Home / Fantasy / Wish Upon a Seashell / Chapter 1 - Chapter 6

All Chapters of Wish Upon a Seashell: Chapter 1 - Chapter 6

6 Chapters

Chapter 1

Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi
Read more

Chapter 2

Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim
Read more

Chapter 3

Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin
Read more

Chapter 4

Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.
Read more

Chapter 5

Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?
Read more

Chapter 6

Chapter 6: Surfing WavesMaggy’s POV “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango. Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon. “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin. “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito. “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kala
Read more
DMCA.com Protection Status