TULAD ng ipinangako ni Hanna kay Nurse Samantha, itinikom niya ang kanyang bibig. Hindi niya sinabi kay GB na alam niya ang nangyayari. Hinintay lang niya na ito ang magsabi sa kanya pero parang wala itong kabalak-balak na magtapat sa kanya.
Naiintindihan naman niya kung bakit hindi masabi sa kanya ng asawa ang tungkol natanggap niyang korona ng patay. Siyempre alam nitong mag-aalala siya. Ang hindi nito alam, talagang nag-aalala na siya. Hindi niya alam kung sino ang nagagalit sa kanya at kung bakit gusto siyang patayin.
Si Jean ba? Nalilitong tanong niya sa sarili ngunit paano naman mangyayari iyon kung hanggang ngayon ay nawawala ito. Ayon nga kay GB, nailibing na ang nanay nito pero hindi pa rin ito dumarating. Naoapag-alaman niya na ang Lolo Luc
KASALANAN ko ito, wika ni Hannah habang nakapikit. Ayaw na muna niyang dumilat dahil alam niyang bubulwak lang ang luha sa kanyang mga mata.Narinig niyang nag-uusap si GB at ang doktor kaya alam niyang wala na ang kanyang dinadala. Nang araw kasing iyon ay biglang sumakit ang kanyang puson. Hindi niya kasi napigilan ang kabahan dahil may nagbabanta sa buhay niya at walang nagpapaalam sa kanya.Kung bakit naman kasi naging matigas ang kanyang ulo at nakuha pa niyang magtanong sa kung ano ang nangyayari. Kung hindi siya nagtanong sana ay hindi na siya nag-alala pa ng husto. Para kasing binabangungot din siya kapag naiisip niya ang korona ng patay, ang pampalaglag sa pizza at ang milktea na may beans. Sa mga inihalo pa lang ang taong iyon sa kanyang inumin ay masasabi ng malaki talaga ang galit noon sa kanya dahil puro ikapapahamak niya ang nais niton
KAHIT paulit-ulit niyang papaniwalain ang sarili na hindi niya kasalanan ang nangyari, nagi-guilty pa rin si Hannah lalo na kapag napapatingin sa kanya si Lolo Luciano sabay hugot nang malalim na buntunghininga. Parang ipinahihiwatig nito na sobra itong na-disappoint sa nangyari.Well, hindi naman niya masisisi ito dahil sa una pa lang ay excited na itong magkaapo. Hindi rin naman niya gustong malaglagan ng anak pero talagang may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kayang mapigilang mangyayari at talagang wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat.Iyon nga lang, talagang nahihiya siyang humarap dito. Kaya lang napilitan siyang lumabas ng silid dahil sinabi ni Nurse Samantha na gusto siyang makasabay ni Lolo Luciano na mag-lunch.Dalawang linggo na rin naman ang lumipas kaya hindi na maniniwala si Lolo Luciano kung sasabihin niyang ma
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Gray. Gusto na sana niyang pumasok sa kuwarto para makita si Hannah pero alam niyang gising pa ito kaya pinili na lang muna niyang mag-stay sa labas ng kanilang bahay. Ayaw din naman niyang nasa loob lang siya ng bakuran dahil alam niyang kapag nakita siya ng kanyang lolo ay pagagalitan lamang siya nito.Ilang beses na kasi siya nitong sinabihan na sa halip na umiwas siya, kailangan ay ayusin niya ang relasyon nila ni Hannah. Well, iyon din naman ang gusto niyang mangyari dahil miss na miss na niya ang kanyang asawa. Kahit nga noong mag-bestfriends pa lang sila ni Hannah ay hindi pa nangyari na tumagal ng ilang linggo ang kanilang tampuhan.Tampuhan? Gilalas niyang tanong sa sarili. Alam naman kasi niyang hindi naman tampuhan lang ang nangyari sa kanila.M
MAHAL ko nga ba si Gray? Tanong ni Nicole sa kanyang sarili. Gusto niyang sabihing ‘hindi’ pero damang-dama niya ang pagdurugo ng puso niya nang mga sandaling iyon. Para kasi iyong nilalamutak sa sobrang sakit. Paano ba naman kasi naghahalikan ngayon sina Gray at Hannah sa kanyang harapan.Kahit alam niya kasing imposible, sinubukan niya kaninang i-seduce si Gray. Ngunit, sa umpisa pa lang ay hindi na siya nakasisiguro kung tatalab ba dahil alam naman niyang mahal na mahal ni Gray si Hannah. Kahit nu’ng panahong pinatulan siya ni Gray, alam niyang si Hannah ang mahal nito. Kaya nga, talagang nag-concentrate siya para akitin ng husto si Grayson Brian Lee. Ngunit bigo siya dahil, nang gabing may nangyari sa kanila, tinapos na rin nito ang ugnayan nila.Gusto man niyang magalit, hindi niya magawa dahil wala naman itong ipinangako sa k
"HANNAH…" ani Gray na bahagya pang humihingal. Napakainit naman kasi ng halik na ibinigay sa kanya ni Hannah at hindi niya nagawang pigilan ang sarili. Miss na miss na niya ang labi nito kaya buong alab na halik din ang ibinigay nito sa kanya.Humihingal din ito ng tanungin siya nito ng, "Totoo ba?" Wika nitong parang maiiyak pa.Kumunot ang noo niya sa tanong nito. Ngunit nang maisip niyang si Nicole ang tinutukoy nito, malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan."Wala kaming relasyon ni Nicole. Hindi kita pagtataksilan at hindi ko kaya," mariin niyang sabi. Totoo naman kasi iyon. Nu'ng panahon ngang mag-bespren pa lang sila, kahit kailan ay hindi niya ito ipinagpapalit. Kapag kailangan siya ni Hannah, agad niya nitong pinupuntahan kahit na mayroon siyang date.
MASARAP matulog, ito ang napagtanto ni Hannah habang nakaunan siya sa braso ni GB at mahigpit itong nakayakap sa kanya. Hindi tuloy niya napigilan ang mangiti dahil talaga lang na tama na ang desisyon niya na makipag-ayos dito. Talaga lang kasi pinahihirapan lamang niya ang kanyang sarili nu'ng panahon na tinitikis niya ito. Ngunit, habang iniiwasan niya ito’y siya rin naman ang higit na nahihirapan at nasasaktan.Naitanong niya tuloy ang sarili, bakit ba kailangan niyang gawin iyon?Napabuntunghininga siya nang makahagilap siya ng sagot sa kanyang katanungan. Bukod kasi sa may gusto siyang mapagbalingan ng sakit na kanyang nararamdaman, natatakot din siyang baka mawala si GB sa kanyang buhay. Mabuti na nga lang at agad niyang napagtanto na mas mawawala ito sa kanyang kung patuloy siyang mag-iinarte.&n
"SISIRAIN ko ang pagsasama nina Hannah at Gray?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nicole sa lalaking kilala niya sa pangalang Blue. Kitang-kita kasi sa mga mata nito ang determinasyon na mangyari ang sinasabi nito.Napalunok tuloy siya. Mayroon kasi siyang takot na naramdaman ng mga sandaling iyon. Kitang-kita sa mukha nito na may masama itong hangarin sa mag asawa. Hindi niya tuloy maibulalas ang kanyang pagtanggi.Kahit naman kasi malaki ang husto niya kay Gray, hindi pa rin niya gugustuhing maghiwalay ang mag-asawa. Una, hindi naman siya ganoon kasama. Pangalawa, hindi rin naman niya kayang panindigan ang damdamin niya kay Gray. Maaaring mahal niya ito ngayon ngunit tiyak niyang darating din ang sandali na pagsasawaan niya ito.Hindi naman kasi talaga siya marunong magmahal dahil hindi siya nakakuha ng pagmamahal buhat sa kanyang mga magulang na walang ginawa kundi mag-away. Hindi nga niya malaman kung bakit nagpakasal ang mga ito at nag-anak pa ng
HINDI man si Hannah ang kaulayaw niya nang sandaling iyon pero wala naman siyang ibang nasa isip kundi ito. Dahilan kaya agad siyang nilabasan. Ang magandang mukha kasi ni Hannah ang naisipa niya. Nabulabog lang ang kanyang pag-i-imagine nang marinig niyang paghagulgol ni Nicole."Ang arte mo, putcha ka talaga!" wika niya sa kasiping. " Kung makaiyak ka akala mo virgin ka pa. Saka bakit ngumangawa ka pa, eh, kaya naman tayo nagpunta dito para mag-sex."Hindi ito kumibo. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Siya naman ay napangisi. Hindi naman kasi siya nakakaramdam ng awa rito. Wala sa bokabularyo niya ang maawa.Wala siyang ibang gusto kundi makaramdam ng kasiyahan. Ang makapagpapasaya sa kanya ay ang makaraos sa makamundong pagnanasa. At naiintindihan din niya kung bakit ganoon na lan