"Don't you like the food, hija?" puna sa akin ni Darius.
Nanatiling bagsak ang tingin ko sa aking plato. Ni hindi ko malasahan ang wagyu beef. Kung napapalibutan ka ng mga anak ni satanas, talagang mawawalan ka ng gana sa lahat.
Bago umalis si Nabrel, malinaw ang naging usapan namin na magkikita kami bukas sa burol. Buo ang desisyon ko rito. Ito lang ang naiisip kong tanging paraan upang matigil sa kahibangan ang mag-ama. Dahil kapag wala na ako, mawawalan na sila ng saysay na ipagpatuloy pa ang kanilang plano. I'm a bit worried because I only have 50 thousand cash. Tiyak na kukulangin iyon. Iniisip ko ang mga posibleng mangyari. Dad would surely look for me once he finds out that I left. Hindi lang siya at tiyak ay pati na rin ang mag-ama. We really need to be careful. Kailangan bago sumapit ang araw ay wala na ako rito sa mansyon. Si Nabrel na ang bahalang magplano sa gagawin namin. At gagawin ko muna ang parte ko bago umalis.
 
I don't remember being this scared in my entire life. My heart was racing. I couldn't breath, it felt as if someone was choking me. Nanghina ang tuhod ko at pakiramdam ko ay anumang oras babagsak ako sa buhangin. It seemed as if this was the end of the road for me.Fuck. Hindi ito nangyayari...Hinagilap ko ang kamay ni Nabrel at mahigpit iyon hinawakan habang matalim ang tingin sa taong nasa harapin namin ngayon. Sakaniyang likuran ay unti-unting lumitaw ang mga apat na naka-itim na bodyguards.Hinawi ako ni Nabrel patungo sakaniyang likuran. Kumapit ako sakaniyang braso. Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang kapit sa aking kamay.Nakita ko ang pagtango ni Davien sa kaniyang mga bodyguards bago sila nagtungo sa amin."No! No! Please!" nanginginig ang boses kong sigaw nang hinila ako ng isa palayo kay Nabrel. Ang dalawang bodyguards ay inilayo siya sa ak
"Are you happy now, huh?" basag na basag ang aking boses habang ang titig ko sakaniya ay nanatiling matalim."You almost killed him! Pinipilit mo ang sarili mo sa akin when it's fucking clear that I'll never want to be with you! Kinasusuklaman kita, Davien. Kayong dalawa ni Darius. Kayong dalawa ng demonyo mong ama. Mga mamamatay tao..." punung-puno ng galit ang bawat salita ko.He clenched his jaw. Humakbang siya palapit. Hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na takot o kaba sa kabila ng pagdidilim ng kaniyang mukha. Namanhid na ang pagkatao ko para sa demonyong tulad niya."You should be fucking grateful that I didn't kill him, Talianna. Alam mong madali para sa aking pasabugin ang bungo ng lalaking iyon. But I didn't, right? So be grateful, bitch!"Isang matinding sampal ang ibinigay ko sakaniya. Pakiramdam ko ay nagdidilim ang buong paligid. I want to fucking kill him!&nb
Naabutan ko si Davien sa dining area nang bumaba ako kinagabihan. He was drinking his coffee. I ignored him. I went to the fridge and grabbed some chocolate drink. "You can't sleep?" I heard him but I didn't even look at the devil.Tumulak kaagad ako palabas ng dining area dala-dala ang tsokolateng inumin pabalik sa kwarto. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na ramdam ko ang kaniyang pagsunod."Talianna, hanggang kailan ka magiging ganiyan sa'kin? For fuck's sake, tigilan mo na ang pag-iinarte mo. Nakakasawa na."Marahas na paghila ang kaniyang ginawa sa aking braso. Doon lamang ako tuluyang napilitang harapin siya. Madilim ang kaniyang mukha at nag-uumapaw roon ang matinding iritasyon.Pagak akong natawa. Ibang klase rin talaga ang hayop na 'to!Kumawala ako sakaniyang hawak at umatras."Then fu
"First thing that we need to include is the basic room information at iyong room sizes. And of course, the second aspect that we need to consider ay iyong layout o structure ng internal rooms." I said with a small smile on my lips."I want a Mid-century modern house with courtyard. Naaalala mo, hon?" sumulyap si Winona kay Gregory. "Iyong bahay ni Nathalia Smith!""Yeah. Iyong sa Glasgow? But I thought we've already decided about the theme of our house? Akala ko ba ayos na sa'yo ang Nautical Escape?" kumunot ang noo nito."No! Nagbago ang isip ko. I really like her house! Kaya nga hindi na ako nagdalawang-isip na si Talianna ang kunin nating architect. Siya rin kasi ang nag-design non. Right, Talianna?" matamis na ngumiti sa akin si Winona."Yup. That was three years ago nang disenyuhan ko ang bahay niya. Bagong kasal si Nathalia noon." tugon ko.Kit
Nasa Manchester siya at doon naninirahan kasama ang nanny ng kaniyang baby."You look so fresh, Narvinia. Hindi pa rin ako makapaniwalang may anak ka na sa edad mong beinte anyos. Where's your baby?"Bahagya siyang tumawa. I could see that she was wearing an oversized white shirt. Bumababa ang manggas non kaya sumisilip ang kaniyang balikat. Mukhang kauuwi niya lang at nagpalit lang ng damit."Workout lang, Ate Talianna. Wait. I'm gonna call Viniel. Si Vendrick? Is he already asleep?"Nakita kong tumayo siya mula sakaniyang kinauupuan at naglakad patungo sa kung saan. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ng kaniyang anak. Hanggang sa nakita ko ang napaka-cute na bata sa screen. Isang taon pa lang ang baby niya. Ang maputing kutis ng bata ay namana sa ina. Hindi ko alam kung sinong ama. Hindi na ako nangahas pang tanungin si Narvinia tungkol doon dahil noong unang beses na ginawa ko iy
Ang sabi ng doktor, walang nakikitang improvement sa kalagayan ni Dad. He was diagnosed with a subarachnoid hemorrhage and brain aneurysm and spent the next 21 days in the ICU. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na may ganitong sakit ang ama ko. Sa tuwing bumibisita kami sakaniya sa Manila, maayos ang kaniyang kalagayan.Isang beses sa isang isang taon kami umuuwi. Nagtatagal kami ng isang linggo. Noong huling bisita namin sakaniya, mga pagsakit ng ulo ang napapansin ko sakaniya. Hindi ko iyon pinalaki dahil alam kong normal lamang iyon. At ngayon, may ganito na pala siyang iniinda."Mom, when are we going to the white sand? And why is Grandpa always asleep? Is he very exhausted, mommy? He's been asleep for awhile now! I never thought that's possible." may pagkamangha sakaniyang maliit na tinig.I smiled weakly at Vendrick. Katatapos ko lang siyang paliguan at ngayo'y binibihisan ko na para patulugin na.&nbs
Dinudungaw ko ang bawat paghaplos ng tubig sa aking paa. Tila ba hindi pa rin ako makapaniwala na narito ako sa lugar na palaging laman ng puso't isip ko sa mga nagdaang panahon. Belleza Eterna remains its beauty. Its pulchritudinousappearance is still enthralling and majestic.Para bang hindi ko maramdaman ang mahabang biyahe dahil masyado akong sabik sa aking nakikita. Tumakbo-takbo ako sa dalampasigan. I was giggling while running, sinasalubong ang marahang hampas ng alon. Basang-basa na ang aking suot na puting chiffon maxi dress.Nahinto lamang ako nang tanawin ko ang nagbabadyang paglubog ng araw. I stared at it. Napangiti na lamang ako nang may imaheng pumasok sa isipan ko. How I love sunsets... sunrises... and that's because of this one particular person.Natanaw ko ang ilang kalalakihan na abala sakanilang mga batsa. Naglaro ang mga mata ko sa bawat mukha nila. Ngunit wala akong nakitang
What do you even expect, Talianna? Ano? Umaasa kang kahit kaunti ay may lambing pa rin sa mga mata niya kapag tinititigan ka niya? Magising ka nga! Hindi iyan naging estatwa sa loob ng sampung taon!Hindi iyan baliw na baliw sa'yo kung iyan ang inaakala mo. You are just his ex girlfriend who left him.Nabrel was accused of killing Darius De Loughrey. I know how powerful the De Loughreys are. Kayang-kaya nilang paikutin ang pera nila upang makamtam ang mga kagustuhan. Hindi ko kakayaning makita siya sa likod ng rehas, pinagdurusahan ang kasalanang alam kong hinding-hindi niya magagawa. At ang pagpapakasal kay Davien ang tanging solusyon upang maitras ang kaso laban sakaniya.Kung hindi ba nangyari ang lahat ng iyon, anong maaari naming kinahitnan sa loob ng sampung taon? And why am I even thinking about this? Hindi na mahalaga pang bumuo ng mga posibilidad. And by the looks of it, he's already successful
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong