Home / Romance / Lover ko si Bespren / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Lover ko si Bespren: Chapter 61 - Chapter 70

174 Chapters

Chapter Sixty One 

KAILANGAN daw magpunta ni GB sa Firm nito kaya nang mapag isa siya sa silid ay  nag-umpisa na siyang mag-isip kung ano ang  gagawin niya para hindi mainip nang bumukas ang pinto. Pagkaraan ay pumasok si Aling Adelaida, este, ang kanyang Ninang Adelaida. Ngiting-ngiti ito sa kanya. "Ano hong ginagawa ninyo rito?" gulat niyang tanong tanong. Talagang ikinagulat pa niyang hindi niya nagawang itanong dito ang mga katagang nakalimutan yata ninyong kumatok? Ngunit, pagkaraan ay naipagpasalamat niyang hindi iyon ang kanyang naibulalas. Ayaw din naman kasi niyang ma-offend ito. Alam niyang sa kanya lang naman ito malapit. Ang mga tenants niya ay mangkukulam ang tingin dito kaya naman halos hindi rin ito lumalabas ng bahay. Naging malapit lang ito sa kanyang mga
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter Sixty Two 

AYAW na ayaw sana ni Adelaida na nakikipag-usap sa ibang tao pero hindi naman niya matanggihan si Luciano nang ayain siya nitong magmiryenda. Matapos kasi niyang hilutin si Hannah ay nakatulog ito.  Ayaw na naman niya itong istorbohin pa sa pamamahinga nito kaya nagpasya na siyang lumabas ng kuwarto nito. Ayaw na ayaw din kasi niya nang naiinip. Ibig niyang gumagana ang kanyang isip at ang kanyang katawan. Iyon ang sikreto kaya nananatili siyang malakas at may matalas na isipan.  “Kaibigan mo pala ang mag-asawa?” tanong nito sa kanya.  “Yes,” wika niyang iniwas ang tingin dito. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa miryenda na ipinahanda nito sa tinawag nitong Nurse Samantha. “At hindi lang basta kaibigan, ninang nila ako ng sila ay ikasal.” Nang tuming
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter Sixty Three 

DAHIL sa matinding selos ay gustong hablutin ni Gray kay Hannah ang pizzang hawak nito ngunit kapag ginawa niya iyon ay siguradong mag-aaway lang sila. Magdaramdam pa ang kanyang misis at makakasama pa sa kalagayan nito. Sabi nga ng doctor, huwag bibigyan ng anumang problema ang buntis. Huwag hahayaang ma-stress ito. Kahit kasi sabihin pang siya naman ang nagbayad ng pizza na ipinadala ni Silver, hindi pa rin mababago ang katotohanan na si Silver ang nagpadala noon at hindi siya. Mararahas na buntunghininga pa ang kanyang pinawalan dahil muli niyang naisip ang ikinumpisal sa kanya ni Silver. May gusto ito kay Hannah at parang nagbabanta ito na kung magiging pabaya siyang asawa ay pagsisisihan niya iyon. Mariin pang sinabi sa kanya na kapag sinaktan niya si Hannah ay hindi ito magdadalawang isip na ilayo sa kanya ang kanyang asawa. Hah, para namang h
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Chapter Sixty Four  

"ARAY ko!" Hindi napigilang isigaw ni Samantha dahil biglang nanakit ang kanyang tiyan. Para tuloy gusto niyang magsisi na kumain siya nang kumain ng pizza. Bilang nurse naman kasi ay alam niyang hindi makabubuti kay Hannah na kumain nang kumain ng pizza kaya minabuti nilang huwag ibigay lahat kay Hannah ang pizza. Iyon nga lang isang box din ang binigay niya rito. Bahala na ito kung uubusin ba nito ng pizza. Ngunit, parang siya ang sumama ang pakiramdam sa kakakain ng pizza. Tatlong pizza lang naman ang kanyang kinain samantalang dati ay kayang-kaya niyang umupos ng isang box sa isang upuan.Napangiwi siya sa sakit na kanyang nararamdaman kaya naman napa-inhale-exhale siya. Ngunit, alam niyang hindi sapat iyon para maging maayos ang kanyang pakiramdam. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagdududa. Sigurad
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Chapter Sixty Five 

“SANA naman ay hindi ka nagsasawang nakikita ako palagi rito,” nakangiting sabi sa kanya ni Ninang Adelaida. Matamis na ngiti muna ang ibinigay ni Hannah sa matandang babae bago sumagot. “Nakakatuwa nga pong makita ko kayo rito palagi. Naaalala ko ang mga lola ko,” nawala lang ang ngiti niya nang maisip niya ang sinabi. Pagkaraan ay napakunot ang noo niya. Naalala kasi niyang napanaginipan niya ang kanyang Lola Lucia at Lola Salome kaso nga lang hindi niya matandaan ang eksaktong panaginip niya. Basta ang alam niya’y mayroong ibinibilin ang mga ito sa kanya kaso hindi niya matandaan kung ano iyon. “May problema ba?” nag-aalalang tanong nito. Buong tiim pa itong nakatingin sa kanya na para bang gustong alamin kung anong tumatakbo sa kanyang isip. 
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Chapter Sixty Six 

"MASAMA ba akong tao?" masama ang loob na tanong ni Hannah kay GB."No," mariing sabi ni GB na nagtatangis ang bagang. Alam niyang sobra itong nagagalit. Siya rin naman ay nagagalit sa taong parang gustung-gusto napahamak siya pero mas nangingibabaw ang takot na kanyang nararamdaman. Hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang anak. Kaya naman nayakap niya si GB. Sa palagay kasi niya'y talagang kailangan niya ng proteksyon nito. "May mga tao lang talagang gustung-gusto ng gumawa ng masama sa kanyang kapwa. Ngunit,  hindi ko siya hahayaang magtagumpay." Kinuyom pa nito ang kamao na parang sinasabing hindi nito hahayaang magtagumpay ang sinuman ang nanggugulo sa kanila. "Sino kaya siya?" Nahagilap niyang itanong. Kahit kasing anong isip a
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Chapter Sixty Seven 

AGAD siyang nahinto sa paglakad si Gray nang puntahan niya sa salas ang kanyang Lolo Luciano. Sabi kasi ni Nurse Samantha ay naroon ito. Ngunit hindi lang siya napatigil dahil sa lolo niya kundi sa bagay na nakuha ng kanyang atensyon. Korona ng patay? Gilalas niyang tanong sa sarili. "May nagpadala niyan," mariing wika ni Lolo Luciano. Agad lumipad ang tingin niya rito. Sobra kasi siyang nanggilalas at talagang hindi siya makapaniwala. Ngunit mas nanggilalas siya dahil sa pangalan na nakalagay sa bulaklak. Hanna Marie Montemayor-Lee. Hindi agad siya nakakibo dahil parang may granadang sumabog sa harapan niya ngunit dahil hindi siya nagkapira-piraso ay natulala lang siya. Matinding pagkabigla ang kanyang naramdaman. Talagang hindi niya akalain na m
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Chapter Sixty Eight 

TULAD ng ipinangako ni Hanna kay Nurse Samantha, itinikom niya ang kanyang bibig. Hindi niya  sinabi kay GB na alam niya ang nangyayari. Hinintay lang niya na ito ang magsabi sa kanya pero parang wala itong kabalak-balak na magtapat sa kanya.Naiintindihan naman niya kung bakit hindi masabi sa kanya ng asawa ang  tungkol natanggap niyang korona ng patay. Siyempre alam nitong mag-aalala siya. Ang hindi nito alam, talagang nag-aalala na siya. Hindi niya alam kung sino ang nagagalit sa kanya at kung bakit gusto siyang patayin. Si Jean ba? Nalilitong tanong niya sa sarili ngunit paano naman mangyayari iyon kung hanggang ngayon ay nawawala ito. Ayon nga kay GB, nailibing na ang nanay nito pero hindi pa rin ito dumarating. Naoapag-alaman niya na ang Lolo Luc
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter Sixty Nine 

KASALANAN ko ito, wika ni Hannah habang nakapikit. Ayaw na muna niyang dumilat dahil alam niyang bubulwak lang ang luha sa kanyang mga mata. Narinig niyang nag-uusap si GB at ang doktor kaya alam niyang wala na ang kanyang dinadala. Nang araw kasing iyon ay biglang sumakit ang kanyang puson. Hindi niya kasi napigilan ang kabahan dahil may nagbabanta sa buhay niya at walang nagpapaalam sa kanya. Kung bakit naman kasi naging matigas ang kanyang ulo at nakuha pa niyang magtanong sa kung ano ang nangyayari. Kung hindi siya nagtanong sana ay hindi na siya nag-alala pa ng husto. Para kasing binabangungot din siya kapag naiisip niya ang korona ng patay, ang pampalaglag sa pizza at ang milktea na may beans. Sa mga inihalo pa lang ang taong iyon sa kanyang inumin ay masasabi ng malaki talaga ang galit noon sa kanya dahil puro ikapapahamak niya ang nais niton
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more

Chapter Seventy 

KAHIT paulit-ulit niyang papaniwalain ang sarili na hindi niya kasalanan ang nangyari, nagi-guilty pa rin si Hannah lalo na kapag napapatingin sa kanya si Lolo Luciano sabay hugot nang malalim na buntunghininga. Parang ipinahihiwatig nito na sobra itong na-disappoint sa nangyari. Well, hindi naman niya masisisi ito dahil sa una pa lang ay excited na itong magkaapo. Hindi rin naman niya gustong malaglagan ng anak pero talagang may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kayang mapigilang mangyayari at talagang wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat. Iyon nga lang, talagang nahihiya siyang humarap dito. Kaya lang napilitan siyang lumabas ng silid dahil sinabi ni Nurse Samantha na gusto siyang makasabay ni Lolo Luciano na mag-lunch.Dalawang linggo na rin naman ang lumipas kaya hindi na maniniwala si Lolo Luciano kung sasabihin niyang ma
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
PREV
1
...
56789
...
18
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status