Home / Romance / Lover ko si Bespren / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Lover ko si Bespren: Chapter 81 - Chapter 90

174 Chapters

Chapter Eighty One 

ITO ang kauna-unahang pagkakataon na nagawang dalawin nina Gray at Hannah ang puntod ng kanilang anak. Isang fetus man ang nakahimlay doon ay binigyan pa rin nila ng libingan. Ang kanilang anak para mayroon silang madadalaw. At siyempre, dahil sa nais din naman nilang makasali sa hapag ang kanilang anak ay nag-picnic sila sa may puntod nito. Mapait lang siyang napangiti dahil naisip niyang hindi matutupad ang kagustuhan nilang ipasyal ang kanilang anak paglaki nito. Dahil mananatili na lang ang anak nila sa lugar na iyon.Kahit lumipas pa ang maraming taon, alam nilang mananatili sa kanilang puso't isipan na may anak silang nawala. Sabi ni Hannah, magiging okay din siya isang araw pero hindi pala ganoon kadali iyon. Pakiramdam niya ay kasalanan talaga niya kung bakit siya namatayan ng anak. Matagal na si
last updateLast Updated : 2021-11-17
Read more

Chapter Eighty Two 

“ANONG masasabi mo kay Red, Ate?” excited na tanong ni Mimi sa kapatid. Pakiramdam kasi niya talaga ay natagpuan na niya ang man of her dreams. Mabait at malambing naman kasi si Red. Kahit kailan lang sila nito nagkakilala ay ipinaramdam na nito sa kanya na isa siyang espesyal na babae. Nasa hapag kainan sila noon, naghahanda ng almusal. Itlog at tuyo ang kanilang ulam. Kung dati ay nagagawa pa niyang mag-reklamo dahil sa kanilang ulam, ngayon ay hindi ba niya magawa. Paano ba naman kasi, para siyang laging naglalakad sa ulap. Ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. Ang saya-saya. Parang kulay bahag-hari lagi ang tingin niya sa paligid.  Sabi ng marami, kapag nagmahal ka ay hindi mo dapat na ibigay ang lahat. Kailangan mo ring magtira para sa’yong sarili, ngunit, paano niya magagawa iyon kung hindi naman niya kayang kontrolin ang tibok ng kanyang puso?Kumunot lamang ang kanyang noo dahil parang hindi narinig ng kapatid ang kanyan
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more

Chapter Eighty Three 

DAPAT ka nga bang pagkatiwalaan? Tanong ni Mimi sa sarili habang nakatitig sa nagmamanehong si Red. Pakiramdam niya'y talagang may kakaiba rito. Iyon nga lang, hindi niya dito naramdaman iyon kundi sa hitsura ng kanyang Ate Nicole kapag nakikita si Red. Matapang at palaban ang kanyang Ate Nicole, wala itong inuurungan. Basta tama ang pinaniniwalaan nito'y hindi ito naduduwag. Sa madaling salita marunong itong lumaban, pero, bakit hindi nito iyon magawa ngayon?Dahil kay Red? Tanong ng utak niya. Magmula nang makita ito ng kanyang Ate Nicole ay naging matarantahin na ito. Wari'y natatakot ito sa lalaki. Kilala ba ng Ate Nicole niya si Red? Gusto sana niya itong itanong sa Ate Nicole niya pero hindi sila nakakasigurado kung sasagutin siya nito ng totoo. "
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Chapter Eighty Four

"HINDI ka pa rin ligtas,” wika ng kanyang Ninang Adelaida habang nakatitig sa kanyang mga mata. Pakiwari tuloy ni Hannah kaya nito ginawa iyon ay para makita nitong tapat ito sa sinasabi. Iyon nga lang, ang pagiging tapat nito ay nagdudulot sa kanya ng kilabot. Sa dami ng nangyari sa kanyang buhay ay masasabi niyang durog na durog na siya. Nawalan siya ng anak kaya naman natatakot na siyang magkaroon pang muli ng anak. Ayaw na niyang mabuntis dahil baka hindi na niya kayanin pa ang sakit. Mabuti na lang talaga at pumayag si GB na huwag na muna silang magkaanak. Muna, mariin niyang sabi. Ibig sabihin ay umaasa pa ito na magkakaroon sila ng anak. Mapagbibigyan pa ba niya si GB?“May plano ba siyang patayin ako?” tanong niya. Dapat ay matakot siya sa sarili niyang tanong pero para wala siyang takot na nararamdaman. Maaaring dahil kahit hindi naman ito ang gumawa, pakiramdam pa rin niya ay nagawang magtagumpay nito dahil nawala ang anak
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Chapter Eighty Five 

"MAGKAAYOS na kayo ni Hannah?" Sabik na tanong ni Silver. Matalim na tingin ang ibinato rito ni Gray pero hindi niya napigilan ang matawa. "Ikaw ba ang lalaking version ni Aling Maritess?""Hindi ko kasi mapigilan ang pagiging tsismoso ko dahil nakikita ko ng kumukuti-kutitap ang mga mata mo at hindi mangyayari iyan kung may problema pa kayong nag-asawa." Natatawang sabi nito sa kanya. "Well tama ka nga, malapit kayong dalawa sa akin kaya masaya ko talagang makitang masaya talaga kayo ni Hannah. Kung mayroon mang problema na dumating kapitan lang ninyo ang isa't isa.""Kung magsalita parang may karelasyon ka.""Malay mo."Tinaasan niya ito ng kilay. Ibig niyang ipakita rito na hindi siya naniniwala. "Sa daldal mo alam kong masasabi mo ang lahat ng lihim mo. Hindi mo nga napigilang i-confess sa akin ang crush mo sa asawa ko. "Tumawa ito. Kumunot tuloy ang noo niya. Para kasing naging sarkastiko ngayon ang tawa nito. Gayunm
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Chapter Eighty Six 

HINDI sa lahat ng pagkakataon ay magagawa mong piliing maging mabuting tao, naisip ni Nicole. Dahil kung ganoon ay hindi siya papayag sa kademonyuhan ni Blue. Kaya nga lang, hawak siya ni Blue sa leeg at kung hindi niya ito susundin, si Mimi ang mapapahamak. At hindi niya iyon hahayaang mangyari. Kahit sa palagay niya’y sirang-sira na ang kanyang buhay, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maligtas ang kanyang kapatid sa kapahamakan. Buong pagmamalaki kasing sinabi iyon sa kanya ni Blue at kinumpirma iyon ni Mimi. Sa pagkakatitig pa lamang niya sa nakababatang kapatid ay natitiyak niyang hindi ito masaya sa sitwasyong kinasusuungan. Kung hindi nga siya nagkakamali ay gusto niyang isipin na napilitan lang itong sagutin si Blue. Tinakot ba ito ni Blue? Gusto sana niyang tanungin ni Mimi pero nangangamba siyang kapag ginawa niya ito ay magtanong din ito sa kanya. Hindi pa naman niya alam kung ano ang mga isasagot niya. Ang tanging n
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Chapter Eighty Seven 

BAKIT hanggang ngayon ay wala pa si GB? Kinakabahang tanong ni Hannah sa sarili. Panay din ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nagbabakasakali siyang may papasok na mensahe buhat sa asawa. Ang sabi kasi nito kanina ay pauwi na raw ito pero hanggang ngayon ay wala pa ito gayung tatlong oras na buhat nang sabihin ni GB na pauwi na ito. Bigla tuloy niyang naisip na baka may nangyaring masama rito. Paano kung naaksidente pala ito? Kahit tuloy parang inindiyan siya ni GB sa dinner date nila, hindi niya makuhang magalit dito. Tinawagan din niya ito pero naka-off ang cellphone nito. Para tuloy gusto niyang isipin na ayaw nitong magpaistorbo. Aray! Wika niya pagkaraan ang ilang sandali. Para kasing may bumatok sa kanya. Hindi naman kasi niya dapat kalimutan na nagsabi ito kaninang lowbatt na ang cellphon
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Chapter Eighty-Eight 

“ANONG klase kang asawa?”Muntik nang mapatalon si Gray nang marinig niya ang boses ng kanyang Lolo Luciano. Nasa boses kasi nito ang matinding akusasyon at talagang nagi-guilty siya. Talaga naman kasing may kasalamam siyang nagawa. Ang sabi niya kay Hannah ay uuwi na siya pero hindi nangyari iyon dahil kay Nicole. Ang plano naman talaga niya ay iwasan ito dahil ang presensiya nito ay siguradong magiging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Hannah. Oo nga’t pinagkakatiwalaan siya ng kanyang asawa kaya ingat na ingat siyang huwag itong masaktan dahil tiyak niyang kapag nagkamali siya ay mapuputol na rin ang pagiging mag-asawa nila ni Hanna at tiyak na madadamay pa ang pagiging mag-bestfriends nila. Hindi kasi si Hannah ang tipo ng babaeng nagbibigat ng ikalawang pagkakataon. Kaya nga
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Chapter Eighty Nine 

NARINIG ni Hannah na bumukas ang pintuan. Alam niyang si GB ang pumasok. Kahit nasasabik siyang makita ito ay hindi siya dumilat. Sabi niya sa sarili, dapat siyang magalit dito. Kailangan niya itong awayin. Kailangan niyang mailabas ang galit na kanyang nararamdaman. Ibig niyang sampalin ito, suntukin, tadyakan pero hindi niya magawa. Basta ang alam niya ay sobra siyang nasasaktan sa ginawa nito. Mag-bestfriend sila. Hindi ba nito naisip iyon?Maaaring bilang asawa ay maiintindihan niya kung bakit hindi ito naging tapat sa kanya. Hindi niya naibibigay dito ang pangangailangan nito bilang lalaki. Kahit nagsi-sex sila alam niyang ang ipinararamdam niya rito ay hindi kasing init ng ipinaramdam niya rito noon. Iyon nga ba ang dahilan kaya pinili nitong patulan si Nicole?Malalim na buntunghininga ang pinawalan niy
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Chapter Ninety (SPG) 

SA tapat ng shower, alam ni Hannah na kahit lumuha siya'y hindi iyon mapapansin ni GB. Wala naman kasi siyang amnesia para kalimutan ang nakita sa video. Sina GB at Nicole magkasamang pumasok sa motel kaya pala late ng mahigit tatlong oras si GB pag-uwi ay may iba pang dinaanan ang mga ito. Ang sakit! Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa iyon sa kanya ni GB. Mahal na mahal niya ito. Sobra siyang nagtitiwala rito. Kung hindi nga may kung sinong nagpadala ng video na iyon, hindi niya maiisip na pagtataksilan siya ni GB. Naniniwala kasi siya na kahit may problema silang pinagdaraanan, hinding-hindi nito maiisipang mambabae. "Can I join?" Tanong nito buhat sa likuran. Pagkatapos ay naramdaman niyang hubad na hubad na ito. Nararamdaman kasi niya ang pagkalalaki nito  na bumubunggo-bunggo sa kanyang likod. Hindi pa m
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more
PREV
1
...
7891011
...
18
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status