"HEY, don't make a scene here," pigil sa 'kin ni Cherro nang makita niyang bigla na lamang akong tumayo habang nakatingin sa dalawa, kaya naman inis akong napaharap sa kaniya. "Why would I? What do you think of me, huh?" Napairap na lamang ako dahil sa tinuran niya. "Wala lang. Baka kasi mag-eskandalo ka rito, eh." "At bakit ko nga gagawin 'yon, ha? Gawain lang iyon ng isang selosang girlfriend na nahuli ang boyfriend niyang may kasamang iba. Iba 'yon sa kaso ko, kaya p'wede ba, ha? Kakausapin ko lang naman 'yong bruha na 'yon dahil hindi lang ang pamilya niya ang pinag-alala niya... Pati kami ni Kath," dire-diretso kong sabi kaya naman napangisi siya. "Oh, hindi ka naman hiningal niyan sa litanya mo? Hahahaha..." "Ikaw talaga, panira ka ng mood!"
Read more