Share

Chapter 5

Author: seraphinetina
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 5: Are Mermaids True?

Maggy’s POV

            Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah.

            “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon.

            “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko.

            Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko.

            “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya.

            Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?

            “Cellphone tawag d’yan,” ani ko kaya napatingin siya sa ‘kin habang nag-sasparkle ang mga mata.

            “Cell…phone?” tanong nito na siyang tinanguan ko.

            “P’wede kang mag-text o tumawag d’yan,” dugtong ko. Lumapit siya sa kinaroroonan ng cellphone ko at dahan-dahang kinuha ito ngunit muli na naman niyang nabitawan nang biglang mag-ring iyon at sa pangalawang pagkakataon, nasalo ko ito.

            Sino ba ‘tong tawag nang tawag?

            “Sandali lang, ah,” paalam ko sa kaniya at wala naman siya sa sariling tumango.

            Naglakad ako palabas ng silid at saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Napabuntonghininga na lang ako nang makitang si Mama pa rin ‘yon. Bakit ba ang kulit niya nitong mga nagdaang mga araw?

            “Hello,” sagot ko. Bumungad sa ‘kin ang hampas ng mga alon mula sa kabilang linya.

            “Hello?” muling sambit ko ngunit walang nagsalita. Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang may nagsalita, bakas sa boses niya ang pamamalat.

            “Kamusta kayo, anak? Kamusta si… Marvin?” magkasunod na tanong nito.

            Bumuntonghininga ako at namulsa at saka napatingin sa silid ni Tatay na nakasara dahil batid kong hanggang ngayon ay tulog pa rin ito.

            “Maayos naman kami mula no’ng nawala ka sa buhay namin,” tanging saad ko na nakapagpatahimik sa kaniya at tanging tunog na lang ng alon ang narinig ko mula sa kabilang linya.

            “Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko naman pipilitin na patawarin mo ako. Alam kong balang araw maiintindihan mo, Margarette, na para sa ‘yo rin ‘tong mga ginagawa ko,” wika niya at pinatay ang tawag.

            Para sa akin, ah? ‘Wag ka pong magpatawa.

            Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nanghina at napaupo na lamang. Napayakap ako sa ‘king tuhod at ipinatong ang aking ulo roon. Habang nasa ganoong posisyon, narinig ko ang pagbukas ng pintong nasa likuran ko.

            “Maggy, ayos ka lang ba?” tanong ng isang malambing na tinig.

            Hindi ako sumagot sapagkat pinipigilan ko na lamang ang mga luha ko na tumulo. Masakit para sa akin na mawalay sa ‘king ina. Buhay nga siya pero daig niya pa ‘yong patay kung i-ghost kami, ‘ni hindi nga nagpaalam no’ng umalis tapos ngayon mangungulit siya sa ‘kin.

Ano ‘yon? Na-guilty siya? Nakakainis!

            “Maggy?” pagtawag muli ni Merliyah sa ‘king pangalan kaya inangat ko ang aking tingin at bahagyang ningitian siya.

            “O-Okay lang.” Hindi ko naiwasan ang pagkabasag ng aking boses dahil sa pagpipigil kong umiyak.

            Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umupo si Merliyah sa mismong harapan ko. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at ibinaling sa kanan saka niya pinagmasdan. Ibinaling niya ito sa kaliwa at saka muling pinagmasdan, nang matapos na ang ginawa niyang pagsusuri, ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ko at saka hinimas-himas ang buhok ko.

            “Hindi ko batin kung ano ang iyong suliranin ngunit aking nakikita mula sa iyong mga mata ang labis na kalungkutan,” sambit ni Merliyah habang hinihimas pa rin ang tuktok ng ulo ko.

            Napapikit na lang ako at napasandal sa pader na katabi ko ngayon. Kahit ilang beses ko pang hilingin na bumalik si Mama sa ‘min, wala naman akong magagawa sa kaniyang bagong pamilya. Kahit ilang bses kong pangarapin, hindi kami magiging buo. Mukhang hanggang pangarap na lang talaga ang pagkakaroon ng masaya at buong pamilya.

            “Batid mo bang kapag ako’y malungkot ako’y pumupunta sa kailaliman ng dagat?” Napatingin ako kay Merliyah nang magsalita ito, bahagya itong nakangiti na para bang may inaalala.

            “At ako’y dinadalhan ng pagkain ng aking matalik na kaibigan na si Harbor ngunit mas pinili ko siyang iwan dahil nais kong tuparin ang aking mga pangarap,” k’wento nito kaya napangiti na lang ako.

            Nakaka-touch si Liyah kasi ginagawa niya ang lahat para ma-cheer up lang ako. Malaki ang naging epekto niya sa buhay ko― namin. Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot kaya napatingin siya sa ‘kin. Ningitian ko siya at nilahad ang kamay ko, dahan-dahan naman niya iyong tinanggap. Napakas’werte ko kasi ako ang nakakita kay Liyah.

            “Tara,” aya ko.

            Napakunot ang noo niya habang hawak pa rin ang kamay ko. “Saan tayo tutungo?” tanong nito.

            “Sa seaside,” sagot ko at sinuot ang aking tsinelas. Nakapantulog pa ‘ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto kong kalmahin ang sarili ko.

            “Seaside?” walang alam na tanong nito kaya natuktukan ko ang sariling ulo.

            Oo nga pala, kailangan malalim ang tagalog mo para maintindihan ka niya. Ano bang tagalog ng seaside?

            “Sa dalampasigan.” Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko ngunit pagkabanggit ko noon, tila kumislap ang kaniyang mga mata na para bang nakarinig ng isang magic word.

            “Hali ka na!” ganadong aniya kaya napatawa na lang ako.

            Kumuha ako ng ice cream sa refrigerator at nilagay sa isang paper bag. Sinabihan kong mauna na si Liyah sa sasakyan samantalang sinigurado ko munang naka-lock ang lahat ng pinto at bintana sa bahay saka nagtungo ng sasakyan. Pagkasakay ko, napansin kong tumitingin-tingin lang si Liyah sa paligid. Nilagay ko ang ice cream sa backseat kaya sinundan niya iyon ng tingin.

            “Ano ang iyong dala?” tanong nito. Pinaandar ko na ang makina saka siya sagutin.

            “Ice cream,” sagot ko kaya napatango-tango siya. Ikinabit ko muna ang kaniyang seatbelt bago ko paandarin nang tuluyan ang sasakyan.

            “I-Ice cream?” nahihirapan niyang sambit habang nakatingin pa rin doon sa paper bag.

            “Oo, ‘yan ang madalas kong kainin ‘pag malungkot ako. Nakalalamig ‘yan ng ulo,” sagot ko kaya tumatango-tango siya.

            “Kaso baka tunaw na ‘yan pagkadating ng Primal Sea,” natatawa kong sambit kaya napakunot ang noo niya.

            “Bakit?” tanong nito.

            “Mabilis kasi ‘yang matunaw, kaya magiging inumin na lang ‘yan siguro mamaya,” biro ko habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

            Ilang minuto siyang hindi nakasagot kaya sinulyapan ko siya. Napataas ang dalawang kilay ko nang makitang naka-open ang kaniyang palad na nakaharap sa paper bag na may lamang ice cream. Ito na naman siya sa mga weird stuffs na mga pinaggagagawa niya. Last time nahuli ko siyang may kausap na ibon pero hindi ko na lang binanggit sa kaniya.

            “Anong ginagawa mo?” puna ko dahilan para umangat ang likod niya at napaupo nang tuwid habang napatingin-tingin na lang sa paligid.

            Ilang minuto ang nakaraan nang makarating kami ng Primal Sea. Lumabas ako ng kotse at kinuha ang paper bag na nasa likod ngunit napansin kong parang may nag-iba sa temperature nito. Bakit mas lalong lumamig?

            Isinawalang bahala ko na lang iyon at tutungo na sana ng dalampasigan nang mapansin kong hindi pa lumalabas si Merliyah mula sa sasakyan. Muli akong bumalik doon at binuksan ang pinto na nasatabi ng aking kaibigan.

            “Anong problema, Li?” mahinahong tanong ko. Napatawa na lang ako nang makita kung gaano kasalubong ang kilay niya habang tinatanggal ang kaniyang seatbelt.

            “Anong klaseng nilalang ito at ayaw ako paalisin?!” salubong na kilay na tanong niya.

            Tawa-tawa kong tinanggal ang seatbelt niya na siyang nakapagpahiwalay ng pagkasalubong ng kaniyang kilay. Patalon itong bumaba at napa-inhale ng sariwang hangin.

            “Hali ka na,” aya ko sa kaniya at nilahad ang aking kamay. Tiningnan niya muna ito bago tanggapin at saka ako ningitian.

            Nakarating kami sa dalampasigan, parang musika sa aking tainga ang paghampas ng mga alon. Napatingin ako kay Liyah at nakitang nakatingin lang ito sa dagat, nasa mukha ang pagkamangha pero at the same time, mababakas doon ang pangungulila.

            “Liyah, okay ka lang?” tanong ko kaya napatingin siya sa ‘kin pilit siyang ngumiti at tumango-tango.

            Umupo ako sa puting buhangin kaya’t napatingin siya sa ‘kin, isang nagtatakang tingin. Pinagpagan ko ang aking tabi sensyas na maupo rin siya. Mabuti naman at gets niya ‘yon dahil tumabi siya sa ‘kin. Binigay ko sa kaniya ang isang tupperware ng ice cream at isang plastic na kutsara. Ilang minuto niya muna iyong tiningnan at tanggapin.

            Ang inaasahan ko pagbukas ng tupperware na bilog ay isang tunaw na ice cream dahil malayo-layo rin ang binyahe namin ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang buo ito at may mga yelo-yelo pa! Wala sa sariling nabalik ko ang aking tingin kay Liyah na kumakain ng kaniyang ice cream.

            Siya kaya ang may pakana nito?

            Napailing-iling na lang ako sa iniisip. Bata na lang talaga ang naniniwala sa mga powers-powers na ‘yan. Hindi na ‘yan uso sa henerasyon ngayon. Nagkibit-balikat na lang ako at kinain na rin ang ice cream ko. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa biglang tumayo si Liyah at matulin na tumakbo papunta sa tubig at hindi nag-alinlangang sumisid.

            “Liyah!” tawag ko sa kaniya at napatayo na rin. Akmang susundan ko siya nang kusa akong mapaatras nang makitang maabutan ako ng alon.

            “Liyah!” tawag ko muli sa kaniya. Anong nangyari ro’n?

            Naghintay pa ako ng ilang segundo at nang desidido na akong sundan siya, bigla itong umahon. Napatingin ako sa hawak niya. Halos matumba ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung ano ‘yon.

            Isang pusa! Saan galing ‘yon?!

            “Bakit may hawak kang pusa?” nagtatakang tanong ko.

            Hinawi niya muna ang kaniyang kulay lila na buhok at inilapag ang pusa sa buhangin. Pinagmasdan namin itong tumakbo papalayo.

            “Narinig ko siyang nanghihingi ng tulong,” kaswal na aniya at bumalik sa kinauupuan kanina kung saan niya iniwan ang ice cream.

            Ayan na naman siya.

            “Paano mo naman narinig?” kunot-noong tanong ko kasi hindi ko talaga ma-gets kung bakit niya nakakausap ang mga hayop. Hindi ko alam kung gawa-gawa lang ba niya ‘yon o ano.

            “Hindi ko rin batid kung bakit. Hindi ko lang maatim na hindi tulungan ang isang kaibigan,” sagot niya habang kumakain ng ice cream.

            Hanep, naging kaibigan na ‘yong pusa.

Third Person’s POV

            “Marga! Nand’yan ka ba?” sigaw ni Yummi mula sa labas ng bahay nina Maggy habang kinakatok ito.

            “Bukas oh,” puna ni Dave nang makitang may kaunting awang sa pintuan.

            Nagkatinginan silang dalawa at saka tumango at napagdesisyonang pumasok. Naunang pumasok si Dave samantalang nasa likuran lang si Yummi habang nakahawak sa t-shirt ng isa.

            “Ang dilim naman,” reklamo ni Dave at in-on ang flashlight ng kaniyang cellphone. Ayaw nilang buksan ang ilaw dahil alam nilang abala lang iyon sa tatay ni Maggy.

            “Marga, nand’yan ka ba? Ngayon ‘yong enrollment natin, hoy!” pabulong na sigaw ni Yummi. Natatakot siyang mag-ingay at baka marinig ito ng tatay ni Maggy na si Marvin na natutulog sa kaniyang silid.

Napaigtad sila nang may madinig na kalabog sa k’warto nina Maggy at Merliyah. Nagkatinginan ulit silang dalawa at saka sabay na tinungo ang direksyon ng pinagmulan ng kalabog na iyon. Pipihitin sana ni Dave ang seradura ngunit napakunot ang noo nito nang makitang may awang din ang pintuan. Dahan-dahan niya iyong binuksan, bumungad sa kanila ang isang lalaki na naka-bonet na nagbubukas ng mga drawer, hindi nila gaano makita ang kaniyang mukha dahil walang ilaw.

“Kya! Sino ka?!” sigaw ni Yummi at binato ang dala nitong bag sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ng lalaki at akmang lalabas sa iisang pintuan na narito nang harangan ito ni Dave gamit ang kaniyang mga paa.

“Sino ka at anong ginagawa mo rito?” seryosong tanong nito ngunit ningisihan lang siya ng lalaki na siyang ikinainis niya. Sinuntok niya ito at siyang inilagan niya naman ng isa.

Hindi nagdalawang isip na lumabas ang lalaki sa nag-iisang bintana ng k’warto ni Maggy. Akmang hahabulin siya ni Dave nang hinawakan siya ni Yummi sa braso at iniling-ilingan. Kusang napatingin ang dalawa sa drawer na hinahalungkat ng lalaki pagkadating nila.

Larawan nina Maggy, Dave at Yummi, nang makaahon sila sa Primal Sea, isang taon ang nakaraan.

“Ano namang kailangan ng lokong ‘yon sa picture natin?” wala sa sariling tanong ni Dave.

“Dave, tingnan mo ‘to,” turo ni Yummi sa isang bahagi ng larawan na may nakasilip na kulay lila na buntot sa ilalim ng tubig.

“Isda?” tanong ni Dave at pinulot ang larawan mula sa sahig saka sinuring mabuti.

“May isda ba na ganiyan kalaki ang buntot?” nagdududang tanong ni Yummi kaya napaisip si Dave ngunit wala itong maibigay na sagot sa kaniya.

“Kung ako ang tatanungin isa lang ang isasagot ko eh,” ani Yummi na may ngisi sa mga labi.

“Ano?” tanong ng kaniyang kasama.

“Sirena.”

Related chapters

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 6

    Chapter 6: Surfing WavesMaggy’s POV “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango. Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon. “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin. “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito. “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kala

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 1

    Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 2

    Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 3

    Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 4

    Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.

Latest chapter

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 5

    Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 4

    Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 3

    Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 2

    Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 1

    Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi

DMCA.com Protection Status