Maaga akong nagising, bumangon na ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto. Wala akong kadala dala kaya aalis din akong walang dala rito. Napatingin naman sa akin si Ate Maia na nakaupo sa sala.“Good morning,” ngiting bati niya sa akin. Naupo naman ako sa kaharap niyang upuan at ngumiti.“Thank you Ate sa pagpapatuloy sa akin dito, kailangan ko ng magpaalam.” Nawala naman ang ngiti sa kaniyang labi at sumeryoso ang reaksyon ng kaniyang mukha.“Aalis ka na rin ba ngayon? Delikado ang ginagawa mong paglalakbay ng wala ka man lang kasanda-sandata Amara. Hindi normal na gubat ang ginagalawan mo dahil bawat sulok na pupuntahan mo ay buhay ito, in short maging ang gubat ay buhay.”“Pero kailangan ko ng gumalaw Ate hindi dapat ako nagsasayang ng oras. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung nagtagal pa.”“Hindi ko alam kung bakit masyado kang nagmamadali Amara, hind
Last Updated : 2021-12-01 Read more