Elona's POV Naghahanap na ako ng pwede kong ma bili ngayon, “Ate, magkano po ‘to?” sabay turo ko doon sa nakatumpok na karneng manok. “ Tatlong daan ‘yong kilo niyan,” nanalaki naman agad ang aking mga mata dahil sa sobrang mahal. Grabe, gold ba ‘yan?“Sa susunod nalang po siguro ako bibili,” hindi na ako babalik sa inyo, napakamahal ng paninda niyo!Napahinto nalang agad ako sa aking paglalakad, ng may matandang babae, na uugod-ugid na huminto sa aking harapan. Naawa naman agad ako dahil sa kalagayan nito, punit-punit na ang kasuotan niya at halatang wala pa itong kain dahil sa nakahawak ito sa kanyang tiyan. Ang ngipin naman niya ay parang kasing dilaw na ng mais. Dahilan upang makaramdam agad ako ng awa sa matanda.Ibigay ko nalang kaya ang buong sahod ko? Marami-rami pa namang pwedeng maluto sa ref sa bahay, may trabaho din naman ako bukas, kaya okay lang naman siguro.“U
Last Updated : 2021-08-31 Read more