All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 921 - Chapter 930

1942 Chapters

Kabanata 921

“Lolo, ano pong meron? Bakit kayo galit na galit?” Tanong ni Cheryl habang nakahawak sa mga braso ni James. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, palaging magiliw ang kanyang lolo. Hindi pa ito nakikipagtalo kahit kanino. Ito ang unang pagkakataong nakita niya itong namumula ang mukha at nakikipagtalo sa isang tulad nito, parang gusto pa ngang magsimula ng away.Medyo nabigla agad si Cheryl dito habang inaalalang muntikan nang matigok dati si James.Hindi siya dapat magalit sa ganoong edad, baka may mangyaring masama sa kanya.Nagsimulang pagpawisan ang noo ni James dahil sa galit. Magsasalita pa sana siya pagkatapos niyang makita ang apo, bigla niyang napansin na nasa tabi niya rin si Alex. Agad na lumuwag ang kanyang ekspresyon, sinabi niya na may labis na magiliw na ngiti, “Alex, nandito ka rin pala! Ayos talaga ito, isang karangalan!”Nang marinig ito, nagulat si Phoebe, hindi siya makapaniwala dito.Kanina lang, sinabi sa kanya ni Cheryl na mataas ang pagpapahalaga ng kanyang lolo
Read more

Kabanata 922

Galit na galit ang matandang babae. Tinuro niya si Darven at sinabing, “May mas iwawalanghiya ka pa ba, tanda? Hindi ka ba marunong rumespeto sa mga master mo? Kahit isang araw lang mo pa siyang magiging guro, dapat mo pa rin siyang ituring na parang ama mo sa buong buhay. Tinuruan at tinulungan ka ng iyong master na makatapos ng iyong pag-aaral, pero kinalimutan mo siya. Hindi ka man lang bumalik para dumalo sa libing ng master mo pagkamatay niya. Ikaw na walang utang na loob na bastos, gusto mo pang kunin ang marka ng iyong master. Saan nanggagaling yung kumpiyansa mo? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para gawin ito?”Tumango lang si Darven sa matandang babae, sa kabila ng pagtatanong nito. “Wala ka na doon, okay? Manang, huwag ka nang makisawsaw dito. Mag-ingat ka, baka bigla ka pang mamatay!”“Anong sinabi mo?” Sa sobrang galit ng matandang babae ay malapit na siyang sumabog doon.Isa siyang sikat na tradisyonal na doktor. Isa siyang taong karaniwang may birtud at prestihiyo. Kailan
Read more

Kabanata 923

Agad na kumonekta ang tawag.Agad na binuksan ni Alex ang speaker at tinanong, “Azure, anong sitwasyon ngayon? Nandiyan pa rin ba si Matthew Mikhail?”Narinig ang boses ni Azure. “Halos tapos na kaming mag-asikaso, Mr. Rockefeller. Dumaan na kami sa mga pormalidad, kaya wala nang kinalaman sa hotel ngayon ang lokong iyon. Sinabihan ko na siyang bantayan ang parking lot, binabantayan din siya ng dalawa kong tauhan mula sa Thousand Miles. Sisiguraduhin naming maiintindihan niya yung trabaho sa lalong madaling panahon.”“Naku, napakahusay mo!”“Mr. Rockefeller, sa’yo na ang Global Traders Hotel mula ngayon.” Nakangiting sabi ni Azure sa kabilang linya.Hindi rin niya akalain na ang babaeng nakasabay sa paglalakad ni Alex ay ang first daughter ng mahistrado sa Michigan.Noong una, medyo mahirap bumili ng ganoon kalaking Global Traders Hotel gamit lang ang sigarilyo na dumedepende sa unilateral strength ng Thousand Miles Conglomerate. Gayunpaman, sa pamamagitan ng malaking tulong mula kay P
Read more

Kabanata 924

Nagalit si James at napasigaw, “Darven Mikail, ang kapal ng mukha mo. Ikaw pala talaga ang nagnakaw ng Heaven Defying Dragon Bone Needles noon. Loko ka, bakit mo pinagtaksilan ang akademya natin? Paano mo nagawang ipinagkanulo si Master?”Kaswal na ngumiti si Darven. “Tsk, nagnakaw? Huwag mong gamitin ang pangit na salitang iyan, hiniram ko lang ito kay Master. Nangako siya na ipapahiram niya ito sa akin sa loob ng isang daang taon.”Sumigaw si James, “Kag*guhan! Noon, wala kay Master ang Heaven Defying Dragon Bone Needles na kinailangan niyang gamitin para sa asawa niyang may malubhang karamdaman, dahil lang sa ninakaw mo ang mga ito. Namatay siya at dinanas ni Master ang panghihinayang at poot sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Hayup ka! Nararapat sa’yong mamatay!”Sa oras na ito, masasabi na ng lahat kung anong klaseng tao si Darven.Bawat isa sa kanila ay nagsenyas at nagtsitsismisan tungkol sa kanya na may mapanlilibak na mga titig.Sa kabilang banda, puno ng tuwa ang mga mata
Read more

Kabanata 925

“Hah? Ano ang mga ito?”“Hindi naman siguro basta-bastang babasagin iyan, ano? Dalawang dolyares na ang pinakamahal na presyo niyan sa mga bangketa! Kahit ilan pa nga bilhin mo! Heaven Defying Dragon Bone Needles o anupamang tawag diyan, nangangamba akong kalokohan lang ang lahat ng iyan!”Agad namang may natawa sa eksena matapos makita ang tatlumpu’t anim na karayom ​​sa loob ng kahon. Isa siyang binata.Siya ang apo ni Jack Hauffer–-si Georgie Hauffer.Marami rin ang may parehong saloobin dahil hindi naman lahat ay nakakita na ng mga kakaibang kayamanan sa kani-kanilang mga buhay.Kahit na ang matandang babae na isang tradisyunal na doktor ay narinig lamang ang mga alingawngaw, hindi niya pa nakikita ang tunay na hitsura ng mga karayom.“Hmph, bata ka lang! Anong alam mo?” Binatuhan ni Darven si Georgie ng mapanlait na tingin. “Ipapakita ko sa inyong mga normies kung gaano kalakas ang mga bone needle na ito!”Kinuha niya ang isa sa mga bone needle at marahang tinusok ang mesang gawa
Read more

Kabanata 926

Dahil bagay iyon na iniwan ng kanyang mga ninuno, siyempre, kailangan niyang bawiin iyon.Sa sandaling ito, napansin niyang may kumurot sa braso niya.‘Bwisit, sino iyon? Ang sakit ha!’Lumingon siya at nakita niya na ang mayamang binibini, si Phoebe Larsen.‘Kurutin ba naman yung braso ko nang walang dahilan, naghahanap ka ba ng gulo?’Naging malamig ang ekspresyon ni Alex. Inabot din niya ito at binigyan ng mabigat na kurot bilang ganti.Mismo sa mga hita nito.Tagos sa buto yung sakit.Oo, nadulas siguro yung mga kamay niya. Iyon ang dahilan kung bakit.Nanginginig agad ang dalaga sa sakit at halos mapasigaw.Buti na lang, naalala pa niyang nasa meeting venue sila, at sobrang nakakahiya kung sisigaw siya ngayon.Dali-dali niyang tinakpan ang bibig niya at tinitigan ng masama si Alex. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, at sa sumunod na sandali, hinawakan niya ang braso ni Alex at mariin itong kinagat.“Aray!” Napasigaw siya sa sakit.Ang sakit ng ngipin niya!Parang halos matanggal
Read more

Kabanata 927

Nang mapili na ang tatlong pasyente, naging mas masigla kaagad ang venue kaysa kanina.Lahat ng naroroon ay mga kilalang doktor mula sa naturang lugar. Maliban sa mga kanluraning doktor, hangga’t ang isa ay tradisyunal na doktor, natutunan niya na dapat ang apat na paraan ng pagsuri ng isang pasyente: tumingin, makinig, magtanong, at damdamin ang kanilang pulso, saka lang malalaman kung sino ang may mas mataas o mas mababang mga kasanayan...Tumingin sa tatlong pasyente ang mga taong ito at nagsimulang magbulungan sa isa’t-isa, pinag-uusapan sila.“May bahagyang umbok ang tiyan ng babae. Mukhang buntis siya.”“Tingnan mo ang batang iyon. Dilaw at payat yung mukha niya. Halatang kulang siya sa nutrisyon.”“At ang matandang iyon, kahit anong tingin ko sa kanya... Parang kakaiba siya. Masyadong maputla ang kanyang mukha, at tila walang buhay ang kanyang katawan. Batay sa sitwasyon, ang mga palatandaang ito ay karaniwang makikita lamang sa mga bangkay. Magiging medyo nakakadismaya ang kaso
Read more

Kabanata 928

Mahinang bulong ni Phoebe sa sarili at lumingon para makita si Cheryl na nakatingin sa kanya na may kakaibang tingin sa mga mata. Bigla niyang naramdaman na parang sinusubukan niyang nakawin ang nobyo ng kanyang matalik na kaibigan, pero... Siya yung pinagsamantalahan dito!***Sa entablado, malamig na nakatingin si Darven kay Alex.Ngayon pa lang, lihim niyang napagdesisyunan sa kanyang isipan na humanap ng pagkakataong patayin ang batang ito. Sa kanyang mga kakayahan, hindi magiging mahirap na pumatay ng ordinaryong tao.Hindi niya inaasahang susulpot ang binata at iaalok ang sarili ng ganito.Kaya, inilibot niya ang kanyang mga mata at sinabing, “Ikaw na naman, anak. Anong gusto mo?”Bumaling si Alex kay James at sinabing, “Master, para harapin ang ganitong klsae ng magnanakaw na nanlilinlang sa kaniyang sariling master at ninuno, gaano karapat-dapat para sa’yo na personal na umaksyon? Hindi siya karapat-dapat. Kaya hayaan mo akong harapin siya. Manood ka na lang sa gilid at suporta
Read more

Kabanata 929

“Ano? Puwede bang manganak kaagad ang isang babae, na anim na buwang buntis, sa loob ng kalahating oras?”“Nananaginip ba siya? Bakit hindi na lang niya sinabing matanda na yung ipapanganak niya sa buntis, kung ganoon?” mahinang ungol ni Phoebe, talagang walang masabi.Nakanganga at natigilan ang bawat tao sa bulwagan. Pagkaraan ng ilang sandali, may nagsimulang tumawa, at hindi nagtagal ay nahantong ang buong bulwagan sa mga dagundong ng tawa.“Nagpapatawa lang naman ang lalaking ito, tama?”“Alam ng lahat na dadaan sa sampung buwan ng pagbubuntis ang isang babae. Gusto niya ba talagang manganak ang babaeng anim na buwan pa lang na buntis? Premature birth ang kalalabasan niyan!”“Saan nanggaling ang weirdong ito?”Sa sandaling ito, may sumigaw sa karamihan, “Ah, naaalala ko na ngayon. Siya ang inabandunang binata na pinatalsik mula sa pamilyang Rockefeller sa California. Nagpakasal siya sa pamilyang Assex at nakilala sa California dahil sa pagiging walang silbi. Diyos ko, paano nagawa
Read more

Kabanata 930

Sa ibaba ng entablado, nagsimula na naman ang isa pang round ng tawanan.Gayunpaman, sa sandaling ito, biglang hinawakan ng dalaga ang kanyang tiyan at napasigaw. Puno ng pagkalito ang kanyang mukha, at tumingin siya kay Darven na may pagtataka sa kanyang mukha at sinabing, “Doctor Darven, ako... Sumasakit ang tiyan ko. Masakit talaga!”Bakit kailangan niyang idagdag ang salitang ‘talaga’?Marahil dahil hindi naman talaga masakit iyon kanina!Noong sinabi niyang masakit iyon, peke lang iyon.Gayunpaman, talagang sumakit na yung tiyan niya ngayon, at parang napipilipit at nagkakagulo yung mga bituka niya.Nagulat si Darven, at sinabi niya, “Hayaan mong tingnan ko.”“Hindi na kailangan,” sabi ni Alex sa halip. “Sinabi ko na. Manganganak na siya! Kapag dumating na ang panahon, babagsak talaga ang hinog na melon. Binibini, binabati kita, magiging ina ka na.”Sa iilang salita lamang na ito, naramdaman ng dalaga ang pagtitindi ng sakit.Hindi man lang siya makatayo ng maayos sa kanyang mga b
Read more
PREV
1
...
9192939495
...
195
DMCA.com Protection Status