TATLONG araw na ang nakalilipas magmula nang marinig ni Freni ang banta sa kanyang buhay at sa loob ng tatlong araw na iyon, hindi na siya mapakali. Todo - iwas ang ginawa niya kay Starry. Sa tuwing may nakikita siyang kahawig ng postura at buhok nito, parang hihiwalay ang kanyang espirito sa katawan niya.
Wala pa namang nakakapagbigay ng ebidensya na tunay nga ang mga usap-usapan tungkol kay Starry. Pero, hihintayin niya pa bang mapatunayan ang tsismis na iyon bago siya kumilos? Syempre hindi. Ngayon palang, mag-iisip na siya kung paano niya masosolusyunan ang problema.
I-report na lang kaya niya sa pulis? Magpa-blotter siya. Death threat din ang ginawa nito sa kanya.
He should be punished. Kaya namimihasa ito dahil walang gustong kumalaban. He spread fear among the students.
Magandang ideya ba na i-report niya ito? Why not magsimula muna siya sa school? I’m sure papanigan siya ng guidance counselor.
Ipinagpatuloy niya ang pagmumukmok sa sulok ng kwarto library. Anong malay niya? Baka bulungan siya ng mga alikabok ng isang magandang solusyon.
Ilang sandali lamang, parang nagliwanag ang buong paligid. She had an idea. Agad siyang napatayo sa kinauupuan sabay wikang, “Aha!” Alam na niya.
Nag-peace sign siya sa mga estudyante na kasama niya sa silid nang makitang nakatingin sila sa direksyon niya. Nakalimutan niyang guwardiya nila ngayon ang mga aklat.
“Be quite,” saway sa kanya ng librarian. Nakayuko ang ulong bumalik ng upo si Freni na may ngisi pa rin sa mga labi. May itatalino pa talaga siya.
Uuwi siya sa Pampanga sa Barangay San Juan Baño at hihingi ng kapatawaran sa nakagalitan niyang ina. At kung suswertehin, papatawarin siya ng kanyang nanay at doon na siya maglalagi. Since walang nakakaalam ng kanyang tirahan maski na ang matalik niyang kaibigan na si Lilac.
Bakit hindi? Bakit nga ba?
Bingo!
Walang makakatunton sa kanya kahit na ang Starry na iyon. Napangisi siya.
Kapag nandoon na siya at pinatawad na ng kanyang Inay Adelia, maglalagi siya sa Mount Arayat National Park at bubusugin niya ang baga sa mga sariwang hangin na malapit nang maging itim dahil sa mga lason na usok na nagmumula sa mga sasakyan. Makiki-join na rin siya DENR sa pangangalaga at pagprotekta sa Mount Arayat.
Nakapagdesisyon na siya. Iyon na ang gagawin niya. Ngayon pa lang, magisisimula na siyang magpaalam kay Lilac. Bukas na bukas rin ay aalis na siya. Last day na naman ng klase. Finals na. After that bakasyon nila.
Goodbye, college. Goodbye, terror teachers.
Nagpalinga-linga siya sa silid-aklatan.
Kumunot ang noo niya nang hindi makita si Lilac. Nasaan ba ang babaeng iyon? Kanina pa iyon lumabas, ah? Ang sabi, magbabanyo lang, pero bakit ang tagal?
Maingat niyang ibinalik kung saan niya nakuha ang mga aklat. Magpapakabait muna siya at tutulungan ang Student’s Assistant sa trabaho nito. Aalis din naman siya.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makitang organisado na ang lahat ng aklat sa bookshelves. Nakikinita na niya na luluha sa pag-alis niya ang mga aklat na sa napamahal na sa kanya. Bukod kay Lilac, ang mga aklat na ito ang nagpapangiti sa kanya sa tuwing kinikilig siya sa mga eksena sa nobela.
Hay. Hinalikan niya ang mga aklat sa huling pagkakataon. “Paalam mga kaibigan. Alam kong magkikita pa rin tayo,” maluha-luha niyang wika.
HINDI pa man nakakalapit nang husto sa banyo para sa mga babae si Freni, ay parang gusto na niyang umatras. Kumunot ang kanyang ilong sa tindi ng amoy. Nagrarambulan ang ihi at pabango.
Una niyang pinuntahan ang girls comfort room. Baka nandoon ang kaibigan niya. Mahilig din kasi itong mag-retouch ng make up.
Napakatapang talaga ng amoy ng ihi.
Para namang walang disiplina ang mga babaeng ito. Hindi ba nila kilala ang tubig? Oh sadyang mga kambing lamang sila at natatakot mabasa? Hindi man lang nahiya. Mga kababaing tao, hindi marunong ng konsepto ng kalinisan sa paligid?
Pikit-mata siyang pumasok sa banyo.
Siya na nga lang ang maglilinis. Nakakahiya naman sa mga estudyante riyan na walang ibang ginawa kundi mag-lip tint at mag-make up. Nahihirapan pang huwag itapon ang mga tissue na ginamit sa bowl. Though hindi naman lahat.
“Ginagawa mo ba ang pinag-uutos namin sa iyo?” Ito ang una niyang narinig na mga salita pagkapasok pa lamang niya. Agad nagkubli si Freni sa isang pintuan. Limang kwarto ang mayroon. “Isang linggo na namin iyang sinabi ha? Ano? Gagawin mo ba o hindi?”
Kilala niya ang boses ng babaeng iyon. Si Mercy Capricanio. Si Mercy lang ang taong walang awa. Kilala ito bilang pinakamayaman sa kanilang unibersidad at may angkin din itong utak. Hindi tago sa kanya ang pagkahumaling ng mga lalaki rito dahil ganoon naman talaga. Kapag maganda, mayaman, at matalino, kinakapitan ng mga lalaki.
“Mercy, natatakot ako. Paano kung totoo na pinapatay ni Starry ang mga babaeng nakausap at lumalapit sa kanya? Gusto ko pang makapagtravel kami ni Daddy sa America. Iba na lang ang iutos mo. Promise, gagawin ko.”
Si Lilac iyon. Ano bang kasalanan nito kay Mercy?
Kaya pala ganoon ang ikinilos nito noong nasa bookstore sila? Kaya pala umakto itong hindi siya kilala dahil natatakot din ito kay Starry?
“Sabihin mo lang kung ayaw mong gawin, Lilac. Hindi ako bobo para hindi makaintindi. Kung ayaw mo, alam mo na naman ang kaya kong gawin.”
“No! No!” Na-iimagine na ni Freni ang pag-iling nito. “Huwag mong ipagsabi ang sikreto ko, Mercy. Papatayin ako ni Daddy.”
Isang tawang nakakakilabot ang pumailanlang sa buong banyo. “Kung ayaw mong sabihin ko sa buong estudyante rito na may sex video kayo ni Richard na nakalagay sa aking flash drive, mabuti pang kumilos ka na. Hindi ako pasensyosa, Lilac.”
Humikbi si Lilac.
Totoo ba ang narinig niya? May nobyo si Lilac at may nangyari na sa dalawa? Minsan lang niya nakita ang Richard na iyon nang minsang mapadaan siya sa likod ng kanilang classroom sa Physics. May hitsura naman ang lalaki pero wala siyang tiwala rito. Nakita na rin kasi niya itong nakipaglandian sa IT student.
Paano nagawa iyon ni Lilac? Kilala sa pagiging istrikto ang ama nito at mahigpit na pinagbabawalan ang anak na huwag muna pumasok sa isang relasyon habang nag-aaral. Dahil na rin sa hindi madali ang kursong Medisina, ayaw ng Daddy nito na may balakid sa pag-aaral ng anak. Pinayagan naman nito ang anak na pwede na makipagrelasyon pagka-graduate na. Hindi naman kasi biro ang gasto kapag kumuha ng Medisina.
Natutop niya ang bibig.
Kailan pa nagawang suwayin ni Lilac ang Daddy nito? At ang pinakamasakit pa, pumasok sila sa isang pre-marital sex. She was too young. Pinilit ba ito ni Richard? Kung ganoon, malalagot sa kanya ang lalaking iyon!
“Mercy, maawa ka…”
It hurts to see Lilac begging. She was a proud woman who never backed down to life challenges.
Wala talagang awa si Mercy. Ngayon lang niya nakitang magmakaawa ng ganoon ang kaibigan. Palagi kasi itong nagmamaldita sa kanya. But she still loved her. Unconditionally.
Bigla na lang kumulo ang dugo niya. Sino bang tao ang hindi maaawa kay Lilac sa kalagayan nito ngayon? Nagtatalo na tuloy ang kanyang isipan kung aalis siya o hindi.
“Aray!” hiyaw nito.
That's it. Hindi na niya kayang manood na lang. Kaibigan pa rin niya si Lilac at ang mga kaibigan, nagtutulungan.
Lumabas siya sa pinagtataguan. “Bitiwan mo ang kaibigan ko!” may diin ang bawat salita niyang wika. No one messes with them.
Nagtatagis ang kanyang bagang sa nakitang eksena.
Nakamudmud sa bowl ng cr si Lilac at kulang na lang ay halikan nito ang malamig na bato. Kapwa napalingon sa kanyang direksyon sina Mercy at Lilac.
Agad niyang dinulugan si Lilac. Tinulungan niyang makatayo ang kaibigan na ngayon ay hilam ang mukha sa mga luhang patuloy na umaagos. Matalim niyang tiningnan si Mercy. Kinabig niya si Lilac papunta sa kanyang dibdib at mahigpit itong niyakap. Si Lilac lamang ang hindi nagmata sa kanyang katayuan sa lipunan. Kung hindi sa sariling sikap at paggamit sa kanyang utak, hindi siya makakatuntong sa kolehiyo. Magkaganoon man, ang babae pa ang unang nakipag-kaibigan sa kanya.
At anong karapatan ng kontrabidang babae ito na saktan ang kaisa-isa niyang kaibigan? Naging mabagal ang kanyang paghinga kasabay ng pagkuyom niya sa kanyang kamao.
Hindi.
Hindi siya natatakot kay Mercy. Ngayong may banta na ang kanyang buhay dapat matuto siyang lumaban. “Layuan mo na si Lilac at ako na mismo ang gagawa ng ipinag-uutos mo. Gusto ko huwag na huwag ka nang lumapit sa kanya. Or else, isusumbong ko ang pambu-bully mo sa kanya. Dean’s lister ka pa naman. Bigay mo sa amin ang flash drive, Mercy. Kung ayaw mong isumbong kita sa guidance counselor,” banta niya. She hated people who bullied the weakness of some individual.
Naningkit ang mukha ng kontrabidang babae bago tumaas ang pang-ibabang sulok ng labi. “Kung nasaan ang amo, nandoon din ang tuta,” pagpaparinig nito sa kanya.
“Mabuti pa ang aso mahal ang amo kaysa ahas diyan na nanunuklaw.”
Lumaki ang mata nito. Halatang hindi inaasahan ang kanyang pagsagot.
“Another comeback or else I will upload the video.Do you think na papanigan ka ng guidance counselor? She’s my aunt. ”
“Please, Freni. Huwag ka ng sumagot.”
“Lilac, do you want your videos to be uploaded or you will do what I want. I don’t have time for nonsense. Follow my boyfriend. Ibigay mo sa akin ang lahat ng impormasyon na nakuha mo mula sa pagsunod sa kanya. Binibigyan lamang kita hanggang bukas. Remember, I can spread the video.”
Mas lalo lamang napaiyak si Lilac. “Huwag kang mag-alala. Ngayon din ay susundan ko na iyong boyfriend mo.” Ang boyfriend na tinutukoy nito ay Starry. Pero, hindi siya naniniwala na boyfriend nito ang lalaki. Sadyang ilusyunada lang talaga si Mercy. Bad boy pala ang tipo nito? Fine. Magsama sila ng Starry na iyon.
Mas mahalagang magawa niya ang pinag-uutos nito bago pa man malagay sa kahihiyan ang kaibigan niya. Imagine the trauma she will encounter because of those videos. Then her parents. They would be disappointed in her.
Tama naman itong ginagawa niya, hindi ba? Tama lamang na saluhin niya ang problema ni Lilac? Ilang beses na siyang tinulungan ng babae kapag nagigipit siya sa tuition o kaya'y wala siyang pambili ng materials para sa project niya. Walang alinlangan din nitong pinapahiram ang laptop nito kapag kailangan niyang mag-research.
Pero...the mere fact that she will stalk that man gives her creeps. Hindi magandang ideya ang gagawin niya. Baka malaman ng lalaki ang pagsunod niya at ipakulong siya.
Ano na kaya ang mangyayari sa buhay niya ngayon? Ang taong parang may ketong na nakakahawa ay susundan na niya. Si Starry…
Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa braso.
Makikita na naman niya ang nakakamatay nitong mga tingin. Ano kayang nakita ng mga babaeng kaklase niya para ma-inlove sa lalaking iyon?
“Maipapangako mo bang ibibigay mo sa akin ang video maging ang flash drive kapag may maireport ako sa iyo?” tiim – bagang niyang wika.
Mercy flipped her hair. “Oo naman. Maayos naman akong kausap.”
Humigpit ang hawak ni Freni kay Lilac. “Siguraduhin mo lang dahil kapag nawala ako sa mundong ito at nakita kong hindi mo tinupad ang usapan, mumultuhin talaga kita.”
Tumigil ang paghinga ni Mercy at lihim siyang napangiti. Takot pala sa multo.
“Freak!” sigaw nito bago umalis.
Napangiti siya.
“Bakit mo ginawa iyon? Ako ang dapat mag-stalk kay Starry.” baling ni Lilac nang sila na lang dalawa ang naroroon. Kumalas siya rito at ni-lock muna niya ang main door ng banyo. Hayaan mong maghintay ang mga babaeng iyon.
Umupo siya sa iredoro.
Nagkibit-balikat siya.
“Hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari? Paano kung matulad ka rin ng mga babae rito?” wika nito. Namumula pa rin ang mga mata nito sa pag-iyak kanina.
“Tinaningan na ang buhay ko,” parang walang pakialam niyang wika ngunit sa loob, natatakot na siya subalit hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Lilac. Baka mas lalo itong ma-guilty.
"Bakit hindi mo sinabi? Kailan nagsimula?” Nataranta ito. .Marahas nitong inalog ang katawan niya na kulang na lang malaglag ang baga niya.
Ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin. “Tatlong araw na mula ngayon.”
Nanlambot ang tuhod ni Lilac Sinuportahan niya ito. Sa sandaling iyon, parang ito pa ang mamamatay.
“Hoy, ano ka ba. Ayos lang iyon. Hindi ba dapat matuwa ka pa nga dahil naging matapang ako? Handa ako sa anumang mangyari sa akin. At ang pinaka-importante sa lahat, handa akong humarap kay Lord.” Pilit niyang pinasisigla ang kanyang tinig. Para kay Lilac kahit hindi na para sa sarili niya.
Walang ano-ano ay niyakap na lang siya ni Lilac. Hinayaan niya ang sarili sa ganoong posisyon. At dinulugan niya ang kaibigan sa pagluha. Pagluha para sa mangyayari mamaya.
PIGIL NI FRENI ang kanyang hininga habang nagtatago sa isang puno ng nara. She must admit na isa rin sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang utos ni Mercy ay dahil gusto niyang patunayan na tinatakot lang siya ng Starry na iyon. There was no way the rumors around him were true. If those were true, matagal na sana itong nakulong. The police would do their investigations. At hindi rin naman siguro mananahimik lang ang university nila. If there were serial killings na nangyayari sa school nila, the university would tell their students na huwag magpagabi. Sa kabilang banda, maybe Starry was using his connection upang pagtakpan ang mga nagawa nito. Ganoon naman talaga, hindi ba? Iyon ang palaging uso sa tuwing nanonood siya ng mga palabas na may ganoong tema. Everything will be about connections. And sad to say, connections occur when you wanted to apply for a job. Sumasayaw ang mga dahon sa indayog ng musikang ang mg
NAGISING SI FRENI SA lugar na hindi pamilyar sa kanya. Kulay abo ang pader ng silid na kinalalagyan niya. Walang bintana ang kwarto. Hindi niya alam kung anong oras na.Kinapa niya ng bulsa.Nandito pa rin ang cellphone niya pero walang signal.The floor was so cold but she didn’t even whine. Mas mahalaga naman sigurong buhay pa siya ngayon kaysa ang magreklamo.Akala niya, pinatay na talaga siya. Starry was so determined to kill her. The thought of that man made her blood boil. Anong karapatan nito? Anong karapatan nitong gawin siyang bihag? Hindi siya ipinanganak upang maging isang bihag ng isang tao lamang.Sumiksik siya sa malamig na pader nang marinig ang parang kinakaladkad na metal at huminto sa kanyang silid. Anong gagawin nila sa kanya? Papatayin na ba siya?“Diyos ko…Tulungan Niyo po ako. Huwag niyo po akong iwan,” dasal niya.Napakislot siya nang buksan ang pinto sa silid niya. Parang
“KUNG tiyanak ka, ipakita mo ang totoo mong anyo at kung tao ka, tumawa ka! Tawanan mo na lang ang iyong problema! Para hindi ka ma-stress sa buhay! Ang daming namamatay dahil diyan!" Tama ba iyong sinabi niya? “Inuulit ko. Ganyan nga. Sige pa. Tumawa ka pa. Tawanan mo na lang ang iyong stress. Hahaha…Hahaha…” Freni knew she looked like a mad woman. Right now. Nagsalubong ang kilay niya. Walang nangyari. Hindi naging halimaw ang sanggol. Nakatagilid ang ulo nito at mataman siyang pinagmamasdan. Kumurap-kurap ang maliit nitong mga mata hanggang tumaas ang mga kamay nito at papunta sa kanyang direksyon. Napigil niya ang kanyang hininga nang tumawa ang sanggol. Hindi katulad ng mga tawa na nakikita niya sa mga kontrabida sa mg telenovela kung hindi iyong tawa ng mga sanggol. Nakakaakit. Nakakahalina. Awtomatikong nakuha ng sanggol ang kanyang puso. Dahan-dahan siyang lumapit rito. Nag-aatubili pa siya kung bu
TAHIMIK na sinusundan ni Freni sina Starry. Lumalayo na sila sa simbahan haggang sa biglang nag-iba ang kanilang paligid at napunta sa lugar kung saan napalot niya ang sanggol. The place was still the same. It still looked abandoned. Ilang metro mula sa kinaroonan nila, naglalandian ang dalawang ibon na hindi pamilyar sa kanya. They looked so much in love with each other.Tiningnan ni Starry ang pinagmasdan niya. He smirked.“Bakit tayo nandito?” nagtatakang tanong niya. As much as this place brought good memories (nakilala niya ang baby sa lugar na ito) but bad memories also emerged. This place made her feel that she was all alone.She missed her mother. She missed Lilac. Gusto na niyang umuwi.Namintana ang luha sa mga mata niya.&nbs
“Nacho, dito ka lang muna ha? Huwag ka na ring kumain,” bilin ni Freni sa bata. “May gagawin lang ako. Ngumiti sa kanya si Nacho. Iyon lang ang signal na hinintay niya at iniwan na niya ang bata sa mesa. Pinuntahan niya ang kinalalagyan ni Mercy. Tumayo siya sa gilid ni ng babae na abala na ngayon sa pag-re-retouch. Napakaraming pampaganda sa bag nito at uumagahin siya kung iisahin ang lahat i-identify ang mga iyon. In fairness dito, hindi ito makalat. “Mas lalo na ba akong gumanda?” tanong nito sa kasamang babae. Ibayong pagpipigil sa sarili ang ginawa ni Freni upang huwag lang sampalin ang babae. Wala talagang awa na babae. Hindi man lang nakaramdam ng konsensya sa pagsira ng buhay ni Lilac! Maganda nga at matalino ngunit kasing–itim ng pwet
SA GUARDHOUSE hinintay nina Freni at Nacho si Starry. Sa bawat paglabas ng mga estudyante sa San Benedicto University ay parang tinutusok ang kanyang puso. Parang tino-torture niya ang sarili sa ginagawa niya. Gusto na niyang bumalik sa pag-aaral at tapusin ang abogasya.Nagtataka man sa pagbalik niya pero hindi na siya tinanong ng bata. Ni hindi na ito humingi ng paliwanag kung bakit ang tagal niyang bumalik. Marahil naiintindihan nito ang pinagdaraanan niya. She was thankful for that.Kinalabit siya ni Nacho. “Gusto kong kumain.” Pang-siyam na taong gulang na ang katawan ng bata nang makabalik siya. Hindi ito nakinig sa sinabi niyang huwag nang kumain. Para bang takam na takam ito sa lahat ng pagkain sa cafeteria. Na para bang ngayon lang ito nakakain ng ganoong klaseng mga pagkain.
WALANG ANO-ANO’Y humagalpak ng tawa si Freni. Lumabas ang isang butil ng luha sa kanyang mata sa sobrang tawa. She couldn’t help it. Si Nacho? Isang bantay ng Ebrosirka? Ano iyon, child abuse? Child labor? There was no freaking way! Wala itong ginawa kundi kumain buong maghapon.Ginulo niya ang buhok ng bata nang mahimasmasan. “Hindi mo kailangang magpatawa, Nacho. Pero salamat din. I felt better.” Although she was still not sure if she would survive her first journey. Ngunit gaano nga ba kalawak ang Ebrosirka? Na kailangan pa ng apat ng bantay? How dangerous is this place?“Hindi ako nagbibiro. Isa rin akong mamamayan ng Ebrosirka at itinuturing na isang malaking kasalanan dito ang magsinungaling,” seryoso nitong turan.She waited f
MAGAAN ang mga hakbang ni Nacho na animo mas excited pa kaysa kay Freni. Pinahiram siya ni Starry ng backpack para lagyan nila ng mga pagkain, inumin at maging damit. Isang bagong t-shirt at pantalon ang suot niya, galing ulit sa lalaki. Kung hindi lang nito palaging pinapaalala sa kanya na papatayin siya nito kung may mangyaring masama sa bata, matagal na niya itong naging crush. Kaso…mas nauna niyang naramdaman ang inis rito kaysa pagkagusto. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanyang kasamaan. So therefore, kahit na kamukha nito si Daniel Padilla o kahit na sinong artista sa balat ng lupa, never na magkakagusto siya sa rito. That sounds so wrong. Ibang usapan kapag hihingi ito sa kanya ng tawad. Baka pag-isipan pa niya.Hanggang ngayon, hindi pa rin niya sukat akalain kung paano nito nagagawang basta-basta na lang sumusulpot. Mabuti na lang at malakas ang kanyang puso at kaya pa n
Tatlong taon ang nakalipas… SUMASAKIT NA ANG ulo ni Freni habang binabasa ang hardbound textbooks na hanggang two-inch-thick. Idagdag pa ang mga articles mula sa mga law articles, from different newspapers, and journals. Ang dami pa niyang mga essay exams na kailangan ang legible handwriting niya. Eh, dati pa siyang tamad when it comes to writing. Mas gusto pa niya iyong encoded. Halos wala ng pumapasok sa utak niya sa totoo lang. Nagtapos siya ng kanyang baccalaureate degree sa Political Science a few years ago and after that took an exam namely the Philippine Law School Admission Test (PhiLSAT) na isang prerequisites para makapasok sa basic law courses.
HIS LIFE? Dovee was asking for his life? Ano naman ang gagawin nito sa buhay niya? Sa lahat ng pwede nitong hingin, ang buhay pa niya?Master stared at him, with confusion evident on his face. Hindi na niya ito tinangkang itago pa. Gusto niyang ipabatid dito ang pagtataka niya.When she only stared at him with lopsided smile, Master asked, "Kaunti lamang ang tagal ng buhay ko, Dovee. Bakit mo gustong kunin ito? Can't you see I'm dying?" he said, softly. “You can hear everything, and I am sure you already know about my condition.”This woman was unbelievable. And he could not grasp how her mind works.Akmang nag-isip-isip ito.Inilagay nito ang isang daliri sa baba.
"Anong gusto mong ibigay ko?" tanong ni Master kay Dovee. "Do you want this kingdom? Or my treasures? Name it, Dovee. Napagtanto kong walang saysay ang lahat ng ito kung mawawala si Freni sa buhay ko." Kahit anong gustuhin nito, buong puso niyang ibibigay. Material things did not appeal to him anymore. Tumaas ang sulok ng labi ni Dovee. "Tama ka. Everything will be useless kapag namatay si Freni. Masaya ako at na-realize mo ang bagay na iyan." Pumalakpak ito. "Okay. Huwag na nating patagalin pa. Aalis na rin kami ng manggagamot. But before that, ibigay mo muna ang gusto." "Ano nga iyon? Ang dami mong sinasabi. Kailangan na naming puntahan si Freni. You're the one making it difficult, woman." "Napaka-atat mo, Master. Relax. Ano nga pala ang ibibilin mo, Si
MASTER WAS PACING BACK AND FORTH.Halos mabutas na ang sahig na nilalakaran niya. Dinamba pa rin ng takot ang kabuuan ng pagkatao niya. Takot para sa babae.Ilang oras ng nasa silid si Dovee at ang isang kasama nito. Habang ginagamot si Freni.He just hoped that she was still alive. Hindi niya kakayaning mawala ito. Mas mabuti pang siya na lang kaysa si Freni. Hindi niya kakayanin. Habang buhay niyang sisihin ang sarili oras na may mangyaring masama rito."Xanti? Ayos lang ba sila sa loob?"Pinatawag niya ang lalaki nang makarating sila sa palasyo. At hindi ito unalis sa tabi niya hanggat hindi nila nasisiguradong ayos na ang pakiramdam ni Freni.Hindi niya
NAHIGIT ni Freni ang hininga nang tumambad sa mga mata niya ang hitsura ni Nacho. Bumalik ulit ito sa orihinal nitong hitsura ngunit kapwa nakagapos ang dalawa nitong mga kamay ng tanikala at dumadaloy ang mga dugo sa iba’t-ibang sugat nito sa katawan.Napaawang ang bibig niya. Oh my goddess.Nacho was tortured. Pretty badly.Ano pa ba ang magandang explanation sa sitwasyon ng lalaki?Agad siyang dumulog dito at humanap ng kahit na anong makakaalis sa tali nito."The second guardian of Ebrosirka," bulong ng sirena.“Nacho,” asik niya. “Huwag kang mamatay. Kailangan ka ni Stephano sa tabi niya. Huwag mo siyang iwan.” Pin
NANLAKI ang mga mata ng babae sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" tanong nito na animo hindi narinig ang sinabi.The mermaid heard her loud and clear. Inuutusan lang siya nitong ulitin iyon. And why not? She will give her what she wants. Madali lang naman siyang kausap. "I just said that you are a bitch. May problema ba tayo roon?" tanong niya.Rage nearly consumed her. "Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ang bagay na iyan? Kung tutuusin, pwede kitang patayin sa puntong ito. Sino ka ba? Isa ka lamang mahinang tao. Ni wala ka man lang angking kapangyarihan. At ikaw pa ang may ganang magsabi niyan? How dare you!"Nanginginig ang mga kamay ng sirena. Animo ilang sandali na lang ay sasaktan siya nito.If there was something Freni
THE ROOM did not have enough light so that Freni could see what was inside. But she knew someone was there. And he or she needed some help. Their help.However, the strong smell of urine and human waste attacked their noses.Napaubo si Freni sa tindi ng amoy."Papasok ka sa mabahong kwartong iyan? Amoy patay iyan, tao.""Hindi kita pinipilit na samahan ako sa loob. Kung gusto mong mag-stay rito sa labas at magbantay kung may papasok ba, you go ahead. Basta ako? Titingnan ko kung nasa loob ba ay ang kasama ko.""Nakakasuka ang amoy. Amoy palang, may warning na na huwag ka ng tumuloy.""Shut up! Tigilan mo nga iyang pagiging kontrabida mo sa buhay ko. Kung makaakto ka, daig mo
NAALIMPUNGATAN si Freni nang may dumampi sa kanyang mukha. Or nagkakamali lang siya. Parang haplos ang cheeks niya na hindi niya mawari. Slowly, she opened her eyes. Ang unang bumulaga sa kanya ay ang kadiliman ng kwartong kinalalagyan niya. The place smelled dust and dirt, and it hugged her nose, nearly choking her. She coughed a couple of times. When she finally calmed, inilibot niya ang paningin hanggang sa may mahagip na itim na mga bagay. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang mga aninong umaaligid sa kanya kapwa namumula ang mga mata at animo gustong-gusto na siyang kainin. Napaatras siya ngunit kaunti lang dahil sa pagkakagapos niya. Sa mga kamay. And it was made of steel.
MASAYANG kinukwentuhan ni Lilac si Nacho ng mga bagay na aasahang makikita ng bata sa mundo nila. Ang bata naman, animo nakikinig talaga sa kwento ng babae. Na para bang iyon ang unang pagkakataon nito na makapunta sa kabilang mundo.Ang galing lang talaga umarte ng bata.And what did he think? Na nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya?Her longingness for him changed into irritation. Ganoon-ganoon na lang ba talaga iyon? Na kakalimutan na lang nito ang pag-teleport nito sa kanya sa panganib?Mayamaya ay napasulyap si Nacho sa direksyon niya. At ngumiti lang ito sa kanya.What the hell?Gusto niya itong sumbatan. Subalit hindi niya magawa dahil