HINDI man si Hannah ang kaulayaw niya nang sandaling iyon pero wala naman siyang ibang nasa isip kundi ito. Dahilan kaya agad siyang nilabasan. Ang magandang mukha kasi ni Hannah ang naisipa niya. Nabulabog lang ang kanyang pag-i-imagine nang marinig niyang paghagulgol ni Nicole.
"Ang arte mo, putcha ka talaga!" wika niya sa kasiping. " Kung makaiyak ka akala mo virgin ka pa. Saka bakit ngumangawa ka pa, eh, kaya naman tayo nagpunta dito para mag-sex."
Hindi ito kumibo. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Siya naman ay napangisi. Hindi naman kasi siya nakakaramdam ng awa rito. Wala sa bokabularyo niya ang maawa.
Wala siyang ibang gusto kundi makaramdam ng kasiyahan. Ang makapagpapasaya sa kanya ay ang makaraos sa makamundong pagnanasa. At naiintindihan din niya kung bakit ganoon na lan
"MABUTI naman at nagkaayos na kayong mag-asawa," masayang sabi ni Lolo Luciano nang sabay silang bumaba ni GB para mag-almusal. Maging si Nurse Samantha ay nagulat pero makaraan lang ang ilang sandali ay napangiti rin. Wari'y nasiyahan sa pagkakayos nila ni GB. Magaang-magaan na ang pakiramdam ni Hannah nang umagang iyon dahil okay na sila ni GB. Kaya, pakiramdam niya'y maliwanag na maliwanag na ang mundo. Ngunit, hindi naman ibig sabihin nu'n ay agad na niyang kinalimutan ang nawalang anak dahil alam niyang hindi mangyayari iyon. Kahit pa dumaan ang ilang taon ay mananatili pa rin sa kanyang alaala na may anak siyang nawala ngunit kailangan din niyang mag-move on. Sila ni GB para mas maging okay ang kanilang pagsasama. Ngunit sa ngayon, hindi muna sila magku-concentrate sa pag-aanak at ito ay sinang-ayunan ni GB. Ang ibig sabihin nito, gagamit muna siya ng pang-control para hindi magbunga ang kanilang mga pagtatalik. Saka talagang na-miss d
WALA pa ring nagagawang aksyon si Nicole sa iniuutos ni Blue. Talaga naman kasing hindi niya gustong manira nang relasyon lalo na kung nagmamahalan ang mga ito. Ibig tuloy niyang magsisi na tinukso pa niya si Gray nang gabing iyon. Tiyak kasing iyon ang dahilan kung bakit naisip ni Blue ang ganoong kademonyohan."Ate, aalis ako," wika ni Mimi. Ang pangatlo sa kanila. Matamis na matamis ang ngiti nito sa kanya na parang nakikiusap na kanya na huwag niya itong tanggihan.Bigla niyang naisip ang banta ni Blue kaya bumuka ang bibig niya para sabihing huwag itong umalis, kaya lang, nagbago ang isip niya. Hindi naman kasi pwedeng magpapadala na lang siya lagi sa takot. Hindi dapat tumigil sa pag-inog ang kanilang mundo kaya ang nagawa niyang sabihin pagkaraan ay, "Mag-iingat ka." Ah, kung pwede nga lang niyang awatin ang kapatid sa pag-alis, ginawa na sana niya. Ngunit, may sarili itong utak at kaya ng magdesisyon para sa sarili kaya ang magagawa na lamang niya ay
ALAS Nueve pasado na kaya hindi na mapakali si Nicole. Para tuloy gusto niyang sisihin ang kanyang sarili kung bakit hindi niya pinigilan si Mimi na umalis gayung alam na alam naman niyang may nagbabanta sa kanyang mga kapatid."May apat ka pang kapatid na babae, hindi ba? Kaya, bibigyan kita ng isang linggo para magawa mo ang pinagagawa ko sa'yo. Kung ayaw mong isa sa kanila ang mapahamak.”Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Para kasi siyang biglang gininaw na hindi niya maintindihan."Tang na! Nahihilo na ako sa ginagawa mo, daig mo pa ang trumpo kung makaikot ka!" Buwisit na buwisit na sabi ng kanyang ina na walang ginawa kundi lumagok ng lapad. "Ano bang problema mo?"Alam niyang hindi nagbibiro an
"HAYOP ka, Blue,” hindi napigilang ibulalas ni Nicole. Impit na impit lang ang pagsasalita niya iyon dahil ayaw niyang marinig ni Mimi ang pag-uusap nila ni Blue.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Alam na alam ko siyempre 'yan. Kaya nga nandito ako. Gusto ko kasing idikdik sa utak mo ang pagiging hayop ko."Sabi ni Blue kay Mimi ay gusto nitong makausap muna siya kaya naman dagling nag-excuse sa kanila ang kapatid para mapagbigyan ang lalaki. Napakalambing pa ng tonong ginamit nito para mapasunod agad si Mimi. Saka, sabi ni Mimi ay maghahanda rin ito ng kape at biscuit para sa kanilang tatlo.Kape at biscuit? Mangha niyang ulit sa kanyang sarili nang maisip niyang ang mga iyon ang kadalasang kinakain sa patay. Nakaramdam siya ng kilabot pero nais niyang iwaksi ang nararamdaman. Kailangan talaga niyang maging matapang. Alam niyang mas tatakutin siya ni Blue kapag nakikita na nitong talagang naduduwag siya."Hindi ko nakakalimutan ang ipi
ITO ang kauna-unahang pagkakataon na nagawang dalawin nina Gray at Hannah ang puntod ng kanilang anak.Isang fetus man ang nakahimlay doon ay binigyan pa rin nila ng libingan. Ang kanilang anak para mayroon silang madadalaw. At siyempre, dahil sa nais din naman nilang makasali sa hapag ang kanilang anak ay nag-picnic sila sa may puntod nito. Mapait lang siyang napangiti dahil naisip niyang hindi matutupad ang kagustuhan nilang ipasyal ang kanilang anak paglaki nito. Dahil mananatili na lang ang anak nila sa lugar na iyon.Kahit lumipas pa ang maraming taon, alam nilang mananatili sa kanilang puso't isipan na may anak silang nawala.Sabi ni Hannah, magiging okay din siya isang araw pero hindi pala ganoon kadali iyon. Pakiramdam niya ay kasalanan talaga niya kung bakit siya namatayan ng anak. Matagal na si
“ANONG masasabi mo kay Red, Ate?” excited na tanong ni Mimi sa kapatid. Pakiramdam kasi niya talaga ay natagpuan na niya ang man of her dreams. Mabait at malambing naman kasi si Red. Kahit kailan lang sila nito nagkakilala ay ipinaramdam na nito sa kanya na isa siyang espesyal na babae.Nasa hapag kainan sila noon, naghahanda ng almusal. Itlog at tuyo ang kanilang ulam. Kung dati ay nagagawa pa niyang mag-reklamo dahil sa kanilang ulam, ngayon ay hindi ba niya magawa. Paano ba naman kasi, para siyang laging naglalakad sa ulap. Ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. Ang saya-saya. Parang kulay bahag-hari lagi ang tingin niya sa paligid.Sabi ng marami, kapag nagmahal ka ay hindi mo dapat na ibigay ang lahat. Kailangan mo ring magtira para sa’yong sarili, ngunit, paano niya magagawa iyon kung hindi naman niya kayang kontrolin ang tibok ng kanyang puso?Kumunot lamang ang kanyang noo dahil parang hindi narinig ng kapatid ang kanyan
DAPAT ka nga bang pagkatiwalaan? Tanong ni Mimi sa sarili habang nakatitig sa nagmamanehong si Red. Pakiramdam niya'y talagang may kakaiba rito. Iyon nga lang, hindi niya dito naramdaman iyon kundi sa hitsura ng kanyang Ate Nicole kapag nakikita si Red.Matapang at palaban ang kanyang Ate Nicole, wala itong inuurungan. Basta tama ang pinaniniwalaan nito'y hindi ito naduduwag. Sa madaling salita marunong itong lumaban, pero, bakit hindi nito iyon magawa ngayon?Dahil kay Red? Tanong ng utak niya. Magmula nang makita ito ng kanyang Ate Nicole ay naging matarantahin na ito. Wari'y natatakot ito sa lalaki.Kilala ba ng Ate Nicole niya si Red? Gusto sana niya itong itanong sa Ate Nicole niya pero hindi sila nakakasigurado kung sasagutin siya nito ng totoo."
"HINDI ka pa rin ligtas,” wika ng kanyang Ninang Adelaida habang nakatitig sa kanyang mga mata. Pakiwari tuloy ni Hannah kaya nito ginawa iyon ay para makita nitong tapat ito sa sinasabi. Iyon nga lang, ang pagiging tapat nito ay nagdudulot sa kanya ng kilabot.Sa dami ng nangyari sa kanyang buhay ay masasabi niyang durog na durog na siya. Nawalan siya ng anak kaya naman natatakot na siyang magkaroon pang muli ng anak. Ayaw na niyang mabuntis dahil baka hindi na niya kayanin pa ang sakit. Mabuti na lang talaga at pumayag si GB na huwag na muna silang magkaanak.Muna, mariin niyang sabi. Ibig sabihin ay umaasa pa ito na magkakaroon sila ng anak. Mapagbibigyan pa ba niya si GB?“May plano ba siyang patayin ako?” tanong niya. Dapat ay matakot siya sa sarili niyang tanong pero para wala siyang takot na nararamdaman. Maaaring dahil kahit hindi naman ito ang gumawa, pakiramdam pa rin niya ay nagawang magtagumpay nito dahil nawala ang anak