Share

Chapter 41

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

After that argument with my Dad, I stayed in my room for hours. Mabigat sa puso ang makipagtalo sakaniya. Iyon ang unang beses na makita ko ang matinding galit niya sa akin. Kahit kailan ay hindi niya ako pinagtaasan ng boses. Kahit halos ubusin ko ang laman ng card ko sa pamimili ng mga mamahaling gamit ay hindi ganoon ang ipinapakita niya sa akin. He lectures me about spending too much money but he never raised his voice at me.

Does being happy make us selfish? With Nabrel, I always feel the contentment and satisfaction. Kahit kaming dalawa lang, higit pa sa saya ang nararamdaman ko. Sakaniya lang ako kumakalma. Sakaniya nakadepende ang kasiyahan ko. At natatakot ako... natatakot ako dahil kayang-kaya kong gawin ang lahat para makasama siya. Maging ang suwayin ang sarili kong ama.

If we decide out of self-interest, is that a selfish act if without considering other people, and you know that they won't be happy about your decision? Why is i

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 42

    Umawang ang aking mga labi. Biglang sumikip ang aking paghinga habang nakatanaw sa mga mata niyang punung-puno ng emosyong hindi ko magawang pangalanan. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga iyon.His mouth upturned but the smile didn't reach his eyes. He licked his lower lip and bit it. Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos ang kaniyang buhok. I think, that is a nervous habit he possesses.Nanatili lamang akong tulala sakaniyang mukha. Biglang naglaho ang lahat ng nasa paligid. Hindi ko matanto kung bakit kinukurot ang puso ko habang dinadama ang mga salita niyang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko."Tignan mo..." bulong niya habang nakatitig sa harapan.Ilang sandali pa bago ako makabalik sa reyalidad. Napakurap ako bago lingunin ang kaniyang tinutukoy, ang unti-unting paglubog ng araw.Naghalo ang kulay pula, dilaw at kahel sa kalangitan. Sumalamin ang bawat kulay sa

  • Plenitude of the Soul   Chapter 43

    Linella and I were both silent when Nabrel left. Nakaupo ako sa mahabang couch habang ang bata ay nasa pang-isahan. She was pouting while her eyes were fixed on the screen. Isang lokal na teleserye ang nakapalabas doon.She quickly glanced at me and smiled shyly."Do you always watch that?" malambing kong untag. Mukhang nahihiya siya sa akin kaya naman sinubukan kong bumuo ng usapan.She just nodded and gave me a small smile.Naputol ang tingin ko sakaniya nang maaninag ko si Senyel na kapapasok lang. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya bago ako binigyan ng malaking ngisi. He was wearing a white jersey shirt and black shorts. May hawak din na bola at may nakasabit na puting bimpo sakaniyang balikat."Oh! Nandito ka pala, Talianna. Binabahay ka na ba ni Kuya?" Humalakhak siya habang naglalakad papasok.Umangat ang kilay ko. "What?"N

  • Plenitude of the Soul   Chapter 44

    "Anong kagaguhan ang pinagsasabi mo?! Tumigil ka!" ramdam ko ang galit sa tila kulog na boses ni Nabrel. Mabilis ang mga hakbang niya patungo kay Blair at marahas na hinablot ang braso nito.Hindi ko maintindihan. Para akong nahihilo at nanghihina. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Namamanhid ang buong katawan ko at tila naparalisado bigla.Kitang-kita ko ang pag-inda ni Blair sa pagkakahawak sa kaniya ni Nabrel."Ikaw ang ama, Nabrel! Anak mo 'to! Kaya tigilan mo na ang babaeng iyan dahil magkaka-anak ka na sa akin!" Pumiyok ang boses ni Blair at kasabay niyon ang pagragasa ng kaniyang mga luha.Tulala lamang ako sakanila. Wala akong maramdaman. Nasindak ang buong pagkatao ko."Nababaliw ka na ba?! Bawiin mo! Putangina! Bawiin mo, Blair!" his indignant deep voice boomed. Dinig ko ang panginginig ng kaniyang boses."N-Nasasaktan ako, Nabre

  • Plenitude of the Soul   Chapter 45

    Sumalubong sa akin ang payapang paligid at ang tunog ng marahang hampas ng mga alon. Nilibot ko ang aking paningin.And there, I saw him... under the palm tree. Patakbo kong tinungo ang kaniyang pwesto. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. Binaon ko ang aking mukha sakaniyang leeg."I hate you..." nanginig ang aking boses."Huwag ka nang magtampo nang ganoon, Talianna. Huwag mo nang sasabihin iyon... iyong makikipaghiwalay ka," he whispered in my hair."I'm sorry. I-I didn't mean that. I was just mad..."Humapdi ang aking lalamunan at ang mga mata ko. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sakaniyang bisig.Humigpit ang kaniyang hawak sa aking baywang."Huwag mo nang sasabihin iyon, Talianna. Mangako ka..." his low voice was begging.Kinukurot ang puso ko sa kaniyang tono. How I love this man... I just wan

  • Plenitude of the Soul   Chapter 46

    Days have passed and I could say that everything is going smoothly. Maayos na kami ni Dad at... hinahayaan na ako kay Nabrel. Iyon lang ang hinihiling ko. Iyon lang gusto kong mangyari at ngayo'y nandiyan na. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa ama ko upang magbago ang pananaw niya sa aming dalawa ni Nabrel. Hindi ko na iyon dapat iniisip pa at ang tanging mahalaga na lamang ngayon ay maayos na kami ni Dad. I couldn't ask for more.Last night, I invited Nabrel for dinner. Everything turned out well. Kahit kaming tatlo lang sa mahabang mesa na napapalibutan ng sandamakmak na pagkaing ipinahanda ni Dad, punung-puno ng galak ang puso ko.Kahit kitang-kita ko ang pagiging balisa at kabado ni Nabrel sa tabi ko, I could see that he was trying to get along with my Dad. Noong banggitin ko sakaniyang inaanyayahan siya ng ama ko sa mansiyon, mariin siyang tumanggi noong una. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Umabot pa

  • Plenitude of the Soul   Chapter 47

    Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Lumipat sa akin ang mga mata niya at tipid na ngumiti sa akin. Her long jet black hair was in a high ponytail. She was really tall, huh? Ano kayang pakiramdam ng ganiyan katangkad?Somehow, I managed to give her a smile."Uhm, sina Maxine, Blair? Hindi mo ba sila kasama?" si Nabrel."No. Nagdi-diet ang mga iyon. Nagdadala lang ng tinapay." She pouted."Kina Yuhan? Nakita ko sila sa banda roon." Tinuro ni Nabrel ang dulo ng cafeteria."Ayaw ko naman doon, Nabrel. Naroon si Andreus." Humina ang boses niya. She smiled awkwardly.Mukhang biglang nahiya nang mapansing pinagtutulakan siya ni Nabrel sa ibang mesa."Uhm... sure. You can join us. Malawak naman ang mesa," masigla kong sinabi.Lumapad ang ngiti niya at mabilis na nilapag ang bitbit na tray. Nilingon ko si Nabre

  • Plenitude of the Soul   Chapter 48

    Hindi ko na binanggit pa kay Nabrel na narito si Davien nang makausap ko siya. Nasa laot na siya ngayon. He didn't need to know that Davien was here. I just don't see any reason to tell him that.Hindi ko na hinayaan pang humaba ang walang kwentang usapan namin kagabi. Hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko. Bumaba ako upang kumuha ng mainit na tsokolate pagkatapos ng pag-uusap namin ni Nabrel sa telepono. Nadatnan ko roon si Manang Fely. I was shocked when she mentioned that Davien was still here. I thought he has already left last night? Iyon ang bungad sa akin ni Manang Fely pagbaba ko."Umakyat ulit. Bababa rin siguro maya-maya." bulong niya habang nilalapag ang umuusok na tasa sa aking harapan.I pursed my lips. I immediately typed a message for Nabrel.- Hey, huwag mo na muna akong sunduin, Nabrel. Maaga akong papasok ngayon. May kailangan kaming tapusin ng mga kagrupo ko

  • Plenitude of the Soul   Chapter 49

    Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala pa rin. Hanggang sa matapos ang klase ko ay dala-dala ko pa rin ang bigat sa aking dibdib. Tinanaw ko ang labas ng aming room habang nilalagay sa bag ang mga gamit ko ngunit hindi ko nakita ni anino ni Nabrel doon.Kinagat ko ang aking labi. Binilisan ko ang aking pag-kilos. Ni hindi na ako nakapag-paalam kay Camille dahil gulung-gulo na talaga ang utak ko. Paulit-ulit kong tinignan kung may mensahe ba siya na nakaligtaan ko lang ngunit wala. Wala talaga siyang text mula pa kaninang pagpasok ko. What's wrong him?Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa classroom niya. Hindi ko alam kung naroon pa siya ngunit susubukan ko. Bumagal lamang ang hakbang ko nang matanaw kong lumabas si Lily, kasunod siya nang papalapit ako.Sumibol ang kirot sa puso ko.Nanuyo ang aking lalamunan at parang gusto ko nalang tumakbo palayo. Ngunit huli na dahil napadpad na sa akin ang t

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

DMCA.com Protection Status