Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Lumipat sa akin ang mga mata niya at tipid na ngumiti sa akin. Her long jet black hair was in a high ponytail. She was really tall, huh? Ano kayang pakiramdam ng ganiyan katangkad?
Somehow, I managed to give her a smile.
"Uhm, sina Maxine, Blair? Hindi mo ba sila kasama?" si Nabrel.
"No. Nagdi-diet ang mga iyon. Nagdadala lang ng tinapay." She pouted.
"Kina Yuhan? Nakita ko sila sa banda roon." Tinuro ni Nabrel ang dulo ng cafeteria.
"Ayaw ko naman doon, Nabrel. Naroon si Andreus." Humina ang boses niya. She smiled awkwardly.
Mukhang biglang nahiya nang mapansing pinagtutulakan siya ni Nabrel sa ibang mesa.
"Uhm... sure. You can join us. Malawak naman ang mesa," masigla kong sinabi.
Lumapad ang ngiti niya at mabilis na nilapag ang bitbit na tray. Nilingon ko si Nabre
Hindi ko na binanggit pa kay Nabrel na narito si Davien nang makausap ko siya. Nasa laot na siya ngayon. He didn't need to know that Davien was here. I just don't see any reason to tell him that.Hindi ko na hinayaan pang humaba ang walang kwentang usapan namin kagabi. Hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko. Bumaba ako upang kumuha ng mainit na tsokolate pagkatapos ng pag-uusap namin ni Nabrel sa telepono. Nadatnan ko roon si Manang Fely. I was shocked when she mentioned that Davien was still here. I thought he has already left last night? Iyon ang bungad sa akin ni Manang Fely pagbaba ko."Umakyat ulit. Bababa rin siguro maya-maya." bulong niya habang nilalapag ang umuusok na tasa sa aking harapan.I pursed my lips. I immediately typed a message for Nabrel.- Hey, huwag mo na muna akong sunduin, Nabrel. Maaga akong papasok ngayon. May kailangan kaming tapusin ng mga kagrupo ko
Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala pa rin. Hanggang sa matapos ang klase ko ay dala-dala ko pa rin ang bigat sa aking dibdib. Tinanaw ko ang labas ng aming room habang nilalagay sa bag ang mga gamit ko ngunit hindi ko nakita ni anino ni Nabrel doon.Kinagat ko ang aking labi. Binilisan ko ang aking pag-kilos. Ni hindi na ako nakapag-paalam kay Camille dahil gulung-gulo na talaga ang utak ko. Paulit-ulit kong tinignan kung may mensahe ba siya na nakaligtaan ko lang ngunit wala. Wala talaga siyang text mula pa kaninang pagpasok ko. What's wrong him?Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa classroom niya. Hindi ko alam kung naroon pa siya ngunit susubukan ko. Bumagal lamang ang hakbang ko nang matanaw kong lumabas si Lily, kasunod siya nang papalapit ako.Sumibol ang kirot sa puso ko.Nanuyo ang aking lalamunan at parang gusto ko nalang tumakbo palayo. Ngunit huli na dahil napadpad na sa akin ang t
"Nagkikita pa rin pala kayo ng lalaking iyon, Talianna?"Binalot ng kaba ang sistema ko nang marinig ang malamig na boses ni Davien. I was about to enter my room when I heard his deep voice behind me.Pinatapang ko ang aking mukha at hinarap siya. Madilim ang kaniyang titig sa akin."Tigilan mo ang pangengealam sa buhay ko, Davien. Walang puwang ang mga opinyon mo sa akin. You know what? Talking to you is just a waste of time. Completely non sense. So you better shut your mouth and let me live my life without you in it." mahinahon kong sinabi ngunit may hatid na diin.Kitang-kita ko ang pagdoble ng galit niya. Tinatagan ko ang aking sarili. He wouldn't do anything to me. Dad was just in his room beside mine at sa isang sigaw ko lang ay maaalarma na ang buong mansyon.Tumalikod ako upang pumasok na sa aking kwarto ngunit bago pa man ako makahakbang ay
Pagdating namin sa eskwelahan, natanaw ko si Lily na may kasamang dalawang babae na mukhang kaklase nila. Nakaupo sila sa isang batong upuan na may batong mesa. Nang mapalingon siya sa aming banda, mabilis na naglaho ang ngiti niya galing sa kung anumang pinag-uusapan nila kanina. Kitang-kita ko kung paano dumilim ang mga mata niya. I just smiled a bit and looked away.Mas kumapit ako sa braso ni Nabrel. Hinatid niya ako sa classroom namin at hindi na rin siya nagtagal pa roon, kaagad din umalis.Pagpasok ko ay naabutan ko si Camille na may kausap sakaniyang telepono. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba dahil masyadong malakas ang boses niya habang nagsasalita."Ano ka ba! Nakakainis ka talaga!" aniya sa tonong malambing na medyo nakakairita sa pandinig.Napalingon ako kay Kennedy na tahimik na nakaupo habang matalim ang tingin kay Camille.Umangat ang ki
Nang ihatid ako ni Nabrel sa classroom, hinintay kong makaalis siya bago ako muling lumabas. Parating na ang aming prof ngunit hindi ko na iyon alintana pa. Hinablot ko ang aking bag at tumayo. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Camille. Patakbo kong tinungo ang labas ng eskwelahan.Mabilis kong pinara ang paparating na tricycle. Hindi ako makapaghintay na makarating sa mansyon at harapin ang anak ng demonyo. Bawat punong nadadaanan namin ay kasabay ng pag-tindi ng galit ko.Mabibigat ang paghakbang ko papasok ng mansyon. Tuluyang nagdilim ang paningin ko nang makita ko ang walang kwentang si Davien sa living room.I closed the distance between us and slapped him hard. Bumilis ang aking paghinga. Kitang-kita ko ang pinaghalong gulat at galit sakaniya nang damhin niya ang sampal. Ngunit wala akong maramdaman kundi pagkasuklam."You fucking bitch!" he belligerently
Talianna, you have to leave Nabrel. Mas matatahimik ang buhay niya kung puputulin mo ang relasyon ninyo. Iyon lang ang paraan para tigilan siya ni Darius... at nang maging tahimik na rin tayo.""Anong kinalaman ni Tito Darius dito, Dad?"Kitang-kita ko na wala siyang balak magsalita tungkol doon. Mas lalong tumindi ang kagustuhan kong malaman kung ano ba ang nangyayari."Dad... is there something that I need to know?" punung-puno ng diin ang boses ko."You don't need to-""I need to know what the hell is going on here, Dad!" mariin akong pumikit at hinaplos ang aking buhok.He pursed his lips and shook his head. Ilang sandali pa siyang natulala bago marahas na nagbuga ng hangin."Our company is failing, Talianna. At dahil iyon sa kagagawan ni Darius."Nalaglag ang panga
"Don't you like the food, hija?" puna sa akin ni Darius.Nanatiling bagsak ang tingin ko sa aking plato. Ni hindi ko malasahan ang wagyu beef. Kung napapalibutan ka ng mga anak ni satanas, talagang mawawalan ka ng gana sa lahat.Bago umalis si Nabrel, malinaw ang naging usapan namin na magkikita kami bukas sa burol. Buo ang desisyon ko rito. Ito lang ang naiisip kong tanging paraan upang matigil sa kahibangan ang mag-ama. Dahil kapag wala na ako, mawawalan na sila ng saysay na ipagpatuloy pa ang kanilang plano. I'm a bit worried because I only have 50 thousand cash. Tiyak na kukulangin iyon. Iniisip ko ang mga posibleng mangyari. Dad would surely look for me once he finds out that I left. Hindi lang siya at tiyak ay pati na rin ang mag-ama. We really need to be careful. Kailangan bago sumapit ang araw ay wala na ako rito sa mansyon. Si Nabrel na ang bahalang magplano sa gagawin namin. At gagawin ko muna ang parte ko bago umalis. 
I don't remember being this scared in my entire life. My heart was racing. I couldn't breath, it felt as if someone was choking me. Nanghina ang tuhod ko at pakiramdam ko ay anumang oras babagsak ako sa buhangin. It seemed as if this was the end of the road for me.Fuck. Hindi ito nangyayari...Hinagilap ko ang kamay ni Nabrel at mahigpit iyon hinawakan habang matalim ang tingin sa taong nasa harapin namin ngayon. Sakaniyang likuran ay unti-unting lumitaw ang mga apat na naka-itim na bodyguards.Hinawi ako ni Nabrel patungo sakaniyang likuran. Kumapit ako sakaniyang braso. Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang kapit sa aking kamay.Nakita ko ang pagtango ni Davien sa kaniyang mga bodyguards bago sila nagtungo sa amin."No! No! Please!" nanginginig ang boses kong sigaw nang hinila ako ng isa palayo kay Nabrel. Ang dalawang bodyguards ay inilayo siya sa ak
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong