Elona's POV
Araw nang sabado ngayon at 7:00am palang ng umaga ay gising na ako. Na pag planuhan ko kasing mag libot-libot muna dito sa unibersidad. Wala namang klase ngayon ang mga estudyante siguro, dahil sabado na man. Para hindi na rin ako mawala kung maghahanap man ako ng classroom ko sa lunes.
Nakasuot ako ngayon ng simpleng puting damit pang-itaas at ang pang ibaba ko naman ay palda na hanggang tuhod ko. Mabuti na lang at may nahalungkat ako doon sa kabinet.
Kanino kaya 'tong damit na 'to? Ngayon pa lang, pasensya na...wala na talaga akong ma-i-suot eh.
Naka lugay lamang ang aking hanggang beywang na buhok. Hindi na rin ako nag abalang maglagay ng kahit anong pampaganda sa aking mukha dahil wala naman akong gano'n. At saka...hindi naman kailangan 'yon, basta mabuhay ka lang rito sa mundo, okay na 'yon. Napaka swerte mo na.
"Pero manghuhula ba ang gumawa ng kuwarto na 'to? O, lahat talaga na kuwarto rito ay may disenyong bulaklak?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili sabay angat ng aking pa ni ngin sa kisame.
Na paka ganda talaga...paborito ko kasi ang mga bulaklak. Kahit anong klase pa 'yan.
Dahan-dahan ko'ng pinihit ang aking pintuan upang ako ay makalabas na bakit mas inagahan ko? Na-wiwirduhan kasi ako sa mga tao dito pag tumitingin sila sa akin, para bang sinasabi nilang 'dapat hindi ka nandito.'
"Saan kaya dito makikita ang kanilang silid aklatan?" Biglaang tanong ko sa aking sarili habang pa lakad-lakad na parang tanga dito sa gilid ng field. Sabay linga-linga.
Pero habang naglalakad ako ay may na pansin akong kakaiba...naagaw kaagad ng aking paningin ang isang bulto ng tao 'di kalayuan sa akin.
Naka silip lamang ito sa gilid ng isang estruktura habang napapalibutan ng itim na tela ang kanyang buong katawan. Ang kanyang mukha naman ay naka balot ng malaking puting maskara.
Nangunot naman agad ang noo ko, ng bigla na lang itong nagtago at nawala na lang bigla. Namamalik-mata na na man ba, ako?
Ano ba'ng trip niya? Ke-aga-aga naka talukbong? Seryoso ba siya? Piping tanong ko sa aking isipan. Pupunta na sana ako sa kinaroroonan niya dahil baka may gusto lamang siyang itanong at nahihiya lamang.
Ngunit may bigla na lang sumulpot sa aking harapan na tatlong mga kababaihan dahilan upang mapatigil agad ako sa paglalakad.
Magaganda sila at kung titingnan mo silang mabuti, mahahalata mo talagang galing ito sa mayayamang pamilya.
"Oh...look what do we have here?" Maarteng saad no'ng isang babae sabay lapit niya sa akin kaya napaatras kaagad ako ng kaunti. "A-Anong kailangan niyo?" matapang na turan ko pabalik sa kanya.
Napatawa naman agad siya pati na rin ang dalawang kasama nitong babae na nasa likuran niya, habang ngumunguya ng kung ano. 'Para siyang kambing'.
"A fiesty one, I see..." parang nanunuyang turan niya sa akin, sabay kuha niya rin ng isang buble gum sa kanyang bulsa at kinain ito sa harapan ko.
"Iyon lang ba kailangan niyo? Kung gano'n, mauna na ako at pasensya na rin." paghingi ko ng tawad sa kanya sabay yuko ko ng kaunti upang hindi na lumaki ang gulo. Marami na rin kasing nakatingin sa direksyon na min.
Akala ko walang mga estudyante ngayon? Nako naman...
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang bigla na lang niyang hinawakan ang aking siko sabay amoy-amoy niya sa akin na parang isang aso.
"A-Ano ba'ng ginagawa mo?" kinakabahan ko'ng tanong sa kanya. 'Naligo naman ako kanina, mabaho ba ako?' Sabay singhot ko rin sa sarili ko. 'Hindi naman ah?'
"Why I can't smell anything from you?" biglaang tanong niya sa akin kaya naguluhan naman kaagad ako sa sinasabi nito. "H-Ha?" 'Yon lang ang naging tugon ko sa tanong niya na kahit ako mismo ay naguguluhan na din.
'Ipinaglihi kaya siya sa aso ng mama niya? O, may sayad lang talaga siguro siya sa utak?'
"Anyway, I don't give a damn, care." sabay marahas na binitiwan ang aking siko, "Just stay out my sight b*tch. Or else..." mataray niyang sabi ulit sa akin sabay taas niya nang kanyang kanang kamay sa ere.
Napatingin naman kaagad ako doon sa kamay niya. Ngunit parang may nakita akong parang bumubuong kaunting apoy? Sa kanyang kamay? T-Teka? Namamalik-mata lang ba ako? Sabay kusot ko sa aking mata.
Nasapo ko na lang ang aking sariling ulo nang pagmulat ko ay wala naman pala. Sakto naman ako sa tulog, bakit sabog na sabog pa rin ako? Jusko naman, 'yung nangyari kasi kagabi may kasalanan nito eh.
Napukaw na lang ako mula sa aking malalim na pag-iisip ng bigla nal ang pumasok si Marvin sa eksena.
"Tha'ts enough Veronica. You know what I'm capable off." nakaka pangilabot na saad ni Marvin sa kaharap kong babae ngayon. Grabe...hindi ko siya halos makilala dahil sa napaka seryosong boses niya.
"We're not done yet, b*tch!" may diing saad no'ng babae sa akin habang papalayo na siya sa kinaroroonan namin. Habang ang ibang estudyante naman ay parang kidlat na nawala.
'Nasaan na sila?'
Pero kahit ni isang sinabi no'ng babae at ni Marvin kanina, ay wala talaga akong maintindihan pero base sa boses ni Marvin, galit ito. Pilipinas naman kasi 'to, hindi America.
Bumalik lang ako sa reyalidad nang may tumapik sa aking balikat.
"Wuy okay ka lang? Pasensya na ha? Ngayon lang ako dumating." Parang nahihiya niyang saad sa akin sabay kamot niya sa kanyang batok.
"Hindi okay lang, ako nga dapat ang humingi ng pasensya eh, naka istorbo pa tuloy ako." nahihiya ko ring saad sa kanya.
Ganito talaga ako basta nahihiya kinakamot ko talaga ang aking leeg ewan ko ba.
"Pero teka EL, ano ba'ng ginagawa mo dito?" tama, hindi niya pala alam na binabalak kong maglibot ngayon sa buong unibersidad.
"K-Kasi gusto ko lang sana malibot 'tong paaralan, para kung papasok man ako sa lunes ay hindi na ako maliligaw pa." mahabang eksplenasyon ko kay Marvin.
"Iyon lang naman pala eh, tara, ako na ang bahala mag libot sa'yo dito," sabi niya sa akin habang naka ngiti.
Sa totoo lang? Parang anghel talaga 'tong si Marvin, dumadating siya 'pag kailangan ko siya. Kung kailan kailangan ko 'yung tulong niya.
Tumango na lamang ako upang sumang-ayon sa suhestiyon nito. Mas mabuti nga 'yon para may ka kilala ako at may kadal-dalan na rin.
Elona's POVTinuro ni Marvin kung saan 'yong magiging locker room ko. Na mangha nga ako kasi may kanya-kanya kaming mga lagayan ng aming mga gamit.Pumunta na rin kami sa gymnasium nila rito, hindi na ako na gulat ng napakali nito. Cafeteria nga nila sobrang magarbo eh, ano pang aasahan ko sa gymn nila?Kahit papaano kasi, nakapag-aral naman ako ng elementarya sa sarili kung sikap. 'Yun nga lang, hanggang grade 6 lang. Pero kahit gano'n nakatulong pa rin ito sa akin para matuto ako ng kahit kaunting Ingles man lang.Naalala ko pa noon kung pa'no tumutol roon si tita no'ng nalaman niyang nag-aaral ako ng palihim.Dahil wala naman daw akong ma papala sa ka-ka-aral ko. Kaya ginawa niya ang lahat upang ma patigil ako. Ayaw na ayaw niyang nakikita akong uma-asenso o, sumasaya.Ano ba EL? Nandito kana oh? May tumulong na nga sa iyo, kaya't h'wag m
Elona's POVMaaga akong nagising upang mag handa sa unang araw ko sa klase ngayon, ala-singko palang ng umaga ay gising na ako.Siguro masyado lang akong kinakabahan, syempre, pagkatapos ng mahaba-habang panahon ngayon lang ulit ako makakapag-aral.Balak ko ring ipagluto ng adobong manok si Kairo. Hindi parin ako komportable sa kanya pero ito lang ang paraan upang makabawi naman ako sa kabutihan na ginawa niya.Unti-unti kong hinarap ang aking sarili sa salamin nitong banyo. Napahawak na lang agad ako sa aking leeg dahil parang may napapansin akong maliit na parang nunal doon malapit sa aking kanang teynga.'Kailan pa ako nagkaroon ng nunal rito?' Nagkibit balikat nalamang ako at itinuloy ang pag-aayos ng aking sarili. 'Baka nariyan na yan dati pa ngayon ko lang na pansin.'"Ganito ba talaga uniporme nila dito? Nakakahiya naman kung ganito ang aki
Elona's POVAlas k'watro na ng hapon ng matapos ang aming klase kaya nama'y niligpit ko na ang aking mga gamit sa aking lamesa."Uy EL! May gagawin ka ba ngayon?" masiglang tanong ng aking katabi na si Lavisha. Mababakas mo talaga sa mukha nito ang kasiyahan niya. Lavisha Scott pala ang buong pangalan niya.Napa-iling-iling na lang ako dahil sa sobrang dal-dal nito. Ibang klase din 'tong babaeng 'to 'no...parang walang kapaguran kung magsalita, sabay buntong hininga ko. Kahit siguro isang salita wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita."Pasensya na Lavisha, meron pa kasi akong pupuntahan mamaya eh," sabi ko sa kanya dahilan upang mapasimangot nalang itong bigla. Nakonsensya naman agad ako dahil sa mukha nitong parang pinagsakluban ng langit at lupa."Sige, sa susunod na lang siguro." walang ganang turan niya pabalik sa akin kaya napatampal
Elona's POV["Elona! Halika nga dito!" malakas na sigaw ni tita sa akin. Sumunod naman agad ako at pumunta agad sa sala habang puno pa rin ng bula ang aking kamay dahil galing lang ako sa pag-lalaba."Ano po 'yon, tita?" Nagulat na lang ako ng bigla niyang hugutin ang mahaba at napaka-itim kong buhok, "Aray!" malakas na daing ko. "Tita tama na po!" Nag-susumamo ko nang saad sa kanya.Ngunit hindi ito nakinig at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa aking buhok. Napakagat na lang ako sa aking pang-ibabang mga labi. Ang sakit...ang sakit-sakit."Sabihin mo nga! Ikaw ba ang nag-nakaw ng pera ko dito sa lamesa!?" Napapikit na lang agad ako dahil sa lakas ng pag kakasigaw ni tita."H-Hindi po ako, kanina pa ako naglalaba, kaya wala po akong--""Sa tingin mo paniniwalaan kitang hampas lupa ka!?" mas idiniin pa ni tita ang pagkakahawak niya sa buhok
Third person's POV Pagkatapos ng pag-uusap ni Kairo at Elona ay bumalik na agad ang dalagita sa kaniyang dormitoryo. Habang si Kairo na man ay pabalik-balik sa kaniyang kina lalakaran at parang hindi ito mapakali. 'That's impossible...I already told Miss Scott to erase her memories, then how?' Piping kuwestiyon ni Kairo sa kanyang isipan. Natigilan na lang si Kairo sa pag-iisip ng ma-a-lala din niya 'yong gabi na nakita niya si Elona na naka handusay sa gitna ng malaking field dito sa paaralan. "Unless...it doesn't really work on her?" hindi rin siguradong turan ni Kairo sa kanyang sarili. Napatayo na lang agad si Kairo at dumiretcho na lang sa kaniyang kama at isinalampak ang sarili niya doon. "Whatever, it doesn't really concerns me." ipinikit na niya ang kaniyang mga mata. Sa kabilang dako naman... "Ang bigat ng katawan ko," mahinang napa daing si EL nang sumakit na na man ang kanyang ulo. Napapansin din niyang palagi na lan
Handa na sana niyang atakihin ang guwardiya ng bigla na lang may tumakip sa kayang bunganga mula sa likuran dahil upang magpumiglas agad ang dalaga."Shhh, quiet." biglaang turan ng isang baritonong boses na alam na alam ni Elona kung kanino galing iyon, kay Kairo. Nanginginig na napa tango-tango naman kaagad siya. Napahawak na lang din si Elona sa kamay ni Kairo kasabay nito ang pagpikit niya ng kanyang mga mata dahil sa takot at bilis ng tahib ng puso niya ngayon.'Bakit pa kasi lumabas ako!'Naka hinga naman kaagad ng maluwag si Elona ng lumayo na ang guard malapit sa kanilang p'westo at dumiretcho na ito sa kabilang dormitoryo. Napa upo na lang siya sa malamig na lupa habang nanginginig pa rin ang kaniyang mga tuhod."What the hell, are you thinking Miss Santiago? Are you out of your mind!?" malakas na sigaw ni Kairo sa dalaga kasabay nito ang pag tayo ng binata.Hindi naman kaagad naka sagot si Elona dahil hindi niya akalaing tot
Lavisha's POV["EL! Gumising ka!" Malakas na sigaw ko. Pagbabayaran niyo talaga 'toNapa tingin na lang ako kay Kairo. "Ano? mag titinginan na lang ba tayo?" mataray na turan ko sa kaniya.Kahit kailan talaga walang silbe itong Kairo Dankworth na 'to, jusko."Erase her memories." Napa tigil na man agad ako sa aking ginagawa at marahas na napa lingon sa gawi niya."Seryoso ka?""Just do it. I don't know what his plans, but... let's trust him this time." napa ngiti ako ng palihim. 'Malaki talaga tiwala niya sa kanya huh?'"Okay," simpleng tugon ko. Inilagay ko na ang aking kamay sa ulo ni EL, kasabay nito ang pag bangit ko nang mga katagang kahit na si Kairo ay hindi ito maiintindihan."Geshiè rsa èkningre kora pseah ènrokièl skîbetch." pagkatapos kong bangitin ang mga katag
Elona’s POVTulala akong lumabas sa silid aklatan hanggang maka rating na lang ako sa dormitoryo. ‘Ano ‘yon? Na mi-milik mata lang ba ako?’ Hindi ko pa rin makalimutan ang klase ng tindig niya, hindi ako maaaring mag-kamali. Siya ang may gawa no’n sa akin.Wala sa sariling kinuha ko ang susi sa aking bag ng maramdaman kong na sa kamay ko pa rin pala ang libro hna hi-niram ko kanina.Nako patay! Kailangan ko ‘tong ibalik!’ Akmang pupunta na sana ako pabalik sa silid aklatan ng bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan.Napatigil agad ako at nakangiting inilahad ang aking kanang kamay upang doon bumagsak ang mga butil ng ulan. ‘Ang lamig!’Naka pikit kong dinama ang malakas na buhos nito kasabay ang pag-angat ko ng aking mukha sa kalangitan habang naka pikit pa rin ang aking mga mata.Kahit gaano man ka hirap ang buhay ko noon sa kamay nila tita, na gagawa ko pa rin namang ngumiti
Elona's POV"H-hindi..." napahawak ako sa aking baba dahil sa sobrang emosyon na bumabalot sa'kin ngayon. Ipinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng dalampasigan at kitang-kita ng dalawang mata ko ang nagsisidlakang mga Christmas lights at ang naka kalat na parang red carpet na pulang rosas sa buhanginan.Napa tingin din ako sa gilid ko ng marinig kong may kumakanta doon and it was a chiore, na puno ng puro staff dito sa resort.Dahan-dahang dumapo ang mga mata ko sa mga taong nandito ngayon. I-It was Lavisha with a baby in her hand at Kairo. Ang kasunod namang naka agaw ng pansin ko ay ang lalaking naka itim na suit na nasa gitna nila Lavisha.Dahan-dahan akong humakbang pa punta sa gawi niya at kitang-kita ko ang napakalawak na ngiti na naka paskil sa mukha ni Laurier. Sa bawat paghakbang na ginawa ko ay siya naman ang pag hangin ng malakas sa dalampasigan dahilan upang dalhin nito ang buhok
Laurier's POV"It's the day, ready na ba ang lahat?""Oo naman, ano akala mo sa'min? 'Di ba hon,""Yup. It's all set, brother. And anyway, thank you for letting us explore the world of human," I just silently chuckled."Most welcomed. And take note, that's only for today, okay? Malalagot ako sa Asawa ko kung mapapansin niyang wala sa leeg niya ang kuwintas.""Yeah, yeah. Whatever," natatawang nilagay ko na ang phone sa table. I stared at my wife's beautiful face. She's still asleep right now, it's still 5am in the morning. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok dahilan upang mag mulat siya ng mata."Hey, you're awake already?" bumangon siya at kinusot-kusot ang kaniyang mata. "Give me a kiss." ininguso ko agad ang aking mga labi. Tinampal naman niya ng mahina ang aking balikat sabay tabon sa kanyang sariling bunganga.
After two weeks. Yes, you read it right. Two freaking weeks at ngayon pa mismo ang araw na pupunta kaming pareho sa Palawan para sa honeymoon namin, pero heto kami ngayon, walang imikan na nagaganap."Hey, Anak, where's your husband? Dapat nasa Palawan na kayo ngayon 'di ba?" ngumiti lamang ako ng simple."Siguro busy lang Ma, p'wede namang ipag-pabukas na lang,""Ha? But it's already two weeks, naman, mamatay yata akong walang apo nito." nanlaki naman kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama at napa upo na lang sa sofa."Mom! Pupunta lamang kami doon para mag rellax, 'yun lang." giit ko."Nag-away ba kayo?""H-Hindi, ah!" napa lakas ko pa ang tono ng boses ko kaya napa mura na lang ako ng palihim. Nasa'n na ba kasi ang lalaking 'yon? Sabi kong sunduin ako sa bahay ng alas nuwebe ng umaga ngunit hanggang ngayon wala pa.Bumalik na lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang mga kamay ni Mom na humawak din sa kamay ko. Napa lingon
Elona's POVNever regret the day in your life that good days bring happiness, bad days brings experience's, worst days give lessons, and best days give memories.Marami na kaming napagdaanan ni Lary na mga problema sa buhay, at nandito na nga kami sa parteng pang habang buhay naming pangangatawan.It's been two years since he once proposed to me. And that was a unforgettable moment, imagine, laman kami ng mga diyaryo at balita dahil sa pauso niyang may pa kulong kulong pa."Elona Anak, are you ready?" I looked my reflection in the mirror in front of me. I'm stunning, like a princess in a white gown dress. I smiled at my Mom."P'wede pa bang mag back-out?" natatawang turan ko. Agad n umiling si Mom, "No, you're not allowed to." pabirong sabat naman ni Dad, na kaka pasok lamang sa loob ng kuwarto kaya napa iling-iling ako."Kayo talaga," hindi mapuknat ang ngit
Nagulat na lang ako ng biglaang may humawak sa kaliwang mga kamay ko."Laurier?" gulat na saad ko at nakita ko naman sa likod niya ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Mama at Papa."Oo na 'yan!" sabay-sabay na sigaw ng mga reporter's na nasa likod ko kaya napalingon kaagad ako. Nakita ko pa iyong kaninang nagsabi sa akin kung anong pangalan ng restaurant na ang laki ng ngiti at abalang kumukuha ng picture's at gano'n rin naman iyung iba.Ibinalik ko sa harapan ang atensyon ko. Lumuhod sa harapan ko si Lary kaya napa atras kaagad ako at napahawak na lang sa sarili kong mga bunganga."A-Ano ba'ng n-nangyayari?" naguguluhan kong turan. Hindi siya nagsasalita at naka complete tuxedo pa siya ngayon at kita kong naka ayos talaga ang buhok niya ngayon. May binunot siyang kung ano sa kaniyang likuran at isa iyong maliit na kahon na kulay kahel.Binuksan niya ito at saka ngumiti ng napaka lapad sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata king dumapo ang aking mga ma
Elona's POVIt was the best vacation ever for me. Bumalik na rin sa dating takbo ang buhay ko at kasalukuyang nagkakape ako dito ngyayon sa sala. Bumalik narin kasi si Dad sa kompanya. Kaya heto ako, walang ginagawa, hay."Ma'am," napa lingon kaagad ako sa aking tagiliran. It was Manang Eltra."Yes, Manang?""Pinapasabi po ng Dad niyo na gagamitin niya mun daw cellphone mo." kumunot agad ang noo ko. Nagtataka naman ako dahil parang hindi maka tingin ng direkta sa'kin si Manang ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon."Why? I mean, It's not a problem, but, he have his own cellphone right? And anyway, kanina ko pa napapansin, nasa'n pala si Mom?""Nasa kompanya din po Ma'am, nasira po ang cellphone ng Dad niyo," napa 'ohh' na lang ako at walang pag-aalinlangang inabot ang cellphone ko at ibinigay ito sa kanya."Here, paki sabi din kay Da
Nakipag debate pa ako kay Mom sa cellphone patungkol doon sa two-piece na sinali niya sa bag ko at hindi nga ako nagkamali, siya nga naglagay no'n.Napipilitang lumabas ako ng banyo habang nag-aantay na lang sa'kin si Lary sa labas para mag swimming na kami sa dagat. It's already 4pm in the afternoon and it was a good weather to do some sports swimming.Naka lugay lamang ang itim na buhok kong hanggang beywang ko lang. Habang ang magkabilaang kamay ko ay nasa harapan ko. Tanaw ko na dito mula sa aking kinatatayuan si Laurier and my jaw literally drop when I see his sparkling abs under the light of the sun. Ipinikit ko agad ang mata ko at sinampal-sampal ang aking pisngi ng mahina."Nagiging bastos na yata ang mata ko." mahinang bulalas ko sa sarili. Hahakbang na sana ako palapit sa kinatatayuan niya ng biglang may humarang na tatlong mga kalalakihan sa aking harapan."Hey Miss, what's your name?" may
Elona's POVHanda na ang mga gamit ko."Let's go?" nilingon ko agad ang pinangalingan ng boses na iyon."Let's go." may ngiting sagot ko sa kanya, "Mom! Alis na po kami!""Sige, Laurier, ikaw na bahala sa Anak namin, ah?" Tumango naman si Laurier sa sinabi ni Mama at hinawakan ang kanang kamay ko at pinagsiklop iyon."Ako na po ang bahala." may ngiti sa mga labing tumango si Mom at saka Dad. Kumaway na ako sa kanila habang papalayo na ang kotche naming sinasakyan. Nang hindi ko na makita ang bahay namin ay ibinalik ko sa kalsada ang aking atensyon at umayos ng upo.Tahimik lang ang naging biyahe namin pa puntang Siargao. Naroon din kasi ang sinasabi niyang resthouse niya. Nagka taon pa talagang magkapitbahay lang ng resort ang tutuluyan naminsa Resort ni Mr. Rincon."Hindi ba tayo bibili muna ng bangus? Grilled natin mamaya, b
"Ma'am Elona, nariyan na po si Mr. Rincon." lumingon ako sa aking likuran dahil sa imporma ng isa sa mga empleyado namin."Okay, get ready the dishes and make sure it's presentable.""Yes, Ma'am." tumango ako at lumabas na ng kusina. Dumiretso muna ako sa ladies comfort room at inalis ang suot kong pang kusina na damit at inayos ang hanggang above the knee skirt ko na suot at ang hapit na white t-shirt na pang taas ko.Mabuti na lang talaga at napa kalma ako ni Lary kanina, kung hindi, dumiretso na siguro ako sa bahay at nag mukmok. Handa na sana akong lumabas ng banyo nang laking gulat ko ng pumasok agad sa loob su Laurier. Napa tingin kaagad ako sa ibang cubicle at malakas na tinampal ang balikat niya."Ano na namang ginagawa mo dito!? Ladies comfort room 'to!" asik ko sa kanya ngunit hinawakan niya lamang ng mahigpit ang beywang ko at binigyan ako ng mumunting mga halik sa aking labi.