Pagkatapos ng pangyayaring iyun ay nanatili na ako dito at halos hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko sa tuwing titigan ko sila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na ang mga magulang ko. Hindi ko rin naman mapigilang hindi mamiss si Lola o si Clayton. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa isipin.
Akala ko kapatid ko rin si Lucas pero hindi pala, hindi ko alam ang buong kwento kung paanong napunta sa kanila si Lucas pero ang alam ko lang, baby pa lang siya ng mapunta na siya sa kanila kaya sila Ama at Ina na ang itinuring niyang mga magulang. Alam niya rin pala ang tungkol dun, na hindi niya tunay na mga magulang ang mga magulang ko. Alam ko na rin ang tungkol sa sinabi ni Lucas dati na kung bakit gabi gabi ay umaalis sila Ama at Ina dahil may hinahanap sila na maaaring makatulong sa akin.“Kamusta na pakiramdam mo?” napalingon ako kay Lucas na kakaupo lang sa tabi ko.“Okay naman na.”Nagsimula na kaming kumain ng dumating na si Ama at si Lucas. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil kasama ko na sila ngayon, kasabay ko na ring kumakain. Ano kayang pakiramdam na maging magulang sila? Kung si Lucas naging masaya at naging kontento malamang maganda ang naging trato sa kaniya kahit na hindi siya tunay na anak.Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.Pagkatapos namin ay nakita kong naggayak na si Ama at inaayos ang pana at palaso niya ganun na rin si Ina na isinuot na ang mahaba niyang hoodie. Pinanuod ko lang silang dalawa sa ginagawa nila dahil wala naman akong dadalhin kundi ang sarili ko lang.“Anak isuot mo ito.” abot niya sa akin ng isang itim din na hoodie katulad ng kaniya.“Talagang gusto mong itulad sayo ha?” natatawang wika ni Ama.“Like mother like daughter kaya huwag kang epal diyan Dawn. Kung mas nangingibabaw ang dugo niya bilang bampira tanggapin mo yun at kung
“Ang ibig mo bang sabihin ay ikinasal ka kay Daryll?” tumango naman ako sa tanong ni Ina. Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo na tila ba sumakit ito. “Damn him! Wala na talaga siyang puso at idinamay ka pa? Wala na siyang tinitingala kundi ang sarili niya lang .” bakas ang galit sa tinig ni Ina, pansin ko rin ang pagkuyom ng mga kamao niya, ang pagguhit ng kulay pula sa kaniyang mga mata.“How’s Clayton?” pag-iibang tanong ni Ama.“I don’t know if he’s still okay po, huli ko siyang iniwan sa gubat noong tinangka akong patayin ng ibang nilalang. I don’t know what kind of creatures they are, alam kong alam niya na mali ang ginawa niyang pagpapatakas sa akin pero ginawa niya pa rin.” Bumuntong hininga naman si Ama. Napatingin na lang ako kay Ina ng hawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyun.“I’m sorry, hindi mo dapat ito nararanasan pero wala kaming magawa. Ku
“Who do you think you are? Kahit sino ka pa wala kang karapatan para basahin ang isip ko.” inis kong saad sa kaniya, private ko na iyun pero binabasa pa rin niya. Nawala naman ang liwanag ng mukha niya at yumuko.“Ipagpaumanhin niyo po ang aking kapangahasan Kamahalan.” Naguilty naman ako sa sinabi ko, bumuntong hininga na lamang ako. Simula noong mangyari ang lahat nagiging mababa na ang pasensya ko at madalas ng magalit.“Pasensya na po kayo sa naging asal ko, hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako. Nagiging mainitin ang ulo.“Normal lamang iyan dahil epekto ng kapangyarihan mo, naoobserbahan mo naman siguro na walang kinikilala ang kapangyarihan mo kapag nagigising siya sa katawan mo.”“Hindi po ba maaaring makapasok ang mga magulang ko? Baka kasi nag-aalala na sila sa akin eh. Kanina pa sila diyan.” Binaling ko ang paningin ko sa mga magulang kong patuloy pa rin ang pa
Napayuko na lamang ako habang habol ko ang hininga ko. Halos mabasa na rin ang damit ko dahil sa pawis kahit na hindi naman mainit dito.“Hindi ba pwedeng magpahinga na muna ako!” sigaw ko kay Venus na hindi ko nanaman makita kung nasaan siya.“Paano mo makokontrol ang kapangyarihan mo kung puro pahinga ang nasa isip mo!” galit niyang sigaw sa akin, damn it! Muli akong humugot ng malalim na hininga saka inilinga ang paningin ko sa paligid at hinanap siya. Hindi ko siya makita at mabilis ang kilos niya.“AHH!” daing ko ng muli niya akong ihagis sa isang puno, ramdam ko ang sakit sa katawan ko pero muli akong tumayo.“Gamitin mo ang kapangyarihan mo at pakiramdaman mo kung nasaan ako?!” malakas niyang sigaw, sinubukan kong gawin ang sinasabi niya subalit masyado ng pagod ang katawan ko at hindi ko na maituon ang atensyon ko sa kaniya. Pinakiramdaman ko siya subalit wala pa ring
“Pwede bang maligo dito?”“Oo naman po, lahat ng makita mo dito ay pagmamay-ari mo ayun sa dyosa.”“Nakita mo na ba ang dyosa?” kuryoso kong tanong sa kaniya.“Hindi po, wala pang nakakakita sa kaniya dahil sa buwan siya nakatira at hindi maaaring makababa sa lupa.”“Bakit naman hindi siya makakababa sa lupa?”“Dahil iba po ang hangin dun sa hangin dito, maaari po kasing manghina ang puso nila kapag bumaba sila sa lupa. Siguro po makakababa sila pero hindi pwedeng magtagal.” Napatango tango na lamang ako, para akong nakikinig ng fairytale sa kaniya. Marami na akong nabasa tungkol sa iba ibang nilalang ganun na rin sa mga dyosa ang iba ay tama samantalang ang iba naman ay hindi. May nabasa akong maaaring makababa ang dyosa sa lupa at magkaroon ng kapareha pero sa mundong ito ay hindi pwedeng bumaba ang dyosa. Kung ganun kontento na silang magbantay
Halos mabingi ako sa sinabi ni Venus sa akin, n-nagtataksil ang kapareha ko? Pero paanong nangyaring nakilala ko na siya? Ano ba ang basehan kung nakilala ko na ang kapareha ko? halos mabaliw ako sa kakaisip kung sino nga ba ang kapareha ko at kung bakit nagagawa niyang magtaksil sa akin, alam niya na kaya na ako ang kapareha niya? pero bakit nagagawa niya sa akin ito? kung alam na ng buong nilalang ang pwedeng mangyari sa mga kapareha nila kapag nagtataksil sila bakit ginagawa pa rin nila? Hindi ko alam na uso rin pala ang pagtataksil sa mundong ito, hindi ba sila makapaghintay para sa mga nakalaan sa kanila? hindi ko maiwasang hindi umiyak sa tuwing naaalala kong matagal na siyang nagtataksil sa akin. Akala ko kung ano lang ang pananakit ng dibdib ko kaya pala nagiging emosyonal din ako. Hinayaan na muna ako ni Venus na mapag-isa at makapag-isip, hindi pa lang kita nakikilala o nakikita pero alam ko ng kaya mo akong pagtaksilan.Napabuntong hininga na lamang ako at na
***Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng katawan ko, hindi ko alam kung saan, hindi ko maintindihan.“AHHH!” malakas kong daing, napabangon na lang ako sa higaan ko. Narinig ko ang paglipad ng mga ibon na nakadapo sa mga puno. Halos gumapang ako sa lupa sa tindi ng sakit ng katawan ko, pakiramdam ko humahapdi ang mga balat ko pero hindi ako sigurado dahil kapag hinahawakan ko iyun ay wala naman akong maramdaman. Napakalmot na lang ako sa damuhan dahil mas lalo iyung tumitindi, napahiga ako at napatingala sa buwan na bilog na bilog sa kalangitan at tila kalalabas lang nun sa mga ulap. Napatingin ako sa mga kuko ko ng unti unti iyung humaba at tumulis. Anong nangyayari? Lumabas na ang pangil at mahahaba kong kuko bilang bampira pero yung nakikita ko ngayon ay hindi kuko ng isang bampira, para itong kuko ng isang hayop.“AHHH!” muli kong daing, napaluhod na ako sa damuhan, pakiramdam ko kapag tumatama sa akin ang
Halos manlabo na rin ang mga mata ko dahil sa pagbuhos ng mga luha ko. Tanging naririnig ko na lang ay paglipad ng mga ibon sa himpapawid dahil sa malakas kong sigaw. Muli kong tinapik ang pisngi ni Clayton at nagbabakasakaling imulat niya ang mga mata niya. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko ng unti unti ng naglaho sa tabi ko si Clayton. Napatingala na lamang ako ng makita ko si Venus, nanlilisik ang mga mata ko sa kaniya. Nasaan siya noong kailangan ko siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.“You failed.” Usal niya. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin, ang alam ko lang galit ako pero hindi ko siya kayang saktan. Wala siyang kasalanan at ayaw kong ilipat sa kaniya ang galit ko. “You failed, Amara.” Muli niyang saad. Nakatingala lang ako sa kaniya habang seryoso siyang nakatingin sa akin. “Sinabi ko sayong sasanayin natin ang isip at nararamdaman mo, ngayon alam mo na kung anong mangyayari sayo.” unti unting nan