“ANONG klase kang asawa?”
Muntik nang mapatalon si Gray nang marinig niya ang boses ng kanyang Lolo Luciano. Nasa boses kasi nito ang matinding akusasyon at talagang nagi-guilty siya. Talaga naman kasing may kasalamam siyang nagawa.
Ang sabi niya kay Hannah ay uuwi na siya pero hindi nangyari iyon dahil kay Nicole. Ang plano naman talaga niya ay iwasan ito dahil ang presensiya nito ay siguradong magiging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Hannah. Oo nga’t pinagkakatiwalaan siya ng kanyang asawa kaya ingat na ingat siyang huwag itong masaktan dahil tiyak niyang kapag nagkamali siya ay mapuputol na rin ang pagiging mag-asawa nila ni Hanna at tiyak na madadamay pa ang pagiging mag-bestfriends nila.
Hindi kasi si Hannah ang tipo ng babaeng nagbibigat ng ikalawang pagkakataon. Kaya nga
NARINIG ni Hannah na bumukas ang pintuan. Alam niyang si GB ang pumasok. Kahit nasasabik siyang makita ito ay hindi siya dumilat. Sabi niya sa sarili, dapat siyang magalit dito. Kailangan niya itong awayin. Kailangan niyang mailabas ang galit na kanyang nararamdaman. Ibig niyang sampalin ito, suntukin, tadyakan pero hindi niya magawa. Basta ang alam niya ay sobra siyang nasasaktan sa ginawa nito.Mag-bestfriend sila. Hindi ba nito naisip iyon?Maaaring bilang asawa ay maiintindihan niya kung bakit hindi ito naging tapat sa kanya. Hindi niya naibibigay dito ang pangangailangan nito bilang lalaki. Kahit nagsi-sex sila alam niyang ang ipinararamdam niya rito ay hindi kasing init ng ipinaramdam niya rito noon. Iyon nga ba ang dahilan kaya pinili nitong patulan si Nicole?Malalim na buntunghininga ang pinawalan niy
SA tapat ng shower, alam ni Hannah na kahit lumuha siya'y hindi iyon mapapansin ni GB. Wala naman kasi siyang amnesia para kalimutan ang nakita sa video. Sina GB at Nicole magkasamang pumasok sa motel kaya pala late ng mahigit tatlong oras si GB pag-uwi ay may iba pang dinaanan ang mga ito.Ang sakit! Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa iyon sa kanya ni GB. Mahal na mahal niya ito. Sobra siyang nagtitiwala rito. Kung hindi nga may kung sinong nagpadala ng video na iyon, hindi niya maiisip na pagtataksilan siya ni GB. Naniniwala kasi siya na kahit may problema silang pinagdaraanan, hinding-hindi nito maiisipang mambabae."Can I join?" Tanong nito buhat sa likuran. Pagkatapos ay naramdaman niyang hubad na hubad na ito. Nararamdaman kasi niya ang pagkalalaki nito na bumubunggo-bunggo sa kanyang likod. Hindi pa m
MAHIGPIT na mahigpit pa rin ang yakap ni Gray kay Hannah. Gusto niya kasing iparamdam dito na kahit na anong mangyari ay hinding-hindi niya ito pawawalan. Naikuyom niya ang kanyang kamao nu’ng maalala niyang may nagtatangka na agawin si Hannah sa kanya. Blue raw ang pangalan, sabi ni Nicole. Ipinalalarawan niya ito sa babae pero tumanggi ito. Saka na raw kapag nakasigurado na itong ligtas na ang kapatid nitong si Mimi.Dapat sana ay sabihin niya kay Hannah ang nangyari kanina. Mag-asawa sila at mag-bestfriends pa kaya dapat lang sana na wala silang lihiman. Ito nga’y hindi nilihim sa kanya nu’ng isinusuhestiyon ng kanilang Ninang Adelaida na iwanan siya ni Hannah para siya ay mailigtas. Sa tingin naman kasi niya’y walang banta sa kanyang buhay. At kung mayroon man, wala siyang pakialam Ang importante sa kanya ay mailigtas niya ang kanyang mahal.Ayaw niyang matakot ang kanyang misis kaya minabuti na lang niyang ilihim dito ang pagkik
GANITO na ba ako walang kakuwenta-kuwenta kay GB? Masama ang loob na tanong ni Hannah sa kanyang sarili.Ipinagkaloob niya ang sarili GB ang sarili ng buung-buo dahil nais niyang malimutan ni GB ang babaeng iyon. Ayaw niyang may iba itong iisipin bukod sa kanya. Subalit, anong nangyari? Hindi pa man sumisikat ang araw ay ibang babae na ang nasa isipan ng GB.Naalimpungatan siya nang tumunog ang cellphone nito tapos tuluyan nang bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan nang marinig niya ang pangalang binanggit nito. Nicole.Ang babaeng iyon.Bigla tuloy pumasok sa kanya g isipan anh video na ipinadala sa kanya ng kung sino na nagpapatunay na magkasama sina GB at Nicole ng tatlong oras. May date at oras din ang video. Ibig pa sana
WISIT na buwisit si Gray kaya naman hindi niya nakuhang bumalik sa kinahihigaan para tabihan ang kanyang asawa. Ayaw niyang mahalata ni Hannah na may mabigat siyang pinagdaraanan at iyon ay ang tungkol sa pagkilala sa stalker nito. Hindi nga lang niya maiwasan ang makaramdam ng inis kay Nicole dahil kulang na kulang pa ang impormasyon na ibinigay nito sa kanya.Para tuloy gusto niyang isipin na nagkukunwari lang oto na kakampi niya ngunit talagang gusto silang sirain ni Hannah. Gayunman, nagpawala na lang siya nang malalim na buntunghininga. Wala naman kasing magandang mangyayari kung talagang magdududa lang siya. May kapahamakan din naman kasing mangyayari kay Nicole kung malalaman ni Blue na nakikipagsabwatan ito sa kanya.Kaya kahit marami pa ring katanungan na naka-hang sa kanyang utak ay pinili na lamang niyang maniwala at magtiwala. Ang mahalaga ay maililigtas niya ang kanyang pinakamamahal.Sabi nga, keep your friends close and ene
"ANO'NG mayroon sa inyo ni Red?" tanong ni Mimi nang lumabas na siya sa kanyang pinagkukublihan. Siempre gjnawa niya iyon nang makita niyang wala na si Red. Nakasakay na ito sa kotse at nakaalis na.Kalmado lang naman ang boses niya nang ibulalas niya ang mga salitang iyon pero kita niya ang pagkabigla sa mukha ng kapatid. Gulat na gulat ito na para bang nakagawa ng matinding kasalanan. Kung hindi nga siya nagkakamali, pigil na pigil din ang paghinga nito.Maputlang-maputla rin ito."May relasyon kayo?" Tanong niya kahit alam niyang imposible iyon. Kahit naman alam niyang mahilig sa guwapo ang kanyang Ate Nicole ay nakasisiguro siyang hindi nito aagawin ang kanyang karelasyon dahil alam ate niya na masasaktan siya.Maaaring masaktan siya pero hindi dahil sa mahal niya si Red kundi dahil kukunin sa kanya ng kapatid niya ang nasa kanya na. Sa na
KUNG dati'y walang pakialam si Abi kapag may problema ang kanyang mga kapatid, ngayon ay nakaramdam siya ng pag-aalala lalo na sa kanyang Ate Nicole. Hindi man niya gustong makinig pero narinig pa rin niya ang usapan ng kanyang ate at ni Mimi.Alas-onse na kasi nang gabi kaya tiyak niyang magagalit ang kanyang Ate Nicole kapag nakita siya nitong kararating pa lang. Galing kasi siya sa kanyang girlfriend. Mahal na mahal niya ito kaya lahat ng gusto nito'y kanyang sinusunod. Ipinasyal niya ito, nanood sila ng sine at kumain sila sa labas. May guilt lang siyang naramdaman dahil handa siya gumastos ng ilang daan sa kanyang girlfriend pero hindi niya magawang magbigay ng tulong sa kanilang bahay. Madalas pa ay umuutang siya sa kanyang ate kahit na may mga raket naman siya.Maganda ang kanyang boses kaya naman nagagawa niyang kumanta-kanta sa kung saan-sa
ANG mga taong mukhang pera ay madaling mauto, ito ang mariing sabi ni Blue sa kanyang sarili habang ibinababa niya ang mga groceries na ibibigay niya sa pamilya ni Mimi. Mayroon din siyang ilang mga laruan para sa mga kapatid ni Mimi.“Son in law,” wika ng ina ni Mimi. Malapad na malapad ang ngiti nito sa kanya kaya napuwersa rin siyang ngitian ito ng pagkatamis-tamis.“Magandang umaga po,” magalang na magalang niyang sabi. Talagang kailangan niyang maging mabait sa paningin nito para naman madali niyang mapaikot ito.Iyon nga lang may pagkakataon na nararamdaman niyang nawawalan na ng gana sa kanya si Mimi ngunit wala siyang pakialam sa damdamin nito. Ang mahalaga ay hindi niya ito pawawalan. Ngunit, kahit gustung-gusto na niyang luray-lurayin ang pagkababae nito, kailangan