All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 871 - Chapter 880

1942 Chapters

Kabanata 871

Galit na galit si Brittany Rockefeller.Walang utang na loob si Carol Rockefeller. Noon, kung hindi iniligtas ng asawa ni Brittany ang buhay nito, matagal na itong nakalibing sa ilalim ng lupa. Dati, ang paninirang-puri kay Alex Rockefeller sa internet ay ideya rin ni Carol.Sa pagkakataong ito, nagpadala na talaga ng mga tauhan si Carol para dukutin si Brittany.“Bumalik tayo sa California. Pupunta tayo sa tahanan ng pamilyang Rockefeller!” Nagpasya si Brittany.Binibilang ni Alex ang mga araw. “Oras na. Dati, binigyan ko sila ng deadline na ibalik sa atin ang Rockefeller Manor sa ikalima ng Oktubre, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagkusang gawin iyon, “sabi niya.Malamig ang ekspresyon ng mukha ni Brittany. “Walang saysay na umasa ng anuman sa mga taksil na ito. Regalo sa’yo ng ama mo ang manor na iyon noong kaarawan mo. Oras na para mabawi mo iyon. Umalis na tayo kaagad at pumunta sa California,” sabi niya.Nagkataon namang hinatid si Zendaya Stormer ng kanyang bodyguard.Umalis a
Read more

Kabanata 872

Bukod pa rito, maraming pera ang Rockefeller Group at gusto ni Seamus Owen na gawing kanya ang lahat ng pera.“Seamus, meron ba talagang ganung makapangyarihang tao? Hindi ba’t parang diyos na rin ang master mo?” tanong ni Carol Rockefeller.“Ang mystic cultivation ay ang landas upang maging isang diyos. Ang mga may mataas na antas ng cultivation ay maaaring magkaroon ng mas mahabang buhay at kahit pa nga imortalidad, “sabi ni Seamus.Nang makita niya kung gaano namangha si Carol, nagdagdag si Seamus ng mas kapana-panabik na mga bagay. “Honey, samahan mo akong mag-cultivate habang nagsasanay ako. Ito ay itinuturing na pagsasanib-puwersa ng Yin at Yang, kung saan ang magkaibang kasarian ay magkasamang naglilinang. Makakatanggap ka rin ng malalaking benepisyo. Tingnan mo, masigla ang espiritu mo kamakailan, hindi ba? Pati yung puson mo ay lumaki na, hindi ba? Ito ay para matulungan ka sa Foundation Establishment. Kapag naging matagumpay ito, mabubuhay ka ng isa pang daang taon... Gayunpa
Read more

Kabanata 873

‘Gusto mo ring maabot ang Foundation Establishment? Gusto mong mabuhay ng isang daang taon pa? Wala ka bang ideya kung paano kumuha ang g*gong iyon ng mga tao para sa Foundation Establishment na iyan? Gusto mo bang pagtaksilan ako?’ Bagama’t hindi malakas na sinabi ni Noah Rockefeller ang kanyang mga saloobin, ipinapahayag ng kanyang ekspresyon sa mukha ang lahat.Tila naramdaman ni Mariah Hamilton ang galit ng kanyang asawa. Inilibot niya ang kanyang mga mata. “Ang ibig kong sabihin ay, meron bang paraan upang maabot ang Foundation Establishment nang hindi ginagawa ang ginawa ni Carol?”“Ate, gumagana ba talaga ito? Ang pahabain ng buhay ng isang daang taon at pananatiling bata magpakailanman ay mukhang walang katotohanan. Talaga bang umiiral ang mga kakaibang bagay na tulad nito sa mundo? Maaari kayang… Maaari kayang manloloko siya?” tanong ni Natalie Rockefeller.Malamig na umungol si Carol Rockefeller. “Minsan lang sa buhay mo magpapakita ang ganitong oportunidad. Hindi mo ba alam
Read more

Kabanata 874

Ngunit hindi talaga akalain ni Helen Stoermer na si Brittany Rockefeller ay napakalakas na eksperto pala... Ang ganoong klase ng galaw na maaaring palibutan ng yelo ang pinto at wasakin ito pagkatapos ay isang bagay na hindi man lang magagawang isipin ng Earth expert tulad ni Helen. Malayo na iyon sa mga kakayahan ng martial arts.‘Totoo nga, hindi rin simpleng tao ang ina ni Master Rockefeller!’ Tahimik na naisip ni Helen sa sarili. Napagtantuan niyang mas kahanga-hanga ang pamilya ni Alex Rockefeller.Samantala, nagising sa pagsabog ang may edad na bodyguard, na nakatulog sa likod ng pinto.Pagtingin niya sa pinto, nagulat siya.“Kayo...” Sigaw ng bodyguard. Gayunpaman, mabilis niyang namukhaan sina Alex at Brittany. Bumara ang mga salita sa kanyang lalamunan pagkatapos noon. Alam niya kung sino sila, ang mga dating may-ari ng bahay na ito.“Hindi mo ba ako nakikilala?” Kasing lamig ng yelo ang mukha ni Brittany.Mula nang makatanggap si Brittany ng tulong mula kay Alex, naging matag
Read more

Kabanata 875

Ang mga taong kasama ng pamilya ni Alex Rockefeller ay pawang mga martial artist.Ngayon, habang nakatayo sila sa sala ng bahay ni Noah Rockefeller, malinaw na naririnig nila ang mga boses na nagmumula sa loob ng kwarto. Totoo nga, nagmumula sa dalawang babae yung mga boses, ang isa ay matinis at ang isa ay malalim.Tungkol sa boses ng lalaki, maaari itong direktang huwag pansinin.Pamilyar si Brittany Rockefeller sa dalawang anak na babae ni Noah. Naisip niya kaagad kung anong nangyayari. Bukod sa pagkagulat sa loob-looban, nakaramdam siya ng matinding pagkabigo at galit sa pamilya ni Noah.Hindi siya makapaniwalang may mga ganitong klase ng magulang sa mundong ito.Nakaramdam ng pagkakasala si Mariah Hamilton, at agad niyang itinanggi kung ano ang ipinapalagay. “Sinong nagsabing dalawang babae? Isa lang ang babae, at siya ang panganay, si Carol. Kasama niya ang boyfriend niya. Hindi naman siguro ilegal ang ginagawa nila sa bahay, ano? Wala itong kinalaman sa’yo, Brittany.”Napakalaka
Read more

Kabanata 876

Sa wakas ay napagtanto ni Carol Rockefeller kung anong mali.May kakaibang tingin sa mga mata ang mga taong nakatayo sa likod ni Alex Rockefeller.Parehong mukhang maayos sina Brittany at Alex Rockefeller, at hindi sila nakatali para limitahan ang kanilang mga kilos. Samantala, ang mga tao sa likuran nila ay nakatitig kay Carol na may malamig at gustong pumatay na mga tingin.Kung mga tauhan sila ni Seamus Owen, hindi sila magpapakita ng gayong mga ekspresyon.Saglit na umiling ang kanyang ulo, at unti-unting nawala ang pakiramdam ng pagkalitong dulot ng pagtalsik niya sa ere kanina.‘Maaari kayang pumanig ang mga tauhan ni Seamus kina Brittany at Alex?’ naisip ni Carol habang umuurong siya ng dalawang hakbang.“Seamus, hindi mo ba mga tauhan sa Leviathan Gate ang mga ‘to?” tanong ni Carol.Niyakap ni Seamus si Natalie at umiling. “Hindi,” sabi niya.Hindi man lang niya inalis ang tingin kay Maya Howards.Masyado siyang nasasabik at natuwa, at halos sumigaw siya ng malakas.Ang kanyang
Read more

Kabanata 877

Napaupo si Carol Rockefeller sa sahig. Pakiramdam niya ay tinamaan ng kidlat ang ulo niya.Boyfriend niya ba ‘to?Matapos makita ang babaeng mas maganda kaysa sa kanya, itinulak siya ni Seamus Owen sa sahig at umamin sa ibang babae.Kahit na sa nightclub nito unang nakilala si Carol, hindi ba’t hindi naman ito dapat maging ganito kawalang-puso matapos nilang makipagtalik sa isa’t-isa? Kakayahan ba ng normal na tao ang imoral na pag-uugaling ito? Lalo pa’t dinamay pa ni Carol ang kanyang nakababatang kapatid na babae, si Natalie Rockefeller, sa gulong ito.Dilat din ang mga mata nina Noah Rockefeller at Mariah Hamilton habang nakatingin kay Seamus.Tapos, si Natalie naman ang tiningnan nila.Noong una, tila masigla at magandang dalaga si Natalie. Pagkatapos lamang ng kalahating oras, tila pagod na siya at mukhang halos sampung taon na mas matanda.Maka-Diyos na cultivation?Pahabain ang buhay ng isang tao ng isang daang taon?Sa kasamaang palad, maaaring ang lahat ng ito ay kasinungalin
Read more

Kabanata 878

May sugat din sa mukha ni Seamus Owen, at umaagos ang dugo mula sa sugat.Inabot niya ito at hinawakan. “Ay dep*ta! Manong, ang lakas ng loob mong hampasin ang ulo ko?” Ungol ni Seamus.Pagkatapos ay sinipa ni Seamus si Noah Rockefeller patalsik sa ere. Malakas na tumama si Noah sa telebisyon.Kaya sanang pigilan ni Alex Rockefeller na mangyari iyon, ngunit hindi niya ginawa.Agad na tumakbo si Mariah Hamilton upang tingnan ang mga pinsala ni Noah. “Tao ka pa ba? Nakipagtalik ka lang sa anak ko, tapos ngayon tinatanggihan mo na siya at sinasaktan mo pa ang asawa ko? Ganyan ba kayong lahat sa Leviathan Gate, kasuklam-suklam at walanghiya?” Galit na sigaw ni Mariah.Umiling si Seamus na may mapagmataas na ekspresyon sa kanyang mukha. “Tinatanong mo pa ba kung mabuti o masama ang mga langgam kapag tinatapakan mo sila? Sa mga mata ko, wala kayong pinagkaiba sa mga langgam sa lupa! Ang lahat ng mga taga-Leviathan Gate ay mga taong may mataas na katayuan, tulad ng mga dragon. Dapat nga makar
Read more

Kabanata 879

“Hindi… Imposible. Paano ito nangyari?”“Ikaw… Sino ka ba?” Nagtatakang tumingin si Seamus Owen kay Holly Yates. Hindi niya matanggap ang katotohanan na ang babaeng multo, na pinaghirapan niyang alagaan sa loob ng isang dekada, ay basta-bastang pinatay. Hindi man lang nga ito nakagawa ng ingay.Naglaho ang kaluluwa nito, walang iniiwan.Pinakain ni Seamus ang multong ito ng sarili niyang dugo at sariling Yang energy.Binalak niyang gawing papet ito sa hinaharap.Sa huli…Masyadong mabilis ang mga pagbabago, at wala na siyang panahon para magsisi.Ngumisi si Holly. “Diyos lang daw ang makakagawa? Iyan lang ba ang meron ka? Nakahuli ka lang ng kung sinong babaeng multo, tapos sasabihin mong meron ka nang mala-Diyos na cultivation. Kung ganoon ang kaso, aba’y gumawa na ng rebolusyon ang lahat ng mga mala-Diyos na tao sa America! Gagana sa hangal ‘yang pambata mong pakulo, pero kailangan mo pang mag-aral ng sampung libong taon kung gusto mo kaming lokohin!“Higit sa lahat, gusto mo talagan
Read more

Kabanata 880

Ang epekto ng mystical tool na ito ay medyo katulad ng Blood Evasion na ipinakilala sa Ultimate Book of Medicine.Kumonsumo ito ng maraming dugo, sa halaga ng laman at buhay ng isang tao, upang pasiglahin ang walang katapusang potensyal na magagamit para sa pagtakas.Ang bilis talaga.May katulad na epekto ang jade pendant ni Seamus Owen.Umiling si Alex Rockefeller, alam niyang hindi siya makakahabol kahit na gustuhin niya.Pagbalik ni Alex, narinig niya ang histerikong sigaw ng isang babae. Napakabata nitong pakinggan.Matapos titigan, napagtanto niyang ang boses ay pagmamay-ari ni Natalie Rockefeller.Pagulong-gulong si Natalie sa lupa. Duguan ang magkabilang binti niya, at may sumisirit na tunog sa mga ito. Meron pa ngang madilaw-dilaw na pulang kulay na tumutulo sa lupa. Parang malagkit.Nabahiran ng makamandag na pulbos na inihagis ni Seamus ang mga binti ni Natalie.Ang mga bahagi ng kanyang mga binti na nabahiran ng makamandag na pulbos ay agad na naagnas at naninilaw. Naglabas
Read more
PREV
1
...
8687888990
...
195
DMCA.com Protection Status