Share

Kabanata 8

Author: Iamblitzz
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm.

"Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid.

"Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya.

"Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email.

"'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.

Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Vivian AviLa Badil
yong 7 at 8 same lang ...
goodnovel comment avatar
Marz Princess May Lumasag
bumalik po ang chapter 8
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 9

    Araw ng sabado noon at walang pasok si Malaya, kung kaya't matapos niyang tumulong kay Nana Lupe ay nagpasya siyang maglakad-lakad muna sa malaking hardin sa likod-bahay ng mansyon ng mga Fuentebella. Iyon ang unang beses niyang nagpunta roon sa loob ng mahigit isang buwan na niyang naninirahan sa hacienda. Humanga pa siya nang makitang may malaking swimming pool pala roon.Pakiramdam ni Malaya ay inaakit siya ng kulay-asul na tubig sa pool, kaya naman ipinasya niyang lumapit at maupo sa gilid niyon. Hindi pa siya nakuntento, isinawsaw pa niya ang mga paa sa tubig at nilaro-laro na tila isang bata. Napakasarap sa kanyang pakiramdam ang malamig na tubig na nananalaytay sa binti niya, habang tumatama naman sa kanyang balat ang mainit-init na sikat ng araw. Ala-siyete pa lamang kasi iyon ng umaga at hindi pa masakit sa balat ang sikat niyon."Good morning, Laya. Ang aga mo naman yatang nagising."Muntikan nang mapatalon si Ma

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 10

    "WOW! Ang handsome naman ng Kuya ko!" bulalas ni Thyon nang makita ang nakatatandang kapatid. Gwapong-gwapo ang kanyang Kuya Thorin sa suot nito kahit pa nga medyo informal ang ayos nito.Nakasuot kasi ang lalaki ng black v-neck shirt na pinatungan ng gray na coat. Ang pang-ibaba naman nito ay gray skinny jeans na pinarisan ng itim na high-cut boots. "Ruggedly handsome" kung bansagan ni Thyon ang kanyang Kuya kapag ganoon ang suot nito. Kahit pa nga mahaba ang buhok nito at hindi kilala ang pang-ahit. Besides, she really likes her brother's unique fashion style."Where's Malaya?" agad naman na tanong ni Thorin sa nakababatang kapatid nang makita itong pababa ng hagdan.Ngumisi naman si Thyon sa tanong na iyon ng kuya niya. Obvious kasi sa mukha nitong exited itong makita si Malaya. "Relax, bro. Pababa na si Laya. I'm sure, maiisipan mong mag-asawa agad 'pag nakita mo siya," tudyo ni Thyo

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 11

    "How's your feet? Masakit na ba?"Bumaling si Malaya sa lalaki nang marinig iyon. Marahil ay nakita nito ang pasimpleng paghihilot niya sa talampakan. Kasalukuyan na silang nasa sasakyan noon at binabagtas ang daan pauwi sa hacienda Fuentebella."Hindi naman masyado," sagot niya rito kahit hindi totoo.Ang totoo'y kanina pa nananakit ang talampakan at mga binti niya dahil sa may tatlong pulgadang sandalyas na suot niya. Iyon kasi ang unang beses na nakasuot siya niyon kaya hindi niya alam na ganoon pala iyon kahirap suotin. Idagdag pang naaasiwa rin siya sa suot na gown kahit pa nga panay ang puri sa kan'ya ng ilang bisita sa pagtitipon na dinaluhan.Ipinagpasalamat rin ni Malaya na hindi sila nagtagal sa pagtitipon na iyon at nagyaya na ring umuwi ang binata. Pakiramdam kasi niya ang nasasakal siya roon lalo't kasama niya ang mga taong kinamumuhian ng kan

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 12

    ABALA si Malaya sa pag-aayos ng kanyang gamit na nagkalat sa ibabaw ng mesa nang pumasok si Maddy sa loob ng silid na nagsisilbing opisina ng shop na pagmamay-ari ni Thyon."Hindi ka pa ba tapos, Malaya?" bungad sa kan'ya ni Maddy pagpasok at naupo sa sofa na katapat ng mesa niya.Tinapos muna ni Malaya ang ginagawa saka nag-angat ng tingin sa babae. "Tapos na, Maddy. Pauwi ka na ba?" Subalit nagtaka siya nang makita ang nanunuksong ngiti nito. "Bakit ganyan ka makangiti?" takang tanong pa niya.Mas lumapad naman ang ngiti nito sa kan'ya at saka humalukipkip. "Good. Kanina pa kasi naghihintay 'yong sundo mo," saad ni Maddy.Agad na umahon ang kaba sa dibdib ni Malaya nang marinig iyon. Hindi na rin niya kailangan pang tanungin kung sino ang kanyang sundo. Sapagkat iisang tao lamang naman ang gumagawa niyon, si Thorin. Regular siyang sinusu

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 13

    "KUMUSTA, Laya?"Mula sa madilim na kalangitan ay nabaling ang tingin ni Malaya sa kanyang likuran. At tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Thyon na kasalukuyang naglalakad papalapit sa balkonahe kung saan siya naroroon. Marahil ay gaya niya, hindi rin ito makatulog nang oras na iyon."Ikaw pala, Thyon. Bakit gising ka pa?" kaswal niyang tanong sa babae saka patagilid na humarap dito."'Di kasi ako makatulog, e," tugon nito habang nakatingala sa madilim na kalangitan. "Kaya pala madilim ang langit dahil walang moon and stars," komento pa nito.Nag-angat rin ng tingin si Malaya at pinagmasdan ang kulay itim na kalangitan. "Ang sabi ng Itay ko, kapag walang buwan at mga bituwin, uulan raw.""Gan'on ba? Kaya pala maalinsangan rin," sagot naman ng dalaga. "Alam ko na, gusto mong mag-swimming, Laya?" tanong pa nito na noon ay sa kan'ya na

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 14

    "Andres, hindi na natin hahanapin si Malaya?"Buntong-hininga muna si Ka Andres sa kabiyak sala binitiwan ang itak na gamit niya sa pagsibak ng kahoy. "Bakit pa? Dalaga na ang anak mo. Marahil ay kaya siya umalis dahil ayaw niya ng ganitong buhay.""P-pero hindi ka man lang ba nag-aalala sa kalagayan n'ya? Baka napaano na siya, Andres." Hindi maitago ni Ka Ising ang pag-aalala kay Malaya. Hindi man niya ito totoong anak ay minahal nila ito ni Ka Andres ng parang sariling anak."May nakapagsabi sa'kin na nakita raw nila si Malaya sa Sto. Cristo," ani Ka Andres saka muling itinuloy ang pagsisibak ng panggatong na gagamitin nila mamaya sa pag-luluto."Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi ito, Andres?" ani Ka Ising na himig nang-uusig."At anong gagawin mo?" ani Ka Andres na muling ihininto ang ginagawa at saka kunot-noong pinagmasdan ang as

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 15

    Almost half hour bago makabalik si Thorin na basang-basa ng ulan. Isinilong pa kasi niya ang kabayong si Venus sa kwadra na ipinagawa niya malapit sa kanyang kubo.Bahagya pang nagulat ang binata nang maabutang mahimbing na natutulog si Malaya sa duyan, kung saan yakap-yakap ang sarili. Nakaramdam tuloy siya ng guilt dahil sa sobrang pagmamadali niyang maisilong si Venus ay hindi niya nagawang magpaalam dito.Kahit basang-basa, inuna muna ni Thorin na kumuha ng blanket na nakatabi sa kanyang kabinet. Sinadya talaga niyang maglagay ng personal na gamit sa kubong iyon para kung sakaling tamarin siyang umuwi buhat sa pagtatrabaho sa hacienda, ay doon na lang siya tutuloy. Pinababantayan na lang niya iyon sa caretaker niya sa hacienda at ipinalilinis na rin.Ikinumot muna niya ang makapal na blanket kay Malaya bago binuksa

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 16

    Kaagad tinungo ni Thorin si Malaya sa silid nang marinig niyang sumigaw ito. At kahit madilim ang kabuohan ng kubo dahil nag-brownout, hindi siya napigilan nitong alamin kung ano ang nangyari sa dalaga."Laya? What happen? I'm here. Nasaan ka? Lalapitan kita," ani Thorin sa babae nang makapasok siya sa kwarto."N-nandito ako, Thorin. . ." sagot ni Malaya na bakas ang panginginig ng boses.Umahon naman kaagad ang pag-aalala sa dibdib ng binata nang marinig ang tinig nito. Alam niyang sa mga oras na iyon, ay natatakot ang dalaga. "Sandali, Laya. Kukunin ko lang ang flashlight. Babalikan kita," Thorin replied and then quickly left the room and headed to the kitchen.Kahit kakapa-kapa dahil sa madilim na paligid, kaagad pa rin niyang nahanap ang kitchen cabinet kung nasaan nakalagay ang kanyang emergency kit. Kinapa niya roon ang flashlight at mga batteries. Good thing, kabisa

Pinakabagong kabanata

  • MALAYA (A Tagalog Story)   EPILOGO

    NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka

  • MALAYA (A Tagalog Story)   FINALE

    "Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 25

    AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 24

    "KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 23

    "PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 22

    Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 21

    "Will you be my wife, Malaya Marasigan?"Pakiramdam ni Malaya ay nanlamig ang buo niyang katawan nang lubusang mag-sink in sa isipan niya ang alok na kasal ni Thorin. Pakiramdam din niya ay kinakapos siya mg hininga dahil sa labis na kabang nararamdaman dulot."T-Thorin..."Iyon lang ang nasabi ni Malaya habang nakatingin sa nobyo. Hindi niya alam kung bakit sa halip na saya ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, ay tensyon ang lumulukob sa kan'ya. Mistulan din siyang natutuliro nang makitang ang lahat ng panauhin ay tila naghihintay din ng kanyang isasagot."Malaya?" untag ni Thorin sa hindi niya pagkibo. Tumayo na rin ito mula sa pagkakaluhod at buong pag-aalala siyang pinagmasdan. "May problema ba?" Ginagap pa ng binata ang nanlalamig niyang mga palad.Sapat na ang pag-aalalang nakikita ni Malaya sa mukha ng nob

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 20

    ABALA ang lahat ng kawaksi sa Hacienda Fuentebella, ang araw kasing iyon ay ang 20th birthday ni Thyon. Double celebration ang mangyayari ng gabing iyon. Dahil kasabay ng kaarawan ng dalaga, ay ang pagse-celebrate ng graduation nito sa susunod na araw.Kaya naman talagang pinaghandaan iyon ng lahat, lalong-lalo na si Thorin. Siya ang mismong nag-aasikaso sa lahat, mula sa invitations, decorations, foods at iba pa. Maging ang nobyang si Malaya ay abala rin sa pagtulong sa nobyo sa pagprepara sa magiging okasyon.Sa malawak na lawn na may malaking swimming pool, gaganapin ang party kaya naman pinaganda iyon ng husto ng mga trabahador ng hacienda. Maging ang mga ito kasi ay nagprisintang tutulong sa paghahanda.Palibhasa, mga kapwa aristokrata ang magiging bisita ng mga Fuentebella, kaya naman pinaghusayan ni Thorin ang pagpapaganda sa loob at labas ng mansyon, partikular sa lugar kung saan i

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 19

    Kasalukuyang nagpapahangin si Thorin sa may veranda dahil hindi siya makatulog ng gabing iyon, nang maramdaman niyang may lumapit sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito, ang kapatid na si Thyon ang bumungad sa kan'ya."Hello, Kuya... Did I disturb you?" nakangiting tanong ng kapatid."Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba?""Gusto ko lang itanong kung kumusta kayo ni Laya?" ani Thyon sa kan'ya sa sumandal patalikod sa veranda. Maaliwalas din ang mukha ng kapatid habang nakatingin sa kaniya."We're very happy sis," ani Thorin na hindi mapigilang mapangiti nang sandaling iyon. Sa t'wing naiisip kasi niyang kasintahan na niya si Malaya, ay walang kasinsaya ang nararamdaman niya sa dibdib.He really loves Malaya, at ayaw na niya itong mawala pa sa kanyang tabi. At dahil sa pagmamahal niyang iyon, maski ano pa ang malaman niya tungkol sa pag

DMCA.com Protection Status