Share

Chapter Seventy Eight 

WALA pa ring nagagawang aksyon si Nicole sa iniuutos ni Blue. Talaga naman kasing hindi niya gustong manira nang relasyon lalo na kung nagmamahalan ang mga ito. Ibig tuloy niyang magsisi na tinukso pa niya si Gray nang gabing iyon. Tiyak kasing iyon ang dahilan kung bakit naisip ni Blue ang ganoong kademonyohan. 

"Ate, aalis ako," wika ni Mimi. Ang pangatlo sa kanila. Matamis na matamis ang ngiti nito sa kanya na parang nakikiusap na kanya na huwag niya itong tanggihan. 

Bigla niyang naisip ang banta ni Blue kaya bumuka ang bibig niya para sabihing huwag itong umalis, kaya lang, nagbago ang isip niya. Hindi naman kasi pwedeng magpapadala na lang siya lagi sa takot. Hindi dapat tumigil sa pag-inog ang kanilang mundo kaya ang nagawa niyang sabihin pagkaraan ay, "Mag-iingat ka." Ah, kung pwede nga lang niyang awatin ang kapatid sa pag-alis, ginawa na sana niya. Ngunit, may sarili itong utak at kaya ng magdesisyon para sa sarili kaya ang magagawa na lamang niya ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status