Home / Romance / MALAYA (A Tagalog Story) / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of MALAYA (A Tagalog Story): Chapter 1 - Chapter 10

28 Chapters

Prologo

"Ka Andres, totoo bang napulot lang niyo si Malaya sa gubat noong naghahanap kayo ng mapagtataguan?" Nahinto ang sanang paglapit ni Malaya sa mga nakatatandang nag-uusap, kabilang ang kanyang ama. Hindi niya maipaliwanag pero bigla siyang kinabahan sa maaaring marinig mula sa mga ito. "Hinaan mong boses mo, Ka Igme. Baka nariyan lang si Malaya at marinig ka!" dinig ni Malaya na saway ng ama kay Ka Igme. Pinagbutihan ni Malaya ang pagkukubli sa likod ng matandang puno kung saan sila pansamantalang tumigil upang magpahinga. Walang nakapapansin sa dalaga roon dahil ang iba nilang kasamahan ay pawang nahihimbing na. "Pero ano nga ba, Ka Andres, totoo nga ba iyon o usap-usapan lamang?" "Oo totoo iyon. Napulot lamang namin si M
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Kabanata 1

"GOOD morning, Kuya!" Nilingon ni Thorin ang nakakabatang kapatid habang masigla itong naglalakad papalapit sa kan'ya, pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi. "Good morning, Thyon," ganting-bati niya rito. "Maupo ka na, sabay na tayong mag-agahan." Agad namang tumalima ang dalaga at saka naupo sa katabing silya niya. "Pupunta ka sa hacienda, Kuya?" tanong nito habang nagtutusok ng sausage na nakahain sa malaki at pahabang mesa. Marahan naman siyang tumango sa kapatid habang naglalagay ng sariling pagkain sa plato. "Oo. Bibisitahin ko lang ang pag-aani ng kape. At saka gusto kong kumustahin ang mga farmer sa labas ng hacienda. Ang sabi kasi ni Tata Pedring, humihingi sa atin ng tulong ang mga magsasaka roon. Natutuyot daw kasi ang palayan dahil kinakapos sila ng mapagkukunan ng tubig," aniya sa kapatid habang pinong nginunguya ang pagk
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Kabanata 2

"SEÑORITO Thorin, nagising na ang inyong bisita." Nilingon ni Thorin si Nana Delia, ang kanilang mayordoma. "Okay Nana Delia, pupuntahan ko s'ya. Paki-handaan na rin po niyo siya ng hapunan," tugon naman ni Thorin sa matandang katiwala. "Sige, Señorito." "Who's your visitor, kuya? Bakit 'di ko yata alam?" tanong naman ng kanyang kapatid. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Kalimitan kasi, kapag may panauhin sa mansyon, ay pinaghahandaan nila ito ng maliit na salo-salo. Kung kaya't marahil ay nagtaka ito dahil walang ganoong pangyayari ang naganap. "'Yong babaeng nasagip ko sa labas ng hacienda kaninang tanghali pag-uwi ko." "Babae, Kuya?" pag-uulit ng kapatid.
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Kabanata 3

"KUYA, alam mo? Bagay kayo ni Malaya." Nilingon ni Thorin ang kapatid habang nasa komedor sila at naghahanda ng agahan. Bakas sa mukha ng nakababatang kapatid ang panunukso ng sabihin iyon. "Stop it, Thyon. Baka marinig ka ni Malaya," saway niya rito sabay lingon sa direksyon ng pinto ng komedor. Subalit lihim rin siyang napangiti sa sinabi ni Thyon, at aywan niya kung bakit. Humagikhik naman ang dalaga sa kanyang Kuya Thorin. Nakita kasi niyang namula ang mukha nito. "Eh, bakit nagba-blush ka, kuya? Para kang teenager na kinikilig!" Hindi na lamang sinagot ni Thorin ang kapatid at saka umiling-iling na lamang rito. Ilang sandali pa nga, dumating na si Malaya sa komedor. Agad napansin ni Thorin na namula ang babae nang magtama ang kanilang mga paningin. Napangiti tuloy siya sa kanyang isip dahil doon.
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Kabanata 4

"MALAYA, marunong ka bang gumamit ng computer?" tanong ni Thyon kay Malaya. Naroon na sila sa shop nito at kasalukuyang nag-aayos. Kabubukas pa lamang kasi nila ng naturang tindahan. Mula sa pagsasalansan ng mga naka-hanger na bistida, binalingan ng tingin ni Malaya ang dalaga. "Pasensya ka na pero hindi ako marunong e," nahihiyang aniya. "Gan'on ba? 'Di bale. . ." anang Thyon na nasa laptop ang tingin, "I will teach you na lang. Come here," anitong nakangiti pang nakatingin sa kan'ya. Mabilis naman siyang lumapit at naupo sa katabing silya nito. "A-ano ba ang kailangan kong gawin?" taning niya rito na ang paningin ay nasa screen na rin ng naturang aparato. Palibhasay laki siya sa bundok, wala siyang alam sa mga de-kuryenteng kagamitan. Ni hindi pa siya nakakagamit ng cellphone o nakakanood ng telebisyon. Sa buo
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Kabanata 5

Kasalukuyang abala si Malaya sa pagtulong sa mga kawaksi sa paghahanda ng agahan nang pumasok sa komedor si Thyon."Good morning, Malaya! Come here, maupo ka na. Si Nana Lupe ang bahala d'yan," agad nitong anyaya sa kan'ya. Ipinaghila pa siya ng upuan ng dalaga upang maupo siya sa tabi nito."Good morning, Thyon. Maaga ba ang pasok mo?" tanong niya rito. Araw kasi ng Lunes noon at ang alam niya ay balik eskwela na ulit ito.Umiling ang dalaga. "Hindi naman. Actually, 9:00 pa ang pasok ko. Gumising lang talaga ko nang maaga para makausap ka."Napamaang naman siya sa sinabi nito. "Tungkol sa trabaho ba?""Nope. Hindi tungkol d'on. Tungkol sa sinabi ni Kuya Thorin na gusto mo raw maghanap ng uupahang bahay. Why, Malaya? Ayaw mo na ba kaming kasama?" Bakas pa ang pagtatampo sa tinig nito ng sabihin iyon.Mabilis namang umiling si Malaya sa babae. "Naku! Hindi naman 'yon gan'on
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more

Kabanata 6

May isang linggo nang nagtatrabaho si Malaya bilang assistant ni Thyon at masasabi niyang gamay na niya ang gawain roon. At dahil nga araw ng sabado noon, napag-usapan nilang dalawa ni Thyon na day-off niya ang araw ng sabado at linggo.Ayaw sanang pumayag ni Malaya na hindi pumasok dahil wala naman siyang gagawin sa loob ng dalawang araw. Pero wala naman siyang magagawa. Nahihiya rin siya kay Thyon dahil baka isipin nitong nagmamarunong pa siya. Kung kaya't sinadya niyang magising nang maaga para tumulong na lang kay Nana Lupe na maghanda ng almusal para sa magkapatid."Good morning, Laya! Ang aga mo yatang nagising, huh?" masiglang bati ni Thyon kay Malaya pagpasok nito sa komedor.Eksakto namang tapos na ang agahan na inihanda nila ni Nana Lupe at kasalukuyang inihahain na iyon sa lamesa. "Good morning, Thyon. Tumulong lang ako kay Nana Lupe. Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw," aniya ng nakangiti rin sa dalaga.
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more

Kabanata 7

NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more

Kabanata 8

NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more

Kabanata 9

Araw ng sabado noon at walang pasok si Malaya, kung kaya't matapos niyang tumulong kay Nana Lupe ay nagpasya siyang maglakad-lakad muna sa malaking hardin sa likod-bahay ng mansyon ng mga Fuentebella. Iyon ang unang beses niyang nagpunta roon sa loob ng mahigit isang buwan na niyang naninirahan sa hacienda. Humanga pa siya nang makitang may malaking swimming pool pala roon.Pakiramdam ni Malaya ay inaakit siya ng kulay-asul na tubig sa pool, kaya naman ipinasya niyang lumapit at maupo sa gilid niyon. Hindi pa siya nakuntento, isinawsaw pa niya ang mga paa sa tubig at nilaro-laro na tila isang bata. Napakasarap sa kanyang pakiramdam ang malamig na tubig na nananalaytay sa binti niya, habang tumatama naman sa kanyang balat ang mainit-init na sikat ng araw. Ala-siyete pa lamang kasi iyon ng umaga at hindi pa masakit sa balat ang sikat niyon."Good morning, Laya. Ang aga mo naman yatang nagising."Muntikan nang mapatalon si Ma
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status