Share

Kabanata 4

Penulis: Iamblitzz
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

"MALAYA, marunong ka bang gumamit ng computer?" tanong ni Thyon kay Malaya. Naroon na sila sa shop nito at kasalukuyang nag-aayos. Kabubukas pa lamang kasi nila ng naturang tindahan.

Mula sa pagsasalansan ng mga naka-hanger na bistida, binalingan ng tingin ni Malaya ang dalaga. "Pasensya ka na pero hindi ako marunong e," nahihiyang aniya.

"Gan'on ba? 'Di bale. . ." anang Thyon na nasa laptop ang tingin, "I will teach you na lang. Come here," anitong nakangiti pang nakatingin sa kan'ya. Mabilis naman siyang lumapit at naupo sa katabing silya nito.

"A-ano ba ang kailangan kong gawin?" taning niya rito na ang paningin ay nasa screen na rin ng naturang aparato.

Palibhasay laki siya sa bundok, wala siyang alam sa mga de-kuryenteng kagamitan. Ni hindi pa siya nakakagamit ng cellphone o nakakanood ng telebisyon. Sa buong buhay kasi niya, tanging pagtanim ng gulay, pangangaso at pag-eensayong gumamit ng baril lamang ang ginagawa niya. Kung kaya't hindi rin niya natapos ang pag-aaral ng highschool.

"You need to answer emails from our clients, Malaya. Madali lang naman," anito saka kinuha ang mouse. "Kita mo 'tong emails? Iyang parang sobre? Kapag may nakita kang gan'yan, ibig sabihin mayr'on kang emails. I-click mo lang iyan, at makikita mo na kung anong laman ng messages. 'Pag mag-re-reply ka naman, click mo lang 'tong reply, then click send," tuloy-tuloy na paliwanag nito kay Malaya habang itinuturo ang mga dapat gawin. "Kapag may tinanong silang 'di mo maintindihan, tell me at ako nang sasagot. Kunin mo lang 'yong cellphone or telephone numbers nila or address para mas madali natin silang ma-contact, okay?"

"O-oo, nakuha ko," agad niyang sagot. Sa totoo lamang ay hindi naman pala iyon gan'on kahirap. Naiintindihan naman niya ang mga ipinaliwanag nito at nakuha agad.

"Okay good," anang dalaga saka marahan siyang tinapik sa balikat. "Bukas Monday, may pasok na 'ko. Ikaw munang maiiwan rito 'tsaka si Maddy," anang Thyon saka binalingan ang isang babae na mukha mas matanda sa kan'ya ng ilang taon. Maganda ito at mukhang may-kaya sa buhay. Mukha rin itong mabait. "Maddy, ikaw na’ng bahala kay Malaya bukas, ha?"

Mabilis namang tumango ang tinawag na Maddy at saka ngumiti kay Malaya. "Okay, Ms. Thyon."

"Good," anang Thyon saka bumaling sa kan'ya, "Come on, Malaya. Ituturo ko pa sa'yo ang dapat mo pang matutunan." Mabilis namang tumalima si Malaya at lumapit rito. "'Wag kang kabahan, huh? Sa una lang mahirap but I'm pretty sure na kayang-kaya mo 'yan, Malaya," pagpapalakas-loob pa nito sa kan'ya.

"Maraming salamat, señorita," nahihiya niyang tugon naman ni Malaya. Ngayon kasing nagtatrabaho na siya sa dalaga, sa palagay niya ay mas mainam kung señorita na ang itatawag niya rito o kaya naman ay Ma'am. Ayaw niya kasing isipin ng mga kasamahan niya roon na hindi siya marunong gumalang kung Thyon lamang ang itatawag niya.

Umiling-iling naman si Thyon sa kan'ya. "Don't call me señorita, Malaya. Just call me by my name, okay? Isa pa magiging future sister-in-law naman kita." Humalakhak pa ito pagkasabi niyon.

"H-Ha?" maang na tanong naman ni Malaya rito.

"Wala, wala! 'Lika na nga para makapag-umpisa ka na." Matamis pa itong ngumiti bago siya inakay palabas sa tanggapang iyon.

• • •

"Kumusta ang unang araw ng trabaho mo, Malaya?"

Biglang sumikdo ang dibdib ni Malaya nang marinig ang baritonong tinig ni Thorin mula sa kanyang likuran. Hindi man lamang niya namalayan ang paglapit ng binata. Marahil ay dahil iyon sa nakawiwiling tanawin na nakikita niya sa balkonahe kung saan siya nagpapahangin ngayon.

Naaaliw siyang panoorin and madilim na kalangitan na napakaraming bituwin. Wala mang buwan ng gabing iyon, sapat na ang mga tala sa kalangitan para bigyang buhay ang kadiliman ng gabi.

Nilingon ni Malaya ang binata na may isang dipa ang layo sa kan'ya. Nakasuot ito ng abuhing roba na marahil ay pantulog nito at may hawak itong tasa ng marahil ay kape. Ang buhok naman nitong mahaba ay nakapusod. At bagaman nakatalikod sila sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa loob ng bahay, ay naaaninag pa rin niya ang gwapong mukha nito.

Sa t'wing pagmamasdan rin niya ang gwapong mukha ng lalaki, ay nararamdaman siya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Siguro ay dahil sa ngayon lamang siya nakakita ng ganoon kagwapo sa tanang buhay niya.

"M-maayos naman. Medyo nahirapan ako no'ng una pero natutunan ko naman sa huli," anang Malaya na ang paningin ay nasa madilim na kalangitan.

Katatapos lamag nila maghapunan noon. Si Thyon ay nagpaalam na sa kanyang maagang matutulog dahil may pasok pa raw ito bukas. Si Thorin naman ay hindi nila kasabay kumain kanina kung kaya't ngayon lamang sila nagkaharap. Ang dinig niya kanina, may inasikaso raw ang binata sa hacienda.

"Good to know that." Tumango-tango pa ito pagkasabi niyon.

"S-señorito Thorin, may nais sana akong sabihin," mahinang tawag niya sa lalaki. Lumingon naman ito agad sa kan'ya.

"Bakit naman señorito ang tawag mo sa'kin? The last time I know, Thorin ang tawag mo sa akin. And I like it kung iyon ang itatawag mo, Malaya."

"S-sige, Thorin na lang."

"Much better," ngumiti pa ito ng matamis sa kan'ya. "Anyway, ano ang sasabihin mo?"

"Itatanong ko sana kung may maliit na bahay ba akong maaaring ma-rentahan malapit dito?"

"Bakit? Ayaw mo na ba rito sa mansyon, Malaya? 'Di ka ba komportable?"

Mabilis naman na umiling si Malaya saka tuluyang hinarap ang lalaki na noon ay matamang nakatingin sa kan'ya. "Nahihiya kasi ako sa inyo ni Thyon. Tinulungan na nga ninyo ako at binigyan ng trabaho, pati ba naman sa tirahan ang sagot ninyo ako," paliwanag niya rito. Iyon kasi ang sabi ni Thyon sa kan'ya. Doon na lamang raw siya manirahan na mansyon.

"Bakit ka naman mahihiya? May nagpapaalis ba sa'yo, Malaya? kunot-noong tanong pa ng binata na bahagya pang humakbang papalapit sa kan'ya. Muli tuloy sumikdo ang dibdib ni Malaya dahil doon.

"W-wala naman. Talagang nahihiya lang ako sa inyong magkapatid, " agad niyang tanggi.

"Kung gan'on, isantabi mo muna iyang hiya mo, Malaya. Kami naman ng kapatid ko ang may gusto na dito ka sa mansyon tumira. Isa pa'y, malaki ito. Mga katiwala at kaming dalawa lang ni Thyon ang nakatira rito. Napakalaki nito para sa amin," anang binata kay Malaya.

"P-pero hindi pa ninyo ako kilala. Baka mamaya ay isa pala akong masamang tao." Binundol ng kaba ang dibdib ni Malaya dahil sa sinabi niyang iyon. Alam naman niya kasing hindi siya nasasabi ng totoo sa mga ito.

Nagtaka ang dalaga kung bakit sandaling natahimik ang binata habang nakatingin lamang sa kan'ya. Ngunit mayamaya rin ay nagsalita ito. "Kung ano man ang hindi mo sinasabi sa amin, Malaya, alam kong may dahilan ka. Isa pa, alam kong mabuti kang tao," sinserong turan ni Thorin na biglang sumundot sa kanyang konsenya. Tuloy ay parang gusto ni Malaya na amimin ang pagkatao sa binatang kaharap.

"Maraming salamat, Thorin," anang Malaya habang hindi maalis-alis ang paningin sa gwapong mukha nito. Sana nga ay matanggap ninyo kapag nalaman ninyo ang tunay kong pagkatao. . .

• • •

Nang matapos mag-usap ni Thorin ay Malaya, dumiretso na ang binata sa silid nito. Ngunit hindi makatulog si Thorin habang nakahiga sa malambot niyang kama. Paano ba naman kasi, hindi maalis-alis sa isipan niya ang mukha ni Malaya. Sa tuwing pagmamasdan kasi niya ang dalaga, pakiramdam niya ay may bumabagabag rito.

Maging ang mga mata nito kung minsan ay nagiging mailap lalo na kapag tungkol sa buhay nito ang pinag-uusapan. May kutob siyang may inililihim ang dalaga sa kanilang magkapatid. Pero hindi naman iyon ikinababahala ni Thorin. Ramdam naman kasi niyang mabuting tao si Malaya.

Dahil sa hindi dalawin ng antok, tuluyan nang bumangon si Thorin ay nagtungo sa kanyang mini sala set at binuhay ang malaking flat screen TV. Alas-nueve pa lamang naman iyon ng gabi kaya ipinasya muna niyang manood ng news. Nang maipunta niya sa paborito niyang news channel, ay naupo siya ng maayos sa couch at nanood.

"Isang pinaghihinalaang miyembro grupo ng mga New People's Army ang pinaghahanap ng Arm Forces of the Philippines sa bayan ng Sta. Filomena, Algeria sa probinsya ng Cebu. Sinasabing ang naturang grupo ay may sanhi ng kaguluhan sa isang barangay na hindi umano, kinukuha ang mga pananim na gulay at prutas na paninda ng mga taong-baryo. Maging ang mga alagang hayop ng mga ito ay kinukuha rin ng nasabing tulisan. Samantala, ang mga taong lumalaban sa mga ito, ay dinadala ng grupo at ginagamit na hostage laban sa ating kasundaluhan."

Nang marinig ni Thorin ang balitang iyon ay naalarma siya. Sa kabilang bayan lamang kasi ang nasabing lugar kung saan nanggulo ang mga tulisan. Ilang beses na rin kasing pinasok ang kanyang hacienda ng mga tulisan. Ngunit bigo ang mga itong makapagdala ng mga pananim buhat sa kanyang hacienda. May kinukuha kasi siyang private army sa tuwing nababalitaan siyang may ganoong kaguluhan.

Kinuha ni Thorin ang cellphone niyang nakalapag sa corner table at kinontak si Nicolai. Ang best friend niya na pawang abogado rin at siyang namamahala ng law firm niya sa Maynila.

"Yes, bro? Napatawag ka?" tanong agad nito sa kabilang linya.

"Papuntahin mo si Major Cortez dito. I need them," aniya na ang tinutukoy ay ang kanyang private army.

"Why? May problema ba?"

"May mga nangugulo na namang tulisan sa karatig-bayan. Kailangan ko ng kasama rito."

"Okay sure. Ako nang bahala!"

"Thanks bro!"

"Basta ikaw!"

Komen (9)
goodnovel comment avatar
Marjorie Gomez
next chapter po please ...
goodnovel comment avatar
Lizzie Liza Omotoy
Unlock pls
goodnovel comment avatar
Maricar Gonzales
continue read
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 5

    Kasalukuyang abala si Malaya sa pagtulong sa mga kawaksi sa paghahanda ng agahan nang pumasok sa komedor si Thyon."Good morning, Malaya! Come here, maupo ka na. Si Nana Lupe ang bahala d'yan," agad nitong anyaya sa kan'ya. Ipinaghila pa siya ng upuan ng dalaga upang maupo siya sa tabi nito."Good morning, Thyon. Maaga ba ang pasok mo?" tanong niya rito. Araw kasi ng Lunes noon at ang alam niya ay balik eskwela na ulit ito.Umiling ang dalaga. "Hindi naman. Actually, 9:00 pa ang pasok ko. Gumising lang talaga ko nang maaga para makausap ka."Napamaang naman siya sa sinabi nito. "Tungkol sa trabaho ba?""Nope. Hindi tungkol d'on. Tungkol sa sinabi ni Kuya Thorin na gusto mo raw maghanap ng uupahang bahay. Why, Malaya? Ayaw mo na ba kaming kasama?" Bakas pa ang pagtatampo sa tinig nito ng sabihin iyon.Mabilis namang umiling si Malaya sa babae. "Naku! Hindi naman 'yon gan'on

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 6

    May isang linggo nang nagtatrabaho si Malaya bilang assistant ni Thyon at masasabi niyang gamay na niya ang gawain roon. At dahil nga araw ng sabado noon, napag-usapan nilang dalawa ni Thyon na day-off niya ang araw ng sabado at linggo.Ayaw sanang pumayag ni Malaya na hindi pumasok dahil wala naman siyang gagawin sa loob ng dalawang araw. Pero wala naman siyang magagawa. Nahihiya rin siya kay Thyon dahil baka isipin nitong nagmamarunong pa siya. Kung kaya't sinadya niyang magising nang maaga para tumulong na lang kay Nana Lupe na maghanda ng almusal para sa magkapatid."Good morning, Laya! Ang aga mo yatang nagising, huh?" masiglang bati ni Thyon kay Malaya pagpasok nito sa komedor.Eksakto namang tapos na ang agahan na inihanda nila ni Nana Lupe at kasalukuyang inihahain na iyon sa lamesa. "Good morning, Thyon. Tumulong lang ako kay Nana Lupe. Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw," aniya ng nakangiti rin sa dalaga.

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 7

    NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 8

    NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 9

    Araw ng sabado noon at walang pasok si Malaya, kung kaya't matapos niyang tumulong kay Nana Lupe ay nagpasya siyang maglakad-lakad muna sa malaking hardin sa likod-bahay ng mansyon ng mga Fuentebella. Iyon ang unang beses niyang nagpunta roon sa loob ng mahigit isang buwan na niyang naninirahan sa hacienda. Humanga pa siya nang makitang may malaking swimming pool pala roon.Pakiramdam ni Malaya ay inaakit siya ng kulay-asul na tubig sa pool, kaya naman ipinasya niyang lumapit at maupo sa gilid niyon. Hindi pa siya nakuntento, isinawsaw pa niya ang mga paa sa tubig at nilaro-laro na tila isang bata. Napakasarap sa kanyang pakiramdam ang malamig na tubig na nananalaytay sa binti niya, habang tumatama naman sa kanyang balat ang mainit-init na sikat ng araw. Ala-siyete pa lamang kasi iyon ng umaga at hindi pa masakit sa balat ang sikat niyon."Good morning, Laya. Ang aga mo naman yatang nagising."Muntikan nang mapatalon si Ma

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 10

    "WOW! Ang handsome naman ng Kuya ko!" bulalas ni Thyon nang makita ang nakatatandang kapatid. Gwapong-gwapo ang kanyang Kuya Thorin sa suot nito kahit pa nga medyo informal ang ayos nito.Nakasuot kasi ang lalaki ng black v-neck shirt na pinatungan ng gray na coat. Ang pang-ibaba naman nito ay gray skinny jeans na pinarisan ng itim na high-cut boots. "Ruggedly handsome" kung bansagan ni Thyon ang kanyang Kuya kapag ganoon ang suot nito. Kahit pa nga mahaba ang buhok nito at hindi kilala ang pang-ahit. Besides, she really likes her brother's unique fashion style."Where's Malaya?" agad naman na tanong ni Thorin sa nakababatang kapatid nang makita itong pababa ng hagdan.Ngumisi naman si Thyon sa tanong na iyon ng kuya niya. Obvious kasi sa mukha nitong exited itong makita si Malaya. "Relax, bro. Pababa na si Laya. I'm sure, maiisipan mong mag-asawa agad 'pag nakita mo siya," tudyo ni Thyo

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 11

    "How's your feet? Masakit na ba?"Bumaling si Malaya sa lalaki nang marinig iyon. Marahil ay nakita nito ang pasimpleng paghihilot niya sa talampakan. Kasalukuyan na silang nasa sasakyan noon at binabagtas ang daan pauwi sa hacienda Fuentebella."Hindi naman masyado," sagot niya rito kahit hindi totoo.Ang totoo'y kanina pa nananakit ang talampakan at mga binti niya dahil sa may tatlong pulgadang sandalyas na suot niya. Iyon kasi ang unang beses na nakasuot siya niyon kaya hindi niya alam na ganoon pala iyon kahirap suotin. Idagdag pang naaasiwa rin siya sa suot na gown kahit pa nga panay ang puri sa kan'ya ng ilang bisita sa pagtitipon na dinaluhan.Ipinagpasalamat rin ni Malaya na hindi sila nagtagal sa pagtitipon na iyon at nagyaya na ring umuwi ang binata. Pakiramdam kasi niya ang nasasakal siya roon lalo't kasama niya ang mga taong kinamumuhian ng kan

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 12

    ABALA si Malaya sa pag-aayos ng kanyang gamit na nagkalat sa ibabaw ng mesa nang pumasok si Maddy sa loob ng silid na nagsisilbing opisina ng shop na pagmamay-ari ni Thyon."Hindi ka pa ba tapos, Malaya?" bungad sa kan'ya ni Maddy pagpasok at naupo sa sofa na katapat ng mesa niya.Tinapos muna ni Malaya ang ginagawa saka nag-angat ng tingin sa babae. "Tapos na, Maddy. Pauwi ka na ba?" Subalit nagtaka siya nang makita ang nanunuksong ngiti nito. "Bakit ganyan ka makangiti?" takang tanong pa niya.Mas lumapad naman ang ngiti nito sa kan'ya at saka humalukipkip. "Good. Kanina pa kasi naghihintay 'yong sundo mo," saad ni Maddy.Agad na umahon ang kaba sa dibdib ni Malaya nang marinig iyon. Hindi na rin niya kailangan pang tanungin kung sino ang kanyang sundo. Sapagkat iisang tao lamang naman ang gumagawa niyon, si Thorin. Regular siyang sinusu

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29

Bab terbaru

  • MALAYA (A Tagalog Story)   EPILOGO

    NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka

  • MALAYA (A Tagalog Story)   FINALE

    "Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 25

    AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 24

    "KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 23

    "PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 22

    Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 21

    "Will you be my wife, Malaya Marasigan?"Pakiramdam ni Malaya ay nanlamig ang buo niyang katawan nang lubusang mag-sink in sa isipan niya ang alok na kasal ni Thorin. Pakiramdam din niya ay kinakapos siya mg hininga dahil sa labis na kabang nararamdaman dulot."T-Thorin..."Iyon lang ang nasabi ni Malaya habang nakatingin sa nobyo. Hindi niya alam kung bakit sa halip na saya ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, ay tensyon ang lumulukob sa kan'ya. Mistulan din siyang natutuliro nang makitang ang lahat ng panauhin ay tila naghihintay din ng kanyang isasagot."Malaya?" untag ni Thorin sa hindi niya pagkibo. Tumayo na rin ito mula sa pagkakaluhod at buong pag-aalala siyang pinagmasdan. "May problema ba?" Ginagap pa ng binata ang nanlalamig niyang mga palad.Sapat na ang pag-aalalang nakikita ni Malaya sa mukha ng nob

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 20

    ABALA ang lahat ng kawaksi sa Hacienda Fuentebella, ang araw kasing iyon ay ang 20th birthday ni Thyon. Double celebration ang mangyayari ng gabing iyon. Dahil kasabay ng kaarawan ng dalaga, ay ang pagse-celebrate ng graduation nito sa susunod na araw.Kaya naman talagang pinaghandaan iyon ng lahat, lalong-lalo na si Thorin. Siya ang mismong nag-aasikaso sa lahat, mula sa invitations, decorations, foods at iba pa. Maging ang nobyang si Malaya ay abala rin sa pagtulong sa nobyo sa pagprepara sa magiging okasyon.Sa malawak na lawn na may malaking swimming pool, gaganapin ang party kaya naman pinaganda iyon ng husto ng mga trabahador ng hacienda. Maging ang mga ito kasi ay nagprisintang tutulong sa paghahanda.Palibhasa, mga kapwa aristokrata ang magiging bisita ng mga Fuentebella, kaya naman pinaghusayan ni Thorin ang pagpapaganda sa loob at labas ng mansyon, partikular sa lugar kung saan i

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 19

    Kasalukuyang nagpapahangin si Thorin sa may veranda dahil hindi siya makatulog ng gabing iyon, nang maramdaman niyang may lumapit sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito, ang kapatid na si Thyon ang bumungad sa kan'ya."Hello, Kuya... Did I disturb you?" nakangiting tanong ng kapatid."Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba?""Gusto ko lang itanong kung kumusta kayo ni Laya?" ani Thyon sa kan'ya sa sumandal patalikod sa veranda. Maaliwalas din ang mukha ng kapatid habang nakatingin sa kaniya."We're very happy sis," ani Thorin na hindi mapigilang mapangiti nang sandaling iyon. Sa t'wing naiisip kasi niyang kasintahan na niya si Malaya, ay walang kasinsaya ang nararamdaman niya sa dibdib.He really loves Malaya, at ayaw na niya itong mawala pa sa kanyang tabi. At dahil sa pagmamahal niyang iyon, maski ano pa ang malaman niya tungkol sa pag

DMCA.com Protection Status