All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 861 - Chapter 870

1942 Chapters

Kabanata 861

Nakasabit sa mataas na mga sanga ng puno ang sapatos, hindi bababa sa pito o walong metro sa ibabaw ng lupa.Paano iyon makukuha ninoman?Galit na galit ang babaeng doktor. Wala pa siyang nakikilalang lalaking ganito kasahol sa buong buhay niya. Higit sa lahat, na-sprain pa ang kanyang bukung-bukong. Ngayon na ang isa sa kanyang mga sapatos ay nasa puno, at hindi niya ito makukuha, paano siya maglalakad pauwi?“G*go. Sana—Ano? Saan siya pumunta?” Sisigaw na naman ang babaeng doktor. Gayunpaman, napagtanto niya na si Alex Rockefeller, na nauna lang sa kanya sa paglalakad ngayon lang, ay biglang naglaho.Mahabang diretso yung daanan, walang ibang sangang-daan sa kalsada.Paano siya nawala?Nagsitayuan ang buhok ng babaeng doktor. Sa sandaling iyon, may tumatawag sa phone. Talagang ipinakita sa screen ng phone ang pangalan ni Cheryl Coney.“Phoebe, gusto mo bang dumalo sa Triangle River Delta Medical Exchange sa susunod na linggo? Kung gusto mo, isusulat na kita rito,” sabi ni Cheryl.“Oo
Read more

Kabanata 862

Kasabay nito, inilahad ni Zendaya Stoermer ang natatanging patalastas para sa Lush Cosmetics sa kanyang opisyal na Twitter account. Inanunsyo din niya na opisyal na ilulunsad ang produktong pangtanggal ng peklat ng Lush Cosmetics sa susunod na linggo, at ang epekto ng Lush Scar Removal Cream ay mas mahusay kaysa sa lahat ng katulad na produkto nito sa mundo. Peklat man mula sa pagpapaopera, pagkabata, o pagkabuntis, maglalaho ang mga ito nang hindi nag-iiwan ng bakas sa loob ng dalawang linggo.Nang lumabas ang balitang ito, nagwala ang mga tao sa internet.Kapag nag-aanunsyo ng pampaganda, sinong ambassador ang maglalakas-loob na gumawa ng ganoong tahasan at konklusibong pahayag? Sa madaling salita, hindi lamang iyon paghuhukay ng sariling libingan, ngunit mag-aakit din iyon ng pagkamuhi para sa naturang produkto.Kapag binili at ginamit ng mga mamimili ang produkto, at napagtanto na ang produkto ay hindi kasing epektibo gaya ng inaasahan, nakakahiya iyon.Ganoon ba talaga ka-epektibo
Read more

Kabanata 863

Masasabing labis na nalulumbay na ang mood ngayon ni Claire Assex.May lumang kasabihan na ang sinuman ay dapat palaging magdusa para sa sariling mga pagkakamali.Bilang babaeng nahuhumaling sa pera, kamakailan lamang ay nagtagumpay si Claire na itaboy ang kanyang manugang. Pagkatapos noon, napagtanto niyang yumaman na pala ito, kumikita ng higit at mas maraming pera, at ang gayong kaakit-akit na halaga ng pera ay hindi na pala mapupunta sa kanya.Ngunit lahat ng pera na iyon ay dapat na pag-aari niya!Napapaisip siya kung magigising ba siya na tumatawa mula sa kanyang mga panaginip kung meron siyang napakaraming pera.Pero…“Dorothy, nag-uusap ba… kayo ni Alex kamakailan?” tanong ni Claire.“Hiwalay na kami. Bakit pa kami mag-uusap?” Nagtaas ng kilay si Dorothy at sumulyap sa ina habang nagsasalita.“Oh, ano lang kasi... nag-aalala lang ako sa’yo. Hindi ka na bata, at nakipaghiwalay ka. Ang ibig kong sabihin, kung palagi mo siyang iniisip, puwede mo naman siya puntahan. Hindi na ako
Read more

Kabanata 864

“Nakita ninyo na ba ang pinakabagong opisyal na balita ng Lush Cosmetics? Inaangkin nila na mabubura ang mga puting spot na naiwan pagkatapos gumamit ng ibang tatak ng acne cream. Sino sa tingin ninyo ang tinutukoy nila? Tayo!“Sa buong merkado, ang acne cream lang natin ang makakapagtanggal ng mga acne spot, ngunit nag-iiwan pa rin ito ng maliliit at puting batik. Pero hindi lamang ganap na mabubura ng produkto ng Lush Cosmetics ang mga acne spot, mareresolba din nito ang ating problema. Kaya sino pang gugustuhing bumili ng mga produkto natin?“Isa na ‘tong giyera!” Ang mga salita ni Carol Rockefeller ay nagparamdam sa lahat na para silang nahaharap sa isang digmaan nang walang anumang pulbura.“Anak, may laban ka ba para dito? Tunay na bumabagsak ang negosyo ng pamilyang Rockefeller nitong mga nakaraang panahon. Ang pinakamasaklap, hindi nagkakaisa ang mga shareholder. Naghahanda ang lahat na umatras. Nag-aalala akong ililipat nila ang mga shares na pagmamay-ari nila sa isang partiku
Read more

Kabanata 865

Si Noah Rockefeller ang orihinal na pansamantalang CEO. Dahil anak niya si Carol Rockefeller, hindi problema na ibigay sa anak niya ang posisyon ng CEO.Gayunpaman, walang-wala na si Olivia Banks ngayon. Ang natitira na lang sa kanya ay ang kapangyarihan ng titulo sa Rockefeller Group na naiwan ng kanyang asawa. Ito ay dahil meron pa rin silang 30% ng mga share ng Rockefeller Group. Hinihintay pa rin ni Olivia na magkamalay si John Rockefeller para mabawi nito ang kapangyarihan sa pamilya.Sa mga araw na ito, napansin ni Olivia kung paano nagbago ang ugali ng mga tao sa paligid niya.Dati, ginagalang nila siya. Ngayon, inaapi nila siya sa lahat ng posibleng paraan.Kahit yung mga mula sa nakababatang henerasyon ay nangahas na harapin siya!“Carol, sino ka sa tingin mo? Ang bata-bata mo pa. Anong karapatan mo para maging CEO ng Rockefeller Group? Kung may ipapalit man sa posisyon, ako iyon. Si John ang pinakamalaking shareholder ng Rockefeller Group,” sabi ni Olivia habang nakadilat ang
Read more

Kabanata 866

Dahil sa pananakot at panggigipit ni Seamus Owen, atubiling pumirma si Olivia Banks sa isang notice na tinatalaga si Carol Rockefeller bilang bagong CEO ng Rockefeller Group.***Natapos ang meeting ng pamilya.Ipinakilala muli nina Noah Rockefeller at Mariah Hamilton ang kanilang mga sarili kay Seamus.Pagkatapos noon, tahimik silang nakipag-usap sa kanilang anak.“Anak, paano mo nakilala si Seamus? Sa ilang kadahilanan, nararamdaman kong... nakakatakot ang taong ito. Isang tingin ko lang sa kanya kinikilabutan na ako,” sabi ni Noah.“Dad, ‘yan ang kailangan natin. May mahusay na kakayahan si Seamus. Siya ang pinuno ng Leviathan Gate. Maliit na pakulo pa lang yung ginawa niya kanina. Umaasa lang si Alex sa kaunting kaalaman sa martial arts na taglay niya para apihin tayo, hindi ba? Sa pagkakataong ito, sa tulong ni Seamus, masisiguro na natin na hindi mamumuhay nang payapa si Alex,” sabi ni Carol.“Ibig sabihin ba niyan ay maaaring direktang patayin ni Seamus si Alex?” masayang tanong
Read more

Kabanata 867

“Anong nakikita mo?”Itinuro ni Susan Hunter ang katimugang bahagi ng base militar sa ilalim nila.Nakita ni Alex Rockefeller ang bahid ng pula, galit na galit na enerhiya sa pamamagitan ng kanyang observational Chi. Gayunpaman, malamang na walang kinalaman ito sa sinaunang libingan. Sa halip, ito ay nauugnay sa base militar na kakaiba sa ibang mga lugar. Natural na may galit na galit na enerhiya ang mga sundalong dumating para pigilan ang mahihina at sugpuin ang masasama.“Wala akong nakikitang kakaiba. Ikaw ba?” tanong ni Alex.Pumikit si Susan.Itinuon niya ang kanyang pansin sa Yin energy sa katawan niya. Bigla iyong tumaas.Ramdam ni Alex na ang Yin energy nito ay nagsasama-sama patungo sa mga kilay nito nang napakabilis. Wala pang isang minuto, lumitaw ang malabong mata sa pagitan ng mga kilay nito.“Juskopo! Isang primordial na mata!” bulalas ni Alex.Natigilan si Alex.Ang isang primordial na mata ay bagay na hindi maaaring buksan ng sinuman maliban kung sila ay likas na pinagp
Read more

Kabanata 868

“Kidlat, labas!” Tawag ni Alex Rockefeller.Boom!Agad na tumama ang isang kidlat sa maliit na puno sa malapit at bumagsak.Napatulala si Susan Hunter.Maya-maya, umalis na silang dalawa.Gayunpaman, makalipas ang ilang minuto, isang matandang lalaki na nakasuot ng itim ang lumapit.Napatingin siya sa puno na natamaan bago hinawakan ang siwang. Sa katunayan, dinilaan pa niya ito. May bahagyang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng lalaki. Tahimik niyang pinagmamasdan ang maliit na sasakyan na papaalis sa paanan ng burol. May kakaibang malalim na tingin sa kanyang mga mata.***Sa Rockefeller Manor sa California, may sumigaw nang napakalakas na kahit ang mga tao sa katimugang bahagi ng estate ay maririnig ito.“Carol, g*ga ka. Hindi ako makapaniwalang mas tanga ka pa sa Brittany na iyon. Nakikipagtalik ka talaga sa hayup na iyan. Bakit hindi ka na lang kaya maging pokpok? G*ga, magkakaroon ka ng kakila-kilabot na kamatayan sa hinaharap.” Tiyak na masasabi ni Olivia Banks mula sa tunog kun
Read more

Kabanata 869

Nagkakagulo na ngayon.Dapat palang malaman na ang mga gard sa Lush Cosmetics ay dating nagtatrabaho para kay Holly Yates partikular sa underworld.Ngayon, kinuha ni Alex Rockefeller si Holly, at siya ang may pananagutan sa kaligtasan ni Brittany Rockefeller at ng iba pa. Samantala, ang puwersang panseguridad ng kumpanya ay ipinasa sa ilang may kakayahang tauhan. Ang natitirang mga talento ay napili upang magtrabaho sa pabrika ng Lush Cosmetics.Matapos bumagsak sa lupa at dumura ng dugo ang gard, agad siyang bumangon at sumigaw. “Pumasok na ang mga kaaway. Mga kapatid, magtipon kayo!”Nagmamadaling lumabas ang mga gard sa kumpanya.Ang iba ay may hawak na mga bakal habang ang iba ay may hawak na kutsilyo. Hindi sila bababa sa tatlumpo sa kabuuan.Medyo nagulat ang dalawang eksperto ng Leviathan Gate sa trak.Ang kanilang mga pangalan ay Carlos Jung at Max Dunne.Noong una, nasa Michigan sila para hanapin si Guardian Darren Vaudou mula sa Leviathan Gate. Sa huli, hindi nila mahanap si
Read more

Kabanata 870

Iyon ay dahil sa wakas ay nakakaramdam na ng sakit si Carlos Jung.Lahat ng limang daliri sa kanang kamay niya ay naputol.Sa sumunod na segundo, sinunggaban siya ng dalagang may malamig na ekspresyon.Shing!Nilaslas nito ang kutsilyo sa balikat niya.Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Carlos ay parang mapuputol na ang kalahati ng kanyang katawan.Dug.Napasubsob si Carlos sa kanyang pwetan sa lupa habang puno ng dugo ang buong katawan. Saka lang siya nagpakawala ng mahaba at nakakaawang iyak. Gayunpaman, kaagad pagkatapos nito, merong hindi bababa sa dalawampung higit pang mga laslas ang inabot ng kanyang leeg. Nakulong sa kanyang lalamunan ang nakakaawa niyang iyak.“Naku po!” Biglang natigilan si Max Dunne na naghihintay kay Carlos na magpakita ng lakas.Sino ang mga taong ito?Bakit naging ganito kalakas ang isang dalaga?Naghukay si Seamus Owen ng mga libingan para sa kanila!Sa sandaling ito, iniisip ni Max kung may hinanaing si Seamus sa kanila at sinadyang humukay ng libingan pa
Read more
PREV
1
...
8586878889
...
195
DMCA.com Protection Status