Tahimik na pinagmamasdan ni Master ang nangyayari sa mundong iyon. Sa mundo ng mga tao. Ginagawa na niyang pampalipas-oras ang pagmamasid sa mga tao upang patayin ang pagkabagot niya. Hindi pa siya nakakapunta sa mundong iyon, at nagkasya na lamang sa pagmamasid. Subalit hindi niya gustong hanggang doon na lang. Balang-araw, kapag nakaluwag ang schedule niya, bibisita siya roon. Iba pa rin kasi ang aktwal kaysa virtual. This world seemed interesting. Sobrang liwanag pa rin ang mga siyudad kahit gabi na. Para bang hindi marunong matulog ang mga taong iyon. And their politics. The people were divided. Binigyan ng kulay ang bawat kampo. Asul. Pula. Asul laban sa pula. Kapag kampi ka sa taga-kabila, tatawagin kang asulan. kapag sa isa naman, pulahan.
Terakhir Diperbarui : 2021-07-31 Baca selengkapnya