All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 901 - Chapter 910

1942 Chapters

Kabanata 901

“Ah!”Humubog ang letrang “o” sa mapulang bibig habang ilang beses siyang napapikit. “Sa’tin ang lugar na ito?”Walang imik na tumango si Alex. “Headquarters natin ‘to at si Waltz ang pinakamakapangyarihang babaeng CEO dito.”Siyempre, alam ni Holy kung sino si Waltz.Nang marinig niya ito, napakamot siya ng ulo. “Hala, teritoryo pala ‘to ni Ate Waltz! Tapos… tapos ano…”Tinuro niya si Azure. “Isa lamang itong hindi pagkakaunawaan. Tapusin na natin ang labanang ito dito. Dahil mga tauhan kayo ni Ate Waltz, kung gayon, karapat-dapat pala ang titulo ninyong hari ng Underworld sa California. Kung tutuusin nga naman, nasa likod rin naman kami ni Ate Waltz. Hahaha!”Sa sandaling ito, nakahinga ng maluwag ang lahat sa Thousand Miles Conglomerate.Ayos lang kahit ano basta tumigil sila sa pag-aaway.Bubugbugin sila hanggang kamatayan kung magpapatuloy ang laban.Napasulyap si Alex kay Azure at nakita niyang natanggal ang isa nitong ngipin sa harapan. Hindi kataka-taka na nagkaroon ito ng pala
Read more

Kabanata 902

Naiilang niyang sinabi, “Mr. Rockefeller, pwede bang... pwede bang huwag na nating pag-usapan ‘to?”Umiling si Alex at sinabing, “Hindi, kailangan nating linawin ang bagay na ito.”Balisang-balisa si Azure. “Mr. Rockefeller, siguradong napagod ka sa biyahe mo papunta dito. Bakit hindi ka pumasok at maupo sa loob, mag-usap tayo nang pribado.”“Ayos lang. Gabi na, aalis na ako pagkatapos kong sabihin ‘yon.”“...”“Nasaan na nga ulit ako?”Magiliw na paalala ni Holly sa kanya. “Kasasabi mo lang ngayon na may renal deficiency siya.”Hindi nakaimik si Azure. ‘Sinasadya ninyo ba ‘to? May dignidad pa rin yung mga may renal deficiency, hello!’Tumango si Alex. “Ay oo, renal deficiency yung pinag-uusapan natin. Grabe ang renal deficiency mo pero buti na lang virgin ka pa. Kung hindi, maaaring mas lumala pa yung kalagayan mo. Maliit na bagay pa lang yung hindi tinitigasan.”Parang gusto nang mamatay ni Azure!Siguradong hindi na siya makakahanap ng mapapangasawa sa hinaharap.Gayunpaman, biglang
Read more

Kabanata 903

Napatulala si Waltz.Masyadong malaki ang dami ng impormasyon at nahirapan siyang intindihin iyon. Pagkaraan ng ilang sandali, saka lang siya malumanay na nagtanong, “Paano mo nalaman ang lahat ng ito? Nakumpirma mo na ba? Baboy pa nga…”Sumagot si Alex, “Dati, nagpahayag si John Rockefeller ng piraso ng impormasyon. Nang ampunin ng mga Rockefeller ang aking ama noong sanggol pa siya, binigyan pa sila ng taong iyon ng pera at jade pendant. At, nakalagay sa loob ng banga yung jade pendant. Nang ilabas ko iyon, napansin kong may mali sa mga abo.”Pagkatapos, sinabi ni Alex kay Waltz ang impormasyong natuklasan niya sa panahong ito nang hindi nagpipigil.Hindi kumportable para sa kanya na panatilihin ang sikretong ito sa kanyang isipan.Hindi rin naman niya ito puwedeng sabihin sa kanyang ina.Naisip niya na si Waltz ang tamang tao para pagsabihan nito.Sinabi ni Waltz, “Bale isang Grandmaster yung tatay mo pero kinailangan niyang pekein ang kanyang sariling kamatayan upang makatakas para
Read more

Kabanata 904

Ano bang ibig sabihin ng ginawa ng isang tao ang kanyang buong makakaya sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapangyarihan ng mundo sa kanyang mga kamay habang siya ay gising, para makahiga siya sa kandungan ng dilag kapag lasing na siya?Hindi alak ang nagpapalasing sa mga lalaki, bagkus ay pinili nilang maging barik.Kagigising lang ni Alex pero parang nakatulog na naman siya.“Kumain ka na ba ng almusal?” mahinang tanong ni Waltz habang masinsinang nililinis ang tenga nito at bumuga pa ng hangin sa tenga nito.“Hindi pa.”“Anong gusto mong kainin? Ipaghahanda kita ng almusal mamaya.”Huminga ng malalim si Alex at bumulong, “Seafood, seafood pasta.”Pak!Bilang resulta, hinampas siya sa ulo.Bahagyang umungol si Waltz. “Huwag mong isipin na hindi ko alam iyang iniisip mo.”Pagkatapos ng maikling sandali, nagpatuloy siya, “Kinontak ako ng pinakamayaman sa West California, si Frederick Duncan. Sinabi niya na ang headquarters ng SCBA ay unang matatagpuan sa Michigan ngunit kamakailan lama
Read more

Kabanata 905

“Haha!” Natawa si Alex sa narinig. Nang marinig niya ang tungkol sa kakaibang kondisyon, nalaman niya kaagad kung sino ang tinutukoy ni Wallace.Hindi niya akalain na kakilala pa rin ni Wallace ang mga Coleman ng Missouri.Matapos marinig na tumawa si Alex, agad na sinabi ni Wallace, “Sir, hindi ako nagbibiro. Totoo talaga. Nakita ng mga sarili kong mga mata na kumakain siya ng putik. Talagang kakaiba ito, halos buong buhay ko nang pinag-aaralan ang medisina at nakita ko na ang ng lahat ng klase ng kakaibang mga kondisyon, pero hindi pa ako nakakakita ng taong kumakain ng putik bawat oras.”Nakangiting sabi ni Alex, “Kung gayon, wala ba siyang malay kapag kumakain siya ng putik pero babalik siya sa normal pagkatapos kumain, at pagkaraan ng sampung minuto ay labis siyang magsisisi at susuka?”Tuwang-tuwa si Wallace. “Sir, ang galing mo! Malinaw na pamilyar ka sa kakaibang sakit na ito, na parang nakita na ng mga sariling mong mga mata. Talagang humahanga ako.”Sagot ni Alex, “Hindi mo n
Read more

Kabanata 906

Napatulala si Abel.Hindi niya akalain na ang pinakamahusay na imperyal na doktor sa Amerika ay talagang magsasabi ng ganoong kalokohan.Hindi niya maiwasang pagalitan ito sa kanyang isipan, ‘Bwiset, anong problema ng pinakamahusay na imperyal na doktor sa America? Kalokohan! Ni hindi mo mapagaling ang maliit na karamdaman ng anak ko, pero nangangahas ka pa ring tawagin ang iyong sarili na pinakamahusay na imperyal na doktor? Mas bagay na doctor quack-quack ang itawag sa’yo.’Kaya lang hindi siya naglakas-loob na sabihin iyon.O kung hindi, tuluyan na niyang mababastos si Wallace.Sabi ni Wallace, “Hindi pa ako nakakakita ng ganitong kundisyon pero sinabi ng senior ko na sakit daw ito ng katawan. Nangangamba akong dahil ito sa mental at spiritual na aspeto. Sa madaling salita, sakit ito sa pag-iisip! Sa kasamaang palad, hindi ako magaling sa paggamot sa sakit sa isip. Sa tingin ko, mas nararapat na ipadala siya sa mental hospital. Paumanhin, wala akong magagawa tungkol dito. Masyado ak
Read more

Kabanata 907

“Walang kwentang manugang?”Natigilan ang ilan sa mga Coleman. Inaalala nila ang kasal ni Zendaya sa tahanan ng mga Stoermer sa Michigan noong araw na iyon, kung saan tumawag ng milyun-milyong kidlat si Alex gamit ang kamay at may kakayahan na pumatay ng tao, na parang isa siyang diyos na bumaba mula sa Langit.Paano maitutumbas ang gayong eksistensya sa tatlong salitang “walang kwentang manugang”?Pak!Naghagis ng dokumento ang dakilang elder sa harap nila. “Tingnan ninyo pa.”Lahat ng impormasyon ni Alex ay nakasaad doon.Ang manugang ng mga Assex.Ang inabandunang anak ng mga Rockefeller.Isang walang kwentang basura na hindi man lang makatabi ang asawa sa pagtulog.Kamakailan, pinalayas siya ng kanyang biyenan sa bahay nila at pinilit siyang makipagdiborsiyo.Nagpabago sa pananaw ng karamihan ang bawat impormasyon tungkol dito. Bilang maharlika, lahat sa pamilyang Coleman ay superior. Kahit na sila ay mga tagapaglingkod ng mga Coleman, hindi posibleng bumagsak sila sa ganoong kalag
Read more

Kabanata 908

Tumango si Alex. Itinuturing na ang resultang ito ay nauwi sa kasiyahan at pagkakuntento ng lahat.May pumasok habang kumakain sila.Matapos tingnan, nagulat si Hailey. Si Dorothy pala iyon.Kumunot ang noo niya dahil hindi niya gusto ang babaeng ito.Gayunpaman, nagsimula siyang ngumiti pagkatapos. Sabi niya, “Matagal-tagal na rin, Miss Assex! Mukhang mas masigla ka na pagkatapos ng diborsyo! Nakahanap ka na ba ng iba? Bakit ka bumisita sa bahay ng dati mong asawa? Pero mukhang hindi ka namin malugod na tinatanggap dito. Maganda sana kung makikita ka, ang dating asawa, ng hipag ko na nakikipagharutan ka sa dati mong asawa. Ano sa tingin mo?”Malamig na sinulyapan ni Dorothy si Hailey.Biglang naramdaman ni Hailey ang panlalamig sa buong katawan niya.Kaya lalo niya itong kinainisan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Paano ka nakapasok?”Sabi ni Dorothy, “Tanungin mo siya. Dati niya ba akong asawa?”Sa sandaling iyon, nagalit si Hailey. “Naghiwalay na kayong dalawa. Sino ka sa tingin mo kung
Read more

Kabanata 909

Isa itong mangkok ng espirituwal na kanin!Bahagyang nagulat si Alex. Inaalala ang mga butil na itinanim sa paso ng bulaklak noong panahong iyon, nakita niya itong umusbong ngunit pakiramdam niya ay medyo mabagal ang paglaki. Basta, mas mabagal ang pagtubo nito kaysa sa paglago ng frsoty octagon na bulaklak.Namumulaklak ang frosty octagon na bulaklak sa loob ng isang gabi.Isang linggong itinanim ang palay bago tumubo ang unang butil.Sa kanyang sorpresa, talagang nakapagpatubo ng napakaraming espirituwal na butil pagkatapos niyang hayaan si Dorothy na iuwi iyon para sa paglilinang.Talagang espiritwal na butil ito.Higit pa rito, batay sa memorya na minana mula sa Ultimate Book of Medicine, ang espirituwal na butil na ito ay hindi mababang kalidad: ito ay ang espirituwal na butil ng tatlong kapighatian. Anong ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang ganitong uri ng espirituwal na butil ay nagtipon ng kakanyahan ng langit at lupa pati na rin ang suwerte ng mortal na kaharian. Hin
Read more

Kabanata 910

Sa sandaling ito, nasimot na ang espirituwal na kapangyarihan.Tinitigan niya ang kanyang upper energy core gamit ang panloob na paningin upang suriin ang kondisyon ng butil. Pagkatapos, napagtanto niya na tila nabawasan ng kaunti ang mga nagsasalubong na bitak sa butil. Dati, kitang-kita niya na orihinal na merong napakalaking bitak na may hugis ng numerong “2” sa gitna ng butil. Gayunpaman, ngayon ang bitak ay naging mas maliit at mas mababaw.Parang nalilito siya. ‘Sirang butil lang ‘to, pero maaari itong magkaroon ng mala-himalang kakayahan. Ano kaya ang mangyayari kung ganap itong maaayos?’Nagsimula siyang umasa dito ng kaunti.Kung lagi siyang makakain ng ganitong uri ng espirituwal na bigas, mas mabilis na dapat itong maaayos!Nang imulat niya ang kanyang mga mata, napagtanto niyang nailigpit na ang mga plato sa mesa.Humiga si Dorothy sa sofa sa sala at nakatulog.Lumapit si Alex sa kanya. Pagtingin sa malarosas nitong mga labi, tahimik niya itong hinalikan.Nagising si Doroth
Read more
PREV
1
...
8990919293
...
195
DMCA.com Protection Status