All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 881 - Chapter 890

1942 Chapters

Kabanata 881

Matapos mabugbog ng ilang sandali, sa wakas ay naunawaan ni Carol ang kanyang sitwasyon.At kaya naman, hindi na siya gumawa ng anumang ingay o magdulot ng anumang kaguluhan.Natatakot siyang baka mapatay siya ni Seamus kapag bigla itong nagalit.Gayunpaman, gusto niya talagang patayin ang lalaking iyon ngayon.“Owen, nagkamali ako. Alam kong nagkamali ako. Hindi ko alam na may makapangyarihang tao pala na nagngangalang Alex.”“Hmph!”Malamig na bumuntong-hininga si Seamus. “Buti naman alam mo. Alam mo ba kung gaano karaming pagkalugi ang natamo ko dahil doon? Kahit na ibenta mo ang buong Rockefeller Group, hindi mo ako mababayaran! At saka, alam mo ba kung bakit kita sinama? Iyon ay para iligtas ka. Isipin mo, kung mahulog ka sa kamay ng mga taong iyon, anong mangyayari sa’yo? Alam nila na ikaw ang nagpa-kidnap kay Brittany.”Naisip ni Carol kung saan humantong si Spark, at agad siyang kinilabutan nang marinig ang mga sinabi ng lalaki.Hindi malambot ang puso ni Alex.Naglakas-loob it
Read more

Kabanata 882

Agad namang tumalon si Carol. “Anong ibig mong sabihin? Owen, bakit ba ako nandito?”Naramdaman ang matandang Quinn na kakaiba ito at tinanong, “Kapatid, hindi mo ba sinabi sa kanya?”Tinapik ni Seamus ang sarili niyang ulo at sinabing, “Ay, kasalanan ko, malamang nakalimutan ko! Carol Rockefeller, sinasabi ko sa’yo, ito lang ang pagkakataon mo. Pagsilbihan mong mabuti si Doctor Quinn dito ngayon. Kapag nagawa mo, wala nang magiging problema ang Foundation Building mo!”“Ano?” Hindi makapaniwala si Carol sa kanyang narinig.Gusto talaga ni Seamus na pagsilbihan niya ang kaawa-awang matandang ito. Napakabalbon nito, at tingnan pa lang ito, gusto na niyang sumuka. Paglilingkuran ang lalaking ito... Gaano kadiri iyon?“Hindi, ayoko. Ayoko nang mag-Foundation Building,” agad niyang pagtanggi.Kung pumayag siya, buong buhay siyang babangungutin.Pak!Dahil dito, binigyan siya ni Seamus ng walang awang sampal.“Huwag kang masyadong walanghiya, gaga! Ang paglingkuran si Doctor Quinn, ang mira
Read more

Kabanata 883

Parehong tumingin sina Noah at Mariah kay Alex, puno ng pag-aalala ang mga mukha nila.Mukhang maiiyak na sila.Dinukot ng halimaw na iyon ang kanilang panganay, at ngayon, hindi na nila matiyak kung buhay pa ba ito o hindi. Yumayanig ang kanilang mga puso kapag iniisip ang kahabag-habag na kalagayan ng kanilang bunso. Kung... kung hindi maililigtas ang mga binti nito, at tuluyang mawawalan ng mga paa, paano pa ito mabubuhay?Tumango ang doktor. “Naging maayos ang operasyon, at nailigtas namin ang magkabilang binti niya.”Nang marinig ito ng mag-asawa, agad silang napaiyak.Gayunpaman, sinabi ng doktor, “Ngunit ang mga binti ng pasyente ay malubhang nasugatan. Ang kanyang mga meridian, mga daluyan ng dugo, at mga ugat ay lubhang napinsala, at maaaring hindi na siya komportable na makapaglakad sa hinaharap.”Nataranta si Mariah nang marinig iyon at sinabing, “Doktor, sinasabi mo bang magiging lumpo ang anak ko?”Napabuntong-hininga ang doktor. “Posibleng uupo na lang siya sa wheelchair
Read more

Kabanata 884

Bukas, magsu-shooting siya ng commercial para sa Lush Scar Removal Cream kasama ang dating direktor.Sinabi ni Brittany kay Alex, “Kanina lang tinawagan ko si Hailey, at maglilibot ako para tingnan ang sitwasyon sa City Salon at Belle Blossom. Mas magiging malinaw kung personal akong makakatanggap ng feedback mula sa mga mamimili. Gusto mo bang sumama?”Umiling si Alex. “Parlor ng mga babae... mas maganda kung hindi ako madalas magpakita. Pwede kang magpasama kay Maya!”“Ikaw ang bahala!”Sabi ni Holly, “Sasama ako kay kuya.”Napangiti si Brittany. “Sige!”Sa ngayon, medyo solid na ang kakayahan sa martial arts nina Brittany at Maya.Maging ang mga taong iyon mula sa Gokudo Soshiki ay kakailanganing mag-isip nang dalawang beses. Hindi magiging ganoon kadali para sa kanila ang gumawa ng anumang bagay, kaya panatag si Alex.Lalo na si Maya—napakabilis ng pag-unlad ng antas ng cultivation nito, bagay na hindi inaasahan ni Alex.Kung hindi siya nagkakamali, nasa ranggong Earth Expert na si
Read more

Kabanata 885

Natapos yung tawag kasama si Cheryl, at napagkasunduan nilang magkita sa restaurant na tinatawag na Stylish Steakhouse sa tabi ng Willow Lake.Nauusisa si Alex—sino itong kaibigan ni Cheryl na gustong makilala siya?Naisip niyang baka boyfriend iyon ni Cheryl, ngunit ngayong sinabi niyang babae ito, wala na talaga siyang maisip.At hinding-hindi sumagi sa utak niya na ang kaibigang binanggit ni Cheryl ay ang doktor pala na nakaaway niya dalawang araw na ang nakararaan sa Michigan State Hospital, ang babaeng naipitan ng mataas na takong sa takip ng manhole. Kung alam lang ni Alex, hindi sana siya pumayag na makipagkita sa kanya... Sa kakaunting libreng oras na meron siya, mas mabuting magputol na lang siya ng mga kuko sa paa sa bahay.“Holly, may kikitain ako. Gusto mo bang sumama sa akin?” tanong ni Alex kay Holly.“May susunduin ka bang babae?” Dinilat ni Holly ang kanyang mga mata, bakas sa mukha niya ang masamang tingin.“Hindi, mali ang pagkakaintindi mo!”“Hindi, ayoko sumama! Ayo
Read more

Kabanata 886

Ang unang pumasok sa isip niya ay hindi gurang yung lalaki.Ang pangalawa ay matangkad, gwapo, at medyo kakaiba ang pag-uugali.Pangatlo, p*ta, bakit yung gagong ‘to pa? Isang partikular na hindi kwalipikado, nakakainis na gago.Siya ba talaga ang sikretong crush ni Cheryl?Natigilan si Phoebe habang nakatitig kay Alex na naglalakad.Nagulat din si Alex, hindi niya inaasahang makikita niya muli ang galing-na-galing-sa-sarili at mahalay na babaeng iyon sa pagkakataong ito.Nang makita ang titig nito, na mukhang lalamon siya ng tao, hindi nagpatinag si Alex at sinalubong ito ng diretso.‘Hmph. Loko ka ha, makipagtitigan ba naman sa akin? Malakas ang mental power ko, at kaya kitang paatrasin.’Nagkatinginan ang dalawa, kasing talas ng mga kutsilyo ang mga titig nila.Medyo nagulat si Cheryl at nagtanong, “Magkakilala ba kayong dalawa?”“Hinde!”Sabay silang sumagot, umiling, at sabay na umiwas ng tingin.Palihim na nagngangalit si Phoebe at sinabing, “Cheryl, napakatalino at natatangi ang
Read more

Kabanata 887

Napatulala si Phoebe.Hindi, yung inumin kasi.Nasa buhok, mukha, at kung saan-saan.Ang pangunahing punto dito ay merong pulp sa inuming iyon. Kalimutan mo na ang mukha niya. Basang-basa na rin ang kanyang puting dress at naging translucent iyon dahil sa likido.At kitang-kita rin ang kanyang itim at masikip na bra.Napatingin si Alex.Wow, ang ganda!Mukhang hindi ito bababa sa C o D cup, tama ba?Hindi niya maiwasang magnakaw pa ng ilang sulyap.“Oh, paano nangyari ito?”Walang sinabi si Phoebe, na para bang bigla siyang naging pipi. Mabilis na tumayo si Cheryl at inabot ang kahon ng tissue sa mesa.Napatayo rin si Alex sa pagkakataong ito. “Pasensya na, pasensya talaga. Pero hindi ka kasi nag-iingat. Bakit mo nabitawan yung tasa? Masyado kasing biglaan, kaya hindi ko nasalo. Ayan tuloy…”Pagkatapos, nagmamadali niyang iniunat ang kanyang kamay, hinahagod ang mukha ni Phoebe.Isang malaking kamay diretso sa mukha nito, hagod, hagod.Natigilan si Cheryl. Nanigas ang kamay niya habang
Read more

Kabanata 888

Ang taong iyon ay ang dating panatikong manliligaw ni Cheryl, at meron siyang pambihirang mga talento. Anak siya ng isang tyrant sa Michigan, at nagpunta siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pagkatapos ng graduation. Sa pagbabalik kamakailan, ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay nalaman niya na ang lalaking ito ay nasa California mula nitong mga nakaraang araw.‘Heh heh, siguradong sinungaling ang Alex na iyan. Mapaghiganti at mababaw rin siyang tao .‘Pag sila talaga ni Cheryl ang magkakatuluyan, magiging miserable ang hinaharap ni Cheryl.‘Bagaman galit din ako kay Colby, ang pagsasangkot sa kanya at pakikialam niya sa sitwasyong ito ay maaaring magkaroon ng hindi inaasahang resulta.’At kaya, pagkatapos niyang linisin ang gulo sa kanyang mukha at maglagay ng bagong layer ng makeup, humiram din siya ng pamaypay para patuyuin ang basang dress niya. Nagdahilan si Phoebe na kailangan niyang gamitin ang banyo at ginamit ang oras na iyon para magpadala ng mensahe
Read more

Kabanata 889

Whoosh!Ang mataas na takong na sinipa mula sa paa ni Phoebe ay lumipad nang mataas bago tuluyang bumagsak sa steak ng iba na kakahain pa lang.Tumalsik mula sa plato ang Australian steak, pumapalit ang sapatos sa pwesto nito, dahilan para sumirit ito nang malakas sa mainit na plato.Isang inihaw na leather na sapatos, tostado.Sa kabutihang palad, kahahain pa lang nung steak, at naiwasan ng customer na matalsikan ng mainit na mantika. Kung hindi, tiyak na mapapaso sila nito.Gayunpaman, nadungisan pa rin ang damit ng babae.Galit na galit, sumigaw siya, “Sino iyon?! Kaninong sapatos yung nahulog sa steak ko? Bilisan at umamin ka na! Wala ka bang magandang-asal?!”Natigilan ang lahat ng naroroon!Agad na sumugod ang staff ng steakhouse at tumingin sa paligid, at nalaman na ang nakatayo lang ay si Alex.Gayunpaman…Malinaw na pag-aari ng isang babae ang sapatos na tumilapon.Natigilan din si Cheryl, at hindi niya alam ang gagawin.Para naman kay Phoebe, nakahawak siya sa kanyang mga paa
Read more

Kabanata 890

Isang saloobin lang ang natitira sa kanyang isipan, ‘Pangalawang beses na ‘to! Panagalawang beses na hinagis ng g*gong ‘to yung sapatos ko! Nakakainis siya!’Paniguradong hindi na muli puwedeng suotin ang sapatos.Bahagyang nakaramdam ng pagkailang si Cheryl at sinubukang pakalmahin ang dalawa.Nang makita ang namumula at namamagang bukung-bukong ni Phoebe, maliwanag na malakas ang pagkakasipa sa kanya ni Alex. Dahil alam niyang may kakaibang paraan ng pagpapagaling si Alex para sa mga pinsalang tulad nito, sinabi niya, “Alex, medyo masakit ang binti ni Phoebe. Makakaapekto ito sa kanyang pakikilahok sa Triangle River Delta Medical Exchange Conference sa susunod na araw kinabukasan.”“Anong conference iyon?”“Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit kita inimbitahang kumain ngayong gabi.”Inilibot ni Phoebe ang kanyang mga mata, iniisip kung gaano sila kasaya nag-uusap tungkol sa lahat kanina at hindi siya pinapansin, ngunit wala pa silang nababanggit ni isang bagay tungkol sa pinakamah
Read more
PREV
1
...
8788899091
...
195
DMCA.com Protection Status