“AMANDO, huwag mo akong iwan. Ikamamatay ko kung mawawala ko,” pagmamakaawa ni Esmeralda sa asawa nito.
Mahigit sampung taon na silang kasal kaya napakasakit para kay Esmeralda na basta-basta na lang siya nito iwanan. Pinapahalagahan niya ang sakramento ng kasal at kung anumang pinag-isa ng Diyos ay hindi na dapat pang buwagin.
At isa pa, ano na ang mangyayari sa kanilang mga anak? Nag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan sina Jan-Jan at Jen-Jen. Ano ang ipambabayad niya? Ni isang kusing wala siya sa kanyang bulsa. Kung mawawala si Amando sa kanya, para na ring nagunaw ang daigdig niya.
Ang asawa niya ang itinuturing niyang mundo. At wala ng iba. Kung mawawala ito sa buhay niya, para na ring nagunaw ang mundo.
Wala siyang alam na trabaho.
Pinagbabawalan siya ng lalaki na maghanap ng trabaho. Ang gusto lang nito ay lumagi lamang siya sa kanilang bahay at alagaan ang dalawang bata.
She loved her kids but she was still longing for her freedom. Hindi niya alam kung magiging matino pa ba ng isip niya pagkatapos nito. Ang mga anak niya… Ang kaawa-awa niyang mga anak…
Iwinakli ni Amando ang kamay ni Esmeralda.
Nanlilisik ang mga mata nito. At puno ng pagkamuhi. Na para bang nagawa niya ang pinakamalaking kasalanan sa mundo.
Bumagsak siya sa sahig at kinagat ang labi upang hindi mapaiyak.
"Huwag mo akong hawakan. Nandidiri ako sa iyo, babae."
Parang tinutusok - tusok ng matalim na kutsilyo ang kanyang pwet. Naupuan siguro niya ang mga bubog.
Hindi, hindi siya dapat sumigaw sa sakit. Hindi siya dapat pumalahaw. Nandoon sa kwarto ang dalawang bata dahil walang pasok dulot ng bagyo. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang paglisan ng kanilang Papa. Mga bata pa ang mga ito at kailangan niya silang protektahan.
Esmeralda made sure that whenever they argue, their children will never know. Ngunit parang hindi siya magtatagumpay ngayon.
“Ayoko na, Esmeralda. Hindi ka na sariwa sa paningin ko. Masyado nang kulubot ang mga kamay mo. Nasusuka rin ako sa tuwing inilalapit mo ang mukha sa akin. Maligo ka nga minsan. Alagaan mo ang sarili mo. Pupunta ako kay Ingrid at doon na titira. Paalam.”
Hindi makapaniwala niyang tinitigan ang asawa. “Paano ko aalagaan ang sarili ko kung palagi akong nakabantay sa mga bata?” deklara niya.
Paluhod na gumapang si Esmeralda. Hindi niya ininda ang sakit. Para sa kanyang mga anak. Kailangan niyang lumaban. Siya ang dapat na uwian nito.
“Amando, maawa ka sa amin. Hindi kami mabubuhay.”
“Bitiwan mo ako. Kung hindi-”
Sunod-sunod siyang umiling.
“Hindi ako bibitaw. Sa amin ka lamang.”
Hindi na nakayanan ni Amando ang sarili at sinuntok sa sikmura ang asawa. “Binalaan na kita,” wika ng lalaki at saka dumura sa mukha ni Esmeralda.
“WALANG kwentang lalaki!” sigaw ni Freni at marahas na ibinato ang aklat na binabasa sa bookstore.
Habol-habol niya ang hininga. Affected pa rin sa binasa.
Random lang naman na pagpili ng mga libro ang ginawa niya kanina. Na-hook siya sa cover kaya dinampot niya. Only to find out na may domestic abuse na nagaganap. Nakakagigil naman!
“Walang awa!” dagdag niya pa.
Lahat ng mararahas na salita ay sinabi niya upang mapakalma lamang ang sarili. Ang mga ganoong klaseng lalaki ay dapat putulan ng pang-ibaba upang huwag ng gumawa pa ng kabalbalan. Mga selfish. Puro sariling kaligayahan lang ang iniisip.
Men who abused women were the lowest of all the creatures. Hindi sila dapat mamuhay sa mundong ito. They needed to repeant kung gusto nilang mapatawad sa masamang gawain.
Naramdaman niya ang kaunting kiliti sa kanyang balikat kaya, “Bakit?” pasinghal niyang wika. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita kung sino ang humawak sa kanya. Alangan na napangiti si Freni. “L-Lilac. Ikaw pala. Bakit?” may pahiya-hiya pa niyang wika.
Matalik niyang kaibigan si Lilac at magkaklase din sila sa ibang subjects sa Saint Benedicto University, isang prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas na pinamumugaran ng mayayamang mga estudyante. Masasabi niyang hindi niya sila ka-level sa antas ng pamumuhay at kasali na rin doon ang babaeng nasa kanyang harapan – si Lilac.
May itinuro si Lilac sa kanyang kanang balikat kaya lumingon siya.
Nagsalubong ang kilay ng isang binatilyo ng bookstore na nakatingin sa direksyon. He looked familiar. Saan niya nga ba ito nakita? Sa kanang kamay nito ay ang pocketbook na ibinato niya kanina.
Nag-peace sign siya rito.
Natampal ni Freni ang sariling bibig.
Naku po. Mukha atang may mahaba-habang sermon siyang maririnig nito.
Lilac folded her arms in front of her chest.
“Hindi mo ba lalapitan si Starry? Kanina ka pa niyan pinapatay sa tingin,” parang balewalang wika ni Lilac sa kanya. Bumalik ito agad sa pag-inspeksyon ng mga pocketbooks. Kagaya niya, mahilig din ito sa pagbabasa.
Ito na talaga ang past time nilang dalawa kapag nakapunta sa siyudad. They will visit every available bookstores. At kung kaya pa sa budget at okay naman ang plot ng story, bibilhin nila.
Napalunok siya.
“Lapitan mo na at humingi ka ng despensa bago ka mawala sa mundong ito. Ikaw rin,” pagbabanta pa rin nito. "You knew the rumors right?"
Parang wala ng narinig si Freni pagkatapos. She remembered that guy. Starry. That was his name. His name was all over their school Kesbook page. There were even captured photos of him. Without asking his permission. And ang nakakainis, every pictures of him look good.
Pinanlalamigan siya. Malalapot na pawis ang dahan-dahang dumadagayday papunta sa kanyang mukha.
Napakurap-kurap siya.
Totoo ba itong nakikita niya? Tinutubuan ng mga gamot ng puno ang tenga ni Starry? And he grew some horns. At naging kulay pula ang balat nito. Kasingpula ng lupa sa bukid nila.
Napailing si Freni.
What she saw were not true. Dinadaya lang siya ng paningin niya sa takot.
Kalat sa university nila ang chismis na ang sinumang babaeng magtangkang kumausap dito at lumapit ay bigla-bigla na lang nawawala. Usap-usapan iyon sa kanilang unibersidad na kalimitang maririnig sa mga kadalagahan ngunit ipinagsawalang bahala ng mga kalalakihan. Umaakto ang mga ito na walang pakialam at hindi naapektuhan. Alam niya na puno ng takot ang kanilang mga puso. Takot na baka mawala ang kanilang mga nobya at takot na baka totoo ang bali-balita.
Ang nakapagtataka, puro mga babae nga ang nawawala. Walang mga lalaki.
Freni was looking for the missing link. Or whatever na makita niyang koneksyon sa mga babaeng iyon. Ang isa pang nakakapagtataka, the school was quiet about it. Na animo may pinagtatakman.
Some even say na nagbabakasyon lang ang mga babaeng nawawala.
Isang palaisipan ang pagkatao ni Starry. Maliban sa impormasyon na lalaki ito, kumukuha ng Engineering na kurso at nasa third year college gaya niya ay wala ng alam ang mga tao tungkol sa pagkatao nito. Isa rin itong transfer student mula sa ibang bansa. Iyon ang tsismis ng iba.
Though pumapasok pa rin naman ito sa mga classes nito at nag-e-excel sa mga subjects. Marami na rin ang nagsimulang mag-usisa, subalit wala ring nakukuha na iba pang mga impormasyon.
“Tumingin ka sa kanyang mga mata. Parang nanghihipnotismo, 'di ba?” bulong ni Lilac sa tenga niya.
Tumango siya hanggang namalayan na lang niyang nasa harapan na siya ng lalaki. Kinakailangan pa niyang tumingala upang makita ang mga mata nito.
Totoo nga ang sinabi ni Lilac.
Malamlam ang mukha nito sa unang tingin subalit habang tumatagal makikita mo ang bangis roon. Para itong isang lobo na nagbabalat-tupa. Pero, hindi lobo si Starry. He was full of mystery but will bring misery sa mga taong gustong pakialaman ang buhay nito.
Because Starry Veña was a walking mystery. And some women loved mysteries. As well as iyong may pagka-bad boy ang aura.
He towered her.
Marahan itong yumuko upang maging eye level silang dalawa.
Ilang bote kaya ng pampatangkad ang binili ng ina nito para maging ganito ito katangkad? Pwede ng mag-basketball player. Tiyak na pag-aagawan ang height nito kung sasali sa mga try outs.
“Ikaw ba ang bumato sa akin ng walang kwentang bagay na ito?” seryoso nitong tanong.
Ni isang ngiti o ngisi ay ipinagdamot sa kanya ng lalaki. Mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo niya sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Noon lang nag-sink in ang sinabi nito.
Walang kwenta? Anong walang kwenta?
At doon lang siya nakapag-react sa isipan niya tungkol sa sinabi nito. Ang aklat na binasa niya kanina? Walang kwenta?
How dare him!
Palibhasa hindi ito book lover kaya hindi nito alam ang pinagsasabi nito. Ang pocketbook na binasa niya kanina ay siya na yatang pinakamagandang romance story na nabasa niya. At sasabihan lang nitong walang kwenta? Hindi maaari!
Kailangan niyang ipagtanggol ang kaawa-awang libro na iyon. And who will defend it kundi siya lang? Hindi nito alam ang pagod ng mga writers upang makalikha lang ng masterpiece.
Bumukas at sumara ang bibig niya. Hanggang sa nakita na lang niya ang sariling binato niya ito ng hawak niya.
“Huwag mong sabihing walang kwenta ang mga aklat na binabasa namin. Stress-reliever namin ang mga iyan,” asik niya. “Alam mo bang ang aklat na iyan ay ginawa para sa aming hindi pa nagkakaroon ng nobyo?” madamdamin niyang wika.
Hindi ito sumagot. Kaya nagpatuloy siya.
“Pinapaalala sa amin ng aklat na iyan na hindi dapat pagkatiwalaan ang mga lalaki sa mundong ito dahil marami sa kanila ay mga manloloko. Katulad sila ni Amando na walang hiya!” Binigkas niya ang salitang Amando na parang may tangan-tangan na mabagsik na lason.
“Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo,” sagot nito. Humakbang ito papalapit sa kanya. “Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina. That was rude, human."
Bumilis ang tibok ng puso ni Freni. What the heck was she feeling right now? Parang may kung anong maitim na aura na bumalot sa lalaki. And all of them were directed to her.
"Human? Bakit? Alien ka ba at hindi tao? Kung makapagsabi ka ng tao parang kami lang. Hindi ka kasali."
Humalukipkip siya.
Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya. Ang lakas ng kabog ng d****b niya na parang sasabog na sa sama ng loob. All because of this man. For all the things he said earlier.
Hindi man lang ito marunong mag-consider ng feelings niya. Nila. At ng writer.
At ang daming babaeng nagkakagusto rito? What the hell!
Hindi nila namalayan ang paglapit ng gwardiya sa kanila.
“Bawal mag-away rito. Kung gusto ninyo, sa labas kayo ng mall,” sita sa kanila ng gwardiya.
Ngayon lang napansin ni Freni na halos lahat ng mga tao sa loob ng bookstore ay nakatutok ang mga mata sa kanilang direksyon.
Uminit ang kanyang pisngi.
Ito ang pinakanakakahiyang araw sa tanang buhay niya. Ang gusto lang niya ngayon ay magtalukbong ng tela gaya ng ginagawa ng mga suspek sa tuwing alam nilang may mga camera na nakatutok sa mga mukha nito.
Bakit ba?
Gusto lang naman niyang ipagtanggol ang mga stories na pinagpupuyatan ng mga writers. Dugo at pawis ang puhunan ng mga ito makagawa lang ng de-kalidad na kwento. They even had sleepless nights crying out loud! She had so much respect for them.
Humihingi ng tulong ang mga matang tiningnan niya si Lilac sa sulok. Pero, ang babae, umaakto na hindi sila magkakilala? Kung saan-saan nakatutok ang mga mata nito at kung minsang magtama ang kanilang mga tingin, bigla na lang itong mag-iiwas. Mas lalong lumambot ang kanyang mga tuhod.
“Mga kuya, aalis na po ako.”
Laglag ang kanyang balikat. Ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ang mundo.
Napalunok siya nang mapadako ang mga mata sa pocketbook na hawak ni Starry. Gawa ng favorite writer niya! Gusto niya pa ring bilhin iyon! Hindi siya matatahimik kapag hindi niya nabili iyon. Kaya, pikit ang matang kinuha niya ang libro sa mga palad ni Starry.
But he whispered something in her ears. “Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay dahil ilang araw mula ngayon…iiwan mo na sila.” Hinayaan siya nitong makuha ang aklat.
Napamaang si Freni. Sinundan niya ng tingin ang palayong lalaki. Anong ibig sabihin ng lalaking iyon?
Papatayin ba siya? Napakaraming mga tanong sa kanyang utak at sa kabila ng lahat ng iyon sigurado siya na ang mga kwento tungkol kay Starry Veña at totoo. Napatunayan niya iyon ngayon, hindi ba?
TATLONG araw na ang nakalilipas magmula nang marinig ni Freni ang banta sa kanyang buhay at sa loob ng tatlong araw na iyon, hindi na siya mapakali. Todo - iwas ang ginawa niya kay Starry. Sa tuwing may nakikita siyang kahawig ng postura at buhok nito, parang hihiwalay ang kanyang espirito sa katawan niya.Wala pa namang nakakapagbigay ng ebidensya na tunay nga ang mga usap-usapan tungkol kay Starry. Pero, hihintayin niya pa bang mapatunayan ang tsismis na iyon bago siya kumilos? Syempre hindi. Ngayon palang, mag-iisip na siya kung paano niya masosolusyunan ang problema.I-report na lang kaya niya sa pulis? Magpa-blotter siya. Death threat din ang ginawa nito sa kanya.He should be punished. Kaya namimihasa ito dahil walang gustong kumalaban. He spread fear among the students.Magandang ideya ba na i-report niya ito? Why not magsimula muna siya sa school? I’m sure papanigan siya ng guidance counselor.Ipinagpatuloy niya ang pagmumukmok sa sul
PIGIL NI FRENI ang kanyang hininga habang nagtatago sa isang puno ng nara. She must admit na isa rin sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang utos ni Mercy ay dahil gusto niyang patunayan na tinatakot lang siya ng Starry na iyon. There was no way the rumors around him were true. If those were true, matagal na sana itong nakulong. The police would do their investigations. At hindi rin naman siguro mananahimik lang ang university nila. If there were serial killings na nangyayari sa school nila, the university would tell their students na huwag magpagabi. Sa kabilang banda, maybe Starry was using his connection upang pagtakpan ang mga nagawa nito. Ganoon naman talaga, hindi ba? Iyon ang palaging uso sa tuwing nanonood siya ng mga palabas na may ganoong tema. Everything will be about connections. And sad to say, connections occur when you wanted to apply for a job. Sumasayaw ang mga dahon sa indayog ng musikang ang mg
NAGISING SI FRENI SA lugar na hindi pamilyar sa kanya. Kulay abo ang pader ng silid na kinalalagyan niya. Walang bintana ang kwarto. Hindi niya alam kung anong oras na.Kinapa niya ng bulsa.Nandito pa rin ang cellphone niya pero walang signal.The floor was so cold but she didn’t even whine. Mas mahalaga naman sigurong buhay pa siya ngayon kaysa ang magreklamo.Akala niya, pinatay na talaga siya. Starry was so determined to kill her. The thought of that man made her blood boil. Anong karapatan nito? Anong karapatan nitong gawin siyang bihag? Hindi siya ipinanganak upang maging isang bihag ng isang tao lamang.Sumiksik siya sa malamig na pader nang marinig ang parang kinakaladkad na metal at huminto sa kanyang silid. Anong gagawin nila sa kanya? Papatayin na ba siya?“Diyos ko…Tulungan Niyo po ako. Huwag niyo po akong iwan,” dasal niya.Napakislot siya nang buksan ang pinto sa silid niya. Parang
“KUNG tiyanak ka, ipakita mo ang totoo mong anyo at kung tao ka, tumawa ka! Tawanan mo na lang ang iyong problema! Para hindi ka ma-stress sa buhay! Ang daming namamatay dahil diyan!" Tama ba iyong sinabi niya? “Inuulit ko. Ganyan nga. Sige pa. Tumawa ka pa. Tawanan mo na lang ang iyong stress. Hahaha…Hahaha…” Freni knew she looked like a mad woman. Right now. Nagsalubong ang kilay niya. Walang nangyari. Hindi naging halimaw ang sanggol. Nakatagilid ang ulo nito at mataman siyang pinagmamasdan. Kumurap-kurap ang maliit nitong mga mata hanggang tumaas ang mga kamay nito at papunta sa kanyang direksyon. Napigil niya ang kanyang hininga nang tumawa ang sanggol. Hindi katulad ng mga tawa na nakikita niya sa mga kontrabida sa mg telenovela kung hindi iyong tawa ng mga sanggol. Nakakaakit. Nakakahalina. Awtomatikong nakuha ng sanggol ang kanyang puso. Dahan-dahan siyang lumapit rito. Nag-aatubili pa siya kung bu
TAHIMIK na sinusundan ni Freni sina Starry. Lumalayo na sila sa simbahan haggang sa biglang nag-iba ang kanilang paligid at napunta sa lugar kung saan napalot niya ang sanggol. The place was still the same. It still looked abandoned. Ilang metro mula sa kinaroonan nila, naglalandian ang dalawang ibon na hindi pamilyar sa kanya. They looked so much in love with each other.Tiningnan ni Starry ang pinagmasdan niya. He smirked.“Bakit tayo nandito?” nagtatakang tanong niya. As much as this place brought good memories (nakilala niya ang baby sa lugar na ito) but bad memories also emerged. This place made her feel that she was all alone.She missed her mother. She missed Lilac. Gusto na niyang umuwi.Namintana ang luha sa mga mata niya.&nbs
“Nacho, dito ka lang muna ha? Huwag ka na ring kumain,” bilin ni Freni sa bata. “May gagawin lang ako. Ngumiti sa kanya si Nacho. Iyon lang ang signal na hinintay niya at iniwan na niya ang bata sa mesa. Pinuntahan niya ang kinalalagyan ni Mercy. Tumayo siya sa gilid ni ng babae na abala na ngayon sa pag-re-retouch. Napakaraming pampaganda sa bag nito at uumagahin siya kung iisahin ang lahat i-identify ang mga iyon. In fairness dito, hindi ito makalat. “Mas lalo na ba akong gumanda?” tanong nito sa kasamang babae. Ibayong pagpipigil sa sarili ang ginawa ni Freni upang huwag lang sampalin ang babae. Wala talagang awa na babae. Hindi man lang nakaramdam ng konsensya sa pagsira ng buhay ni Lilac! Maganda nga at matalino ngunit kasing–itim ng pwet
SA GUARDHOUSE hinintay nina Freni at Nacho si Starry. Sa bawat paglabas ng mga estudyante sa San Benedicto University ay parang tinutusok ang kanyang puso. Parang tino-torture niya ang sarili sa ginagawa niya. Gusto na niyang bumalik sa pag-aaral at tapusin ang abogasya.Nagtataka man sa pagbalik niya pero hindi na siya tinanong ng bata. Ni hindi na ito humingi ng paliwanag kung bakit ang tagal niyang bumalik. Marahil naiintindihan nito ang pinagdaraanan niya. She was thankful for that.Kinalabit siya ni Nacho. “Gusto kong kumain.” Pang-siyam na taong gulang na ang katawan ng bata nang makabalik siya. Hindi ito nakinig sa sinabi niyang huwag nang kumain. Para bang takam na takam ito sa lahat ng pagkain sa cafeteria. Na para bang ngayon lang ito nakakain ng ganoong klaseng mga pagkain.
WALANG ANO-ANO’Y humagalpak ng tawa si Freni. Lumabas ang isang butil ng luha sa kanyang mata sa sobrang tawa. She couldn’t help it. Si Nacho? Isang bantay ng Ebrosirka? Ano iyon, child abuse? Child labor? There was no freaking way! Wala itong ginawa kundi kumain buong maghapon.Ginulo niya ang buhok ng bata nang mahimasmasan. “Hindi mo kailangang magpatawa, Nacho. Pero salamat din. I felt better.” Although she was still not sure if she would survive her first journey. Ngunit gaano nga ba kalawak ang Ebrosirka? Na kailangan pa ng apat ng bantay? How dangerous is this place?“Hindi ako nagbibiro. Isa rin akong mamamayan ng Ebrosirka at itinuturing na isang malaking kasalanan dito ang magsinungaling,” seryoso nitong turan.She waited f
Tatlong taon ang nakalipas… SUMASAKIT NA ANG ulo ni Freni habang binabasa ang hardbound textbooks na hanggang two-inch-thick. Idagdag pa ang mga articles mula sa mga law articles, from different newspapers, and journals. Ang dami pa niyang mga essay exams na kailangan ang legible handwriting niya. Eh, dati pa siyang tamad when it comes to writing. Mas gusto pa niya iyong encoded. Halos wala ng pumapasok sa utak niya sa totoo lang. Nagtapos siya ng kanyang baccalaureate degree sa Political Science a few years ago and after that took an exam namely the Philippine Law School Admission Test (PhiLSAT) na isang prerequisites para makapasok sa basic law courses.
HIS LIFE? Dovee was asking for his life? Ano naman ang gagawin nito sa buhay niya? Sa lahat ng pwede nitong hingin, ang buhay pa niya?Master stared at him, with confusion evident on his face. Hindi na niya ito tinangkang itago pa. Gusto niyang ipabatid dito ang pagtataka niya.When she only stared at him with lopsided smile, Master asked, "Kaunti lamang ang tagal ng buhay ko, Dovee. Bakit mo gustong kunin ito? Can't you see I'm dying?" he said, softly. “You can hear everything, and I am sure you already know about my condition.”This woman was unbelievable. And he could not grasp how her mind works.Akmang nag-isip-isip ito.Inilagay nito ang isang daliri sa baba.
"Anong gusto mong ibigay ko?" tanong ni Master kay Dovee. "Do you want this kingdom? Or my treasures? Name it, Dovee. Napagtanto kong walang saysay ang lahat ng ito kung mawawala si Freni sa buhay ko." Kahit anong gustuhin nito, buong puso niyang ibibigay. Material things did not appeal to him anymore. Tumaas ang sulok ng labi ni Dovee. "Tama ka. Everything will be useless kapag namatay si Freni. Masaya ako at na-realize mo ang bagay na iyan." Pumalakpak ito. "Okay. Huwag na nating patagalin pa. Aalis na rin kami ng manggagamot. But before that, ibigay mo muna ang gusto." "Ano nga iyon? Ang dami mong sinasabi. Kailangan na naming puntahan si Freni. You're the one making it difficult, woman." "Napaka-atat mo, Master. Relax. Ano nga pala ang ibibilin mo, Si
MASTER WAS PACING BACK AND FORTH.Halos mabutas na ang sahig na nilalakaran niya. Dinamba pa rin ng takot ang kabuuan ng pagkatao niya. Takot para sa babae.Ilang oras ng nasa silid si Dovee at ang isang kasama nito. Habang ginagamot si Freni.He just hoped that she was still alive. Hindi niya kakayaning mawala ito. Mas mabuti pang siya na lang kaysa si Freni. Hindi niya kakayanin. Habang buhay niyang sisihin ang sarili oras na may mangyaring masama rito."Xanti? Ayos lang ba sila sa loob?"Pinatawag niya ang lalaki nang makarating sila sa palasyo. At hindi ito unalis sa tabi niya hanggat hindi nila nasisiguradong ayos na ang pakiramdam ni Freni.Hindi niya
NAHIGIT ni Freni ang hininga nang tumambad sa mga mata niya ang hitsura ni Nacho. Bumalik ulit ito sa orihinal nitong hitsura ngunit kapwa nakagapos ang dalawa nitong mga kamay ng tanikala at dumadaloy ang mga dugo sa iba’t-ibang sugat nito sa katawan.Napaawang ang bibig niya. Oh my goddess.Nacho was tortured. Pretty badly.Ano pa ba ang magandang explanation sa sitwasyon ng lalaki?Agad siyang dumulog dito at humanap ng kahit na anong makakaalis sa tali nito."The second guardian of Ebrosirka," bulong ng sirena.“Nacho,” asik niya. “Huwag kang mamatay. Kailangan ka ni Stephano sa tabi niya. Huwag mo siyang iwan.” Pin
NANLAKI ang mga mata ng babae sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" tanong nito na animo hindi narinig ang sinabi.The mermaid heard her loud and clear. Inuutusan lang siya nitong ulitin iyon. And why not? She will give her what she wants. Madali lang naman siyang kausap. "I just said that you are a bitch. May problema ba tayo roon?" tanong niya.Rage nearly consumed her. "Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ang bagay na iyan? Kung tutuusin, pwede kitang patayin sa puntong ito. Sino ka ba? Isa ka lamang mahinang tao. Ni wala ka man lang angking kapangyarihan. At ikaw pa ang may ganang magsabi niyan? How dare you!"Nanginginig ang mga kamay ng sirena. Animo ilang sandali na lang ay sasaktan siya nito.If there was something Freni
THE ROOM did not have enough light so that Freni could see what was inside. But she knew someone was there. And he or she needed some help. Their help.However, the strong smell of urine and human waste attacked their noses.Napaubo si Freni sa tindi ng amoy."Papasok ka sa mabahong kwartong iyan? Amoy patay iyan, tao.""Hindi kita pinipilit na samahan ako sa loob. Kung gusto mong mag-stay rito sa labas at magbantay kung may papasok ba, you go ahead. Basta ako? Titingnan ko kung nasa loob ba ay ang kasama ko.""Nakakasuka ang amoy. Amoy palang, may warning na na huwag ka ng tumuloy.""Shut up! Tigilan mo nga iyang pagiging kontrabida mo sa buhay ko. Kung makaakto ka, daig mo
NAALIMPUNGATAN si Freni nang may dumampi sa kanyang mukha. Or nagkakamali lang siya. Parang haplos ang cheeks niya na hindi niya mawari. Slowly, she opened her eyes. Ang unang bumulaga sa kanya ay ang kadiliman ng kwartong kinalalagyan niya. The place smelled dust and dirt, and it hugged her nose, nearly choking her. She coughed a couple of times. When she finally calmed, inilibot niya ang paningin hanggang sa may mahagip na itim na mga bagay. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang mga aninong umaaligid sa kanya kapwa namumula ang mga mata at animo gustong-gusto na siyang kainin. Napaatras siya ngunit kaunti lang dahil sa pagkakagapos niya. Sa mga kamay. And it was made of steel.
MASAYANG kinukwentuhan ni Lilac si Nacho ng mga bagay na aasahang makikita ng bata sa mundo nila. Ang bata naman, animo nakikinig talaga sa kwento ng babae. Na para bang iyon ang unang pagkakataon nito na makapunta sa kabilang mundo.Ang galing lang talaga umarte ng bata.And what did he think? Na nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya?Her longingness for him changed into irritation. Ganoon-ganoon na lang ba talaga iyon? Na kakalimutan na lang nito ang pag-teleport nito sa kanya sa panganib?Mayamaya ay napasulyap si Nacho sa direksyon niya. At ngumiti lang ito sa kanya.What the hell?Gusto niya itong sumbatan. Subalit hindi niya magawa dahil