KUNG dati'y walang pakialam si Abi kapag may problema ang kanyang mga kapatid, ngayon ay nakaramdam siya ng pag-aalala lalo na sa kanyang Ate Nicole. Hindi man niya gustong makinig pero narinig pa rin niya ang usapan ng kanyang ate at ni Mimi.
Alas-onse na kasi nang gabi kaya tiyak niyang magagalit ang kanyang Ate Nicole kapag nakita siya nitong kararating pa lang. Galing kasi siya sa kanyang girlfriend. Mahal na mahal niya ito kaya lahat ng gusto nito'y kanyang sinusunod. Ipinasyal niya ito, nanood sila ng sine at kumain sila sa labas. May guilt lang siyang naramdaman dahil handa siya gumastos ng ilang daan sa kanyang girlfriend pero hindi niya magawang magbigay ng tulong sa kanilang bahay. Madalas pa ay umuutang siya sa kanyang ate kahit na may mga raket naman siya.
Maganda ang kanyang boses kaya naman nagagawa niyang kumanta-kanta sa kung saan-sa
ANG mga taong mukhang pera ay madaling mauto, ito ang mariing sabi ni Blue sa kanyang sarili habang ibinababa niya ang mga groceries na ibibigay niya sa pamilya ni Mimi. Mayroon din siyang ilang mga laruan para sa mga kapatid ni Mimi.“Son in law,” wika ng ina ni Mimi. Malapad na malapad ang ngiti nito sa kanya kaya napuwersa rin siyang ngitian ito ng pagkatamis-tamis.“Magandang umaga po,” magalang na magalang niyang sabi. Talagang kailangan niyang maging mabait sa paningin nito para naman madali niyang mapaikot ito.Iyon nga lang may pagkakataon na nararamdaman niyang nawawalan na ng gana sa kanya si Mimi ngunit wala siyang pakialam sa damdamin nito. Ang mahalaga ay hindi niya ito pawawalan. Ngunit, kahit gustung-gusto na niyang luray-lurayin ang pagkababae nito, kailangan
NAISIP ni Abi na kailangan muna niyang tulungan ang kanyang mga kapatid bago niya unahin ang lovelife. Nag-text din naman siya kay Jane na may importanteng gagawin. Siyempre hindi naman maaaring sabihin niya rito ang nangyayari.Kahit gaano niya ito kamahal ay may mga lihim na dapat pa rin niyang itago rito lalo't makapagdudulot iyon ng kasamaan. Mukhang pera pa naman ito kaya nangangamba siyang bigla na lamang siya nitong ipagpalit sa pera. Puwede kasi itong lumapit kay Red, Blue o anumang pangalan nito para magsabi ng impormasyon kapalit ng maliit na halaga.Mukhang pera, ito paglalarawan niya kay Jane pero hindi naman niya iniintindi dahil may pera naman kasi siyang naibibigay dito. Kaya nga lang siyempre, mas gusto pa rin niya talaga ang babaeng mapagkakatiwalaan. Iyon nga lang, para naman kasing mahirap na gawin iyon kung para sa kanyang
NAGISING nang maaga si Hannah dahil ibig niyang ipagluto si GB. Matagal na niyang gustong magpaka-misis kay GB pero na-postpone dahil sa pagbubuntis niya.Malalim na buntunghininga na naman ang kanyang pinawalan ng maalala niya ang kanyang anak.Ang dapat niyang magiging anak, pagtatama niya.Para sa iba ay fetus pa lang iyon at hindi pa tunay na bata, hindi na mahalaga iyon sa kanya. Hindi naman kasi mababago nu'n ang katotohanang anak niya iyon. Anak nila ni GB. Kaya kahit kailan ay hindi niya iyon magagawang kalimutan. Mabuti na nga lang at may libingan siyang madadalaw. Hindi rin nila ito nakalimutang bigyan ng pangalan Rainbow Montemayor Lee."So, what's next?" Tanong pa niya sa sarili habang nagluluto ng tocino. Mabuti na lang at may stock nu'n sa
NAKAHANDA na ang almusal kaya pupuntahan at gigisingin na sana ni Hannah si GB nang makita niya itong pababa na. Kumunot ang noo niya dahil nakaligo na rin ito at nakabihis. Kahit na hindi naman panlakad ang suot nito kundi simpleng t shirt at short lang ay may kaba pa rin siyang naramdaman.“Tamang-tama ang baba mo, kain na muna tayo.” Kahit kinakabahan na siya sa hitsura at porma ngayon ni GB ay sinikat pa tin niyang ikalmante ang kanyang pusong nagsisimula ng madurog. Gusto niyang isipin na baka naman kasi nagkakamali lang siya ng hinala.“Pormang-porma ka, may lakad ka?” tanong ni Lolo Luciano. Bilang lalaki ay alam na alam nito kung anong dahilan kung bakit nakagayak ito ng ganoon. Parang sinakal ang puso niya sa kaisipang mayroon itong ibang dadalawin.“M-may pup
AYAW ni Hannah na mag-alala pa si Lolo Luciano sa kanya kaya naman pilit niyang pinasisigla ang kanyang boses kapag tinatanong siya nito. Kahit nawawalan na siya ng gana ay pinilit pa rin niyang kumain ng dessert at ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis kahit ang totoo ay naiiyak na siya.Ibig niya mang magtiwala kay GB, parang may nanunukso sa kanya at sinasabing madi-disappoint ka lang sa huli kapag pinili mong maniwala ng husto. Oo nga’t matalik mong kaibigan si GB pero siyaý lalaki pa rin at kahit na mayroon ng asawa ay may pagkakataon pa rin na nakaka-appreciate ng magaganda.Buti sana kung nakaka-appreciate lang, sarkastikong sabi niya sa sarili.MUli na naman kasing bumalik sa kanyang alaala na noon ay nagbibilang ng mga babae si GB. Sabi naman nito ay wala itong sineseryoso ng mg
AYAW man gumawa ng masama ni Nicole sa kanyang kapwa, lalo na sa mga taong nagmamahalan, wala naman siyang magawa dahil ang nakataya ay ang buhay at kinabukasan ng kanyang mga kapatid.Hindi lang si Mimi ang nalalagay ngayon sa panganib, pati na rin si Abi.Tinawagan nga siya ni Mimi matapos itong maihatid ni Red/Blue. Nasa boses nito ang matinding takot nu'ng sabihin nito ang hinala na tinatarget din ng boyfriend nito si Abi. Kitang-kita raw kasi sa mga mata ni Red/Blue ang matinding pagnanasa.Kung ordinaryong lalaki lang si Blue ay hindi siya mag-aalala ng sobra-sobra. Tiyak niya kasing kayang-kaya ito ni Abi. Hindi rin naman ordinaryong babae si Abi. Kaya rin nitong makipagbakbakan sa mga lalaki kaya lang iba si Blue. Hindi lang ito marahas, utak kriminal pa.
MALAKING kasinungalingan, 'yan ang naisip ni Gray habang nakatitig kay Nicole. Para tuloy gusto na niyang magsisi na nagtiwala siya rito. Sa kinikilos kasi nito ngayon ay tiyak niyang nais lang nitong maka-score sa kanya. At pagkaraan ay iyon ang gagamitin nito para magkasira sila ni Hannah.Hah, hindi niya hahayaan na mangyari iyon! Sigaw niya sa isip.Kaya bago pa man siya makapagsalita ng masama ay tinalikuran na niya si Nicole. Ngayon ay nagsisi siyang naglihim siya sa kanyang misis. Hindi man niya gusto pero alam niyang nagkasala siya rito.Buong akala niya kasi'y totoo ang sinasabi sa kanya ni Nicole. Ngunit ngayon ay napagtanto niyang isa lamang iyong kalokohan.Oo nga't kinabahan siya ng husto nu'ng makarinig siya ng boses ng lalaki sa background habang kausap niya si Nicole. Inisip niyang talagang kasama nito ang stalker ni Hannah. Ngunit, ngayong pinapapasok siya ni Nicole sa kuwarto nito para kunin daw ang cellphone nitong may
TATLONG araw nang hindi nakikita ni Abi si Jane kaya miss na miss na niya ito. Binilinan muna kasi siya ng Ate Nicole niya na huwag munang lalabas. Tiyak daw kasi nitong galit na galit si Blue/Red dahil hindi napaghiwalay ng ate niya sina Gray at Hannah. Subalit, sa loob ng mga araw na iyon ay hindi nagpapakita sa kanila si Blue/Red.Dapat sana ay matuwa sila pero hindi iyon ang nararamdaman nilang magkakapatid. Alam na alam nilang hindi sila dapat magtiwala kapag ang isang taong puro kasamaan ang alam ay nananahimik. Pare-pareho kasi silang nangangamba na baka may pinaplano lang itong masama kaya missing in action ngayon.Ngunit, nang mga oras na iyon ay hindi muna niya inintindi si Blue/Red. Ang tanging mahalaga sa kanya ay makita niya ang kanyang minamahal na nasasabik na rin daw na makita siya. Kaya naman, hindi rin niya naiwasan ang labis na ma