Home / All / The Cursed King / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Van
last update Last Updated: 2021-08-31 13:10:22

Elona's POV

Muli akong napatingin sa aming bahay sa huling pag-kakataon, “ Pasensya na sa inyo tita Brena, Lia, pero ‘diko na kaya ang pang mamaltrato niyo sa akin.” sabay talikod ko na at naglakad papalayo roon.

Saan na ako pupulutin nito ngayon?

Napatawa nalang ako ng mapakla. Siguro mamamatay tao ako sa nakaraang buhay ko, kaya ganito nalang ako ka malas. Napahinto nalang ako bigla sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip, dahil sa sobrang lakas ng hangin na tumatama sa aking mukha. 

Napalingon nalang akong bigla sa aking likuran ng maramdaman kong parang may nakamasid sa akin.

T-teka? N-Nasundan ba, ako ni Lia?

Nanginginig kong nilapitan ang damuhan, kung saan may nakikita akong gumagalaw mula roon. “S-sinong nariyan? M-may tao ba diyan?” kinakabahang turan ko. Habang hinay-hinay na tinatanaw kung sino ba ang naroon.

“Moew!” 

“Ay, kabayo!” sabay hawak ko sa sarili kong dib-dib. “Pusa lang pala, ang ganda naman no'ng kulay ng pusa na ‘yon, sino kaya may ari? Masyado naman siyang pabaya,” pero teka? May nakita talaga ako kanina eh, anino.  Bahala na nga. Sabay alis ko na doon at ipinagpatuloy nalang ang aking paglalakad.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saang kagubatan na ako napad-pad, takbo lang kasi ako ng takbo kanina. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ba ako. Mahina pa naman ako sa direksyon.

“Nasaan naba kasi ako? Sabi ni manang tindera, dito daw ‘yung daanan pa puntang terminal. Eh, kagubatan na’to eh!” parang tanga kong turan sa aking sarili. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad sa masukal at nakakatakot na kagubatang ito ay bigla nalang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Dahilan upang matakot agad ako at mapakapit sa sarili kong katawan. Sabay takbo.

Sa kakatakbo ko ay hindi ko na napansin na may malaking bato pala sa aking dinadaanan dahilan upang matalisod ako, “Aray!” daing ko sabay hawak ko ng ang aking kaliwang tuhod dahil sa sakit na dulot nito.

“Kung sine-swerte ka nga naman oh...hay,” tumayo nalang ako at ipinagpatuloy ang aking paglalakad.

Pa ika-ika akong naglalakad, nagbabakasakaling may makita along puwede kong matuluyan na bahay. Pero imposible yata ‘yon. Napansin kong parang may nakamasid parin sa bawat kilos ko, kaya nama’y napalingon agad ako sa aking likuran habang ‘diko ma iwasang kabahan at ang pagpawisan dahil sa takot na aking nararamdaman.

“S-sino 'yan?” kinakabahang banggit ko kasabay nito ang pagdampi ulit ng napaka lamig na hangin sa aking pagmumukha. Kaya napapikit agad ako.

Mas nadag-dagan pa ang aking kabang nararamdaman ng bigla nalang ulit humangin at kumidlat sa napakadilim na kalangitan. Ngunit kong mas ikukumpara kon’to kanina, mas malakas na ito ngayon…kaya mas natakot pa ako at ‘diko maiwasang mapatakbo nalang ulit.

Kailangan kong makaalis dito, pero papa’no? Parang nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay, kung hinayaan ko nalang sanang buhusan ako ni tita ng mainit na tubig kanina, e ‘di sana hindi ako nagkanda-letche-letche sa pagtakbo rito.

Kahit na pa ika-ika  akong tumatakbo habang tagaktak na ang aking mga pawis sa magkabilaan kong mga noo. Hindi alintana sa akin ang aking mga natamong sugat basta ay makaalis lamang ako sa kagubatang ito. Dahil sa konsentrasyon ko sa pagtakbo ay hindi ko na namalayan na may bangin na palang naka abang sa akin sa dulo. Ngunit huli na ang lahat upang huminto pa ako.

“Ahhhh!” malakas na sigaw ko kasabay naman nito ang malakas na pagkabagsak ko sa mabatong  lupa rito, dahilan upang mapangiwi ako sa sakit. 

Katapusan ko na ba? Hanggang ‘dito nalang ba ako?

“A-Aray,” mahinang daing ko mula sa pagkakahulog sa bangin. Siguro ipinaglihi ako sa masamang damo dahil hindi parin ako namamatay hanggang ngayon. Napangiti nalang ako ng mapait sa kawalan.

Ba’t ba ang malas ko sa buhay? Ano ba ang kasalan ko?  Isinumpa ba, ako ng mga ninuno ko sa kabilang buhay para maranasan ‘to?

Hindi ko na mapigilang kuwestyunin ang sarili ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha habang nakatingin sa napaka-aliwalas na kalangitan. 

“A-Ayoko n-na, h-hirap na h-hirap na ako…hindi k-ko na kaya,” mahina kong saad sa aking sarili habang namimilipit sa sakit dahil sa natamo kong mga sugat mula sa pagkalahulog sa bangin kanina. Pakiramdam ko’y kahit ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay.

Kung may nakakarinig man, please…tulungan niyo ako…ayoko pang mamatay.

Ngunit sa ‘di kalayuan, ay may nakita akong dalawang pares ng malalaking paa. Hinayaan ko nalamang ito dahil siguro sa wala pa akong sapat na tulong mula kanina, kaya iba-iba na 'yung nakikita ko. Papalapit siya sa gawi ko, habang ako naman ay pilit na iminumulat ang aking mga mata upang makita ko kung sino siya. 

Hindi ko na namalayan na nandito na pala siya sa harapan ko, ngunit hindi ko talaga magawang maiangat ang aking mga mata. Pilit kong minulat ito ngunit ‘di ko na talaga kaya. Akmang mawawalan na sana ako ng balanse ng bigla nalang niya akong nasalo dahilan upang magtaka ako. Bakit makapal ang balahibo niya sa kanyang braso? Wala na siguro talaga ako sa sariling katinuan.

“T-Tulong…”  sabay kapit ko pa rito ng mas mahigpit dahil siya lang ang pag-asa ko upang makaalis dito.

Itataas ko na sana ang aking paningin upang makita ang kanyang mukha ngunit bago paman mangyari iyon ay kinain na ng kadiliman ang aking buong paligid….

Related chapters

  • The Cursed King   Chapter 4

    Elona's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad agad sa akin ang napaka puting kisame, hindi ito ‘yong kuwarto ko. Tama, umalis na pala ako kina tita so…nasaan ako?Patay na ba, ako? Ito na ba ‘yung tinatawag nilang kabilang buhay?Napakapit nalang akong bigla sa aking ulo dahil biglaan nalang sumakit ito at unti-unting bumangon mula sa aking pagkakahiga. Hindi pa pala ako patay.Bakit sobrang sakit naman yata ng katawan ko? Sabay hawak ko sa aking binti. Napangiwi nalamang akong bigla sa sobrang sakit na nanggaling dito.“Pero teka? Nasaan ako?” sabay libot ko sa kabuuan ng nitong kuwarto. Base sa itsura nito ay nasanisang hospital ako. Teka? Nasaan na ‘yong nagdala sa’kin dito?Akmang aalis na sana ako mula sa aking pagkakaupo sa kama ng bigla nalang mas sumakit pa ang sugat ko.“Aray!” daing ko, “Pero nasaan ako? Imposible na mang nadala

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Cursed King   Chapter 5

    Elona's POV “Umm, pwede ba akong mag-tanong?” nahihiya kong saad sa kanya. Hindi parin kasi siya umaalis simula kanina, para raw may kausap naman ako. Napakabait niya para sa isang lalaki. “Ah, sige ano 'yon?” nag-aantay na lamang siya sa aking itatanong kaya nama’y hindi na ako nag pa tumpik-tumpik pa at tinanong ko na agad siya. “Kilala mo ba, kung sino ang nagdala sa akin dito? At saka… wala akong ka alam-alam patungkol sa unibersidad na ‘to.” “Ahh—‘yon ba? Si Admin Kairo ang nagdala sa'yo dito, sa p-paaralan.” parang napipilitan niyang sabi ngunit ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon. “Gano’n ba, maraming salamat pala sa tulong, at saka… saan ko ba mahahanap ‘yung sinasabi mong si Admin Kairo?” diretsahang tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing pasalamatan man lang siya dahil sa pagsagip niya sa akin doon da kagubatan. “Huwag kang mag-alala, lady, makikilala mo rin siya sa ngayon, magpapakila

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Cursed King   Chapter 6

    Elona's POV"Oo ako nga 'yon, anong kailangan mo?" seryoso niyang saad sa akin na walang kahit anumang emosyon mula sa kanyang pagmumukha.Sinenyasan naman niya ako na ma upo malapit sa kinaroroonan ng table niya dahilan upang manghina ang tuhod ko't bumilis na naman ang tibok ng aking puso.Pero kahit na kinakabahan, ay pilit ko paring nilabanan ito at tumikhim muna bago magsalita ulit."G-Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa ginawa niyong pag-dala sa akin dito at sa pag-bibigay ng libre kong edukasyon. Lalong-lalo na sa pag-ligtas mo sa akin mula sa kagubatan." seryoso kong pagpalasalamat sa kanya habang pinipilit ko ang aking sarili na hindi ma utal.Napaangat naman agad siya ng kanyang ulo mula sa pagbabasa niya ng diyaryo at kunot noo akong binigyan ng tingin."Me? I brought you here?" Saad niya sa akin pabalik sabay turo niya sa kaniyang sarili na animo'y hindi ito ma kapaniwala sa sinabi ko.M

    Last Updated : 2021-10-16
  • The Cursed King   Chapter 7

    Elona's POVAraw nang sabado ngayon at 7:00am palang ng umaga ay gising na ako. Na pag planuhan ko kasing mag libot-libot muna dito sa unibersidad. Wala namang klase ngayon ang mga estudyante siguro, dahil sabado na man. Para hindi na rin ako mawala kung maghahanap man ako ng classroom ko sa lunes.Nakasuot ako ngayon ng simpleng puting damit pang-itaas at ang pang ibaba ko naman ay palda na hanggang tuhod ko. Mabuti na lang at may nahalungkat ako doon sa kabinet.Kanino kaya 'tong damit na 'to? Ngayon pa lang, pasensya na...wala na talaga akong ma-i-suot eh.Naka lugay lamang ang aking hanggang beywang na buhok. Hindi na rin ako nag abalang maglagay ng kahit anong pampaganda sa aking mukha dahil wala naman akong gano'n. At saka...hindi naman kailangan 'yon, basta mabuhay ka lang rito sa mundo, okay na 'yon. Napaka swerte mo na."Pero manghuhula ba ang gumawa ng kuwarto na 'to? O, lahat talaga na kuwarto rito ay may disenyong bulaklak?" nagtatakang

    Last Updated : 2021-10-16
  • The Cursed King   Chapter 8

    Elona's POVTinuro ni Marvin kung saan 'yong magiging locker room ko. Na mangha nga ako kasi may kanya-kanya kaming mga lagayan ng aming mga gamit.Pumunta na rin kami sa gymnasium nila rito, hindi na ako na gulat ng napakali nito. Cafeteria nga nila sobrang magarbo eh, ano pang aasahan ko sa gymn nila?Kahit papaano kasi, nakapag-aral naman ako ng elementarya sa sarili kung sikap. 'Yun nga lang, hanggang grade 6 lang. Pero kahit gano'n nakatulong pa rin ito sa akin para matuto ako ng kahit kaunting Ingles man lang.Naalala ko pa noon kung pa'no tumutol roon si tita no'ng nalaman niyang nag-aaral ako ng palihim.Dahil wala naman daw akong ma papala sa ka-ka-aral ko. Kaya ginawa niya ang lahat upang ma patigil ako. Ayaw na ayaw niyang nakikita akong uma-asenso o, sumasaya.Ano ba EL? Nandito kana oh? May tumulong na nga sa iyo, kaya't h'wag m

    Last Updated : 2021-10-17
  • The Cursed King   Chapter 9

    Elona's POVMaaga akong nagising upang mag handa sa unang araw ko sa klase ngayon, ala-singko palang ng umaga ay gising na ako.Siguro masyado lang akong kinakabahan, syempre, pagkatapos ng mahaba-habang panahon ngayon lang ulit ako makakapag-aral.Balak ko ring ipagluto ng adobong manok si Kairo. Hindi parin ako komportable sa kanya pero ito lang ang paraan upang makabawi naman ako sa kabutihan na ginawa niya.Unti-unti kong hinarap ang aking sarili sa salamin nitong banyo. Napahawak na lang agad ako sa aking leeg dahil parang may napapansin akong maliit na parang nunal doon malapit sa aking kanang teynga.'Kailan pa ako nagkaroon ng nunal rito?' Nagkibit balikat nalamang ako at itinuloy ang pag-aayos ng aking sarili. 'Baka nariyan na yan dati pa ngayon ko lang na pansin.'"Ganito ba talaga uniporme nila dito? Nakakahiya naman kung ganito ang aki

    Last Updated : 2021-10-17
  • The Cursed King   Chapter 10

    Elona's POVAlas k'watro na ng hapon ng matapos ang aming klase kaya nama'y niligpit ko na ang aking mga gamit sa aking lamesa."Uy EL! May gagawin ka ba ngayon?" masiglang tanong ng aking katabi na si Lavisha. Mababakas mo talaga sa mukha nito ang kasiyahan niya. Lavisha Scott pala ang buong pangalan niya.Napa-iling-iling na lang ako dahil sa sobrang dal-dal nito. Ibang klase din 'tong babaeng 'to 'no...parang walang kapaguran kung magsalita, sabay buntong hininga ko. Kahit siguro isang salita wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita."Pasensya na Lavisha, meron pa kasi akong pupuntahan mamaya eh," sabi ko sa kanya dahilan upang mapasimangot nalang itong bigla. Nakonsensya naman agad ako dahil sa mukha nitong parang pinagsakluban ng langit at lupa."Sige, sa susunod na lang siguro." walang ganang turan niya pabalik sa akin kaya napatampal

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Cursed King   Chapter 11

    Elona's POV["Elona! Halika nga dito!" malakas na sigaw ni tita sa akin. Sumunod naman agad ako at pumunta agad sa sala habang puno pa rin ng bula ang aking kamay dahil galing lang ako sa pag-lalaba."Ano po 'yon, tita?" Nagulat na lang ako ng bigla niyang hugutin ang mahaba at napaka-itim kong buhok, "Aray!" malakas na daing ko. "Tita tama na po!" Nag-susumamo ko nang saad sa kanya.Ngunit hindi ito nakinig at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa aking buhok. Napakagat na lang ako sa aking pang-ibabang mga labi. Ang sakit...ang sakit-sakit."Sabihin mo nga! Ikaw ba ang nag-nakaw ng pera ko dito sa lamesa!?" Napapikit na lang agad ako dahil sa lakas ng pag kakasigaw ni tita."H-Hindi po ako, kanina pa ako naglalaba, kaya wala po akong--""Sa tingin mo paniniwalaan kitang hampas lupa ka!?" mas idiniin pa ni tita ang pagkakahawak niya sa buhok

    Last Updated : 2021-10-18

Latest chapter

  • The Cursed King   Special chapter 2

    Elona's POV"H-hindi..." napahawak ako sa aking baba dahil sa sobrang emosyon na bumabalot sa'kin ngayon. Ipinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng dalampasigan at kitang-kita ng dalawang mata ko ang nagsisidlakang mga Christmas lights at ang naka kalat na parang red carpet na pulang rosas sa buhanginan.Napa tingin din ako sa gilid ko ng marinig kong may kumakanta doon and it was a chiore, na puno ng puro staff dito sa resort.Dahan-dahang dumapo ang mga mata ko sa mga taong nandito ngayon. I-It was Lavisha with a baby in her hand at Kairo. Ang kasunod namang naka agaw ng pansin ko ay ang lalaking naka itim na suit na nasa gitna nila Lavisha.Dahan-dahan akong humakbang pa punta sa gawi niya at kitang-kita ko ang napakalawak na ngiti na naka paskil sa mukha ni Laurier. Sa bawat paghakbang na ginawa ko ay siya naman ang pag hangin ng malakas sa dalampasigan dahilan upang dalhin nito ang buhok

  • The Cursed King   Special chapter 1

    Laurier's POV"It's the day, ready na ba ang lahat?""Oo naman, ano akala mo sa'min? 'Di ba hon,""Yup. It's all set, brother. And anyway, thank you for letting us explore the world of human," I just silently chuckled."Most welcomed. And take note, that's only for today, okay? Malalagot ako sa Asawa ko kung mapapansin niyang wala sa leeg niya ang kuwintas.""Yeah, yeah. Whatever," natatawang nilagay ko na ang phone sa table. I stared at my wife's beautiful face. She's still asleep right now, it's still 5am in the morning. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok dahilan upang mag mulat siya ng mata."Hey, you're awake already?" bumangon siya at kinusot-kusot ang kaniyang mata. "Give me a kiss." ininguso ko agad ang aking mga labi. Tinampal naman niya ng mahina ang aking balikat sabay tabon sa kanyang sariling bunganga.

  • The Cursed King   Epilogue part Two

    After two weeks. Yes, you read it right. Two freaking weeks at ngayon pa mismo ang araw na pupunta kaming pareho sa Palawan para sa honeymoon namin, pero heto kami ngayon, walang imikan na nagaganap."Hey, Anak, where's your husband? Dapat nasa Palawan na kayo ngayon 'di ba?" ngumiti lamang ako ng simple."Siguro busy lang Ma, p'wede namang ipag-pabukas na lang,""Ha? But it's already two weeks, naman, mamatay yata akong walang apo nito." nanlaki naman kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama at napa upo na lang sa sofa."Mom! Pupunta lamang kami doon para mag rellax, 'yun lang." giit ko."Nag-away ba kayo?""H-Hindi, ah!" napa lakas ko pa ang tono ng boses ko kaya napa mura na lang ako ng palihim. Nasa'n na ba kasi ang lalaking 'yon? Sabi kong sunduin ako sa bahay ng alas nuwebe ng umaga ngunit hanggang ngayon wala pa.Bumalik na lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang mga kamay ni Mom na humawak din sa kamay ko. Napa lingon

  • The Cursed King   Epilogue part One

    Elona's POVNever regret the day in your life that good days bring happiness, bad days brings experience's, worst days give lessons, and best days give memories.Marami na kaming napagdaanan ni Lary na mga problema sa buhay, at nandito na nga kami sa parteng pang habang buhay naming pangangatawan.It's been two years since he once proposed to me. And that was a unforgettable moment, imagine, laman kami ng mga diyaryo at balita dahil sa pauso niyang may pa kulong kulong pa."Elona Anak, are you ready?" I looked my reflection in the mirror in front of me. I'm stunning, like a princess in a white gown dress. I smiled at my Mom."P'wede pa bang mag back-out?" natatawang turan ko. Agad n umiling si Mom, "No, you're not allowed to." pabirong sabat naman ni Dad, na kaka pasok lamang sa loob ng kuwarto kaya napa iling-iling ako."Kayo talaga," hindi mapuknat ang ngit

  • The Cursed King   Chapter 61.2

    Nagulat na lang ako ng biglaang may humawak sa kaliwang mga kamay ko."Laurier?" gulat na saad ko at nakita ko naman sa likod niya ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Mama at Papa."Oo na 'yan!" sabay-sabay na sigaw ng mga reporter's na nasa likod ko kaya napalingon kaagad ako. Nakita ko pa iyong kaninang nagsabi sa akin kung anong pangalan ng restaurant na ang laki ng ngiti at abalang kumukuha ng picture's at gano'n rin naman iyung iba.Ibinalik ko sa harapan ang atensyon ko. Lumuhod sa harapan ko si Lary kaya napa atras kaagad ako at napahawak na lang sa sarili kong mga bunganga."A-Ano ba'ng n-nangyayari?" naguguluhan kong turan. Hindi siya nagsasalita at naka complete tuxedo pa siya ngayon at kita kong naka ayos talaga ang buhok niya ngayon. May binunot siyang kung ano sa kaniyang likuran at isa iyong maliit na kahon na kulay kahel.Binuksan niya ito at saka ngumiti ng napaka lapad sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata king dumapo ang aking mga ma

  • The Cursed King   Chapter 61.1

    Elona's POVIt was the best vacation ever for me. Bumalik na rin sa dating takbo ang buhay ko at kasalukuyang nagkakape ako dito ngyayon sa sala. Bumalik narin kasi si Dad sa kompanya. Kaya heto ako, walang ginagawa, hay."Ma'am," napa lingon kaagad ako sa aking tagiliran. It was Manang Eltra."Yes, Manang?""Pinapasabi po ng Dad niyo na gagamitin niya mun daw cellphone mo." kumunot agad ang noo ko. Nagtataka naman ako dahil parang hindi maka tingin ng direkta sa'kin si Manang ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon."Why? I mean, It's not a problem, but, he have his own cellphone right? And anyway, kanina ko pa napapansin, nasa'n pala si Mom?""Nasa kompanya din po Ma'am, nasira po ang cellphone ng Dad niyo," napa 'ohh' na lang ako at walang pag-aalinlangang inabot ang cellphone ko at ibinigay ito sa kanya."Here, paki sabi din kay Da

  • The Cursed King   Chapter 60.2

    Nakipag debate pa ako kay Mom sa cellphone patungkol doon sa two-piece na sinali niya sa bag ko at hindi nga ako nagkamali, siya nga naglagay no'n.Napipilitang lumabas ako ng banyo habang nag-aantay na lang sa'kin si Lary sa labas para mag swimming na kami sa dagat. It's already 4pm in the afternoon and it was a good weather to do some sports swimming.Naka lugay lamang ang itim na buhok kong hanggang beywang ko lang. Habang ang magkabilaang kamay ko ay nasa harapan ko. Tanaw ko na dito mula sa aking kinatatayuan si Laurier and my jaw literally drop when I see his sparkling abs under the light of the sun. Ipinikit ko agad ang mata ko at sinampal-sampal ang aking pisngi ng mahina."Nagiging bastos na yata ang mata ko." mahinang bulalas ko sa sarili. Hahakbang na sana ako palapit sa kinatatayuan niya ng biglang may humarang na tatlong mga kalalakihan sa aking harapan."Hey Miss, what's your name?" may

  • The Cursed King   Chapter 60.1

    Elona's POVHanda na ang mga gamit ko."Let's go?" nilingon ko agad ang pinangalingan ng boses na iyon."Let's go." may ngiting sagot ko sa kanya, "Mom! Alis na po kami!""Sige, Laurier, ikaw na bahala sa Anak namin, ah?" Tumango naman si Laurier sa sinabi ni Mama at hinawakan ang kanang kamay ko at pinagsiklop iyon."Ako na po ang bahala." may ngiti sa mga labing tumango si Mom at saka Dad. Kumaway na ako sa kanila habang papalayo na ang kotche naming sinasakyan. Nang hindi ko na makita ang bahay namin ay ibinalik ko sa kalsada ang aking atensyon at umayos ng upo.Tahimik lang ang naging biyahe namin pa puntang Siargao. Naroon din kasi ang sinasabi niyang resthouse niya. Nagka taon pa talagang magkapitbahay lang ng resort ang tutuluyan naminsa Resort ni Mr. Rincon."Hindi ba tayo bibili muna ng bangus? Grilled natin mamaya, b

  • The Cursed King   Chapter 59.2

    "Ma'am Elona, nariyan na po si Mr. Rincon." lumingon ako sa aking likuran dahil sa imporma ng isa sa mga empleyado namin."Okay, get ready the dishes and make sure it's presentable.""Yes, Ma'am." tumango ako at lumabas na ng kusina. Dumiretso muna ako sa ladies comfort room at inalis ang suot kong pang kusina na damit at inayos ang hanggang above the knee skirt ko na suot at ang hapit na white t-shirt na pang taas ko.Mabuti na lang talaga at napa kalma ako ni Lary kanina, kung hindi, dumiretso na siguro ako sa bahay at nag mukmok. Handa na sana akong lumabas ng banyo nang laking gulat ko ng pumasok agad sa loob su Laurier. Napa tingin kaagad ako sa ibang cubicle at malakas na tinampal ang balikat niya."Ano na namang ginagawa mo dito!? Ladies comfort room 'to!" asik ko sa kanya ngunit hinawakan niya lamang ng mahigpit ang beywang ko at binigyan ako ng mumunting mga halik sa aking labi.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status