"Mabuti naman at nakapasok ka sa radio station sa bayan,ate". Bungad ni Pierre pag dating ko sa bahay. "Oo nga eh! Mabuti nalang nang may maipambayad tayo sa tuition mo". Ginulo ko ang buhok nito. "Si ate talaga!". Nag kamot ito ng ulo. Isang taon narin ang nakalipas ng umuwi ako dito sa probinsya. Malala na ang sakit ni mama ng dumating ako, ilang araw lang binawian din ito ng buhay. Doble ang sakit. Si Waje tapos si mama naman. Kaya naman nag trabaho ako para samin ni Pierre. Hindi ko parin maalis sa isip si Waje kahit na ang sabi ni Emma ay umalis ito papuntang America para mag-aral kasama si Amanda. Sinubukan ko ang lahat, maghabol, magmakaawa pero wala. Siguro nga di ako karapatdapat sa kanya. Tuluyan ko nang pinutol ang komunikasyon kina Samuel at Jerome. Para ano pa? Piniling ko ang aking ulo. Ito nanaman. Iniisip ko nanaman siya. "Siya nga pala ate, may sulat para sayo". Sabi ng kapatid ko na
Dernière mise à jour : 2021-10-11 Read More