Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Lumipat sa akin ang mga mata niya at tipid na ngumiti sa akin. Her long jet black hair was in a high ponytail. She was really tall, huh? Ano kayang pakiramdam ng ganiyan katangkad? Somehow, I managed to give her a smile. "Uhm, sina Maxine, Blair? Hindi mo ba sila kasama?" si Nabrel. "No. Nagdi-diet ang mga iyon. Nagdadala lang ng tinapay." She pouted. "Kina Yuhan? Nakita ko sila sa banda roon." Tinuro ni Nabrel ang dulo ng cafeteria. "Ayaw ko naman doon, Nabrel. Naroon si Andreus." Humina ang boses niya. She smiled awkwardly. Mukhang biglang nahiya nang mapansing pinagtutulakan siya ni Nabrel sa ibang mesa. "Uhm... sure. You can join us. Malawak naman ang mesa," masigla kong sinabi. Lumapad ang ngiti niya at mabilis na nilapag ang bitbit na tray. Nilingon ko si Nabre
Huling Na-update : 2021-11-02 Magbasa pa