"ARAY ko!" Hindi napigilang isigaw ni Samantha dahil biglang nanakit ang kanyang tiyan. Para tuloy gusto niyang magsisi na kumain siya nang kumain ng pizza.
Bilang nurse naman kasi ay alam niyang hindi makabubuti kay Hannah na kumain nang kumain ng pizza kaya minabuti nilang huwag ibigay lahat kay Hannah ang pizza. Iyon nga lang isang box din ang binigay niya rito. Bahala na ito kung uubusin ba nito ng pizza.
Ngunit, parang siya ang sumama ang pakiramdam sa kakakain ng pizza. Tatlong pizza lang naman ang kanyang kinain samantalang dati ay kayang-kaya niyang umupos ng isang box sa isang upuan.
Napangiwi siya sa sakit na kanyang nararamdaman kaya naman napa-inhale-exhale siya. Ngunit, alam niyang hindi sapat iyon para maging maayos ang kanyang pakiramdam. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagdududa. Sigurad
“SANA naman ay hindi ka nagsasawang nakikita ako palagi rito,” nakangiting sabi sa kanya ni Ninang Adelaida.Matamis na ngiti muna ang ibinigay ni Hannah sa matandang babae bago sumagot. “Nakakatuwa nga pong makita ko kayo rito palagi. Naaalala ko ang mga lola ko,” nawala lang ang ngiti niya nang maisip niya ang sinabi.Pagkaraan ay napakunot ang noo niya. Naalala kasi niyang napanaginipan niya ang kanyang Lola Lucia at Lola Salome kaso nga lang hindi niya matandaan ang eksaktong panaginip niya. Basta ang alam niya’y mayroong ibinibilin ang mga ito sa kanya kaso hindi niya matandaan kung ano iyon.“May problema ba?” nag-aalalang tanong nito. Buong tiim pa itong nakatingin sa kanya na para bang gustong alamin kung anong tumatakbo sa kanyang isip.
"MASAMA ba akong tao?" masama ang loob na tanong ni Hannah kay GB."No," mariing sabi ni GB na nagtatangis ang bagang. Alam niyang sobra itong nagagalit.Siya rin naman ay nagagalit sa taong parang gustung-gusto napahamak siya pero mas nangingibabaw ang takot na kanyang nararamdaman. Hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang anak. Kaya naman nayakap niya si GB. Sa palagay kasi niya'y talagang kailangan niya ng proteksyon nito."May mga tao lang talagang gustung-gusto ng gumawa ng masama sa kanyang kapwa. Ngunit, hindi ko siya hahayaang magtagumpay." Kinuyom pa nito ang kamao na parang sinasabing hindi nito hahayaang magtagumpay ang sinuman ang nanggugulo sa kanila."Sino kaya siya?" Nahagilap niyang itanong. Kahit kasing anong isip a
AGAD siyang nahinto sa paglakad si Gray nang puntahan niya sa salas ang kanyang Lolo Luciano. Sabi kasi ni Nurse Samantha ay naroon ito. Ngunit hindi lang siya napatigil dahil sa lolo niya kundi sa bagay na nakuha ng kanyang atensyon.Korona ng patay? Gilalas niyang tanong sa sarili."May nagpadala niyan," mariing wika ni Lolo Luciano. Agad lumipad ang tingin niya rito. Sobra kasi siyang nanggilalas at talagang hindi siya makapaniwala. Ngunit mas nanggilalas siya dahil sa pangalan na nakalagay sa bulaklak.Hanna Marie Montemayor-Lee.Hindi agad siya nakakibo dahil parang may granadang sumabog sa harapan niya ngunit dahil hindi siya nagkapira-piraso ay natulala lang siya. Matinding pagkabigla ang kanyang naramdaman. Talagang hindi niya akalain na m
TULAD ng ipinangako ni Hanna kay Nurse Samantha, itinikom niya ang kanyang bibig. Hindi niya sinabi kay GB na alam niya ang nangyayari. Hinintay lang niya na ito ang magsabi sa kanya pero parang wala itong kabalak-balak na magtapat sa kanya.Naiintindihan naman niya kung bakit hindi masabi sa kanya ng asawa ang tungkol natanggap niyang korona ng patay. Siyempre alam nitong mag-aalala siya. Ang hindi nito alam, talagang nag-aalala na siya. Hindi niya alam kung sino ang nagagalit sa kanya at kung bakit gusto siyang patayin.Si Jean ba? Nalilitong tanong niya sa sarili ngunit paano naman mangyayari iyon kung hanggang ngayon ay nawawala ito. Ayon nga kay GB, nailibing na ang nanay nito pero hindi pa rin ito dumarating. Naoapag-alaman niya na ang Lolo Luc
KASALANAN ko ito, wika ni Hannah habang nakapikit. Ayaw na muna niyang dumilat dahil alam niyang bubulwak lang ang luha sa kanyang mga mata.Narinig niyang nag-uusap si GB at ang doktor kaya alam niyang wala na ang kanyang dinadala. Nang araw kasing iyon ay biglang sumakit ang kanyang puson. Hindi niya kasi napigilan ang kabahan dahil may nagbabanta sa buhay niya at walang nagpapaalam sa kanya.Kung bakit naman kasi naging matigas ang kanyang ulo at nakuha pa niyang magtanong sa kung ano ang nangyayari. Kung hindi siya nagtanong sana ay hindi na siya nag-alala pa ng husto. Para kasing binabangungot din siya kapag naiisip niya ang korona ng patay, ang pampalaglag sa pizza at ang milktea na may beans. Sa mga inihalo pa lang ang taong iyon sa kanyang inumin ay masasabi ng malaki talaga ang galit noon sa kanya dahil puro ikapapahamak niya ang nais niton
KAHIT paulit-ulit niyang papaniwalain ang sarili na hindi niya kasalanan ang nangyari, nagi-guilty pa rin si Hannah lalo na kapag napapatingin sa kanya si Lolo Luciano sabay hugot nang malalim na buntunghininga. Parang ipinahihiwatig nito na sobra itong na-disappoint sa nangyari.Well, hindi naman niya masisisi ito dahil sa una pa lang ay excited na itong magkaapo. Hindi rin naman niya gustong malaglagan ng anak pero talagang may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kayang mapigilang mangyayari at talagang wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat.Iyon nga lang, talagang nahihiya siyang humarap dito. Kaya lang napilitan siyang lumabas ng silid dahil sinabi ni Nurse Samantha na gusto siyang makasabay ni Lolo Luciano na mag-lunch.Dalawang linggo na rin naman ang lumipas kaya hindi na maniniwala si Lolo Luciano kung sasabihin niyang ma
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Gray. Gusto na sana niyang pumasok sa kuwarto para makita si Hannah pero alam niyang gising pa ito kaya pinili na lang muna niyang mag-stay sa labas ng kanilang bahay. Ayaw din naman niyang nasa loob lang siya ng bakuran dahil alam niyang kapag nakita siya ng kanyang lolo ay pagagalitan lamang siya nito.Ilang beses na kasi siya nitong sinabihan na sa halip na umiwas siya, kailangan ay ayusin niya ang relasyon nila ni Hannah. Well, iyon din naman ang gusto niyang mangyari dahil miss na miss na niya ang kanyang asawa. Kahit nga noong mag-bestfriends pa lang sila ni Hannah ay hindi pa nangyari na tumagal ng ilang linggo ang kanilang tampuhan.Tampuhan? Gilalas niyang tanong sa sarili. Alam naman kasi niyang hindi naman tampuhan lang ang nangyari sa kanila.M
MAHAL ko nga ba si Gray? Tanong ni Nicole sa kanyang sarili. Gusto niyang sabihing ‘hindi’ pero damang-dama niya ang pagdurugo ng puso niya nang mga sandaling iyon. Para kasi iyong nilalamutak sa sobrang sakit. Paano ba naman kasi naghahalikan ngayon sina Gray at Hannah sa kanyang harapan.Kahit alam niya kasing imposible, sinubukan niya kaninang i-seduce si Gray. Ngunit, sa umpisa pa lang ay hindi na siya nakasisiguro kung tatalab ba dahil alam naman niyang mahal na mahal ni Gray si Hannah. Kahit nu’ng panahong pinatulan siya ni Gray, alam niyang si Hannah ang mahal nito. Kaya nga, talagang nag-concentrate siya para akitin ng husto si Grayson Brian Lee. Ngunit bigo siya dahil, nang gabing may nangyari sa kanila, tinapos na rin nito ang ugnayan nila.Gusto man niyang magalit, hindi niya magawa dahil wala naman itong ipinangako sa k