Share

MALAYA (A Tagalog Story)
MALAYA (A Tagalog Story)
Author: Iamblitzz

Prologo

Author: Iamblitzz
last update Last Updated: 2021-08-28 14:27:51

"Ka Andres, totoo bang napulot lang niyo si Malaya sa gubat noong naghahanap kayo ng mapagtataguan?"

Nahinto ang sanang paglapit ni Malaya sa mga nakatatandang nag-uusap, kabilang ang kanyang ama. Hindi niya maipaliwanag pero bigla siyang kinabahan sa maaaring marinig mula sa mga ito.

"Hinaan mong boses mo, Ka Igme. Baka nariyan lang si Malaya at marinig ka!" dinig ni Malaya na saway ng ama kay Ka Igme.

Pinagbutihan ni Malaya ang pagkukubli sa likod ng matandang puno kung saan sila pansamantalang tumigil upang magpahinga. Walang nakapapansin sa dalaga roon dahil ang iba nilang kasamahan ay pawang nahihimbing na.

"Pero ano nga ba, Ka Andres, totoo nga ba iyon o usap-usapan lamang?"

"Oo totoo iyon. Napulot lamang namin si Malaya sa kagubatan ni Ka Ising mo. Musmos pa siya noon. Sa pagkakatanda ko'y wala pa siyang isang taon. At dahil nga hindi kami magkaanak ni Ka Ising mo, itinuring naming tunay na anak si Malaya."

Halos pabulong na lamang nang sabihin iyon ni Ka Andres ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Malaya ang isiniwalat ng itinuturing na ama.

Nasagot na rin ang matagal ng katanungan sa isipan ni Malaya. 'Tulad ng bakit hindi niya kamukha ang mga kinalakhang magulang? Bakit wala silang permanenteng tirahan, dahilan upang ni highschool ay hindi niya natapos? Bakit panay ang pagtakas nila at pagtatago na para bang isang kriminal?

Wala siyang hinanakit sa mga kinalakhang magulang, sa katunayan, utang na loob pa niya sa mga ito ang kanyang buhay. Pero alam ni Malaya na iyon na siguro ang hudyat na hinihintay niya upang tuluyang umalis sa poder ng mga ito.

Noon ding gabing iyon ay nakabuo ng pasya si Malaya. Hahanapin niya ang tunay na mga magulang. At higit pa roon, tatakasan niya ang buhay na kinamulatan niya. Kaya bitbit ang isang maliit na balutan na naglalaman ng ilang pirasong damit, kamote at inumin, pati na ang kaunting pera ay nilisan niya ang lugar.

Sa loob ng dalawampung taon niyang nabubuhay sa mundo, pagod na siyang magtago, pagod na siyang tumakas. Pagod na siya sa mga kasinungalingan. . . At ngayon, buo na ang pasya niyang hanapin ang totoong kahulugan ng kanyang pangalan—Malaya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bon Bon Bago
Ganda nang story po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 1

    "GOOD morning, Kuya!"Nilingon ni Thorin ang nakakabatang kapatid habang masigla itong naglalakad papalapit sa kan'ya, pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi. "Good morning, Thyon," ganting-bati niya rito. "Maupo ka na, sabay na tayong mag-agahan."Agad namang tumalima ang dalaga at saka naupo sa katabing silya niya. "Pupunta ka sa hacienda, Kuya?" tanong nito habang nagtutusok ng sausage na nakahain sa malaki at pahabang mesa.Marahan naman siyang tumango sa kapatid habang naglalagay ng sariling pagkain sa plato. "Oo. Bibisitahin ko lang ang pag-aani ng kape. At saka gusto kong kumustahin ang mga farmer sa labas ng hacienda. Ang sabi kasi ni Tata Pedring, humihingi sa atin ng tulong ang mga magsasaka roon. Natutuyot daw kasi ang palayan dahil kinakapos sila ng mapagkukunan ng tubig," aniya sa kapatid habang pinong nginunguya ang pagk

    Last Updated : 2021-08-28
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 2

    "SEÑORITO Thorin, nagising na ang inyong bisita."Nilingon ni Thorin si Nana Delia, ang kanilang mayordoma. "Okay Nana Delia, pupuntahan ko s'ya. Paki-handaan na rin po niyo siya ng hapunan," tugon naman ni Thorin sa matandang katiwala."Sige, Señorito.""Who's your visitor, kuya? Bakit 'di ko yata alam?" tanong naman ng kanyang kapatid.Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Kalimitan kasi, kapag may panauhin sa mansyon, ay pinaghahandaan nila ito ng maliit na salo-salo. Kung kaya't marahil ay nagtaka ito dahil walang ganoong pangyayari ang naganap."'Yong babaeng nasagip ko sa labas ng hacienda kaninang tanghali pag-uwi ko.""Babae, Kuya?" pag-uulit ng kapatid.

    Last Updated : 2021-08-28
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 3

    "KUYA, alam mo? Bagay kayo ni Malaya."Nilingon ni Thorin ang kapatid habang nasa komedor sila at naghahanda ng agahan. Bakas sa mukha ng nakababatang kapatid ang panunukso ng sabihin iyon."Stop it, Thyon. Baka marinig ka ni Malaya," saway niya rito sabay lingon sa direksyon ng pinto ng komedor. Subalit lihim rin siyang napangiti sa sinabi ni Thyon, at aywan niya kung bakit.Humagikhik naman ang dalaga sa kanyang Kuya Thorin. Nakita kasi niyang namula ang mukha nito. "Eh, bakit nagba-blush ka, kuya? Para kang teenager na kinikilig!"Hindi na lamang sinagot ni Thorin ang kapatid at saka umiling-iling na lamang rito. Ilang sandali pa nga, dumating na si Malaya sa komedor. Agad napansin ni Thorin na namula ang babae nang magtama ang kanilang mga paningin. Napangiti tuloy siya sa kanyang isip dahil doon.

    Last Updated : 2021-08-28
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 4

    "MALAYA, marunong ka bang gumamit ng computer?" tanong ni Thyon kay Malaya. Naroon na sila sa shop nito at kasalukuyang nag-aayos. Kabubukas pa lamang kasi nila ng naturang tindahan.Mula sa pagsasalansan ng mga naka-hanger na bistida, binalingan ng tingin ni Malaya ang dalaga. "Pasensya ka na pero hindi ako marunong e," nahihiyang aniya."Gan'on ba? 'Di bale. . ." anang Thyon na nasa laptop ang tingin, "I will teach you na lang. Come here," anitong nakangiti pang nakatingin sa kan'ya. Mabilis naman siyang lumapit at naupo sa katabing silya nito."A-ano ba ang kailangan kong gawin?" taning niya rito na ang paningin ay nasa screen na rin ng naturang aparato.Palibhasay laki siya sa bundok, wala siyang alam sa mga de-kuryenteng kagamitan. Ni hindi pa siya nakakagamit ng cellphone o nakakanood ng telebisyon. Sa buo

    Last Updated : 2021-08-28
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 5

    Kasalukuyang abala si Malaya sa pagtulong sa mga kawaksi sa paghahanda ng agahan nang pumasok sa komedor si Thyon."Good morning, Malaya! Come here, maupo ka na. Si Nana Lupe ang bahala d'yan," agad nitong anyaya sa kan'ya. Ipinaghila pa siya ng upuan ng dalaga upang maupo siya sa tabi nito."Good morning, Thyon. Maaga ba ang pasok mo?" tanong niya rito. Araw kasi ng Lunes noon at ang alam niya ay balik eskwela na ulit ito.Umiling ang dalaga. "Hindi naman. Actually, 9:00 pa ang pasok ko. Gumising lang talaga ko nang maaga para makausap ka."Napamaang naman siya sa sinabi nito. "Tungkol sa trabaho ba?""Nope. Hindi tungkol d'on. Tungkol sa sinabi ni Kuya Thorin na gusto mo raw maghanap ng uupahang bahay. Why, Malaya? Ayaw mo na ba kaming kasama?" Bakas pa ang pagtatampo sa tinig nito ng sabihin iyon.Mabilis namang umiling si Malaya sa babae. "Naku! Hindi naman 'yon gan'on

    Last Updated : 2021-09-11
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 6

    May isang linggo nang nagtatrabaho si Malaya bilang assistant ni Thyon at masasabi niyang gamay na niya ang gawain roon. At dahil nga araw ng sabado noon, napag-usapan nilang dalawa ni Thyon na day-off niya ang araw ng sabado at linggo.Ayaw sanang pumayag ni Malaya na hindi pumasok dahil wala naman siyang gagawin sa loob ng dalawang araw. Pero wala naman siyang magagawa. Nahihiya rin siya kay Thyon dahil baka isipin nitong nagmamarunong pa siya. Kung kaya't sinadya niyang magising nang maaga para tumulong na lang kay Nana Lupe na maghanda ng almusal para sa magkapatid."Good morning, Laya! Ang aga mo yatang nagising, huh?" masiglang bati ni Thyon kay Malaya pagpasok nito sa komedor.Eksakto namang tapos na ang agahan na inihanda nila ni Nana Lupe at kasalukuyang inihahain na iyon sa lamesa. "Good morning, Thyon. Tumulong lang ako kay Nana Lupe. Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw," aniya ng nakangiti rin sa dalaga.

    Last Updated : 2021-09-11
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 7

    NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n

    Last Updated : 2021-09-11
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 8

    NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n

    Last Updated : 2021-09-11

Latest chapter

  • MALAYA (A Tagalog Story)   EPILOGO

    NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka

  • MALAYA (A Tagalog Story)   FINALE

    "Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 25

    AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 24

    "KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 23

    "PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 22

    Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 21

    "Will you be my wife, Malaya Marasigan?"Pakiramdam ni Malaya ay nanlamig ang buo niyang katawan nang lubusang mag-sink in sa isipan niya ang alok na kasal ni Thorin. Pakiramdam din niya ay kinakapos siya mg hininga dahil sa labis na kabang nararamdaman dulot."T-Thorin..."Iyon lang ang nasabi ni Malaya habang nakatingin sa nobyo. Hindi niya alam kung bakit sa halip na saya ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, ay tensyon ang lumulukob sa kan'ya. Mistulan din siyang natutuliro nang makitang ang lahat ng panauhin ay tila naghihintay din ng kanyang isasagot."Malaya?" untag ni Thorin sa hindi niya pagkibo. Tumayo na rin ito mula sa pagkakaluhod at buong pag-aalala siyang pinagmasdan. "May problema ba?" Ginagap pa ng binata ang nanlalamig niyang mga palad.Sapat na ang pag-aalalang nakikita ni Malaya sa mukha ng nob

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 20

    ABALA ang lahat ng kawaksi sa Hacienda Fuentebella, ang araw kasing iyon ay ang 20th birthday ni Thyon. Double celebration ang mangyayari ng gabing iyon. Dahil kasabay ng kaarawan ng dalaga, ay ang pagse-celebrate ng graduation nito sa susunod na araw.Kaya naman talagang pinaghandaan iyon ng lahat, lalong-lalo na si Thorin. Siya ang mismong nag-aasikaso sa lahat, mula sa invitations, decorations, foods at iba pa. Maging ang nobyang si Malaya ay abala rin sa pagtulong sa nobyo sa pagprepara sa magiging okasyon.Sa malawak na lawn na may malaking swimming pool, gaganapin ang party kaya naman pinaganda iyon ng husto ng mga trabahador ng hacienda. Maging ang mga ito kasi ay nagprisintang tutulong sa paghahanda.Palibhasa, mga kapwa aristokrata ang magiging bisita ng mga Fuentebella, kaya naman pinaghusayan ni Thorin ang pagpapaganda sa loob at labas ng mansyon, partikular sa lugar kung saan i

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 19

    Kasalukuyang nagpapahangin si Thorin sa may veranda dahil hindi siya makatulog ng gabing iyon, nang maramdaman niyang may lumapit sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito, ang kapatid na si Thyon ang bumungad sa kan'ya."Hello, Kuya... Did I disturb you?" nakangiting tanong ng kapatid."Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba?""Gusto ko lang itanong kung kumusta kayo ni Laya?" ani Thyon sa kan'ya sa sumandal patalikod sa veranda. Maaliwalas din ang mukha ng kapatid habang nakatingin sa kaniya."We're very happy sis," ani Thorin na hindi mapigilang mapangiti nang sandaling iyon. Sa t'wing naiisip kasi niyang kasintahan na niya si Malaya, ay walang kasinsaya ang nararamdaman niya sa dibdib.He really loves Malaya, at ayaw na niya itong mawala pa sa kanyang tabi. At dahil sa pagmamahal niyang iyon, maski ano pa ang malaman niya tungkol sa pag

DMCA.com Protection Status