Mabilis na natapos ang dalawang subject at break time na. Imbes na pumuntang canteen ay dumeretyo ako sa likod ng classroom kung saan may lumang classroom na wala ng wall. Tanging haligi na lang at biyak-biyak na sahig at siyang malapit sa dalawang building ng mga seniors. Umupo ako roon at nilabas yong mga libro ko na may kinalaman sa mundo namin. Nung magising ako sa mundong ito ay nasa tabi ko ang box na naglalaman ng mga gamit ko. Iyon yong iniimpake ni mama nung oras na plano niya kong itakas. Mabuti na lang ay kasama ang mga libro ko. "Hey kid. We met again" Mabilis kong naisara ang libro at matalim na sinalubong ng tingin ang lalaking naglakas-loob na kausapin ako. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang mukha ng lalaking na sa harap ko. Makapal ang pino at itim na itim niyang buhok, makapal ang kilay, pointed nose, manipis ang medyo may kapulahan niyang
Read more