protektahan.Napasiksik

    Huling Na-update : 2021-12-19
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred  Twenty 

    MINSAN mang pinagselosan ni Hannah si Nicole, hindi sapat na dahilan iyon para di siya makaramdam ng matinding awa rito. Nanginginig ang buong katawan nito habang nakikipag-usap kay Blue. Hindi man niya narinig ang sinasabi ni Blue, alam niyang may kinalaman iyon sa kapatid nitong si Abi.Kung hindi niya nararamdaman ang yakap ni GB, malamang, napaiyak na rin siya. Kahit wala naman siyang kasalanan, hindi niya mapigilan ang ma-guilty. Alam niya kasingsiya ang dahilan kung bakit iyon nangyari sa kapatid ni Nicole. Pakiramdam tuloy niya'yhindi sapat ang tulong na nagawa niya sa pamilya ni Nicole.Oo nga alam niyang kahit papaano ay magagawa niya itong protektahan lalo pa't nagtalaga sila ng security para sa kanilang compound, pero may kapamilya pa ring napahamak si Nicole. Pakiramdam niya tuloy ay

    Huling Na-update : 2021-12-19
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Twenty One 

    ISANG linggo na ang nakalilipas pero hindi pa ulit tumatawag si Blue.Para kay Hannah, maigi na iyon, para walang sakit ng ulo. Tiyak niya kasing gulo lamang ang ihahatid nito ngunit, alam naman niyang hindi iyon makabubuti kay Nicole. Tiyak niyang sa bawat araw ay matinding kaba ang nananahan sa puso nito. Wala kasi itong ibang naiisip kundi ang kapakanan ng kapatid na si Abi.Hindi niya napigilang kagatin ang pang-ibaba niyang labi. Maging siya naman kasi ay kinakabahan na.Hindi pa niya nakikita at nakakaharap ang sinasabing Blue ni Nicole at Mimi pero alam niyang masama itong tao. Ito ay base pa lamang sa ginawa nito kay Nicole at sa ginagawa nito kay Abi ngayon. Kung talagang ang Blue na iyon ang may kinalaman sa nangyari sa kanya dati, sa pag-inom niya ng milktea na may beans at sa muntik na

    Huling Na-update : 2021-12-20

Pinakabagong kabanata

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Four

    NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Three 

    INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Two

    MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-One

    DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy 

    KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Nine 

    "ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Eight 

    SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Seven

    AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Six 

    MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&

DMCA.com Protection Status