Share

Wish Upon a Seashell
Wish Upon a Seashell
Author: seraphinetina

Chapter 1

Author: seraphinetina
last update Last Updated: 2021-08-22 18:36:45

Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah

Taong 2016

Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah.

“Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal.

Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena.

“Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito.

Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hinarap ang kaniyang anak. Ginulo nito ang kaniyang buhok at inakbayan siya.

“Masasama ang mga tao, Anak. Kaya kahit sinong kalahi natin ay hindi gugustuhing mapunta sa mundo nila,” sagot ng ama ni Merliyah, may bahid ng kalungkutan ang boses nang maalala ang karahasan na sinapit niya mula sa kamay ng mga tao.

“Katulad po sa mga halimaw?” walang alam na tanong muli ng munting sirena.

“Mas sobra pa sa halimaw,” mariing sagot ng kaniyang ama at bigla na lang nandilim ang mga mata nito kaya napalangoy palayo si Merliyah sa kaniya nang dahil sa takot at kaba.

“N-Nakakatakot ka po,” nanginginig na ani ng munting sirena habang ‘di mapakali ang kulay lilang buntot nito.

Napatawa ang kaniyang ama at napakamot sa kaniyang kulay puting buhok. “Pasensya,” anito at kinuha ang sandata na nakapatong sa bato.

Sinenyasan niya si Merliyah na lumapit sa kaniya at sinunod naman ito ng kaniyang anak. Muling lumangoy ang munting sirena palapit sa kaniyang ama.

“Ilahad mo ang iyong mga palad,” sambit niya kaya ginawa ni Merliyah ang kaniyang inutos.

Nilagay niya ang ginawa nitong sandata sa kamay ng kaniyang anak dahilan para manginig ang palad ng munting sirena habang hawak-hawak ito sapagkat hindi siya sanay na may hawak na patalim. Ngunit pagkalipas ng ilang minuto, natagpuan na lang ni Merliyah ang kaniyang sarili na namamangha sa patalim na kaniyang hawak-hawak.

“Ano pong gagawin ko rito, Ama?” tanong nito nang masanay nang kaunti sa presensya ng patalim.

“Sa ‘yo na ‘yan. Kailangan mong matutong maipagtanggol ang sarili mo laban sa masasamang mga nilalang katulad ng tao,” pangangaral ng kaniyang ama at muling ginulo ang kulay lilang buhok nito.

Tumango-tango ang munting sirena nang marinig ang tinuran ng kaniyang ama. Dahan-dahan niyang kinuha ang patalim mula sa kaniyang mga palad at itinaas ito dahilan para tamaan ng sikat ng araw ang talim nito.

“Laban sa mga tao,” bulong nito sa sarili.

Ilang araw ang nakalipas mula no’ng ipinagkatiwala ng kaniyang ama sa kaniya ang isang patalim. Magmula noon, araw-araw na nagsasanay si Merliyah kasama ang mga g’wardya na pumoprotekta sa kanila. Madalas siyang tuksuhin ng mga dati nitong kaibigan ‘pagkat imbis na mga perlas ang kaniyang hawakan, patalim na ang kaniyang naging bagong kaibigan. Ngunit wala siyang pakialam, ang nasa utak ni Merliyah ngayon ay kung paano protektahan ang kanilang angkan laban sa mga mapanlinlang na mga tao.

“Merliyah, sumama ka sa ‘min maghanap ng mga perlas!” aya sa kaniya ng isang sirena na kaedad lang din niya.

Nasa mukha niya ang pag-aalangan sapagkat mayro’n pa siyang pagsasanay ngayon kasama ang punong g’wardya.

“S-Sige,” sang-ayon nito kahit nag-aalangan.

“Ayon oh!” sabay-sabay na sambit ng mga babaeng sirena at nag-apir pa kaya naiilang na lang na ngumiti si Merliyah bilang tugon.

“Merliyah, sandali!” sigaw ng mga kasamahan nito sa kaniya na nahuhuli na sa paglangoy.

“Bilisan niyo!” sigaw sa kanila pabalik ni Merliyah at humalakhak. Didiretso pa sana siya nang kusa itong mapahinto nang may maramdaman na hindi pamilyar na presensya.

Nagtago ito sa likod ng isang malaking bato at bahagyang nakasilip sa lugar kung saan niya naramdaman ang kakaibang presensya na iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang batang lalaki na halos kaedad lang din niya, nakasuot ito ng diving suit at hindi hamak na kaunti lang ang laki niya sa suot nitong scuba tank.

Nilabas ng batang lalaki ang isang camera at kinunan ang litrato ang isang isda na kulay kahel na may puting stripes. Ilang minuto pa ay may lumapit na matandang lalaki sa kaniya na nasa ganoon ding kasuotan. Hinawakan ng matandang lalaki ang bata at nagsimula na silang lumangoy pataas. Ngunit nanatiling tulala si Merliyah mula sa nasaksihan.

“Mga tao,” bulong nito.

Ito ang unang beses niyang makakita ng mga tao ngunit walang kahit ano man siyang maramdaman bukod sa mabilis na pintig ng kaniyang puso no’ng nakita niya ang lalaki. Napahawak ito sa kaniyang dibdib at napatingin sa direksyon kung saan lumangoy ang dalawang taong nakita niya.

“Ano itong kakaibang pakiramdam?”

Taong 2020

“Maligayang kaarawan, anak ko!” bati sa kaniya ng kaniyang ama at niyakap niya ito nang mahigpit.

“Salamat, Ama,” tugon nito.

Ngayon ang ika-labing walong kaarawan ni Merliyah. Walang nakakaalam nito bukod sa kaniyang ama at sa ina nitong pumanaw na. Pagkakalas ng yakap, may isinabit ang ama nito sa kaniyang leeg na parang kwintas.

“Ano po ito?” tanong ni Merliyah at hinawakan ang kabibe na pendant ng kwintas na binigay ng kaniyang ama.

“Iyan ang kabibe na pinagpapasa-pasahan ng ating mga ninuno. Tatlong beses ka lamang p’wedeng humiling dito at kapag sumobra sa tatlo ay maaring pagsisihan mo,” paliwanag ng kaniyang ama kaya napatango-tango si Merliyah.

“Kahit ano po bang kahilingan ay makakakaya nitong tuparin?” tanong niya ulit habang hinahaplos-haplos ang kabibe.

Tumango ang kaniyang ama. Kahit pilit na tinatago ni Merliyah ang kaniyang binabalak, alam na ng kaniyang ama ang layunin nito at nakakasiguro itong wala nang makakapigil sa kaniya.

“Esmeralda, aking asawa. Sabihin mo sa akin kung anong maari kong gawin sa ating una’t huling anak,” napadasal na lamang si Ervyn― ang ama ni Merliyah, sa kaniyang isipan.

Taong 2021

“Nakasisiguro ka bang hindi mo pagsisisihan itong desisyon mo, Merliyah?” medyo inis na paninigurado ni Harbor sa matalik nitong kaibigan.

“Isang taon akong naghanda para rito, Harbor. Kaya’t padaanin mo na ako upang ako’y makalangoy na sa ibabaw ng dagat,” kalmadong ani Merliyah.

“Alam ba ‘yan ni Tiyo Ervyn?” muling tanong ng kaniyang kaibigan.

“Ako’y nag-iwan ng isang liham para sa aking ama at batid ko naman na maiintindihan niya ang naging desisyon ko. Tumabi ka na r’yan, Harbor, ‘pagkat lumalalim na ang gabi,” saad ni Merliyah.

Bumuntonghininga na lamang ang kaniyang matalik na kaibigan at labag sa loob na tumabi sa daraanan ng dalaga. Pinagmasdan niya itong lumangoy patungo sa ibabaw ng tubig na kailanman ay hindi niya pinangarap. Labis-labis ang pag-aalala ni Harbor sa kaniyang kaibigan sapagkat ayaw niyang matulad ito sa kaniyang ina na pinatay ng mga tao.

“Mag-iingat ka, Merliyah,” bulong nito at lumangoy na lamang pauwi.

Sa kabilang dako naman, hindi maintindihan ni Merliyah ang kaniyang nararamdaman, nagagalak siya na kinakabahan dahil sa loob ng halos dalawang dekada, ngayon lang niya makikita ang tanawin sa ibabaw ng tubig.

Nang malapit na siya sa natatanaw na liwanag, mas binilisan niya ang kaniyang paglangoy. Napapikit ito nang wala nang maramdamang tubig sa kaniyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang paningin at bumungad sa kaniya ang masilaw na sinag ng b’wan kaya naiharang niya roon ang kaniyang kamay. Iginala niya ang paningin sa paligid, puro tubig ang kaniyang nakikita, walang kahit anong lupa. Doon niya napagtanto na nasa gitna siya ng dagat ng Primal at kinakailangan niya munang lumangoy papuntang dalampasigan upang maasam niya ang kinakamit niyang mga paa.

Buong gabi siyang lumangoy nang lumangoy. Pagod na ang kaniyang katawan ngunit kailangan niyang magpatuloy bago pa siya mahuli ng mga g’waryang nagbabantay sa kanila. Bukang-liwayway na nang marating ni Merliyah ang dalampasigan. Hinihingal itong napahiga sa kulay puting buhangin habang dinadama ang paghampas ng alon sa kaniyang buntot.

Napahawak siya sa kabibe na binigay ng kaniyang ama. Pumikit ito at nagsimulang humiling.

“Munting kabibe, ako’y gawin mong isang ganap na tao at ibalik mo lamang ako sa pagiging sirena sa t’wing hihilingin ko ito,” aniya at sa isang iglap lang ay napalitan ng mga paa ang kaniyang lilang buntot.

Napamulat siya ng tingin at napabalikwas mula sa pagkakahiga sa buhangin. Itinaas niya ang pares ng paa na ibinigay sa kaniya. Napangiti siya nang malapad habang hinahawak-hawakan ang mga ito. Napakapit siya sa isang bato na humaharang sa kaniya mula sa mga kabahayan na malapit dito sa dalampasigan. Sinubukan niyang tumayo, no’ng una nanginginig pa ito at hindi maibalanse ang katawan ngunit makalipas nag ilang minuto ay nakakatayo na siya nang tuwid. Napapalpak ito dahil sa galak at mangiyak-ngiyak na napatingin sa papasikat na araw.

“Isa na akong ganap na tao, Ina,” malumanay na aniya.

Sa wakas, natupad na rin ang matagal na hinihiling ng dating munting sirena na si Merliyah. Nandito na siya ngayon, sa mundo ng mga tao.

Related chapters

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 2

    Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim

    Last Updated : 2021-08-22
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 3

    Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin

    Last Updated : 2021-08-22
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 4

    Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.

    Last Updated : 2021-12-12
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 5

    Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?

    Last Updated : 2021-12-15
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 6

    Chapter 6: Surfing WavesMaggy’s POV “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango. Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon. “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin. “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito. “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kala

    Last Updated : 2023-06-12

Latest chapter

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 1

    Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi

DMCA.com Protection Status