“Hah? Ano ang mga ito?”“Hindi naman siguro basta-bastang babasagin iyan, ano? Dalawang dolyares na ang pinakamahal na presyo niyan sa mga bangketa! Kahit ilan pa nga bilhin mo! Heaven Defying Dragon Bone Needles o anupamang tawag diyan, nangangamba akong kalokohan lang ang lahat ng iyan!”Agad namang may natawa sa eksena matapos makita ang tatlumpu’t anim na karayom sa loob ng kahon. Isa siyang binata.Siya ang apo ni Jack Hauffer–-si Georgie Hauffer.Marami rin ang may parehong saloobin dahil hindi naman lahat ay nakakita na ng mga kakaibang kayamanan sa kani-kanilang mga buhay.Kahit na ang matandang babae na isang tradisyunal na doktor ay narinig lamang ang mga alingawngaw, hindi niya pa nakikita ang tunay na hitsura ng mga karayom.“Hmph, bata ka lang! Anong alam mo?” Binatuhan ni Darven si Georgie ng mapanlait na tingin. “Ipapakita ko sa inyong mga normies kung gaano kalakas ang mga bone needle na ito!”Kinuha niya ang isa sa mga bone needle at marahang tinusok ang mesang gawa
Dahil bagay iyon na iniwan ng kanyang mga ninuno, siyempre, kailangan niyang bawiin iyon.Sa sandaling ito, napansin niyang may kumurot sa braso niya.‘Bwisit, sino iyon? Ang sakit ha!’Lumingon siya at nakita niya na ang mayamang binibini, si Phoebe Larsen.‘Kurutin ba naman yung braso ko nang walang dahilan, naghahanap ka ba ng gulo?’Naging malamig ang ekspresyon ni Alex. Inabot din niya ito at binigyan ng mabigat na kurot bilang ganti.Mismo sa mga hita nito.Tagos sa buto yung sakit.Oo, nadulas siguro yung mga kamay niya. Iyon ang dahilan kung bakit.Nanginginig agad ang dalaga sa sakit at halos mapasigaw.Buti na lang, naalala pa niyang nasa meeting venue sila, at sobrang nakakahiya kung sisigaw siya ngayon.Dali-dali niyang tinakpan ang bibig niya at tinitigan ng masama si Alex. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, at sa sumunod na sandali, hinawakan niya ang braso ni Alex at mariin itong kinagat.“Aray!” Napasigaw siya sa sakit.Ang sakit ng ngipin niya!Parang halos matanggal
Nang mapili na ang tatlong pasyente, naging mas masigla kaagad ang venue kaysa kanina.Lahat ng naroroon ay mga kilalang doktor mula sa naturang lugar. Maliban sa mga kanluraning doktor, hangga’t ang isa ay tradisyunal na doktor, natutunan niya na dapat ang apat na paraan ng pagsuri ng isang pasyente: tumingin, makinig, magtanong, at damdamin ang kanilang pulso, saka lang malalaman kung sino ang may mas mataas o mas mababang mga kasanayan...Tumingin sa tatlong pasyente ang mga taong ito at nagsimulang magbulungan sa isa’t-isa, pinag-uusapan sila.“May bahagyang umbok ang tiyan ng babae. Mukhang buntis siya.”“Tingnan mo ang batang iyon. Dilaw at payat yung mukha niya. Halatang kulang siya sa nutrisyon.”“At ang matandang iyon, kahit anong tingin ko sa kanya... Parang kakaiba siya. Masyadong maputla ang kanyang mukha, at tila walang buhay ang kanyang katawan. Batay sa sitwasyon, ang mga palatandaang ito ay karaniwang makikita lamang sa mga bangkay. Magiging medyo nakakadismaya ang kaso
Mahinang bulong ni Phoebe sa sarili at lumingon para makita si Cheryl na nakatingin sa kanya na may kakaibang tingin sa mga mata. Bigla niyang naramdaman na parang sinusubukan niyang nakawin ang nobyo ng kanyang matalik na kaibigan, pero... Siya yung pinagsamantalahan dito!***Sa entablado, malamig na nakatingin si Darven kay Alex.Ngayon pa lang, lihim niyang napagdesisyunan sa kanyang isipan na humanap ng pagkakataong patayin ang batang ito. Sa kanyang mga kakayahan, hindi magiging mahirap na pumatay ng ordinaryong tao.Hindi niya inaasahang susulpot ang binata at iaalok ang sarili ng ganito.Kaya, inilibot niya ang kanyang mga mata at sinabing, “Ikaw na naman, anak. Anong gusto mo?”Bumaling si Alex kay James at sinabing, “Master, para harapin ang ganitong klsae ng magnanakaw na nanlilinlang sa kaniyang sariling master at ninuno, gaano karapat-dapat para sa’yo na personal na umaksyon? Hindi siya karapat-dapat. Kaya hayaan mo akong harapin siya. Manood ka na lang sa gilid at suporta
“Ano? Puwede bang manganak kaagad ang isang babae, na anim na buwang buntis, sa loob ng kalahating oras?”“Nananaginip ba siya? Bakit hindi na lang niya sinabing matanda na yung ipapanganak niya sa buntis, kung ganoon?” mahinang ungol ni Phoebe, talagang walang masabi.Nakanganga at natigilan ang bawat tao sa bulwagan. Pagkaraan ng ilang sandali, may nagsimulang tumawa, at hindi nagtagal ay nahantong ang buong bulwagan sa mga dagundong ng tawa.“Nagpapatawa lang naman ang lalaking ito, tama?”“Alam ng lahat na dadaan sa sampung buwan ng pagbubuntis ang isang babae. Gusto niya ba talagang manganak ang babaeng anim na buwan pa lang na buntis? Premature birth ang kalalabasan niyan!”“Saan nanggaling ang weirdong ito?”Sa sandaling ito, may sumigaw sa karamihan, “Ah, naaalala ko na ngayon. Siya ang inabandunang binata na pinatalsik mula sa pamilyang Rockefeller sa California. Nagpakasal siya sa pamilyang Assex at nakilala sa California dahil sa pagiging walang silbi. Diyos ko, paano nagawa
Sa ibaba ng entablado, nagsimula na naman ang isa pang round ng tawanan.Gayunpaman, sa sandaling ito, biglang hinawakan ng dalaga ang kanyang tiyan at napasigaw. Puno ng pagkalito ang kanyang mukha, at tumingin siya kay Darven na may pagtataka sa kanyang mukha at sinabing, “Doctor Darven, ako... Sumasakit ang tiyan ko. Masakit talaga!”Bakit kailangan niyang idagdag ang salitang ‘talaga’?Marahil dahil hindi naman talaga masakit iyon kanina!Noong sinabi niyang masakit iyon, peke lang iyon.Gayunpaman, talagang sumakit na yung tiyan niya ngayon, at parang napipilipit at nagkakagulo yung mga bituka niya.Nagulat si Darven, at sinabi niya, “Hayaan mong tingnan ko.”“Hindi na kailangan,” sabi ni Alex sa halip. “Sinabi ko na. Manganganak na siya! Kapag dumating na ang panahon, babagsak talaga ang hinog na melon. Binibini, binabati kita, magiging ina ka na.”Sa iilang salita lamang na ito, naramdaman ng dalaga ang pagtitindi ng sakit.Hindi man lang siya makatayo ng maayos sa kanyang mga b
Nang makita ng mga babaeng tumulong ang reaksyon ng matandang babae, nagulat silang lahat. Likas silang napatingin sa dalaga.Kung hindi sila tumingin, hindi nila malalaman kung anong nangyayari. Pero nang makita nga nila, namangha sila.“Naku, lalaki siya?”“Diyos ko. Anong nangyayari? Bakit nanganganak ang isang lalaki? Maaari kayang hindi isang sanggol yung nasa tiyan niya?”“Isa siyang transsexual. Diyos ko. Nanganganak ang isang transexual. Dios miyo!” Ang mga babaeng tumulong, na bumubuo ng bilog sa paligid ng buntis, lahat sila ay nagsimulang mapabulalas sa gulat.Ngayon, alam na ng lahat kung anong nangyayari.Pakiramdam ni Phoebe Larsen ay nauubusan na ng espasyo ang utak niya.“Hindi siya babae, sa halip ay isang transsexual?”“Pero siya mismo ang nagsabi na anim na buwan na siyang buntis. Nagpa-checkup pa nga siya sa ospital. Hindi maaaring hindi matukoy ng ospital kung buntis siya o hindi.”“Hindi ba halata? Nakikipagsabwatan ang babaeng ito kay Darven Mikail para lokohin a
Tumama sa ilong ni Darven Mikhail ang bagay na iyon bago bumagsak sa sahig.Isang maliit, manipis, pulang ahas pala ito na wala pang sampung sentimetro ang haba. Nang bumagsak ito sa sahig, kumakawag-kawag pa rin ang buntot nito, ngunit ang utak nito ay pinira-piraso na.“Ahh—”Napaatras lahat sa takot ang mga babae.Kinatatakutan ng karamihan sa mga babae ang mga ahas.Nang makita ni Darven ang patay na maliit at pulang ahas, nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.Ito pala dapat ang trump card niya.Kanina, gusto niyang tahimik na patayin si Alex. Kaya naman palihim niyang pinakawalan ang makamandag, maliit, pulang ahas na ito habang ang atensyon ng lahat ay nasa buntis na transsexual na babae. Gayunpaman, hindi niya lubos maisip ang mga bagay-bagay. Kanina, malinaw niyang nakita ang maliit at pulang ahas na ito na gumagapang na sa binti ni Alex. Paano iyon napatay ni Alex?Kailan kumilos si Alex? Hindi man lang ito napansin ni Darven.“Isa kang Southeast Asian shaman, tama? Napakahusa
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l