Chapter 2: The Primal Sea
Maggy’s POV
“Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin.
Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena.
“Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe.
“Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin.
“Aray ha!” reklamo nito habang hinihimas-himas ang parte ng kaniyang ulo na nauntog.
Niyakap ko ang kaniyang ulo at isinandal sa ‘king dibdib saka hinimas-himas din ito. Hinalikan ko rin nang maraming beses ang parteng ‘yon. “Shh, sorry, Yummi, sorry,” malumanay kong sambit na tila nagpapatahan ng isang bata.
“Tsk, do’n ka nga!” Bigla niya ‘kong tinulak palayo kaya napahalakhak ako. Tumalikod siya sa ‘kin at humarap na lamang sa bintanana tila nagtatampo habang hawak pa rin ang bahagi ng ulo niyang nauntog.
“Angas niyo kasi, eh. Ginawa ba namang taxi ‘tong sasakyan ko,” reklamo ni Dave habang pasulyap-sulyap pa rin sa rear mirror.
Nagkatinginan kami ni Yummi at sabay na natawa nang malakas, hindi na marinig ang music mula sa radyo dahil sa lakas ng tawa naming dalawa. May pahampas-hampas pang nalalaman ‘tong katabi ko kaya kawawa na naman ako ngayon. Lahat ng bagahe kasi namin ay nasa front seat habang kaming dalawa ni Yummi ay rito sa backseat. Puno ang compartment ng sasakyan ni Dave kaya no choice kung ‘di paupuin din ang mga gamit namin dito.
“P’wede naman kasing sa backseat ilagay ‘yong mga gamit,” dinig kong bulong ni Dave.
“Sus, kunwari ka pa. Gusto mo lang makatabi si Marga, eh. Yie!” tukso ni Yummi at pabirong tinutulak-tulak ang balikat ko. Napa-poker face na lang ako sa kaniyang ginawa.
“Nevermind,” tugon ni Dave at itinuon na lamang ang atensyon sa pagda-drive.
Lumapit si Yummi sa ‘kin at bumulong sa mismong tainga ko. “Ouch, ‘nevermind’” pang-aasar niya at diniinan talaga ang huling salita.
Kunwari wala akong pakialam sa mga sinasabi niya pero no’ng nagkaroon ako ng pagkakataon, bigla ko siyang hineadlock at kinotongan. Tawa siya nang tawa habang sinusubukang kumawala sa braso ko.
Mang-asar ka pa, sige.
“Aray! Aray! Tama na,” natatawang awat niya sa ‘kin habang hinahampas-hampas ang braso kong pinang-headlock sa kaniya.
“Marga!” sambit niya habang natatawa pa rin kaya binitawan ko na siya kasi baka maubusan pa ng hininga at ako ang ituturong suspek ni Dave.
“Hindi ako si Marga, Maggy pangalan ko,” sambit ko at tumingin-tingin sa labas ng bintana, saka ko lang napagtanto na malapit na kami sa aming paroroonan.
“Sige, hindi na kita tatawaging Marga,” tugon ni Yummi. Nakita ko ang repleksyon niya sa bintana, humalukipkip siya sabay sandal sa upuan ng sasakyan. Binalot kami ng katahimikan at walang sino man ang nagsalita sa ‘ming tatlo. Ilang minuto pa ay binasag iyon ni Yummi.
“Pst, Marga,” tawag niya sa ‘kin kaya napasalubong ang dalawang kilay ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
“Ano ba?!” inis na sambit ko pero tinawanan lang ako ng dalawang loko. Hindi ko talaga alam kung bakit naiinis ako sa pangalan na ‘yan.
“Hindi mo lang kasi matanggap na kapangalan mo si Margaret sa Kadenang Ginto, spelling nga lang ‘yong nag-iba,” asar sa ‘kin ni Dave habang nagda-drive kaya sinipa ko ang likod ng upuan niya dahilan para mas matawa silang dalawa.
“Hobby niyo talagang asarin ako, eh, ‘no,” asar na sambit ko at iniripan silang dalawa kaya mas lalo silang natawa.
“Ang cute mo ‘pag nagagalit ka, eh,” natatawang sambit ni Dave kaya napatahimik ako habang si Yummi ay nakangiting aso na nakatingin sa ‘kin.
Inumpisahan niya akong sundot-sundutin sa tagiliran na siyang iniilagan ko naman kaya para akong bulate na nilagyan ng asin.
“Alam mo naman na love kita, cute mo ‘pag nagagalit ka,” kanta nito kaya napa-poker face na lang ako.
“Dito na tayo,” sambit ni Dave at pinarking ang sasakyan.
Naunang lumabas si Dave at saka siya umikot upang binuksan ang pinto namin dito mula sa backseat. Naunang lumabas si Yummi at sumunod naman ako. Isa-isa naming kinuha ang mga bagahe at napatingin sa dagat na dating k’wento-k’wento lang nila.
Ang Primal Sea.
Naglakad kami papunta sa dagat. Tila musika sa aking tainga ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Idagdag mo pa ang hindi masyadong mainit na panahon at kaunti lang ang mga tao rito ngayon. Kulay puti ang buhangin nito na at halatang inaalagaan ito nang husto.
Sabay-sabay kaming napapikit at saka nilanghap ang sariwang hangin. Sabay rin kung bumuga. Nagkatinginan kaming tatlo at saka nag-unahan sa pagtampisaw sa dagat.
“Kung sinong huli, siya bibili ng tanghalian!” sigaw ni Yummi kaya walang nagpatalo sa ‘ming tatlo.
Tawang-tawa ko silang pinagmasdan habang hinihingal na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Ang lakas ng loob maghamon pero wala rin namang binatbat.
Pinamaywangan ko sila at binigyan ng isang mayabang na tingin habang dinadama ang paghampas ng alon sa aking mga paa.
“Oh, ano? Wala pala kayo, eh,” mayabang kong sambit pero inirapan lang ako ni Yummi at sinamaan ng tingin ni Dave.
“Kayong dalawa mamaya bibili ng lunch, ah,” ngisi kong ani.
“Whatever,” sambit ni Yummi at umirap ulit.
“Ghe,” tanging sambit ni Dave.
Nagrenta kami ng speed boat para sa pagda-dive namin. Sinakyan namin ‘to patungo sa gitna ng dagat. Habang nag-aayos kami ng diving fins namin, nag-open si Yummi ng topic.
“Sa tingin niyo totoo ‘yong sabi-sabi na may mga sirena talaga?” mahinang tanong nito, nag-iingat na baka may ibang makarinig kahit kaming tatlo lang ang nandito maliban sa nagda-drive ng speed boat.
“Hindi ko alam,” sagot ko at inayos ang suot kong diving fins.
“Kaya nga aalamin natin,” tugon ni Dave at dinouble check ang suot na scuba tank sa kaniyang likod.
“Ready na kayo?” tanong ni Yummi at isinuot ang kaniyang diving mask.
Tumango kaming dalawa ni Dave at nag-thumbs up sa kaniya bilang tugon. Nagsitanguan kaming tatlo at akmang tatalon na sa tubig nang biglang magsalita ‘yong lalaking nagda-drive ng speed boat namin.
“Mag-ingat kayo mga bata, hihintayin ko kayo rito,” nakangiting sambit niya at nag-thumbs up.
Lihim akong napangiti. Nag-thumbs up kaming tatlo pabalik at naghanda na upang tumalon sa dagat. Inangat ni Yummi ang nakakuyom niyang kamay, ilang segundo pa ay inangat niya ang kaniyang hinliliit, sumunod ay ang kaniyang palasingsingan. Saktong pag-angat niya ng kaniyang hinlalato ay agad kaming tumalon at sinimulang sisirin ang malalim na dagat ng Primal.
Namangha ako nang makita kung gaano ka asul ang tubig. Hindi rin kami nahirapang makita ang mga corals at ang iba’t ibang mga isda dahil sobrang linaw ng tubig. Nanlaki ang mga mata ko nang may dumaan sa mismong gilid ko na isang pamilyar na isda. Ang puting batik-batik nito sa ibabang bahagi ng kaniyang itim na katawan ang siyang nakakapagbukod-tangi sa kaniya.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, kinuha ko ang aking camera at kinunan ito ng litrato. Grabe! Dati sa mga libro ko lang iyon nakikita, akalain mo ba namang sa Primal Sea ko lang pala ito matatagpuan.
Nagpatuloy kami sa pag-explore ng kailaliman ng dagat. Marami kaming nakitang mga kabibe at iba’t ibang klase ng isda ngunit ang nakita ko kanina ang pinakakakaiba sa lahat. Ipagmayabang ko nga ito sa kanila.
Nang mapansin naming dapit-hapon na, sabay-sabay kaming umahon mula sa dagat. Hinihingal kaming bumalik sa speed boat habang hindi mabura ang ngiti sa aming mga labi. Ang tagal na rin mula no’ng huli naming pag-dive.
Pagkatapos naming mag-shower ay napagpasyahan na naming umuwi na at mag-drive-through na lang para sa pagkain. Sa halip na mapagod kami mula sa aming ginawa, ito kami ngayon nagtatawanan at nagke-k’wentuhan sa mga na-explore namin sa ilalim ng dagat.
“Hala, shit! Clown Triggerfish ba ‘to?” manghang tanong ni Yummi nang ipakita ko sa kaniya ang kinuha ko kaninang litrato. Taas-noo naman akong tumango.
“Dave, tingnan mo ‘to!” sambit ni Yummi at tumayo mula sa backseat at saka pinakita kay Dave na nagda-drive ang litrato.
“Sus, wala ‘yan sa nakita kong Butterflyfish kanina,” pagmamayabang niya kaya napatayo na rin ako.
“May nakita kang Butterflyfish?!” sabay naming tanong ni Yummi.
“S’yempre,” nakangising sagot niya kaya siningkitan namin siya ng mata.
“Whe?” nagdududang tanong ko.
“Whe?” gaya sa ‘kin ni Yummi.
Hindi ito makapaniwalang natawa. Ninguso niya ang kaniyang bag kaya kinuha ko iyon mula sa front seat pero nabitin ang kamay ko sa ere nang may mahagip ang paningin ko sa dalampasigan.
“Ihinto mo nga ‘yong sasakyan,” mabilis na sambit ko habang hindi inaalis ang aking paningin sa nakita.
“Bakit?” tanong ni Dave ngunit hindi ko siya sinagot bagkus nasa iba ang atensyon ko.
“Ihinto mo ‘yong sasakyan!” ulit ko sabay kuyog sa kaniyang balikat dahilan para mai-park niya ito sa gilid.
“Bakit ba? Anong meron?” tanong muli nito pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko ulit sinagot bagkus walang salitang bumaba ng sasakyan at matulin na tumakbo sa kinaroroonan ng nakita ko kanina.
“Marga, anong meron?!” pasigaw na tanong ni Yummi nang makababa rin siya ng sasakyan.
Hindi ko siya nilingon bagkus itinuro ko na lamang ang aking nakita. Isang babaeng hubo’t hubad ang naglalakad sa dalampasigan. Bakit naman siya naglalakad nang n*******d? Buti na lang at kaunti na lamang ang mga tao rito ngayon dahil pagabi na rin pero kahit na! Pinagtitinginan siya ng ibang mga bakasyonista at hindi ko pa maatim kasi ang lalagkit ng mga tinging iyon!
“Miss!” tawag ko sa kaniya, buti na lang at narinig niya ito kaya lumingon siya sa ‘kin.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang sumalubong sa ‘kin ang kulay lila niyang mga mata. Ngayon ko lang din napagtanto na kulay lila rin ang ang kaniyang buhok. Mukha siyang foreigner!
“Ano ang iyong nais sa akin, tao?” maotoridad nitong tanong kaya napalunok ako. Bakit ganiyan siya magsalita?
“P-Pinagtitinginan ka kasi ng mga tao dahil wala kang damit,” pagsasalita ko at napakagat sa ibabang labi ko. Kinakabahan ako.
Tiningnan niya ang kaniyang katawan mula paa bago ibalik ang kaniyang tingin sa ‘kin. “Ano naman ang masama kung ako’y walang saplot?”
“P’wede ka kasi nilang pagbalakan nang masama. Kung gusto mo sumama ka muna sa ‘kin―” Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong tutukan ng isang stick sa leeg, ramdam ko ang talim ng dulo no’n. Saan nanggaling ‘yon?!
“S-Sino ka?” utal na tanong ko habang nagpipigil ng hininga dahil pakiramdam ko, tatarak ang dugo kapag dumikit ang balat ko sa matalim na dulo ng stick.
“Maggy!”
“Marga!”
Dinig kong tawag ng aking mga kaibigan sa ‘di kalayuan. Tiningnan ko nang diretso itong babaeng kaharap ko ngayon, pilit itinatago ang kaba. Do’n ko napansin na ang seryoso na ng dating nitong kaharap ko.
“Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal.”
Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin
Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.
Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?
Chapter 6: Surfing WavesMaggy’s POV “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango. Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon. “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin. “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito. “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kala
Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi

Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim