Share

Chapter 6

Author: seraphinetina
last update Last Updated: 2023-06-12 15:17:29

Chapter 6: Surfing Waves

Maggy’s POV

            “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango.

               Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon.

               “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin.

               “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito.

               “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kalan.

               Natawa na lang ako at kinuha ang cellphone kong tunog nang tunog. Muntik pa itong mahulog sa mesa nang dahil sa vibration sa t’wing nag-riring ito.

               “Hello?” sagot ko. Nailayo ko ang phone ko nang marinig ang bawat daan ng sasakyan sa kabilang linya.

               “H-Hello? M-M-Marga!” sambit ni Yummi, pahinto-hinto ang kaniyang boses.

               “Putol-putol ka,” sagot ko pabalik. Biglang tumahimik kaya tiningnan ko ang phone kung pinatay niya ba ang tawag ngunit napangiwi ako nang makitang ongoing pa naman ang call.

               “Putol-putol?” dinig kong bulong ni Liyah habang nakatunganga sa hangin. Pustahan, putol-putol na katawan ang na-iimagine niya.

               “Ayan?! Okay na ba?!” sigaw ni Yummi mula sa kabilang linya at may narinig pa akong dumaan na truck.

               “Oo, okay na! Pero bakit ka naninigaw?!” pasigaw ring tanong ko. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong tinakpan ni Liyah ang kaniyang tainga habang nakatingin sa kaniyang sinaing na hindi niya tinakpan.

               “Hindi ko alam! Bakit ka rin naninigaw?!” tugon nito at napapikit na lang ako dahil sa pagtitimpi.

               “Bakit ka napatawag?” kalmadong tanong ko. Dinig ko rin ang pagtahimik ng kaniyang paligid kung saan man siya ngayon.

               “Surfing tayo!” halatang excite na aniya, nakarinig ako ng pag-lock ng gate.

               “Sige ba, kailan?” tanong ko at napasulyap kay Liyah na nakatingin na rin sa ‘kin na animong gustong marinig ang pinag-uusapan namin.

               “Ngayon, papunta na ‘ko kina Dave. Babush!” sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

               “Hoy, teka! Sandali! ―” Hindi ko pa natapos ang sinasabi ko nang patayan niya ‘ko ng tawag kaya napabuntonghininga na lang ako.

               “Sino iyon?” pang-uusisa ni Liyah, halata sa kaniyang mukha ang kyuryosidad.

               “Si Yummi,” sagot ko at umupo sa mesa.

               “Mayummi?” inosenteng tanong nito at tumango-tango naman ako bilang sagot.

               “Ano ang kaniyang winika?” tanong muli nito.

               “Mag-susurf daw kami. Sama ka?” aya ko at napasulyap sa kaniyang sinasaing.

Nanlaki ang mga mata ko saka wala sa sariling napababa mula sa pagkakaupo sa mesa at pinahinaan ang apoy ng kalan nang makitang kumukulo na ito.

               “Ang sunod na step, ‘wag mong aalisin ang mata mo sa kaldero,” sambit ko at nakitang napalunok si Liyah at saka tumango.

               Napatingin siya sa ‘kin at napakagat sa kaniyang ibabang labi. “Nais kong sumama sa inyo mag-surfing,” determinadong aniya kaya napangiti ako.

               Mukhang magiging masaya ‘to.

              

               “Aling Karen, pakitingnan na lang po si Tatay. Thanks!” sigaw ko sa kapit-bahay namin na nakadungaw sa kaniyang terrace.

               Napatingin siya sa ‘kin at tinanguan lang ako. Napabaling ako kay Liyah na pinagmamasdan ang pinasuot ko sa kaniyang kulay dilaw na tsinelas na may tatak na Islander. Kay Tatay ‘yang tsinelas at buti naman kasyang-kasya lang sa kaniya.

               “Tara na?” tanong ko kaya napatingin siya sa ‘kin at tumango bilang tugon.

               Nauna akong pumasok ng sasakyan. Pinaandar ko muna ang makina nito at kunot-noong napatingin sa front seat nang makitang hindi pa nakaupo si Liyah do’n.

               “Li, pasok ka na,” sambit ko ngunit hindi niya ako sinagot bagkus may itinuro lang ito sa taas kaya napalabas ako ng kotse at tiningnan kung ano ang tinuturo niya.

               “Ano ang nilalang na iyan at bakit mas dambuhala ito kaysa sa inyong mga tao?” kunot-noong turo niya sa surfboard na nakatali sa taas ng kotse.

               Ito na naman siya. Nagsasalita na parang hindi namin kauri.

               “Surfboard tawag d’yan. ‘Yan gagamitin natin mag-surfing mamaya,” paliwanag ko at tumango-tango naman siya.

               “Hali ka na, kanina pa tayo hinihintay nina Dave at Yummi,” sambit ko at tila lumiwanag ang kaniyang mukha sa narinig.

               Nauna siyang pumasok sa loob ng kotse. Ikinabit ko muna ang kaniyang seatbelt at saka pinaandar ang sasakyan sa dagat na nililigawan namin ngayon― ang Primal Sea. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang nakabusangot na mukha ni Yummi at si Dave na panay sulyap sa kaniyang relo habang nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa. Kusa akong napatingin kay Liyah at purong pagkamangha lang ang nakikita sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

               Pinark ko ang sasakyan sa parking lot kung nasaan ang dalawa naming kaibigan. Nauna akong bumaba at umikot upang tanggalin ang seatbelt ni Liyah. Napatingin ako kay Dave nang inumpisahan niyang tanggalin ang tali ng surfboard sa taas ng kotse habang sinalubong naman kami ng nakapamaywang na si Yummi.

“Ang aga ah,” sarkastikong aniya at b****o-beso sa ‘kin nang may sama ng loob.

               “S’yempre,” pang-aasar ko na siyang inismiran niya ngunit nang bumaling siya kay Liyah ay napalitan ng ngiti ang kaniyang mukha.

               Pinanganak lang yata ‘to para i-bully ako.

               “Liyah! Buti nakarating ka. Mwah! Mwah!” sambit ni Yummi habang nakikipagbeso-beso kay Liyah na hindi alam ang gagawin kaya sinundan lang niya ang mga galaw ni Yummi, muntik pa silang maghalikan.

               “Nais ko ring magsaya kasama kayo,” nakangiting sambit ni Liyah. Ngumiti si Yummi na kita ang lahat ng ngipin at saka nilingkis ang kaniyang braso sa braso ng isa.

               “Magsasaya tayo nang sama-sama, gano’n ang bonding!” ganadong anito at pabirong binangga ang balikat ni Liyah, hilaw na ngumiti ito bilang tugon.

               “Wow! Bagong pintura?” Napatingin ako kay Dave nang magsalita ito habang nakatingin sa surfboard ko na pininturuhan ng color blue. 

               Napaiwas ako ng tingin bago sumagot. “Pangit ba?” mahinang tanong ko na mukhang nadinig din niya kasi ramdam ko na napatingin siya sa ‘kin.

               “Hindi ah! Ganda nga eh,” puri nito kaya napahugot na lang ako ng malalim na hininga upang pigilan ang sarili na ngumiti.

               “Uy, kinikilig,” pabulong na tukso sa ‘kin ni Yummi habang sinusundot-sundot ulit ang tagiliran ko kaya panay iwas naman ako sa kaniya.

               “Tigilan mo nga,” pabulong na suway ko.

               “Bakit ika’y sumasayaw kahit wala namang tugtugin?” Natigil sa pang-aasar si Yummi nang magsalita si Liyah. Bakas sa mukha nito ang pagkalito habang nakatingin sa aming dalawa ni Yummi.

               “T-Trip ko lang,” naiilang na sagot ko t’saka mahinang tinapik ang braso ni Yummi nang akmang susundutin niya ulit ang tagiliran ko kaya napabungisngis ito.

               “Tara na kaya? Habang malalaki pa ‘yong mga alon oh!” turo ni Dave sa mga taong nag-susurf sa mga malalaking alon kaya napanganga na lang kami dahil sa pagkamangha.

               Ang gagaling nila!

               “Marunong pa kaya ako?” tanong ni Yummi at nagporma na animong nag-susurf.

               “I-save mo na lang ‘yan para mamaya,” sambit ni Dave at isinenyas ang kaniyang kamay na sumunod sa kaniya.

               “Corny,” bulong ni Yummi habang nakanguso at sumunod na lamang.

               Nagkatinginan kami ni Liyah at sabay na nagkibit-balikat. Sumunod na lang din kami sa kanila hanggang sa makarating kami sa dalampasigan kaya napagmasdan namin nang malapitan ‘yong mga nagsu-surf. Doon ko lang napansin na hanggang ngayon ay hawak-hawak ni Dave ang surfboard ko at bahagyang nilubog pa ito sa buhangin.

               “Yums, sa’n nga natin nilagay ‘yong surfboard natin?” tanong ni Dave habang nakatingin sa mga taong nag-susurf.

               “Sa cottage, bakit?” tanong ni Yummi pabalik habang nakapamaywang na nakatingin sa dagat.

               “May extra ba tayo?” tanong muli ni Dave kaya napaisip si Yummi.

               “Wala… yata?” patanong na sagot ng isa.

               “Paano ni Liyah?” tanong ulit ni Dave at napatingin kay Liyah na nakaupo sa buhangin habang sinasala ang puting buhangin sa kamay niya.

               Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya saka sya binulungan, “Li, tayo ka d’yan, pinagtitinginan ka ng mga tao.”

               “Wala akong pakialam sa kanila,” tanging sambit niya at tinuloy ang ginagawa. Wala sa sarili akong napatingin sa paligid, napabuntonghininga na lang ako nang makita pinagtitinginan nga siya kasi nilulubog niya ang sarili niyang binti sa buhangin.

               “Mags.” Napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ni Dave.

               “Oh?” tugon ko habang panay sulyap kay Liyah.

               “Alis muna kami, Marga. Mag-rerent lang kami ng surfboard para kay Liyah,” sambit ni Yummi kaya napatingin ako sa kaniya, pabalik kay Dave t’saka tumango.

               Napabalik ang tingin ko kay sa p’westo ni Liyah ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala na siya. Inikot ko ang aking paningin sa paligid at nang makitang wala nga siya ay inumpisahan na akong kabahan.

               “Liyah!” tawag ko sa kaniya kaya napatingin sa ‘kin ang mga tao.

               Pinagpapawisan na ako nang malamig ngayon dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nawawala si Liyah! Hindi pa naman niya kabisado ang lugar dito at baka may lokong makakita sa kaniya at mapagtripan siya.

               Akmang aalis na ‘ko sa kinatatayuan ko nang biglang may humawak sa bukong-bukong ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. Ilang minuto pa ay tawa-tawang bumangon si Liyah mula sa pagkakabaon sa buhangin. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tawa pa rin ito nang tawa habang nakahawak sa kaniyang t’yan.

               Pinag-alala niya ako!

               “Nakakatawang tingin ang iyong mukha, Maggy!” bulalas nito habang nagpipigil ng tawa. Hindi ako nagsalita bagkus sumimangot na lang at humalukipkip.

               “Masama ba ang iyong loob?” tanong nito nang makatayo sa buhangin, nasa boses niya ang pag-aalala. Hindi ako tumugon at pinatili ang pagkasimangot ko.

               “Pasensya na, nais ko lamang masilayan ang iyong mukha kapag ako’y nawala,” paliwanag niya at pilit nililingkis ang kaniyang braso sa braso ko ngunit mas hiningpitan ko ang paghalukipkip.

               Masama ang loob ko!

               “Pangako kong hindi na mauulit!” insist niya at itinaas pa ang kaniyang kanang kamay ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.

               Hanggang sa dumating sina Yummi at Dave ay busy pa rin siya sa pangungulit sa ‘kin kaya taka-taka silang napatingin sa ‘kin ngunit inilingan ko lang sila. Sinamaan ko ng tingin si Liyah kaya napasimangot ito. Napabuntonghininga na lang ako at tinap ang buhok niya dahilan para lumiwanag ang kaniyang mukha.

               Kaasar, bakit hindi ko siya kayang tiisin?

              

               Nakailang tumba si Liyah sa tubig sa t’wing tatayo ito sa surfboard kaya naman, nag-papaddle lang kaming lahat ngayon habang nakadapa sa board upang sabayan si Liyah. Wala pa rin namang malalaking alon kaya okay lang.

               “’Wag niyo na akong alalahanin. Magsaya na kayo ro’n,” pagtaboy sa ‘min ni Liyah at nag-paddle palayo sa ‘min kaya sinundan din namin ito.

               “Nagsasaya naman kami ah,” sambit ni Yummi at sinabayan si Liyah sa tubig.

               “Kaya nga,” ani Dave at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

               “Wala na ‘kong pag-asang matuto,” bakas sa kaniyang tinig ang pagkawala ng pag-asa at tinigil ang pag-paddle kaya napatigil din kami.

               “Meron ‘yan! Wala namang madali sa umpisa eh,” pagpapalakas ng loob na sambit ni Yummi at umupo sa kaniyang board kaya napaupo na rin ako kasi ang sakit sa dibdib.

               “May alon!” Napatingin kami sa tinuturo ni Dave nang sambitin niya iyon. Napangiti kami nang makita kung gaano kaganda ang alon na tinutukoy niya.

               “Liyah, tara!” aya ko sa kaniya at nilahad ang kanang kamay ko.

               “Ngunit…” nag-aalangan na aniya. Ningitian ko siya na parang nagsasabi na magiging-okay rin ang lahat.

               Napalitan ng ngiti ang ang kaniyang pag-aalangan at inabot ang kamay ko. Muli akong dumapa at sabay kaming nag-paddle habang magkahawak ang kamay, papasalubong sa malaking alon.

             “Tayo!” sigaw ni Yummi na siyang sinunod naman namin. Binitawan ko muna ang kamay ni Liyah at tumayo. Binalanse ko ang aking katawan at napapikit nang tumama ang sikat ng araw sa ‘king mga mata. Napatingin ako kay Liyah at napangiti nang makitang nabalanse niya ang kaniyang katawan.

             “Oh, ‘di ba? Kaya mo naman eh!” pag-cheer up ko sa kaniya at nakipag-apir nang makababa kami sa alon.

            “Ang angas!” bulalas ni Yummi at nakipag-apir sa ‘min isa-isa gamit ang dalawang kamay.

            “May isa pa!” sigaw ni Dave at napatingin kami sa alon na paparating sa ‘min.

             Ang laki.

            “Kaya ba natin ‘yan?” medyo kinakabahan na tanong ko.

            “Yakang-yaka ‘yan!” sambit Yummi at isinuntok pa ang kamao sa ere.

            "Ayan na, ayan na,”ani Dave kaya naghanda na kami.

            Habang pinagmamasdan ang alon na nasa harap naming ay hindi ko maiwasang mapalunok at kabahan. Napatingin ako kay Liyah na nakangiti na tila ang saya nito dahil sa achievement na natamo niya. Pagkasalubong namin sa alon, kusa kaming nagsitayuan. Binalanse ko ang aking katawan at isinunod ito sa agos ng alon, iniiwasan ko rin ang panginginig ng aking mga paa para stable lang ako. Naging maganda na kinalabasan ng lahat at pababa na sana ang alon nang maramdaman ko ang pamamanhid ng aking kaliwang paa saka ako nawalan ng balanse. Ang alam ko lang ay biglang natanggal ang surfboard leash ko sa paa at unti-unti na akong lumulubog sa tubig. Humihina ang aking pandinig at dahan-dahang sumasara ang talukap ng aking mga mata.

           “Maggy!”

Related chapters

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 1

    Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi

    Last Updated : 2021-08-22
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 2

    Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim

    Last Updated : 2021-08-22
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 3

    Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin

    Last Updated : 2021-08-22
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 4

    Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.

    Last Updated : 2021-12-12
  • Wish Upon a Seashell   Chapter 5

    Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?

    Last Updated : 2021-12-15

Latest chapter

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 6

    Chapter 6: Surfing WavesMaggy’s POV “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango. Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon. “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin. “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito. “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kala

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 5

    Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 4

    Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 3

    Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 2

    Chapter 2: The Primal Sea Maggy’s POV “Summer vacay na!” sigaw ni Yummi habang nakalabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan habang nakadipa pa ang kamay at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Papunta kami ngayon sa Primal Sea para mag-dive, nakagawian na namin ‘tong gawin t’wing summer. Nakaka-relax sa pakiramdam at nakaka-ease rin ng anxiety at the same time. Hindi na kami nag-abalang bumyahe nang malayo kasi usually, sa ibang dagat kami nagda-dive pero para ngayong summer, dito na kami sa malapit. Sa lugar kung saan daw naninirahan ang mga sirena. “Pumasok ka, Yums. Baka mahagip ka ng sasakyan,” nag-aalalang sambit ni Dave habang nagda-drive. Panay ang sulyap niya sa rear mirror dahil binabantayan niya si Yummi na enjoy na enjoy ang byahe. “Hoy, pasok ka raw,” ulit ko sa sinabi ni Dave at hinila ang laylayan ng damit ni Yummi dahilan para mapilitan siyang pumasok. Nauntog pa ang kaniyang ulo sa bintana kaya sinamaan niya ko ng tingin. “Aray ha!” reklamo nito habang hinihim

  • Wish Upon a Seashell   Chapter 1

    Chapter 1: The Little Mermaid named Merliyah Taong 2016 Akala ng iba, mga tao at hayop lang ang naninirahan sa mundo. Ngunit sa kailaliman ng dagat ng Primal naninirahan ang mga ‘di matukoy na mga nilalang. Mga sirena. Kalahating tao at kalahating isda, pinaniniwalaan na sila ang tagabantay ng mga dagat laban sa mga tao na may masasamang binabalak sa lahi nila. Kabilang sa kanila ang munting sirena na nagngangalang Merliyah. “Ama, ano po ba ang tanawin na makikita sa ibabaw ng tubig?” inosenteng tanong ni Merliyah sa kaniyang ama na abala sa paggawa ng isang sandata na yari sa metal. Nilingon siya nito at ningitian nang tipid ang bata saka bumalik sa kaniyang ginagawa. “Impyerno,” puno ng hinanakit na aniya kaya nanlaki ang mga mata ng munting sirena. “Po? Impyerno po?” wika nito habang matamang nakatingin sa kaniyang ama, pinagmamasdan ang kulay puting balbas na umabot na sa dibdib nito. Bumuntonghininga ang ginoo at nilapag sa isang bato ang ginagawa nitong sandata saka niya hi

DMCA.com Protection Status