“Halika na, bumalik na lang tayo sa mga dormitoryo natin.” Nauna na siya sa pagalalakad habang ako na man ay naka nganga pa at magsasalita pa sana ng iniwan niya na lang akong bigla.“Lavi! Akala ko pupunta pa tayo sa swimming pool area mamaya!” pahabol na sigaw ko. Bakit ang high blood niya ngayon? Dapat nga ako ‘yong mag-inarte dito dahil na sugatan pa ako dahil sa kauri niya. Pero wala din akong karapatan mag-reklamo, libre ang bahay at pagkain ko rito.“Bukas na lang EL, medyo masama ang pakiramdam ko ngayon,” halatang halata sa boses niya na parang wala talaga itong gana kaya tumango na lang ako. “Sige, mauna ka na. Dito muna ako,” may ngiting saad ko para ma pa natag ang loob nito.“Okay, be careful. And that necklace,” Tinuro niya ang nasa leeg kong kuwintas na naka labas na pala ngayon. Kumunot agad ang noo ko na nakatingin roon at ‘di kalaunan ibinalik rin ang atensyon ko kay Lavish
Last Updated : 2021-11-04 Read more