Nasa Manchester siya at doon naninirahan kasama ang nanny ng kaniyang baby.
"You look so fresh, Narvinia. Hindi pa rin ako makapaniwalang may anak ka na sa edad mong beinte anyos. Where's your baby?"
Bahagya siyang tumawa. I could see that she was wearing an oversized white shirt. Bumababa ang manggas non kaya sumisilip ang kaniyang balikat. Mukhang kauuwi niya lang at nagpalit lang ng damit.
"Workout lang, Ate Talianna. Wait. I'm gonna call Viniel. Si Vendrick? Is he already asleep?"
Nakita kong tumayo siya mula sakaniyang kinauupuan at naglakad patungo sa kung saan. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ng kaniyang anak. Hanggang sa nakita ko ang napaka-cute na bata sa screen. Isang taon pa lang ang baby niya. Ang maputing kutis ng bata ay namana sa ina. Hindi ko alam kung sinong ama. Hindi na ako nangahas pang tanungin si Narvinia tungkol doon dahil noong unang beses na ginawa ko iy
Ang sabi ng doktor, walang nakikitang improvement sa kalagayan ni Dad. He was diagnosed with a subarachnoid hemorrhage and brain aneurysm and spent the next 21 days in the ICU. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na may ganitong sakit ang ama ko. Sa tuwing bumibisita kami sakaniya sa Manila, maayos ang kaniyang kalagayan.Isang beses sa isang isang taon kami umuuwi. Nagtatagal kami ng isang linggo. Noong huling bisita namin sakaniya, mga pagsakit ng ulo ang napapansin ko sakaniya. Hindi ko iyon pinalaki dahil alam kong normal lamang iyon. At ngayon, may ganito na pala siyang iniinda."Mom, when are we going to the white sand? And why is Grandpa always asleep? Is he very exhausted, mommy? He's been asleep for awhile now! I never thought that's possible." may pagkamangha sakaniyang maliit na tinig.I smiled weakly at Vendrick. Katatapos ko lang siyang paliguan at ngayo'y binibihisan ko na para patulugin na.&nbs
Dinudungaw ko ang bawat paghaplos ng tubig sa aking paa. Tila ba hindi pa rin ako makapaniwala na narito ako sa lugar na palaging laman ng puso't isip ko sa mga nagdaang panahon. Belleza Eterna remains its beauty. Its pulchritudinousappearance is still enthralling and majestic.Para bang hindi ko maramdaman ang mahabang biyahe dahil masyado akong sabik sa aking nakikita. Tumakbo-takbo ako sa dalampasigan. I was giggling while running, sinasalubong ang marahang hampas ng alon. Basang-basa na ang aking suot na puting chiffon maxi dress.Nahinto lamang ako nang tanawin ko ang nagbabadyang paglubog ng araw. I stared at it. Napangiti na lamang ako nang may imaheng pumasok sa isipan ko. How I love sunsets... sunrises... and that's because of this one particular person.Natanaw ko ang ilang kalalakihan na abala sakanilang mga batsa. Naglaro ang mga mata ko sa bawat mukha nila. Ngunit wala akong nakitang
What do you even expect, Talianna? Ano? Umaasa kang kahit kaunti ay may lambing pa rin sa mga mata niya kapag tinititigan ka niya? Magising ka nga! Hindi iyan naging estatwa sa loob ng sampung taon!Hindi iyan baliw na baliw sa'yo kung iyan ang inaakala mo. You are just his ex girlfriend who left him.Nabrel was accused of killing Darius De Loughrey. I know how powerful the De Loughreys are. Kayang-kaya nilang paikutin ang pera nila upang makamtam ang mga kagustuhan. Hindi ko kakayaning makita siya sa likod ng rehas, pinagdurusahan ang kasalanang alam kong hinding-hindi niya magagawa. At ang pagpapakasal kay Davien ang tanging solusyon upang maitras ang kaso laban sakaniya.Kung hindi ba nangyari ang lahat ng iyon, anong maaari naming kinahitnan sa loob ng sampung taon? And why am I even thinking about this? Hindi na mahalaga pang bumuo ng mga posibilidad. And by the looks of it, he's already successful
Bigla akong pinanuyuan ng lalamunan. Tumikhim ako at mabilis na nag-iwas ng tingin, umarte akong walang pakealam sa paligid, sakaniyang presensya, sa lahat. Humalukipkip ako at hinarap na lamang ang karagatan. Tiyaka lamang ako natauhan sa mga pinag-gagagawa ko. Bakit kinakawawa ko ang sarili ko sa mga nangyayari? Bakit sa bawat imahe niya, wala akong maramdaman kundi kirot sa puso ko? Bakit hindi ko magawang maging panatag?Naglakad na ako palayo habang dala-dala ang bigat sa puso ko.Wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang namnamin ang kagandahan ng karagatan.Tulala lamang ako sa balkonahe ng kwarto ko habang tinatanaw ang dagat. Naisip ko... parang maling desisyon yata ang pagpunta ko rito. Hindi ko inasahan ang mga nangyari. Hindi ko inasahang muli kaming magkikita rito. Maging ang sarili ko ay hindi ko magawang turuang huwag masaktan. Wala ng puwang pa ang nararamdaman ko. Kahit gaano ko man it
Ni hindi ko magawang hilahin ang sarili ko sa pagtulog. Binabagabag ako ng mga nangyari. Hindi ko matantsa kung hanggang kailan ba magiging ganito. Paano ko ba iisipin ang mga ito nang hindi ako nasasaktan?Thinking about all of this won't do any good. Ngunit mas lalo lamang akong nahuhulog sa pag-iisip tungkol sa lahat ng ito. Tila kahit gaano ko man gustuhing makalimot, mas lalo lamang ako hinihigit pabalik.I was checking my email while having my coffee in the morning. Ang payapang karagatan ang siyang tanawin ko mula rito sa balkonahe. Binasa ko ang bagong email na aking natanggap.Greetings, Archt. Monselorette!I would like to arrange an appointment to discuss about my home renovation. Please would you indicate a suitable time and place to meet? It would be more convenient if we'd meet around Makati City. I am looking forward to hearing from you and arranging a meeting.
Mas lalong tumindi ang iritasyon ko. Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at walang pag-aalinlangang binato sakaniya. Tumama iyon sa kaniyang likuran kaya napahinto siya. Salubong ang kilay niya nang nilingon ako."Iuwi mo na ako! Ayaw kong magtagal dito. Lalo na rito sa kama mo." may bahid ng pagkadisgusto kong tinignan ang kaniyang kama. "Malay ko ba kung anu-anong mga nangyayari rito." matalim ko siyang tinignan.Nagpamulsa siya at ngumuso habang mariin akong tinititigan."Don't worry. I fuck women in my kitchen... in my bathroom. Sometimes in my balcony. Ngunit hindi kailanman sa kama ko." malamig niyang sinabi at madilim na ngumisi bago nagtuluy-tuloy sa paglabas ng kwarto.Nandilim ang paningin ko.Natulala na lamang ako hanggang sa sumara ang pintuan. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko."Fuck you, Trenuver!" sigaw ko at pinagbabato
Nang matapos kong kumain ay siyang saktong pagbalik niya. Sobrang dami pang natirang pagkain. Isang buttered toast, isang sausage at ilang pirasong prutas lang ang kinain ko. Ni hindi ko nagalaw ang kanin."Pumirmi ka nalang diyan sa upuan mo. I'll do this." matalim niya akong tinignan nang akmang tutulungan ko siya sa pagliligpit."Fine!" umirap ako at nanatili lamang sa pagkakaupo.Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang bawat paggalaw niya. Bahagyang salubong ang kilay at seryosong-seryoso sa ginagawa. Ni hindi ako sinusulyapan.Napairap ako.Inipon ko ang buhok ko at pinaikot ito upang ipusod. Wala akong pangtali kaya ganoon nalang ang ginawa ko. Naalala ko bigla na hindi pa pala ako naliligo. At may muli akong naalalang itanong sa lalaking 'to."Did you change my clothes? Bakit suot-suot ko itong damit na ito?" tinur
"Are you hungry? It's time for lunch. Mamaya mo na ituloy ang pagkain niyan. Come on." marahan niyang bungad sa akin habang papalapit.Bahagya pa akong nagulat. Sa pagkakaalam ko, alas nuebe ako nakatulog? Tanghali na pala?"What? Lunch? Ganoon ba ako katagal nakatulog?"He licked his lower lip and nodded. "Almost four hours." Umupo siya sa kama at sumulyap sa paa ko."How are you feeling? Does it still hurt?" mababa ang kaniyang tinig.Ngumuso ako at bahagyang tumango."Yup. But I think I feel better now." tugon ko sa maliit na boses.Umigting ang kaniyang panga at ngumuso. "Baka bukas maging maayos na ang panahon ayon sa balita. Makakauwi ka na." malamig niyang sinabi bago tumayo."Bumaba na tayo. Naghihintay ang pagkain. Bubuhatin na lang kita."Napakurap ako at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong