ALAS Nueve pasado na kaya hindi na mapakali si Nicole. Para tuloy gusto niyang sisihin ang kanyang sarili kung bakit hindi niya pinigilan si Mimi na umalis gayung alam na alam naman niyang may nagbabanta sa kanyang mga kapatid.
"May apat ka pang kapatid na babae, hindi ba? Kaya, bibigyan kita ng isang linggo para magawa mo ang pinagagawa ko sa'yo. Kung ayaw mong isa sa kanila ang mapahamak.”
Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Para kasi siyang biglang gininaw na hindi niya maintindihan.
"Tang na! Nahihilo na ako sa ginagawa mo, daig mo pa ang trumpo kung makaikot ka!" Buwisit na buwisit na sabi ng kanyang ina na walang ginawa kundi lumagok ng lapad. "Ano bang problema mo?"
Alam niyang hindi nagbibiro an
"HAYOP ka, Blue,” hindi napigilang ibulalas ni Nicole. Impit na impit lang ang pagsasalita niya iyon dahil ayaw niyang marinig ni Mimi ang pag-uusap nila ni Blue.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Alam na alam ko siyempre 'yan. Kaya nga nandito ako. Gusto ko kasing idikdik sa utak mo ang pagiging hayop ko."Sabi ni Blue kay Mimi ay gusto nitong makausap muna siya kaya naman dagling nag-excuse sa kanila ang kapatid para mapagbigyan ang lalaki. Napakalambing pa ng tonong ginamit nito para mapasunod agad si Mimi. Saka, sabi ni Mimi ay maghahanda rin ito ng kape at biscuit para sa kanilang tatlo.Kape at biscuit? Mangha niyang ulit sa kanyang sarili nang maisip niyang ang mga iyon ang kadalasang kinakain sa patay. Nakaramdam siya ng kilabot pero nais niyang iwaksi ang nararamdaman. Kailangan talaga niyang maging matapang. Alam niyang mas tatakutin siya ni Blue kapag nakikita na nitong talagang naduduwag siya."Hindi ko nakakalimutan ang ipi
ITO ang kauna-unahang pagkakataon na nagawang dalawin nina Gray at Hannah ang puntod ng kanilang anak.Isang fetus man ang nakahimlay doon ay binigyan pa rin nila ng libingan. Ang kanilang anak para mayroon silang madadalaw. At siyempre, dahil sa nais din naman nilang makasali sa hapag ang kanilang anak ay nag-picnic sila sa may puntod nito. Mapait lang siyang napangiti dahil naisip niyang hindi matutupad ang kagustuhan nilang ipasyal ang kanilang anak paglaki nito. Dahil mananatili na lang ang anak nila sa lugar na iyon.Kahit lumipas pa ang maraming taon, alam nilang mananatili sa kanilang puso't isipan na may anak silang nawala.Sabi ni Hannah, magiging okay din siya isang araw pero hindi pala ganoon kadali iyon. Pakiramdam niya ay kasalanan talaga niya kung bakit siya namatayan ng anak. Matagal na si
“ANONG masasabi mo kay Red, Ate?” excited na tanong ni Mimi sa kapatid. Pakiramdam kasi niya talaga ay natagpuan na niya ang man of her dreams. Mabait at malambing naman kasi si Red. Kahit kailan lang sila nito nagkakilala ay ipinaramdam na nito sa kanya na isa siyang espesyal na babae.Nasa hapag kainan sila noon, naghahanda ng almusal. Itlog at tuyo ang kanilang ulam. Kung dati ay nagagawa pa niyang mag-reklamo dahil sa kanilang ulam, ngayon ay hindi ba niya magawa. Paano ba naman kasi, para siyang laging naglalakad sa ulap. Ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. Ang saya-saya. Parang kulay bahag-hari lagi ang tingin niya sa paligid.Sabi ng marami, kapag nagmahal ka ay hindi mo dapat na ibigay ang lahat. Kailangan mo ring magtira para sa’yong sarili, ngunit, paano niya magagawa iyon kung hindi naman niya kayang kontrolin ang tibok ng kanyang puso?Kumunot lamang ang kanyang noo dahil parang hindi narinig ng kapatid ang kanyan
DAPAT ka nga bang pagkatiwalaan? Tanong ni Mimi sa sarili habang nakatitig sa nagmamanehong si Red. Pakiramdam niya'y talagang may kakaiba rito. Iyon nga lang, hindi niya dito naramdaman iyon kundi sa hitsura ng kanyang Ate Nicole kapag nakikita si Red.Matapang at palaban ang kanyang Ate Nicole, wala itong inuurungan. Basta tama ang pinaniniwalaan nito'y hindi ito naduduwag. Sa madaling salita marunong itong lumaban, pero, bakit hindi nito iyon magawa ngayon?Dahil kay Red? Tanong ng utak niya. Magmula nang makita ito ng kanyang Ate Nicole ay naging matarantahin na ito. Wari'y natatakot ito sa lalaki.Kilala ba ng Ate Nicole niya si Red? Gusto sana niya itong itanong sa Ate Nicole niya pero hindi sila nakakasigurado kung sasagutin siya nito ng totoo."
"HINDI ka pa rin ligtas,” wika ng kanyang Ninang Adelaida habang nakatitig sa kanyang mga mata. Pakiwari tuloy ni Hannah kaya nito ginawa iyon ay para makita nitong tapat ito sa sinasabi. Iyon nga lang, ang pagiging tapat nito ay nagdudulot sa kanya ng kilabot.Sa dami ng nangyari sa kanyang buhay ay masasabi niyang durog na durog na siya. Nawalan siya ng anak kaya naman natatakot na siyang magkaroon pang muli ng anak. Ayaw na niyang mabuntis dahil baka hindi na niya kayanin pa ang sakit. Mabuti na lang talaga at pumayag si GB na huwag na muna silang magkaanak.Muna, mariin niyang sabi. Ibig sabihin ay umaasa pa ito na magkakaroon sila ng anak. Mapagbibigyan pa ba niya si GB?“May plano ba siyang patayin ako?” tanong niya. Dapat ay matakot siya sa sarili niyang tanong pero para wala siyang takot na nararamdaman. Maaaring dahil kahit hindi naman ito ang gumawa, pakiramdam pa rin niya ay nagawang magtagumpay nito dahil nawala ang anak
"MAGKAAYOS na kayo ni Hannah?" Sabik na tanong ni Silver.Matalim na tingin ang ibinato rito ni Gray pero hindi niya napigilan ang matawa. "Ikaw ba ang lalaking version ni Aling Maritess?""Hindi ko kasi mapigilan ang pagiging tsismoso ko dahil nakikita ko ng kumukuti-kutitap ang mga mata mo at hindi mangyayari iyan kung may problema pa kayong nag-asawa." Natatawang sabi nito sa kanya. "Well tama ka nga, malapit kayong dalawa sa akin kaya masaya ko talagang makitang masaya talaga kayo ni Hannah. Kung mayroon mang problema na dumating kapitan lang ninyo ang isa't isa.""Kung magsalita parang may karelasyon ka.""Malay mo."Tinaasan niya ito ng kilay. Ibig niyang ipakita rito na hindi siya naniniwala. "Sa daldal mo alam kong masasabi mo ang lahat ng lihim mo. Hindi mo nga napigilang i-confess sa akin ang crush mo sa asawa ko. "Tumawa ito.Kumunot tuloy ang noo niya. Para kasing naging sarkastiko ngayon ang tawa nito. Gayunm
HINDI sa lahat ng pagkakataon ay magagawa mong piliing maging mabuting tao, naisip ni Nicole. Dahil kung ganoon ay hindi siya papayag sa kademonyuhan ni Blue. Kaya nga lang, hawak siya ni Blue sa leeg at kung hindi niya ito susundin, si Mimi ang mapapahamak. At hindi niya iyon hahayaang mangyari.Kahit sa palagay niya’y sirang-sira na ang kanyang buhay, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maligtas ang kanyang kapatid sa kapahamakan. Buong pagmamalaki kasing sinabi iyon sa kanya ni Blue at kinumpirma iyon ni Mimi.Sa pagkakatitig pa lamang niya sa nakababatang kapatid ay natitiyak niyang hindi ito masaya sa sitwasyong kinasusuungan. Kung hindi nga siya nagkakamali ay gusto niyang isipin na napilitan lang itong sagutin si Blue.Tinakot ba ito ni Blue? Gusto sana niyang tanungin ni Mimi pero nangangamba siyang kapag ginawa niya ito ay magtanong din ito sa kanya. Hindi pa naman niya alam kung ano ang mga isasagot niya. Ang tanging n
BAKIT hanggang ngayon ay wala pa si GB? Kinakabahang tanong ni Hannah sa sarili. Panay din ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nagbabakasakali siyang may papasok na mensahe buhat sa asawa. Ang sabi kasi nito kanina ay pauwi na raw ito pero hanggang ngayon ay wala pa ito gayung tatlong oras na buhat nang sabihin ni GB na pauwi na ito.Bigla tuloy niyang naisip na baka may nangyaring masama rito. Paano kung naaksidente pala ito?Kahit tuloy parang inindiyan siya ni GB sa dinner date nila, hindi niya makuhang magalit dito. Tinawagan din niya ito pero naka-off ang cellphone nito. Para tuloy gusto niyang isipin na ayaw nitong magpaistorbo.Aray! Wika niya pagkaraan ang ilang sandali. Para kasing may bumatok sa kanya. Hindi naman kasi niya dapat kalimutan na nagsabi ito kaninang lowbatt na ang cellphon