THIRD PERSON POV
Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa kumagat ang dilim. Gaya ng nakasanayan niya ay aakyat siya sa isang puno para dun magpalipas ng gabi.Sa kabilang banda naman ay nagmamadaling umuwi si Lucas sa kanilang bahay para paalalahanan ang kaniyang inang si Maia.“Ina!” malakas niyang sigaw ng makapasok na siya sa loob ng kanilang bahay, lumabas naman sa kwarto si Maia na may pagtataka sa kaniyang mukha dahil sa ikinikilos ni Lucas.“May nangyari ba?” nag-aalala niyang tanong. Hindi niya naman muna sinagot ang kaniyang ina bagkus ay dumiretso siya sa kusina at maging sa kwarto na tila ba may hinahanap.“Where’s Amara?” tanong niya.“Umalis na siya kanina pang umaga dahil kailangan niya magmadali.”“What?”“Ano bang nangyayari Lucas, tell me hindi yung ganiyan na mas“Huwag mo ng subukang tumakas.” Wika ng pinuno ng mga kadiliman ng ipalutang niya si Amara at sinasakal ito gamit ng kaniyang kapangyarihan.“Ano bang nagawa ko sa inyo?!” sigaw niya kahit na nahihirapan na siyang huminga. Sinusubukan niyang kumawala subalit bilang tao lamang ay hindi niya iyun magagawa.“Wala kang nagawa pero may magagawa ka para sa amin.” Ang boses niyang makakapagpatayo ng mga balahibo mo dahil sa lalim nito. Konontrol ni Amara ang kaniyang kapangyarihan dahil kahit kaunting galos man lang ang maibigay niya sa mga kadiliman ay magawa niya, dahan dahan niyang pinalabas ang isang apoy saka inihagis sa pinuno ng mga kadiliman, hindi naman nila iyun napansin kaya dumaplis ito sa mukha ng kanilang pinuno at dumiretso naman iyun sa mga kasama niya na naging dahilan ng kanilang pagtilapon. Galit na tiningnan ng kanilang pinuno si Amara na nakalutang pa rin kaya inihampas niya ito ng sunod sunod sa mga puno ha
Nagtatakang tiningnan ng mag-asawa ang liwanag na sumalo kay Amara. Nilapitan nila ito at tumambad sa kanila ang isang binibining may taglay ng kagandahan, kagandahan na halos hindi nagkakalayo kay Amara na kung saan ay mapagkakamalan mo silang kambal dahil sa pagkakapareho nila. Napapalibutan pa rin ang dalaga ng isang malakas na liwanag. Papalit palit ang tingin nila sa anak nilang walang malay at sa babaeng may hawak sa kaniya.“Who are you?” lakas loob na tanong ni Maia.“I’m Amara, please take care of her. Darating ang araw na makikilala niya rin ako. Paghandaan niyo rin ang pagsasanay niya sa kaniyang kapangyarihan. Magpapaalaam na ako.” hindi pa man nakakapagsalita ang dalawa ng bigla na itong mawala na parang bula. Buhat buhat naman na ni Niko ngayon si Amara na wala pa ring malay. Hindi na lang muna nila inisip ang babaeng nagmula sa liwanag at mabilis silang tumakbo ng sa gayon ay maibalik na nila si Amara sa kanilang
Pagkatapos ng pangyayaring iyun ay nanatili na ako dito at halos hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko sa tuwing titigan ko sila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na ang mga magulang ko. Hindi ko rin naman mapigilang hindi mamiss si Lola o si Clayton. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa isipin.Akala ko kapatid ko rin si Lucas pero hindi pala, hindi ko alam ang buong kwento kung paanong napunta sa kanila si Lucas pero ang alam ko lang, baby pa lang siya ng mapunta na siya sa kanila kaya sila Ama at Ina na ang itinuring niyang mga magulang. Alam niya rin pala ang tungkol dun, na hindi niya tunay na mga magulang ang mga magulang ko. Alam ko na rin ang tungkol sa sinabi ni Lucas dati na kung bakit gabi gabi ay umaalis sila Ama at Ina dahil may hinahanap sila na maaaring makatulong sa akin.“Kamusta na pakiramdam mo?” napalingon ako kay Lucas na kakaupo lang sa tabi ko.“Okay naman na.”
Nagsimula na kaming kumain ng dumating na si Ama at si Lucas. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil kasama ko na sila ngayon, kasabay ko na ring kumakain. Ano kayang pakiramdam na maging magulang sila? Kung si Lucas naging masaya at naging kontento malamang maganda ang naging trato sa kaniya kahit na hindi siya tunay na anak.Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.Pagkatapos namin ay nakita kong naggayak na si Ama at inaayos ang pana at palaso niya ganun na rin si Ina na isinuot na ang mahaba niyang hoodie. Pinanuod ko lang silang dalawa sa ginagawa nila dahil wala naman akong dadalhin kundi ang sarili ko lang.“Anak isuot mo ito.” abot niya sa akin ng isang itim din na hoodie katulad ng kaniya.“Talagang gusto mong itulad sayo ha?” natatawang wika ni Ama.“Like mother like daughter kaya huwag kang epal diyan Dawn. Kung mas nangingibabaw ang dugo niya bilang bampira tanggapin mo yun at kung
“Ang ibig mo bang sabihin ay ikinasal ka kay Daryll?” tumango naman ako sa tanong ni Ina. Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo na tila ba sumakit ito. “Damn him! Wala na talaga siyang puso at idinamay ka pa? Wala na siyang tinitingala kundi ang sarili niya lang .” bakas ang galit sa tinig ni Ina, pansin ko rin ang pagkuyom ng mga kamao niya, ang pagguhit ng kulay pula sa kaniyang mga mata.“How’s Clayton?” pag-iibang tanong ni Ama.“I don’t know if he’s still okay po, huli ko siyang iniwan sa gubat noong tinangka akong patayin ng ibang nilalang. I don’t know what kind of creatures they are, alam kong alam niya na mali ang ginawa niyang pagpapatakas sa akin pero ginawa niya pa rin.” Bumuntong hininga naman si Ama. Napatingin na lang ako kay Ina ng hawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyun.“I’m sorry, hindi mo dapat ito nararanasan pero wala kaming magawa. Ku
“Who do you think you are? Kahit sino ka pa wala kang karapatan para basahin ang isip ko.” inis kong saad sa kaniya, private ko na iyun pero binabasa pa rin niya. Nawala naman ang liwanag ng mukha niya at yumuko.“Ipagpaumanhin niyo po ang aking kapangahasan Kamahalan.” Naguilty naman ako sa sinabi ko, bumuntong hininga na lamang ako. Simula noong mangyari ang lahat nagiging mababa na ang pasensya ko at madalas ng magalit.“Pasensya na po kayo sa naging asal ko, hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako. Nagiging mainitin ang ulo.“Normal lamang iyan dahil epekto ng kapangyarihan mo, naoobserbahan mo naman siguro na walang kinikilala ang kapangyarihan mo kapag nagigising siya sa katawan mo.”“Hindi po ba maaaring makapasok ang mga magulang ko? Baka kasi nag-aalala na sila sa akin eh. Kanina pa sila diyan.” Binaling ko ang paningin ko sa mga magulang kong patuloy pa rin ang pa
Napayuko na lamang ako habang habol ko ang hininga ko. Halos mabasa na rin ang damit ko dahil sa pawis kahit na hindi naman mainit dito.“Hindi ba pwedeng magpahinga na muna ako!” sigaw ko kay Venus na hindi ko nanaman makita kung nasaan siya.“Paano mo makokontrol ang kapangyarihan mo kung puro pahinga ang nasa isip mo!” galit niyang sigaw sa akin, damn it! Muli akong humugot ng malalim na hininga saka inilinga ang paningin ko sa paligid at hinanap siya. Hindi ko siya makita at mabilis ang kilos niya.“AHH!” daing ko ng muli niya akong ihagis sa isang puno, ramdam ko ang sakit sa katawan ko pero muli akong tumayo.“Gamitin mo ang kapangyarihan mo at pakiramdaman mo kung nasaan ako?!” malakas niyang sigaw, sinubukan kong gawin ang sinasabi niya subalit masyado ng pagod ang katawan ko at hindi ko na maituon ang atensyon ko sa kaniya. Pinakiramdaman ko siya subalit wala pa ring
“Pwede bang maligo dito?”“Oo naman po, lahat ng makita mo dito ay pagmamay-ari mo ayun sa dyosa.”“Nakita mo na ba ang dyosa?” kuryoso kong tanong sa kaniya.“Hindi po, wala pang nakakakita sa kaniya dahil sa buwan siya nakatira at hindi maaaring makababa sa lupa.”“Bakit naman hindi siya makakababa sa lupa?”“Dahil iba po ang hangin dun sa hangin dito, maaari po kasing manghina ang puso nila kapag bumaba sila sa lupa. Siguro po makakababa sila pero hindi pwedeng magtagal.” Napatango tango na lamang ako, para akong nakikinig ng fairytale sa kaniya. Marami na akong nabasa tungkol sa iba ibang nilalang ganun na rin sa mga dyosa ang iba ay tama samantalang ang iba naman ay hindi. May nabasa akong maaaring makababa ang dyosa sa lupa at magkaroon ng kapareha pero sa mundong ito ay hindi pwedeng bumaba ang dyosa. Kung ganun kontento na silang magbantay
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you